Kabanata 10: Teddy Bear

1239 Words
Naabutan ni Adity ang binatang hinabol niya na papasakay na sa motor nito. Kung hindi pa niya binilisan ang pagtakbo ay malamang nakaalis na ito. "Talagang iiwanan mo ako dito?" asik niya dito. Tinapunan lang siya nito ng malamig na tingin. Ang akala mo naman ay may ginawa siyang malaking kasalanan dito at bigla itong nag-alboroto. Ipinagtatanggol niya lang naman ang tito niya, hindi niya naman alam na sobrang mamasamain nito ang bagay na iyon. "Sakay na!" malamig na utos nito sa kaniya. Napabuntong-hininga nalang siya. Kung ganito ang magiging ugali ng binata ay baka hindi siya tumagal na kasama ito. Para kasing babae na pabago-bago ang mood. Konting diskusyon lang ay para na itong batang magwa-walk out. Napilitan nalang siyang sumakay sa motor. Kung tutuusin ay pwede naman na siyang lumapit sa uncle niya para dito na magpatulong, kaya lang nang makita niyang nag-walk out ang binata kanina ay kating-kati ang mga paa niya na habulin ito. "May tiwala ka ba talaga sa uncle mo?" seryosong tanong ni Zygfryd. "Matagal ko ng kilala si uncle. Mabait siya. Alam mo hindi mo dapat siya paghinalaan." "May tiwala ka ba sa uncle mo?" ulit nito. "Sabi ko naman sa iyo. Mabait si uncle kaya hindi mo siya dapat na pagdudahan." Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa ni Zygfryd. Mayamaya ay naramdaman na niya ang pagpapagana nito ng makina ng motor kaya mabilis niya ng isinuot ang ibinigay nitong helmet. Pagdating sa luma nilang bahay ay bigla siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan ng muling makita ang mga na abong parte ng nasunog nilang tirahan. Habang bumababa siya ng motor ay pinagala niya ang tingin niya sa paligid. Unti-unting nanariwa sa kaniya ang mga masasaya at malulungkot na alaala na kasama niya ang kaniyang pamilya sa bahay na iyon. Habang tahimik niyang nililibot ang tingin ay nilampasan na siya ni Zygfryd. Kahit medyo alanganin pa siya ay sumunod narin siya sa binata. Magkasunod nilang tinungo ang main door. Dahil hindi naman iyon nakalock ay agad iyong nabuksan ni Zygfryd. Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanila ang makalat na loob ng bahay. Ang mga bahaging yari sa semento ay nangingitim na. Samantala ang mga yari naman sa kahoy ay halos maging abo na. Tahimik na nagpalinga-linga pa paligid si Zygfryd. Hinayaan niya lang ito. "Pwede mo ba akong dalhin sa kwarto ng kapatid mo?" Tango ang naging tugon niya dito. Katulad ng hiling nito ay tinahak niya ang daan patungo sa kwarto ng ate Aryanna niya. Sumunod naman sa kaniya si Zygfryd. Pagdating sa itaas ay binuksan niya ang isang nakasarang pinto. Agad pumasok doon ang binata. Siya naman ay nanatili lang na nakatayo sa labas ng kwarto. Tahimik niyang pinapanood ang ginagawa nito. Maya maya ay napansin niyang napatigil si Zygfryd at napatitig sa isang sunog na teddy bear. Iyon ang paboritong laruan ng ate niya. Niregalo iyon sa kapatid niya ng mga magulang nila noong nasa elementarya palang sila. Simula noon ay palagi na nitong dala ang teddy bear na iyon. Agad siyang pumaling ng tingin sa ibang direksyon. Mabilis niyang inawat ang sarili niya sa pare-reminisce pero kahit ano ang gawin niya ay hindi niya napigil ang tuluyang pagpatak ng mga luha niya. Tahimik siyang umiyak. Nagulat nalang siya ng makita na inaabutan na siya ng panyo ni Zygfryd. Kinuha niya naman iyon at mabilis na ipinamunas sa pisngi niya. "Umuwi na tayo." Nilampasan na siya ng binata. Nakapamulsa itong naglakad palayo. Taranta niya naman itong hinabol. Dahil sa takot na baka na-iilang ito sa pag-iyak niya ay mabilis niya itong pinatigil para sabihin na ayos lang siya. "Sorry. Naka-istorbo ba ako sa'yo? Sige na, ituloy mo na ang ginagawa mo. Ako nalang ang lalabas. Please." Sinubukan niya itong hilahin pabalik sa kwarto ng ate niya pero nagmatigas naman ito. "Sabi ko umuwi na tayo." "Pero paano 'yong ginagawa mo?" "Babalik nalang akong mag-isa." "Pero..." "Wala ng pero pero ok. Uuwi na tayo." Parang boss nitong utos. Tinanggal nito ang pagkakahawak niya sa braso nito at hinila na siya palabas ng bahay. Pagdating nila sa pinaradahan ng motor nito ay sinuotan pa siya nito ng helmet at sinenyasan na sumakay na. Ayaw niya pa sanang umalis pero wala naman na siyang magagawa kung wala na sa mood ang kasama niya. Bago umuwi ay dumaan muna sila sa isang fast food chain at nag tanghalian bago bumalik sa bahay na tinutuluyan nila. Pagdating nila roon ay nagpaalam rin kaagad ang binata at sinabi na may aasikasuhin lang ito. Hindi na siya nagtanong pa dito dahil ayaw niya namang masyadong makialam sa mga plano nito. ---×××--- "Where's the laptop?" Salubong na tanong kaagad ni Zygfryd kay Hanzo nang magkita sila nito. Agad niyang kinuha ang hawak nitong bag at ipinatong iyon sa upuang nakita niya, pagkatapos ay binuksan niya iyon. Hindi niya muna pinansin ang ibang laman ng bag. Inuna niya munang ilabas doon ang laptop. "What's the rush? Wala ba munang friendly hug bago ang lahat?" Hindi niya tinapunan ng pansin si Hanzo. Basta ang focus niya lang ay maisalpak na sa laptop ang nakuha niyang memory card kanina. Mula sa bulsa ng suot niyang pantalon ay inilabas niya iyon. Lumakad naman palapit sa kaniya si Hanzo at nakisilip sa ginagawa niya. "Ano ang laman niyan? Scandal videos ba?" Nakangisi nitong tanong. Matapos niyang mailagay sa isang card reader ang maliit na memory card ay isinaksak niya iyon sa laptop at sinimulang alamin ang laman ng bagay na iyon. Mabuti nalang at hindi na damage ang memory card. Agad niyang ni-play ang nag-iisang video na naka-save roon at pinanuod. "Who's that?" curious na tanong ni Hanzo habang titig na titig sa pinapanood nila. "It's Aryanna. A deceased sister of my client." "Ow..." Tahimik nilang pinanood ang video na laman ng memory card. Nakuha niya iyon sa teddy bear ng ate ni Adity. Dahil napansin niya kaagad ang kakaibang umbok sa tiyan ng teddy bear ay kinalikot niya ito. Tama nga siya ng hinala dahil hindi lang iyon basta ordinaryong laruan. Isa iyong espesyal na laruan na may nakakabit na hidden camera sa mga mata. Marami na siyang nakitang ganoon. Hindi niya lang iyon sinabi kay Adity dahil ayaw niyang isangkot pa ito sa gagawin niya. Although it was for her ay hindi niya naman gustong makipagtalo dito tungkol sa mga plano niya. Katulad nalang kanina. Concern lang naman siya dito pero parang ang pinapalabas nito ay tamang-hinala lang siya. It was part of his job. Ayaw niyang pakasigurado kaya lahat ay dapat niyang paghinalaan. Dahil gusto niyang malaman ang totoo ay dapat lang na simulan niya ang gagawin niya sa mga kakilala ng dalaga. Pagkatapos niyang panoorin ang video ay ibinalik niya iyon sa parte kung saan may nakuhaan iyong lalaki na may hawak ng baril. Itinigil niya iyon doon at itinuro sa kaibigan. "Kaya mo bang palinawanin ang kuhang ito? I-zoom mo sa pinakamalinaw na kaya mo." "Ahem, basta ba magkakasundo tayo sa presyo e." "Tch. Mukha ka talagang pera." "Mana lang ako sa'yo ulol." "Kapag ako kinailangan mo sisiguraduhin ko na triple ang ipe-presyo ko sa'yo tarantado." "Ito naman. Hindi na mabiro. Sige na nga. Libre nalang ito. Basta, ipapakilala mo ako sa client mo ah. Chicks ba?" Ibinigay na niya dito ang laptop at binuhat ang bag na binayaran na niya. "Madre." Tinalikuran na niya ito. Hinabol naman siya nito sa paglalakad at inakbayan. "Madre ang kliyente mo? Ano bang pinapa-trabaho niya?" "Ang pagkamatay ng pamilya niya." "Wow. Sounds interesting. Pwede ba akong makisawsaw? Wala naman akong trabaho ngayon e." "Gawin mo muna ang pinapagawa ko at pag-iisipin ko iyang inaalok mo." "Sus. Alam ko namang hindi mo ako matatanggihan e. Ikaw pa. Hindi mo kaya ako matitiis. Haha." Sumampa na siya sa motor niya at nagsuot ng helmet. Habang ang bag na kinuha niya kay Hanzo ay isinabit niya naman sa balikat niya. Hindi na siya nagpaalam dito. Basta niya na lang pinagana ang motor niya ng walang pasabi. Alam niya naman kasi na hindi niya ito mapipigilan sa pakikisawsaw e kaya ayaw na rin niyang makipagtalo pa dito. Mas maganda nga at tutulungan siya nito. Nang sa ganoon ay mas mapadali ang pag-alam niya sa lihim ng pamilya ni Adity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD