Pagkatapos maligo at magpalit ng damit ni Adity ay bumaba kaagad siya, kung saan naghihintay na sa kaniya si Zygfryd. Wala paring itong pinagbago. Katulad ng unang beses niya itong nakita ay may kulay itim parin sa suot nito. Paborito siguro nito ang kulay itim. Itim na tshirt na naman kasi ang damit nito. Tinernuhan iyon nito ng patig na pantalon at naka-boots pa. Kahit papaano ay hinahangaan niya ang taste nito sa pananamit. Lalo kasi itong nagmumukhang magaling na detective dahil sa outfit nito.
Hindi na siya nagulat ng makita ang motor na nasa labas. Nagawa na niyang makasakay roon kaya hindi na siya dapat nag-aalala. Isa pa ay may tiwala naman siya kay Zygfryd. Alam niya na hindi siya nito ipapahamak kaya kampante na siyang sumampa sa likod nito.
"Gusto mo bang kumuha ako ng kotse para sa susunod na biyahe natin?"
Gusto niya sanang umo-oo kagaad sa suhestiyon ng binata pero nahihiya naman siya na magmukhang demanding gayong siya na nga itong humihingi ng tulong dito.
"Ayos lang naman. Medyo nasasanay narin ako. Tutal naman, sabi mo hindi mo ako ipapahamak diba?"
Inabot na nito sa kaniya ang isang helmet na sinuot niya naman kaagad. "Alright."
Hindi man lang siya nito pinilit. Ang akala pa naman niya ay mag i-insist ito. Napakabilis naman palang kausap. Napasimangot nalang tuloy siya.
Madali lang ang naging biyahe nila. Dahil wala namang trapik sa mga dinaanan nila ay wala pang bente minutos ay nakarating narin sila sa simenteryong kinaroroonan ng namayapang pamilya ni Adity. Hindi na siya nagulat ng hindi man lang nagtanong sa kaniya si Zygfryd kung saang simenteryo ba nakalibing ang pamilya niya. Isa nga talaga itong nakakabilib na imbestigador. Pagparada nito ng motor sa ilalim ng puno ay nauna pa nga itong naglakad na parang alam na alam talaga kung saan pupunta. Tama naman ang dinadaanan nito kaya nanatili nalang siya sa likod nito.
Nang marating nila ang pakay ay malungkot na pinasadahan ng tingin ni Adity ang tatlong lapida na nakadikit sa lupa at napapalibutan ng bermuda grass. Isa-isa niyang binasa ang mga pangalan na nakaukit roon. Parang biglang bumigat ang balikat niya. Napayuko siya at napapikit.
"Mama... Papa... Ate... Patawad. Patawad kasi wala ako sa tabi 'nyo noong mga panahong kailangan ninyo ako. Patawad sa pagkukulang ko bilang anak at bilang kapatid. I'm sorry..." bulong niya.
Hindi niya namalayan na bigla na palang tumulo ang luha niya. Tila may mga kamay na humila sa mga iyon ay nag-uunahang lumabas sa mga mata niya. Nakaramdam na naman siya ng pagsisisi. Alam niyang wala naman siyang magagawa para pigilan ang mga nangyari, lalong lalo na sa ate niya pero sinisisi niya ang sarili niya dahil wala siya sa tabi nito noong mga panahon na kailangang kailangan nito ng kapatid.
Naramdaman niya nalang na inakbayan siya ni Zygfryd. Paulit-ulit nitong tinapik ang balikat niya na parang sinasabi nito na magiging ok rin ang lahat.
"Everything happens for a reason," anito.
Tumango-tango naman siya dito. Alam niyang tama naman ito. Isa iyon sa natutunan niya sa loob ng kombento. Ang lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay palaging may dahilan. Minsan kahit iyong pangyayaring hindi mo gusto ay para pala sa ikabubuti mo. Iyon din ang iniisip niya. Baka kaya wala siya sa tabi ng ate niya ng mga oras na iyon ay dahil kung magkasama sila ay tiyak na pangalan nilang dalawa ang nakasulat ngayon sa lapida na katabi ng mga magulang nila. At dahil nga mag-isa lang ito noon ay narito siya ngayon upang alamin ang totoo. Siya ang magbibigay ng hustisya para sa kaniyang pamilya.
"Adity?" Awtomatiko napaangat ang ulo niya ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya.
Hindi niya man inaasahan na makikita ngayon ang nag-iisang tito niya ay nakangiti niya itong sinalubong ng yakap. "Tito."
Kakambal ito ng ama niya. Kahit kamukhang-kamukha ito ng papa niya ay malayong-malayo naman ang ugali nito sa kaniyang ama. Napaka seryoso kasi ng ama niya pagdating sa lahat ng bagay, samantalang ang tito Franco niya naman ay napakakengkoy. Simula ng maikasal ang papa at mama niya ay sa abroad na ito nanirahan. Binibisita lang nila ito dalawang beses sa isang taon. Kapag birthday nito at kapag pasko. Matandang binata ang tito Fanco niya. Naaliw sa mga negosyo nito sa Amerika kaya hindi na nakapag-asawa.
She really miss him. Ngayon niya lang kasi ito ulit nakita. Hindi kasi ito nakarating sa libing ng magulang niya dahil nasa ospital ito ng mga panahong iyon. Wala rin ito noong inilibing ang ate niya dahil hindi niya naman ito nasabihan.
"Akala ko nasa kombento ka iha?"
"Ahhhh, mahabang kwento po e. Teka, kailan pa po kayo nakauwi?"
"Well, kauuwi ko lang noong isang araw. Sa totoo lang balak din kitang bisitahin eh, after your parents."
"Babalik pa po ba kayo sa Amerika?"
"I'm thinking to stay here for a while. Gusto mo bang makita ang binili kong bahay. I have this huge greenhouse. Alam ko na paborito mo ang mga bulaklak kaya siguradong magugustuhan mo iyon. Have a dinner with me later."
Sasagutin niya na sana ito nang mabilis siyang hinila ni Zygfryd palayo dito na ikina-kunot ng noo niya.
"Dont trust anyone." Alam niyang ang tito niya ang tinutumbok nito. Natural lang na pagdudahan nito ang mga taong kakilala niya dahil sa trabaho nito.
Pero siya, alam niya na mabuting tao ang tito niya. Nararamdaman niya iyon. He can't do such thing. Isa pa ay imposibleng magkaroon ito ng kinalaman sa nangyari sa pamilya niya dahil nasa ibang bansa ito. He was living there for a year.
"Ano ka ba, mabuting tao ang tito ko. Alam ko mapagkakatiwalaan siya. I knew him since I was a kid. Sa tingin ko nga mas dapat pa akong magsabi sa kaniya e. Dahil baka matulungan niya pa tayo sa pag-iimbestiga."
"Adity, hindi ko naman sinabing masamang tao ang tito mo. Nag-iingat lang ako. Lalo na at hindi natin kilala ang kaaway natin. Let me do my job. I need you to trust my decisions."
"Pero, tito ko siya."
"Kung ganoon, wala na pala tayong pag-uusapan. It's over. I'm quitting."
Halos malaglag ang panga niya ng talikuran siya ni Zygfryd. Hindi siya makapaniwala na napakabilis namang uminit ng ulo nito. Mali ba na kontrahin niya ito?
"Sorry tito, masama daw po kasi ang pakiramdam ng kasama ko e," pagsisinungaling niya nalang sa tito niya. "Kunin ko nalang po ang number ninyo at tatawagan ko nalang kayo kapag libre ako."
"Oh sige." Dumukot naman sa bulsa nag tito niya. Mula sa suot nitong pantalon ay kinuha nito ang isang wallet at inilabas mula roon ang isang calling card.
Nang basahin niya iyon ay para pa siyang bahagyang nagulat dahil ngayon niya lang nalaman na may negosyo pala ang tito niya sa Pilipinas. Ang akala niya kasi ay nasa Amerika ang lahat ng negosyo nito.
"May flower farm po pala kayo dito sa Quezon?"
"Yeah, it's a long story."
Muli niyang nilingon si Zygfryd. Hindi na niya ito masyadong matanaw dahil sa layo nito kaya nagmamadali na siyang nagpaalam sa tito niya.
"Sige po. Hayaan ninyo at bibisitahin ko ang farm ninyo, one of this days. Mauna na po ako. Bye."