Masiglang naghanda ng almusal si Adity. Dahil natutulog pa si Zygfryd nang magising siya ay pinakialaman na niya ang kusina nito at naghanap ng pwedeng lutuin. Nang may makita siyang isang kahon ng ready to cook pancake ay iyon nalang ang iniluto niya. Pakanta-kanta pa siya habang naglalagay ng mixture sa pan. Dahil sa ginagawa niya ay hindi niya tuloy namalayan ang paglapit sa kaniya ni Zygfryd. Dumiretso ito sa ref at kumuha ng tubig habang nakangiting nakatitig sa kaniya. Bigla tuloy siyang pinamulahan ng mukha.
"Good morning," anito.
"Good morning," sagot niya naman dito.
Pagkatapos nitong maisara ang ref ay sumandal ito roon at tumitig sa kaniya. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang dito. Parang hindi na niya malaman ang gagawin niya. Masyadong mainit ang pakiramdam niya. Hindi dahil sa kalan na nasa harap niya kung hindi dahil sa tensiyon na nararamdaman niya. Para siyang kiti-kiti tuloy na hindi malaman kung saan papaling para lang hindi makita ang mukha ng binata.
"Nakakagutom naman." Lumakad na ang binata papunta sa lamesa kung nasaan niya inilalagay ang mga naluto ng pancake. Pagkatapos nitong amoyin ang mga iyon ay kumuha ito ng dalawang platito at dalawang tinidor. Inilapag nito iyon sa lamesa at saka kumuha ng maple syrup na nasa kabinet. Pagbalik nito sa lamesa ay agad itong naupo at naglagay ng pancake sa isang platito. Tapos binuhusan nito iyon ng sandamakmak na maple syrup na ikinalukot ng mukha ni Adity.
"Hindi ko naman alam na sinabawang pancake pala ang gusto mo." Natatawa niyang sabi sa binata. Tamang-tama dahil nasandok na niya ang huling pancake ay naupo narin siya sa tapat nito.
"Uhmmm... Ang aga mo yatang nagising? Kumusta naman ang naging tulog mo?" Nagsimula ng kumain ang binata. Pinanunuod niya palang ito ay parang mag kaka-diabetes na siya. Hindi niya tuloy mapigilang mapangiwi. Parang ang tamis tamis kasi ng kinakain nito.
"Maayos naman ang naging tulog ko. Actually, parang may CCTV nga sa bawat sulok ng kwarto ko e. Parang may nagbabantay sa akin, kaya iyon... Pakiramdam ko ay ligtas ako kaya napasarap ang tulog ko."
Napatigil siya sa sasabihin niya pa sana ng makitang bigla nalang nabilaukan si Zygfryd sa kinakain nito. Lalapitan niya sana ito para daluhan pero sinenyasan naman siya nito na ayos lang kaya nanatili nalang siyang nakatitig dito. Mabuti nalang at may tubig sa tabi nito kaya mabilis itong nakainom. Naisip niya na baka gutom na gutom ito dahil simula ng dumating sila kahapon ay hindi na ito lumabas ng kwarto. Hindi tuloy ito nakapaghapunan.
"Ayos ka lang?" may pag-aalala niyang tanong dito.
"Ang sarap kasi ng pancake e." Naiilang nitong sagot sabay balik sa pagkain.
"Oo nga pala, aalis tayo ngayon hindi ba?" Pag-iiba niya ng usapan.
Nag-angat naman ng ulo si Zygfryd at tumingin sa direksyon niya. "Oo. Kaya kumain ka na rin at tigilan mo na ang kakapanunod sa akin sister. Kain na."
Halos pamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. Agad siyang nagbaba ng ulo at hinarap ang plato niya. Hindi parin talaga siya sanay sa pagtawag nito ng sister sa kaniya. Para siyang nahihiya sa tuwing sinasabi iyon ng binata.
---×××---
Damn! He cursed himself. Parang teenager si Zygfryd na hiyang hiya sa sarili niya ng mabanggit ni Adity ang tungkol sa CCTV.
It was him. The CCTV she was talking about. Parang gusto niya tuloy dagukan ang sarili niya dahil sa kalokohan niya kagabi.
Napatingin siya sa orasang nakasabit sa ibabaw ng LED TV. Ala-una pasado na. Dapat ay mahimbing na siyang natutulog ng ganoong oras pero ngayon ay hindi siya dalawin ng antok. Para siyang tanga na nakikipagtitigan lang sa kisame. He feel so weird. Ayaw naman niyang masyadong maglasing dahil baka kung ano pa ang magawa niya.
Natutulog na kaya si Adity?
Kahit anong gawin niyang iwas na isipin ang babaeng nasa kabilang kwarto ay hindi niya magawa. Damn this feeling! Mukhang napakalakas nga ng tama niya sa babaeng iyon. And he hate that feeling. Ngayon niya lang hindi nagustuhan na makaramdam ng pagnanasa sa isang babae. Siguro dahil alam niyang wala rin namang pupuntahan iyon.
Mula sa higaan ay naiirita siyang bumangon at nagtungo sa balkonahe. Malamig ang hangin sa labas. Napatingin siya sa kabilang balkonahe kung nasaan ang kwarto ni Adity. Mula doon ay napag desisyunan niyang silipin ito. Alam niyang lampas na iyon sa limitasyon niya pero sisilip lang naman siya. Malinis ang intensyon niya rito. Itsi-tsek niya lang kung ok ito. Wala siyang ibang gagawin kung hindi ang titigan ito. He really wanted to do that dahil gusto niyang makita ang itsura nito kapag natutulog. Lalo na at alam niya na wala pang nakagawa niyon sa dalaga.
Maingat siyang sumampa sa grills ng balkonahe. Halos isang dipa ang pagitan ng dalawang balkonahe. Dahil alam niyang kaya niya iyong talunin ay ginawa niya nga iyon. Nang makarating sa kabila ay tahimik siyang naglakad palapit sa sliding door. Nakakandado iyon. Sinilip niya sa loob si Adity. Kahit nakapatay na ang ilaw sa loob ng kwarto at tanaw niya mula sa pwesto niya ang anino ng nakahigang dalaga dahil sa lampshade na nasa uluhan nito.
Natutulog na siya. Baka maistorbo ko pa siya.
Gusto niya na sanang umalis sa balkonahe pero pinigil naman siya ng mga paa niya. Para iyong may sariling isip na ayaw humakbang palayo. Damn, he really wanted to see her. Naiinis na siya sa sarili niya.
Mula sa bulsa ng suot niyang pajama ay inilabas niya ang isang manipis na wire na isinilid niya roon kanina. Natawa nalang siya sa sarili niya ng maisip kung bakit niya iyon nilagay sa bulsa niya. Parang kanina pa siya may plano na gawin sa bagay na iyon. As he heard the click sound of the lock ay binalik niya sa bulsa ang ginamit na wire. Marahan niyang binuksan ang pinto at pa tip toe na nagtungo sa kama kung nasaan ang babaeng sadya niya. As he was expecting ay mahimbing na ngang natutulog ang dalaga. Nakatagilid ito at nakayap sa isang unan. Dahil sa nakabukas na lampshade ay malaya niyang napagmasdan ang maamo nitong mukha.
Para itong anghel na mapayapang natutulog. She's perpect. She's beautiful.
Kung hindi nga lang ito isang madre ay siguradong hindi siya papayag na mag-isa itong natutulog. She was perfectly fit in his bed. Beside him.
Nahhhh. Umayos ka nga Zygfryd. s**t!
Hindi niya napigilang matawa ng maalala ang kabaliwan niya kagabi. Pasalamat nalang siya at hindi niya nagising ang dalaga. Ang akala pa naman niya ay naistorbo niya ito dahil sa lakas ng kalabog ng dibdib niya habang pinagmamasdan niya ito.
"Oo nga pala Zygfryd, pwede bang dumaan muna tayo sa seminteryo bago pumunta sa bahay. Gusto ko sana kasing dalawin muna ang mga magulang at ate ko."
"Yeah sure. Sige na kumain ka na para makaalis na tayo."