Kabanata 4: Lucky Bracelet

1030 Words
"Good morning." Nagtapon si Adity ng napakatamis na ngiti sa naglalakad na si Zygfryd. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na maong pants habang nakasampay sa balikat nito ang isang itim na leather jacket. Para itong isang bidang lalaki sa isang action movie ng mga sandaling iyon. Hindi niya maitatanggi ang angkin nitong karisma. Dark brown hair, hazel eyes, thick eyebrow, isa itong perpektong anyo ng lalaki sa isip niya. Kapag ito ang bida sa isang pelikula ay siguradong panunuorin niya. "Kanina ka pa ba?" salubong na tanong nito sa kaniya. Ginantihan siya nito ng ngiti. Lumabas tuloy ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. "Ahhh. Hindi naman masyado." Katulad ng napag-usapan nila kahapon ay nagkita sila sa bus terminal kung saan sila sasakay. Ba-biyahe sila papunta sa Quezon dahil taga-roon ang pamilya ni Adity. Naroon ang bahay nilang nasunog ng mamatay ang ate niya. The police said, it was just an accident pero hindi siya maaring magkamali na may pumatay sa ate niya dahil nakausap niya pa ito bago ito pinatay. Alam niyang may mga ebidensiyang hawak ang mga pulis, para sa naging resulta ng imbestigasyon nila but she still not convinced. May nag frame up lang sa nangyari at nagpa-mukhang aksidente lang ang naging sunog na ikinamatay ng ate niya. At iyon ang patutunayan nila ni Zygfryd. "Nag almusal ka na?" tanong ni Zygfryd. Inabot nito sa kaniya ang isa sa hawak nitong burger. Lihim siyang napangiti. Kahit papaano ay thoughtful naman pala ang binata. "Thanks." Tinanggap niya naman iyon. Dahil sa kamamadali na hindi ma-late sa usapan ay kape lang ang ni-almusal niya. Ma-swerte siya dahil naisipan nitong bumili ng burger. "Let's go. Sa loob na tayo ng bus kumain." Winagayway nito ang hawak na burger ay lumakad na patungo sa bus na sasakyan nila. Tumango naman siya. Pagdating sa pintuang bus ay tumigil si Zygfryd at sinenyasan siya na mauna. Pagsampa roon ay agad siyang humanap ng mauupuan. Iyong nasa tabi ng bintana ang pinili niya. Sumunod naman si Zygfryd sa kaniya. Pag-kaupo nito sa tabi niya ay bahagya siyang nakaramdam ng pagka-awkward. Medyo naiilang siya sa presensiya nito. Kanina naman nang maupo siya sa jeep na may katabing ibang lalaki ay normal lang ang pakiramdam niya. Pero ngayon, nang si Zygfryd na ang nasa tabi niya. Tila may nagwawala sa loob niya. Agad siyang napakapit sa dibdib niya. May mali yata sa kaniya. "Ayos ka lang?" may pag-aalalang tanong ni Zygfryd na nakapagpabalik sa kaniya sa realidad. Pinilit niyang ayusin ang sarili niya. Sigurado siya na dulot lang iyon ng paninibago niya sa labas. Ilang taon na siyang nasa loob ng kombento kaya medyo nakalimutan na niya ang pakikisalamuha sa mga tao. Iyon lang iyon at wala ng iba. "Oo naman. Masaya lang ako kasi may tutulong na sa akin sa paghahanap ng hustisya." Tumingin siya sa labas ng bintana. Totoo iyon. Hindi naman iyon ang eksaktong iniisip niya pero totoo talaga na masaya siya. Sa wakas ay may tutulong na sa kaniya sa pag-iimbestiga. Malapit na niyang malaman ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya niya. "Don't worry. I'll do my best to not disappoint you." Tinapik pa nito ang kamay niya. Sandali siyang nanahimik. Nang ibalik niya ang tingin niya sa katabing binata ay kumakain na ito ng burger kaya naman ginaya narin niya ito. Tamang-tama dahil pagkatapos nilang kumain ay saka umandar ang bus at naningil ang konduktor. Zygfryd paid their bus tickets. Hindi na siya nagpumilit pa na ibigay ang pambayad niya sa binata dahil pagkatapos nitong makuha ang ticket na binayaran nito ay mabilis na itong sumandal sa backrest ng upuan at nagtakip ng mukha gamit ang jacket nito. He was being a gentleman. Kahit siya naman dapat ang gumagastos sa expenses nila dahil siya ang umupa rito ay baliktad ang ginagawa nito na nagpapakita lang ng tunay nitong pagkatao. He was a nice person afterall. Kaya siya dinala ng Diyos sa tabi nito ay dahil ito ang tamang tao para sa problema niya. Nakangiti siyang tumingin sa labas ng bintana. Malayo-layo pa ang biyahe kaya nanamnamin niya nalang muna ang tanawin sa labas. Pagkatapos ng mahigit apat na oras ay natanaw na niya ang mga pamilyar na tanawin mula sa pagkabata niya. Ang dami ng ipinagbago ng Quezon sa pagkaka-alala niya. Pakiramdam niya ay ang tagal niyang nawala. Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot ng manariwa sa kaniya ang mga masasayang alaala niya kasama ang pamilya. Parang kailan lang iyon. Nakikinita niya pa ang mga pinag-gagawa nila ng ate niya noong nasa high school palang sila. Imbes na sumakay sila ng jeep pauwi ay naglalakad sila at pinambibili ng softdrinks at sitsirya ang mga pamasahe nila. Those precious memories na mananatili nalang bilang mga memories. Hindi na iyon mapapalitan pa ng mga bago dahil wala na ang ate niya. Nagulat nalang siya ng kuhain ni Zygfryd ang kamay niya. Napatingin siya dito. Hindi niya namalayan na nagising na pala ito. Tinitigan niya lang ito. May pag-aalala sa mukha nito. Hinubad nito ang suot na itim na bracelet na yari sa maliliit na piraso ng leather at naka-tirintas. Pagkatapos hubarin ay isinuot nito iyon sa kamay niya. "You know, I bought this lucky bracelet in an antic shop. Ang sabi ng nagtitinda nagagawa daw nitong makapagpa-good vibes." Kumurba ang ngiti sa labi niya. Hindi naman siya naniniwala sa mga lucky bracelet kaya hindi niya iyon kailangan. Huhubarin niya sana iyon pero mabilis naman siyang pinigil ni Zygfryd. "Please take it. It's really lucky. Masyado na akong maswerte sa buhay kaya naman hindi ko na rin iyan kailangan." "Talaga ba?" "Yahhhh, hindi mo ba nakikita? I'm so handsome. Hindi ba swerte iyong matatawag?" Kinindatan pa siya nito. Bigla siyang natawa. Kahit tunog presko ang binata ay hindi naman ganoon ang dating niyon sa kaniya. Para lang itong nagbibiro para mapasaya siya. Siguro ay napansin nito ang pag e-emote niya. "Sige kukuhain ko na. Baka lmaging lucky bracelet ko nga ito." Tumango-tango siya dito. Kahit hindi siya naniniwala sa ganoong pampa-swerte ay baka nga naman. Baka balang araw ay magdala iyon ng suwerte sa kaniya. Baka dahil doon ay ma-solve ang kaso ng pamilya niya. Who knows, totoo pala ang mga pampaswerte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD