Kabanata 3: For Free

1024 Words
Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Pilit niyang itinutulak palabas ng utak niya ang masamang isipin tungkol sa maaring hinging kapalit ni Zygfryd. Not until he said it. Kung iyon nga ba ang gusto nito. Ayaw niyang maging tamang hinala. "Hey, masyado ka namang seryoso. I was just joking. Of course I will do it, and it's free." putol ni Zygfryd sa katahimikang unti-unti ng namamagitan sa kanila. Natatawa itong tumayo at lumakad palapit sa isang mesa na may nakapatong na bote ng alak at sinimulang magsalin ng kaunti sa isang baso. Nakasunod lang ang tingin niya dito. "T-talaga? For free?" Bago ito muling humarap sa kaniya ay uminom muna ito ng alak. Bahagya pa itong napapikit dahil sa talim nang pagguhit ng alak sa lalamunan nito. "Yah. It's free." "Bakit?" Bakit mo iyon gagawin ng libre? Gusto niya pa sana iyong idugtong pero hindi niya ginawa dahil ayaw niyang lumabas na nag-iinarte. Masaya nga siya at tutulungan siya nito nang libre. Hindi lang talaga siya makapaniwala. "As you said, you were just seeking for justice. Isa pa, ulilang lubos ka na. Hindi ka naman siguro lalapit sa akin kung may iba kang malalapitan diba? Well, I maybe that good for you kaya ka nandito ngayon. So, I will try to not let you down." He explained and trow a sweet meaningful smile. Ginantihan niya rin ito ng ngiti. She's in the right place after all. Hinusgahan niya lang ito kaagad kanina. It was her fault kaya mamaya ay magnonobena siya. Mali talaga ang manghusga ng tao ng ganoon lang. Hindi niya iyon dapat na ginagawa kaya marapat lang na manalangin siya ng taimtim upang makahingi ng kapatawaran sa Diyos. ---×××--- "Sige aalis na ako. Magkita nalang tayo bukas. Maraming salamat ulit Zygfryd. Nawa'y pagpalain ka pa ng Diyos." Nakangiti niyang inihatid ang dalaga hanggang sa pintuan. Pinanuod niya ang paglalakad nito sa hallway hanggang sa elevator. Nang makasakay na ito sa elevator ay walang gana siya bumalik sa kinaroroonan ng alak na iniwanan niya kanina. Pabalibag niyang inihagis ang katawan niya sa malambot na sofa at nagtaas ng paa bago kinuha ang basong may laman pang alak na nasa salaming center table. Saglit niya iyong tinitigan bago tinungga at inubos. Tama ba ang ginawa ko? I accepted the job. Napasinghap siya. Minasahe niya ang sumasakit na ulo. Alam niya na lalo pang sasakit iyon sa mga susunod na araw. It's his fault. Kung hindi niya sana tinanggap ang kaso ni Adity ay hindi na niya ito makikita pa ulit. Pero iyon nga rin yata ang dahilan niya kung bakit niya ito tinanggap. Dahil ayaw niya na iyon na ang maging huli nilang pagkikita. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sa pag dilim ng kapaligaran ay agad na rumehistro sa paningin niya ang anyo ng kaaalis lang na dalaga. Napamulat tuloy siyang bigla. This can't be. Isa siyang alagad ng Diyos kaya hindi ko siya dapat bastusin. Even in my own mind ay hindi pwede dahil nariyan lang sa tabi-tabi ang nagbabantay sa kaniya. It was really frustrating. Para niyang tino-torture ang sarili niya. How can he control his own thoughts? Wala namang tao na nagawang kontrolin ang ipapasok sa isipan, kaya paanong siya ay magagawa iyon? Pwede bang magawa iyon? f**k! Napatigil siya sa pag-iisip nang mag-ingay ang kaniyang telepono. Hinanap niya iyon. Nang makita niyang nakapatong iyon sa kama ay napilitan siyang tumayo para kuhain iyon at sagutin ang tawag. "Winsley." "I'm sorry bro. Katatapos ko lang makipag-usap do'n sa babaeng pupunta diyan. May emergency daw sa kanila e, kaya sa susunod nalang daw." Bumuga siya ng hangin. Hindi naman iyon big deal sa kaniya. Mabuti ng at hindi na ito makararating e. Wala narin kasi siya sa mood na makipag-romansahan. For sure madagdagan lang ang kasalanan niya. Lalo na at naiisip niya ang mukha ng babaeng iyon. Baka ito pa ang ma-imagine niya habang gumagawa ng milagro. Mahirap na. "That's ok. Wala narin naman ako sa mood e." "Woaaah. You sounds so disappointed. May nangyari ba?" Ang lakas talaga ng pang amoy ng kapatid niya. Nakuha kaagad nito ang nararamdaman niya. Iyon nga lang. Wala naman siya sa mood na mag kwento. Baka mamaya ay pagtawanan pa siya nito. Or much worst, baka agad nitong ibalita sa iba ang nangyayari sa kaniya. Ano nga ba ang nangyayari sa kaniya? He was just attracted to that nun. Wala namang masama doon. Nagagandahan lang siya dito. Isang simpleng paghanga. That's all. "I'm just tired. Pahinga lang ang katapat nito." "I don't believe you. You liar." "Ano ka ba. Ikaw nga 'tong sinungaling e. Akala ko ba ay babalik ka na dito? Magka-kalahating taon ka na diyan sa New York ah. Ano diyan mo na ba balak na tumira?" pag-iiba niya ng usapan. He was good at that. Kung ayaw niya ng topic ay mabilis siyang nagpapasok ng bago. Iyon ay isa sa magandang katangian niya. Mabilis mag function ang utak niya. Ngayon lang parang hindi ito gumagana ng maayos. "Owwww... Bakit? Did my baby brother already misses me huh? Ang cute..." tumatawa nitong pang-aasar. "Tarantado. Si mommy ang nag-aala sa'yo. Call her nang masermonan ka." "Haha. Tsaka na kapag nakapag decide na akong umuwi. Basta huwag mong sabihin na tumatawag ako sa'yo ha. Yari tayong dalawa." "Dinamay mo pa ako. Just go home already." Pinatay na niya ang cellphone at inihagis iyon sa sofa. His brother is going well. Bakas niya sa tinig nito na magaan na ang dalahin nito. Nakatatawa narin ito. Almost a year narin ng mawala ito sa katinuan. Ang akala niya ay hindi na ito babalik pa sa dating Winsley. Mabuti nalang at mukhang natapos na ang pagluluksa nito. He still can't believe kung paanong nauwi sa hiwalayan ang kapatid niya at si Kate. Sobrang saya naman nila. Nagulat nalang ang lahat nang isang araw ay nawala na sa tamang wisyo si Winsley. He keep drinking and drinking and drinking. Hirap na hirap silang pigilan ito. Kahit anong kausap nila dito ay hindi nila ito mapahinto sa pag-iyak. Mabuti nalang talaga at nakabangon na ito ngayon. Love? Iyon ba ang love? Napakasaklap naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD