"Before you diagnose yourself with depression and self-esteem, first make sure you are not, in fact, surrounded by assholes."
-Sigmund Freud(one of the great pychologists)
Tinungo ko ang faculty room at iniwan si Luke Pascal sa labas na kunot ang noo. I will make you all pay. I will make you all suffer, everynight I saw Luna weeping under her blanket. I know that even though she tried to tame her monster, the monster keeps on wagging its tail to her. Every morning they greeted her with warm smiles. That's one of the thing I hated about being human, you couldn't really identify the real enemy, for they sometimes hide under an inviting aura.
Tinungo ko ang schedules na nakapatong saaking mesa at napansing dalawang minuto na lamang at mag-sisimula na ang klase ko sa block A room 42. Alam ko na ang rutang iyon. Binilisan ko ang aking kilos at tinungo ang nararapat na silid.
Pag-bukas na pag-bukas ng pinto'y nakita ko ang mga estudyanteng nanlalaki ang mga mata at halos malaglag ang mga panga. Akala ba ng mga ito'y patay na si Luna? Isa pa ang mga estudyanteng ito, they are also a pain in the ass.
"It seems like nakakita kayo ng multo" sabay abot ng index card sa estudyanteng malapit saakin na kung di ako magkakamali ay si Reina Sy.
Siya ang babaeng humihingi ng tulong kay Reina noong mga nakaraan buwan tungkol sa kaniyang personal na problema.
"Attendance" wika ko.
"Where did we end? Is it about freud, right?" Binuksan ko ang laptop saaking harapan.
"Ma'am no po, nung absent ka po si Mr. President, I mean si Sir Luke Pascal ang nagturo ng discussion. " sambit ng isang babaeng mahaba ang buhok sa likuran.
"I'm sorry guys. It was unintentional that I left without prior notice, I mean di ko naman alam na bigla akong matutumba. Dahil as far as I know, I'm healthy since I do my regular check up since my father is a doctor"
" We understand ma'am, actually Mr. Pascal is a great teacher. We clearly understand him. He explained things well and better" sumbat ni Reina Sy na nasa aking harapan.
How dare this girl? Better? It's a word of comparison. It means mas gusto nya ang turo ni Luke Pascal. Di ko alam kung kanino ba ako maiinis, kay Reina na nanunumbat o sa Pascal na iyon na inagaw ang trono ko.
Bakit ba nanunumbat ang babaeng 'to? Ano nanaman kaya ang pinangagalingan ng galit nito saakin? Nakaraan lang ay halos mag kandarapa ito sa pagsusumamo kay Luna para mag-share ng problema. Tapos ngayon, Parang sirang plakang galit.
Napansin kong naka braid ang kanyang buhok, at ang bangs nya at halos sakupin ang kanyang noo. Very high-schooler ang kanyang pananamit, na halos bumulwak ang bunganga ko nang napansin iyon. Dang it! Her sense of fashion is lower that her EQ.
"Maybe, the reason why I was admitted to the hospital is because of being over fatigue" wika so sa sarkastikong tinig at humarap kay Reina Sy. "You know, even the problems that were outside of my scope of responsibility is kailangan kong i-handle" tihimbagang ko siyang tinitigan. I can feel the heat, the tension is circulating inside the room.
"Ma'am are you complaining? You're a Psychology teacher. You should be mindful of what is happening around your student. How can you encourage them to be a psychologist, when you're.." pinutol niya ang kanyang sinabi at umiling na lang.
Mukhang may problema nga saakin ang babaeng to! Siguro nga ay mas gusto nya si Luke Pascal, kaya ganon na lamang ang reklamo nya nang bumalik ako sa pagtuturo. Seriously? But she don't have to be rude! I don't care about it!
"Ms. Sy, guys" sabay tingin ko sa mga estudyanteng tahimik na naulinigan ang aming sagutan.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad patungo sa mga upuan. "Alam nyo, I'm not complaining. I'm happy that you're sharing your self to me. Gaya nyo, isa rin aking estudyante noon. Maraming hinaing sa buhay, maraming sama ng loob sa mundo. Pero tanging ang pagmamahal sa Sikolohiya ang nagligtas saakin"
Oh my gosh! Saan ko ba hinugot lahat ng bukabularyong iyon? Nasa utak ba lahat iyon ni Luna o utak ko? Anyways wala na akong pakialam pagkat kita ko ang mga interesting estudyante saaking harapan. Finally, I got their attention.
"Happy my ass" pabulong ni Luna na halata nalang iparinig saakin.
Kumulo ang dugo ko sa kanyang simpleng salitang binitawan. Huminga ako ng malalim at pinili ko na lang di sya pansinin pagkat baka saan pa pumunta ang pagtatalo namin. Baka na poposses ito ng kung Anong kadiliman, marahil kung anong espiritu ang sumanib sa babaeng ito kaya hindi makuntento sa presensya ko.
"You're feelings matter to me. Believe me, I wanted all your rants to be heard. I know ang pagseself diagnose ay di maari, so atleast, consult a mental health doctor or rant on me, but you know I have my task. My availability depends on my schedule."
Nasilayan ng aking mga mata ang pagtayo ni Luna "this whole dang class is a disaster. Truly a boredom" aniya sabay nag-walk out ng padabog na parang bata.
Hindi ko na lamang ito pinansin.Nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag at pag-tuturo sa aking mga estudyanteng epiktibong naniniwala saakin. I mean it.
Natapos ang aking mag-hapon sa palipat lipat na silid. Finally, makaka uwi na rin ako sa condo. I can finally rest this tired body. I hate being mortal. I hate being vulnerable. Dang it! Saan ko ba hahapin ang kaluluwa ni Luna ng makaalis na sa katawang lupa na 'to.
Inimpake ko na ang mga gamit ko sa office, nakita kong paalis na rin si Misty dahil isa-isa na rin niyang sinilid ang mga importanteng dokumento sa kanyang bag.
"Grabe Luna, di Kita nakilala kanina. You were so much different. But thankful ako, Kasi nagbago na rin ang attire mo. Isa sa nagustuhan ko dito sa Pascal ay ang di pag uniform nating mga guro. You know, my parents still don't know that I'm teaching. I can hide easily, by wearing multiple dress" ani Misty habang nagsimulang mag retouch ng mukha.
Wag ka nag-aalala Misty. Gusto ko rin ito. I don't want to be pushed wearing a uniform, that are identical with others. Para akong Guardian Angel ulit na kulay puti ang susuutin? Nah! I know was meant to be here, to atleast spice the mortal body of Luna Psychee Merida.
"Sa condo ka na?"
"Oo, sa condo na ko uuwi, my parents already agreed. " Kinuha ko ang gucci purse ko na walang laman kundi ang make up at lipstick. Kinuha ko na rin ang black bag na naglalaman ng mga importanteng documents na sa bahay ko na lang tatapusin. "Mauuna na ako Misty" tinalikuran ng pagod kong katawan si Misty at akmang lalabas ng bumukas ang pinto ng Faculty room.
"Miss Merida, the president would like you to come to his office" sambit ng babaeng mid twenties kung di ako magkakamali.
What now Luke? Gusto kong mag-mura sa sobrang inis at pagod. Alas nuwebe na ng gabi, tapos hindi pa ako balak pauuwin ng Presidenteng iyon. Suma total alas syete ang uwian. Susmiyo Luke Pascal, wag mong hayaang tawagin ko ang demonyo't ipakain ka sa kadiliman.
Bumuntong hininga na lamang ako at sumunod sa kanyang sekretarya.
Kumatok ako ng talong beses at binuksan ang pinto. Tumambad saakin ang napakalawak na office ni Luke Pascal, kasing lawak ng faculty room ngunit mag-isa lamang siyang nagtatrabaho doon. Nakaupo siya sa swivel chair na nakatalikod sa kanyang wooden table. Sa taas ng mesa ay nakalagay ang isang plakang marmol na nakaukit ang kanyang Pangalan, Chester Luke Pascal, President. Unfairness, bagay sa kanya ang Chester, dahil napakalapad ng chest nya. Enough with the thoughts Luna! Ang mortal na utak na ito'y kung ano-ano ang iniisip!
Napapalibutan ang kanyang mesa ng tambak na papeles. Sa harap ng kanyang mesa ay ang isang maliit na wooden stool. Meron ding ref sa loob ng office at Tv. May isang malaking sofa at dalawang maliliit na napapalibutan ang coffee stool na gawa sa salamin. Napaka minimalist ng loob, walang ibang desinyong naroroon. Ngunit ubod pansin ang bintana na napakalapad na gawa salamin. Tinted iyon, hindi kita ang loob mula sa labas ngunit Kita ang labas mula sa loob. Hindi na banyaga saaking mga mata ang office na ito.
Kinatok ko ang kanyang mesa at umupo sa stool sa harap ng wooden table. Umikot ang kanyang swivel chair. Sinalubong ako ng kanyang mukhang mala Anghel. Ang perpektong ilong, mamula-mulang labi at makapal na kilay ay nakahimlay sa kanyang mukha ng maayos. Naka t-shirt siya ng puti, na yakap na yakap sa kanyang kakisigan. Nakasampay ang suot niyang coat kaninang umaga sa isang clothes rack.
"Do you need me?" I asked with a tease. Kumabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. Kupido, mali ka yata ng pinana at this moment. Bakit si Luna at ang lalaking ito? Halos kumawala ang puso ko a sobrang kaba dahil sa mapanukso kong sinabi. I am truly digging my own grave here. Well, I was just teasing him!
Kumunot ang kaniyang noo. Tila nabigla sa sinabi ko. I knew it. You're irritated now. I will let you taste a piece of hell Luke Pascal, 'coz now, my body is tired as hell.
"I like you miss Merida, but not romantically. As an employee, I mean. You're my ideal type of employee. I command, you obey. I speak, you listen. But you're quite different now. Nabagok ba ulo mo?" Aniya.
Sinasabi ko na nga ba Kupido, mali ka ng pinana para kay Luna. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang to. Luna don't deserve this man.
Nginitian ko siya ng ngiting aso at humugot ng lakas ng loob. "No, Mr. President I'm not here to make the conversation long. If my sudden behavior became your problem, I'm sorry. But I don't see any problem with that. I'm just being myself at..." tumayo ako mula sa pagkakaupo. ''Hindi na bagok ang ulo ko"
"Ms. Merida, you're dress is quiet revealing" titig niya sa red dress ko na Hanggang tuhod. Pero, how dare him? My boots are almost knee level. "You know, sleeveless. I will let you go this time. I don't mean to offend nor interfere your clothing but please, be aware that you're in school. You're a teacher" dagdag pa nya.
"Don't worry sir, I will be mindful"
"Btw, you're temporarily act as our guidance councilor. Mrs. Illustre is currently in hospital, I couldn't hire promptly because in the back of my mind I know that, it will be offending" aniya habang binubuksan ang drawer sa kanyang mesa. "Temporarily, changed your office. Para tuwing kumakatok sila sa Guidance counselor may maabutan sila. You know, of all people, na mahirap mag open up sa maraming tao. I mean the faculty room is too crowded."
"Okay, Chester"
"W-what?" nanlaki ang kanyang mga mata sa pagbanggit ko sa kanyang unang pangalan. Chester huh?
" I mean sir President"
" That's redundancy, sir and president--" bago pa man Niya ituloy ang kanyang sinabi ay pinutol ko na ito ng isang malakas na pag-hikab. He's overworking me. Can't he just let me sleep? This mortal body needs rest!
"I'm sorry sir, you know it's late" sabay kagat ko sa taas ng aking labi, habang tinitigan siya ng puno ng pang-aasar.
"Luna, I don't mind you can go. But take it mind that sa lahat ng teachers dito. Ikaw lang ang nakikitaan ko ng potential maging temporarily guidance counselor, the students open up to you easil--"
''Chester!" isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa aking tenga. Maging si Luke ay napatakip ng tenga sa sobrang lakas.
"goddammit Leila, don't shout!" Pasigaw na tugon ni Luke.
Napalingon ako sa aking likuran at tumambad saakin ang naka floral dress na si Reina. Wait, what? Reina Sy? But why did he called her Leila? Did I misheard it?
" Sino sya?" turo saakin ni Reina.
Don't she recognize me? Kanina lang ng uminit ang tension sa aming dalawa sa loob ng aming klase. Tapos di nya ako kilala? This b***h. Ano kayang numero ng demonyong bumabalot dito at hindi maintindihan ang takbo ng utak ng babaitang ito.
"Who are you?" tanong ni Luke kay Reina, habang nakataas ang kabilang bahagi ng kilay.
Isa pa 'to. Ano ba ang mga taong ito, may amnesia? Lahat na lang ba ng makasalubong ay tatanungin?
"I'm Leila Buenaventura, Chester" ani Reina sabay nguso. Inirapan nya si Luke at tumingin saakin.
Wait this is Reina Sy. She's my student, how come nag iba ang pangalan nya. Double identity ba ang babaeng to? O magkambal sila? But their faces were truly identical! The haircut, the bangs the height, everything!
"Get in the car, Leila" wika ni Luke sa malamig na tinig. Agad naman tumalima si Reina at nagsimulang mag-hakbang papalayo.
Kinuha niya ang kanyang coat sa clothes rack at sinuot ito sa magkabilang braso. His masculinity is drowning my eyes into the ocean of desire. He's giving me wild thoughts that I shouldn't have. This man is not from the upper realm. He's from hell. He's giving me reasons to make sins.
"Why are you not leaving yet" tanong niya, habang hawak hawak ang car key sa kanyang mga palad.
"I think I know her, she's from my class she's Reina Sy. My student. How did she became Leila Buenaventura all of a sudden?"
" You don't remember?" sambit niya sa mahinang tinig habang ang kaniyang itim na mata'y nabalot ng pagtatanong.
What? What do I need to remember Luke? Umiling ako sakanya, habang kagat ang ibabang parte ng aking labi. Balisa sa pinupunto ni Luke Pascal.
Bumuntong hininga siya na tila ba'y bumalot ng pagkabigo at lungkot ang kanyang mukha.
"It's okay, but I guess you're done with her. Thank you Ms. Merida " aniya at tinungo ang pintuan.
What is it? What is he saying? What did I done? Who is Leila, Reina and whoever is that girl? Who is her? I'm so confused. I'm so dang confused, help me Luna! Wherever your soul is, please comeback! My mind and body is tired? I don't know where to lean on. All this time you're dealing with all this s**t by yourself.
Umuwi ako ng condo balisa at tinatanong ang aking mortal na katawan kung kalaban ba si Reina o kakampi. Pero hindi ko dapat tansyahin ang bawat taong aking nakakasalamuha na kung sino ang kalaban at kung sino ang kakampi. Isa akong gabay, noon at sa ngayon. Katawan ko lang ang mortal. I should atleast help Reina. But what if? Sya ang dark sprit? What if sya si 45555 and she's just teasing me to let go of this body. I'm so confused.
NAG RING ang alarm clock sa aking tabi na marahil ay na set pa ni Luna noon. alas kwarto pa lamang ng umaga. Sinubukan ko ang normal na gising ni Luna.
Nakahilata ang aking katawan sa bathtub.Lumipas ang gabi, kahapon na di ko namalayan ang payapang paghimlay ng aking mortal na katawan sa kamang puting-puti. Nag text si Mrs. Merida, ang ina ni Luna. Tinanong ang aking araw. Para maibasan ang kanyang pag-aalala ay tiniwagan ko siya. Ang lungkot at takot sa puso at pinawi nya. Inimbita niya ako sa sunod na linggo na manood at tumulong mamamili sa mga bagong modelo na nag-aapply.
As usual, nag-handa ako ng pagkain at pumasok sa university. Ngayon, suot ko'y itim na dress na hanggang paa, na mahaba rin ng sleeve. Para hindi ko maooffend ang Presidente ng eskwelahan sinuot ko ang mahabang damit na ito. Alam ko may halong pang-aasar ang damit na 'to. But who cares? He should mind his own business. His employees is not his property.
Pagkalapat pa lang ng mata ko sa unibersidad nakita ko nanaman ang pamilyar na awra ni Luke Pascal. Ayoko sana mag kasala ngayong araw, kaya iiwasan ko sana siya ngunit ang direksyon namin ay iisa.
Nakita ko ang pagtingin niya saakin mula ulo hanggang paa. Lumapit siya saakin, habang tipid na ngumigiti sa ibang faculty na dumadaan.
''What are you wearing Ms. Merida?" Bulong nya sa tenga ko habang sinasabayan ako lumakad.
" I'm wearing what is proper, Mr. President"
" You're wearing that to insult me are you? '' nakakunot ang noong umiling siya at tinapunan ng mapanuring mata ang aking kasuotan. I heard him sigh. "Whatever" ika niya saka binilisan ang lakad papalayo.
Yes, I'm wearing this to insult you. You're getting into my nerves. You're making me human. You're making me vulnerable.
Lumipas ang buong mag-hapon ang mga araw sa paulit-ulit kong routine, sa paulit-ulit na ruta. Lumipas ang dalawang linggo, at ang mortal na katawan ko'y paulit ulit na didrain. Paulit-ulit na papagod ang mental at pisikal na pangangatawan. Walang bagong nangyari.
"LUNA NEEDS social life too" sambit ko sa salamin habang nag preprepara patungo sa modelling agency ni Mrs. Reid, ang ina ni Luna, ang aking ina, pansamantala. I will help her find aspring models. I know that I have an eye for that.
Nagmadali ako sa pagbihis at nag-suot ng off shoulder na black at pencil cut skirt. It's not bad to show off some skin, para di mapahiya si Mrs. Merida sa kanyang anak. Kahit Hindi katangkaran si Luna, nararapat na mag-radiate ang kanyang aura sa buong agency. Luna has nice skin and face, after all. Her hair is damn long.
Nang makarating sa address na nakalagay sa note book ni Luna ay agad kong iginala ang aking mga mata. Sa di kalayuan nakita ko ang building na naroroon. Nakita ko ang pamilyar na logo na may nakasulat na Mathilda Merida's Creation. Dahan dahan kong pinatakbo ang asul kong auto patungo sa parking. Buti na lang at napaka organisa ni Luna, at nakasulat lahat ng password, address at kung ano pang detalye sa notebook niya. Kung hindi, di ko alam kung saan ako pupulutin sa kakahanap ng mairarason tuwing di ko alam ang sagot.
Pumasok ako sa loob ng agency, at ang mukha ni Mrs. Merida o ni mama ang nagkompirma na ito nga ang agency na tinutukoy nya.
"Good morning, ang aga mo" aniya habang aakmang bebeso saakin.
"Excited po ako Mom" sabay halik sa kanyang noo.
"Tita, I'm sorry we're late" sambit ng pamilyar nanamang tinig sa aking likuran. Don't tell me, that girl is here.
Lumingon ako at nakita ko si Leila, or si Reina. Basta ang babaeng yun, nakita ko sya na nakahawak sa braso ng issang lalakeng nakapantalon ng maong at naka vneck na t-shirt. Oh It's Luke. The hell followed me here, huh?
What are they doing here?