Note: My inspiration for the female character was Jang Man-Wol/IU in hotel del luna. They were both short and they established a very strong aura. She's also straight forward as Ko Mun Yeong in Its okay not to be okay.
Luna- The body owner
Tila isang robot, kaming mga anghel ay mala-hanging nasalikod ng mga buhay na nilalang, gumabay ang bawat isa palayo sa kadiliman upang hindi tuluyang lamunim ng masamang elemento. Ngunit ang bawat aksyon, iniisip at galaw ng mga tao ay nakakaspekto sa aming lakas. Ang paghina ng mga Anghel na gumagabay, ay kawalan ng pananalig sa kaitaas-taasan.
Si Luna ay isang napakahuwarang nilalang na tao, napakalas ko dahil punong puno siya ng kabutihan sa puso. Ika nga ng mga ibang gabay, siya ang mas nararapat maging Anghel kaysa saakin.
"Ang boring naman ng wardrobe mo Luna" wika ko sa sarili habang naghahanda ng aking susuotin.
First day ko ngayon bilang Luna. Di ko nga alam kung bakit ako napapayag ng ministro ng mga gabay. Magiging tao ako hanggat hindi ko nahahanap ang kaluluwa ni Luna. Marahil ay awang-awa ako sa magulang ni Luna na walang ibang ginawa kundi mabalisa't managis.
Nag-balik tanaw ako kung paano nga ba si Luna bilang mortal.
"Okay everybody, packed up all your things, tomorrow I will be teaching more about freud's theory"
Sambit ni Luna sa harapan ng klase. Being a Psychology teacher is her dream, she grew up as someone who values mental Health. As a girl at age of 24, She had been through a lot of drama. She faced a lot of dilemma. kahit isa siyang Psychology teacher hindi lahat ng teoryang kanyang napag-aralan ay kanyang naisasabuhay. Tulad ng isang normal na tao nakakaranas din siya ng sad days. The days that made her lurk under her thick blanket and wept all night. But I am proud of myself, dahil sa kabila ng breakdown at iyakan, nanatili akong matatag at nakatindig sa likod ni Luna bilang gabay.
Si Luna nanatili siyang mahinahon sa lahat ng bagay. That's why she was named Miss Patience by her colleague. Sabi nila napaka-soft niya raw at inosente.
"Ma'am can you spare me a minute"
Sambit ng tinig mula saaking likuran. Lumingon ako't nakita ang pamilyar na estudyante sa Klase ni Luna.
"Yes, Ms. Sy?''
"I'm having a hard time regarding family matter. Gusto ko po ang kursong ito, pero gusto ng magulang ko na huminto ako ng pag-aaral, Kasi po..." Bumuntong hininga si Ms. Sy, bakas sa kanyang mukha ang pangamba.
" Come to my office. I wanted to hear it more, your emotion matters. Let's talk about it privately. I will treat you dinner. "Sambit ni Luna, habang nakangiti ng malawak.
" Ma'am--"
" I insist."
Ang mukhang kanina'y puno ng pangamba ay biglang umaliwalas. Marahil naramdaman niya na di siya nag-iisa. May gustong makinig ng bigat na kanyang dinadala.
srsly?! Dapat sa magulang niya ikinukunsulta iyong mga bagay na personal hindi kay Luna. Liban sa klaseng ito napakarami ring inaalala ni Luna.
2 years na siyang Psyche teacher, noong una hindi ko alam kung bakit ito ang kursong kanyang pinili. Hindi ko kilala si Luna, basta Isang araw nagising nalamang akong walang alam sa mundo. Nasa tabi ng hospital bed na tila isang kaluluwang walang tinig. Nasa tabi ko si Luna, isang pasyenteng hinang hina mula sa pagiging comatose.
Luna Pyschee Bryne Merida hindi lang siya Professor ng Pascal University, isa rin siyang takbuhan ng kanyang mga estudyante, when it comes to emotional and mental issue. She came from the Merida's clan. Her Father is a Merida, a pure filipino. While her mother came from the clan of Bryne, an Irish.
Niligpit niya ang kanyang mga gamit ang mga test paper na halos magpa-iyak sakanyang estudyante ay kanyang iniligay sa itim na bag na nakasandig sa kanyang inuupuan. Ang mga estudyante na kaganinay malamya habang siya'y nagtuturo, ay halos mag-uunahan sa pinto ng inanunsyo niya na pwede na silang umuwi.
Nang matapos ang kanyang pagliligpit, binagtas niya ang pasilyo patungo sa Faculty room. Sa ikaapat na mesa, kanyang ihinimlay ang pagod na katawan.
"Mag Che-check daw ngayon and Dean ma'am Psy" Ika ng co-teacher niya.
''as usual"
Ang paaralang tinuturuan ni Luna ay isang family business ng mga Pascal. Simula nang namatay ang presidente ng school na ito, pumalit ang vice president, ang kanyang anak na si Luke Pascual. Araw-araw niyang nililibot ang eskwalahan.
Strikto, napaka-OC sa lahat ng bagay. He wanted everything to be perfect. Gusto nya na ang lahat ay sumusunod sa rules. But he's someone na mabilis makasundo, as long as you follow the rules. His Physical attributes will definitely fit as model. He is tall and masculine. His eyes were intimidating as you look at it. He gives a deadly stare, that melts heart. An inviting lips that gives chills, everytime I saw him sipping from his metal straw. Wait nga, Tama ba Aster bilang gabay ang magkaroon ng ganitong thoughts? Gosh napaka makamundo mo.
"Andyan na si Mr.Pres--"
"Act natural ma'am" pag-putol ni Luna sa kanyang co-teacher na si Misty.
"How could I even act natural, when he stares as if he wanted to eat me whole"
"That's when professionalism enters, we have to act as if he's invisible"
"Woah!"
unti-unting lumalapit ang mga tunog, malilit na tinig nang mga estudyanteng takot, at humahanga kay Mr. Press. Nagpapahitawig na malapit na sya.
Huminga ako ng malalim at nakita kong nagsimulang mag-record ng mga grado ng estudyante si Luna. Biglang bumukas ang sliding door, at tumambad ang matikas na lalaki na nakasuot ng black suit, si Mr. President, Luke Pascal.
"Good evening" wika niya at puminit ang ngiti sa kanyang mamula-mulang labi. Tinungo niya ang bulletin board malapit sa kinaroroonan ni Luna upang kunin ang school Calendar, at ang record ng mga faculty.
"Ms. Merida?"
"Bakit po sir?" Aniya.
"I will give you a temporary Job aside from teaching, our guidance counselor is at the moment ay nasa hospital pa rin, temporarily I wanted you to be an acting guidance counselor since you're a Physiology graduate. You will understand the students emotion"
"Po-?" utal na turan ni Luna na mukhang hilong-hilo.
Nagtaka ako kung bakit tila humihina ang katawang tao niya. Ang kanyang kaluluwa'y kumakalas sa mortal na katawang tao niya.
" Aster ang iyong ginagabayan ay hihina, makukuha rin siya ng kadiliman! HAHAHHAHA!" wika ng Kadiliman 4555.
Bumuntong hininga ako at pumikit.
"Alam mo, ang nega mo! Nag momomentum pa nga ako tapos ini- interrupt mo?inoobserve kita ng ilang buwan, alam ko mahina ka. Kasi malakas ang paniniwala ni Luna sa upper realm. Kaya ngayon, lulunukin na Kita" turan ko sa demonyong kanina pang mapanuksong lumalapit kay Luna.
Eto pala? Eto pala ang nagpapahina kay Luna! Pwes di ka magtatagumpay!
"Come to my office at 7 pm, today. Para maidiscuss ko sayo ng maayos. Is that okay?" wika ni Mr. President, ngunit bago pa man sambitin ang mga katagang pagsang-ayon, ay tuluyan ng humandusay si Luna sa malamig na tiles ng Faculty room.
Lumipad palayo ang kadiliman, walang ano-ano'y sinundan ko ito. Nararapat lang matapos na ang kahibangan ng demonyong 'to, pagod na pagod na ako sa bunganga niyang paulit-ulit na pagtutukso kay Luna. Palayo nang palayo ang paglipad niya ngunit patuloy din ang pag- buntot ko sa papatunguhan nito. Ngunit kasabay ng aming pag-layo ay ang paglaho ng mundong kinatatayuan ni Luna.
Takot ang bumalot saaking katawan ng napagtanto ko ang mga pwedeng mangyari. Bumalik ako sa kinatatayuan ni Luna ngunit nakikita ko ang ambulansyang agad pinasok ang kanyang mortal na katawan.
"Wag mong sabihing mangyayari nanaman ang nangyari noon" ika- ko sa sarili.
Mukhang Tama ang mga kapwa ko Gabay. Hindi ako nararapat maging Anghel, mas nararapat si Luna. Sapagkat napaka irasyonal ko mag-isip at padalos dalos sa lahat ng bagay.
Takot, Kaba at Lungkot ang bumalot saakin ng harapin ang ministro't nalamang nawala ang kaluluwa ni Luna. Paano na? Makikita ko nanamang tatangis ang ama at ina ni Luna gaya nang unang beses ko silang makita. Makikita ko nanaman ang kanyang mga magulang na halos mawala sa ulirat sa tabi ng hospital bed.
Nang ako'y pinadala upang maging gabay ni Luna'y ganong ganon agad ang aking nadatnan, 9 years ago.
Bumuntong hininga ako at nagpahid ng lotion sa balat. Naglagay ako ng Lipstick sa mga labi na nagpa-tingkad sa mukha ni Luna, na madalas ay putla sa polbos lamang.
" Luna I will improve your wardrobe" Ika ko sa mortal na katawan ni Luna.
Sinuot ko ang Red dress na may truffles, hanggang tuhod. Mayaman si Luna. Ang kanyang ama ay doctor at ang kanyang ina nama'y dating modelo. Kaya palagi siyang binibilhan ng mga branded na damit ngunit iniimbak lamang niya ito sa kanyang closet. Palagi niyang suot ay pencil cut na skirt at polo shirt na puti. Kundi lamang dahil sa konsensya at awa sa magulang ni Luna, marahil di ako napapayag ng ministro. Pagkat wala akong kapangyarihan ngayong pumasok ako sa mortal na katawan ni Luna.
"Ano ho? Bakit ako?" iritable kong sagot sa ministro ng mga gabay.
Dahil daw sa kapabayaan ko't pagiging mainitin ang ulo ay nasa-panganib ang kaluluwa ni Luna. Hinabol ko lang Naman ang kadiliman, pag-balik ko nakatumba na ang mortal na katawan ni Luna. Pinatawag ako ng council ng upper realm, dahil ninakaw ng kadiliman ang kaluluwa ni Luna. Hindi na raw ito makita. Isang Buwan na itong, comatose sa hospital ng mga tao.
"Sinundan ko lang 'yong dark spirit, Kasi nakakainis na. Paulit-ulit na lang niyang pilit nilalason si Luna" dagdag ko.
" Aster yun ang dahilan kung bakit nawawala ang kaluluwa ni Luna. Ang iyong trabaho, bilang gabay at gabayan ang bawat nilalang sa lupa. Kung sakaling mag-isip sila ng kasamaa'y hindi mo kontrolado, pero ang pagpapanatili ng kanilang kaligtasan ay nasa kamay mo."
" Pero ministro hindi ko gusto ang mundo ng mga tao! Walang powers" pagsusumamo ko.
" sa lahat ng gabay nanaririto ikaw ang gumabay kay Luna, alam mo ang bawat nangyayari sa kanya. Lahat ng kwento't sekreto. Ikaw ang karapat dapat, na humalili sa kanyang kaluluwa" aniya sabay kuha sa coded necklace na nasaaking palad. "Magagawa mo na ang gusto mo sa katawang tao niya ng malaya" dagdag niya.
Tumingin ako sa salamin, nakita ko na maganda si Luna. Makinis ang balat, hindi katangkaran pero Tama lang ang hubog ng katawan.
At some point, narealize ko na okay lang pala na ako ang pumalit kay Luna. Finally, maigaganti ko na s'ya sa mga taong umaalipusta sa kanya.
Tama ang ministro ng gabay, sa lahat ng kaluluwang pwedeng sumapi sakatawan ni Luna ay ako ang mas karapat-dapat dahil lubos kong kilala si Luna.
Ngayon, ngayon ang pagkaktaon upang ipamalas ko ang husay at ganda ni Luna. Sinuot ko na ang boots na itim at gucci purse, plated with gold. Nag-suot ako ng shades dahil ayoko muna tumingin sa mga mata ng mga taong aking makakasalamuha, dahil ngayon ang first day of acting ko.
Lumabas ako sa pintuan ng makita ko ang babaeng nasa 50's and edad. Nakasuot siya ng kulay puti na dress na nagpapakita ng kurba ng kanyang katawan. Matangkad siya at tama lamang ang kulay. Si Luna ay di katangkaran, marahil sa ama niya di siya nagmana.
Naka tingin siya sa direksyon ko't nakangiti na may pag-tataka ang kulay itim niyang mata. Siya ang ina ni Luna, di maipagkakaila na isa siyang modelo. Mabilis na pumintig ang aking puso, at tuluyan dumaloy ang pintig saaking mga ugat patungo sa lahat ng parte ng aking katawan. Tila isa akong hinulmang estatwa sa harap ng Pascal University, sa sobrang kaba nang makaharap ko ang kanyang ina
Lumapit siya saakin at niyakap ako ng mahigpit. Bakit ganon? Napakagaan ng yakap nya, kahit ramdam ko ang higpit. Ang mga kabang bumalot saakin ay nagbalik patungo saaking dibdib at bigat na dumaloy saaking katawan ay napalitan ng panatag na damdamin. Kanina'y tila ako sementadong estatwa ngunit ngayon, isa na akong Anghel na sumasaliw sa musika.
Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa gawa niyang pagyakap. Nagulat siya, at nagulat din ako.
"Kumain ka na anak" Aniya, sabay turo sa pagkain sa mesa na nakahain.
Ganto pala ang piling magkaroon ng ina, kahit sobrang bigat ng iyong dinadala napapawi ng isang yakap.
"Babalik ka ba sa condo mo? Mas maganda kung dito ka na lang at maalagaan ka namin ng papa mo" wika niya sa maamong tinig.
Kahit ako'y gusto rin pumarito, para makasama kahit mortal na katawan lamang ni Luna ang kanyang mga magulang. Subalit, di ko yata kaya lokohin ang mala Anghel nyang ina. Di ko kayang sumilong sa bubong kasama ang kanyang butihing ina.
Dinampot ko ang hotdog na nasa lamesa at iniligay sa kanin na nasa plato ko. Kinuha Niya ang isang mangkok na gulay, at nilagyan ang aking pinggan. Ngumiti ako bilang pasasalanat at nagsimulang kumain.
Nang madampi ang dila ko sa ampalaya ay agad akong naduwal, napatakbo ako sa mahabang sink na nasa tabi ng hapag kainan. Ayaw ng katawan na 'to ng ampalaya napagtanto ko.
Nagmumog ako ng tubig mula sa faucet at pinunasan ang bibig iyon ng tissue. Huminga ako nang malalim, at tinungo uli sa hapag.
Subalit ang ina ni Luna'y nanlaki ang mata.
"bakit po?'' ika- ko sa kanya.
" Wala, nakakapanibago ka lang Kasi" Aniya.
" Huh? Bakit po?" Sambit ko sa mahinang tinig habang ang aking mga palad ay nilagay ko sa aking batok.
" yan yan!" sabay turo niya saaking mga kamay.
Agad kong ibinaba ang kamay mula saaking batok.
"Parang nagiging teenager ka ulit" aniya sabay hingang malalim at inimbita akong umupo.
" Noong teenager ka bago maaksidente, ganyang ganyan ka. Fashionista, akala nga nila ikaw ang magmamana saakin sa pagiging modelo. Ayaw mo ng ampalaya, nasusuka ka. " Nagulat Naman ako sa itinuran niya. Akala ko kung ano na ang ibig niyang sabihin.
" Ma..." Sambit ko at hinimas ang kanyang mga palad.
"Luna, dalawang beses ka ng naaksidente. Una, noong 15 years old ka. Pag kagising mo non, wala kang matandaan. Nag-iba ka na, ang magiliw mong mga mata ay nabalot ng lungkot ngunit masasabibikong nag matured ka sa edad mo. Kamakailan lang Luna, natumba ka sa office nyo. At ilang araw kang walang malay sa hospital. Ngayon, napagtanto ko na unti unti ng bumabalik ang alaala mo"
Mas mabuti na ito, na isipin niyang bumalik ang teenager na Luna. Kesa isipin niyang ibang-iba si Luna. Bumuntong hininga ako, nabalot ang puso ko ng awa. Awang-awa ako sa ina ni Luna.
Binalandra ko ang kotseng kulay asul sa parking ng Pascal University. Ang aking dress na kulay pula ay nagpapahiwatig na deserve ko ang atensyon. Siguro naman kung walang masama sa pag-suot ng mga mamahaling damit ni Luna na nakaimbak lamang sa closet.
Tinungo ko na ang office ni Luna, o sasabihin kong office ko. Dahil sa ngayon aangkinin ko muna ang mortal na katawan ni Luna.
Di sa kalayuan, natanaw ko si Luke Pascal sa bibig ng faculty room. Nakatayo siya habang hawak hawak ang isang tasang kape. Kitang kita ko sa kalayuan ang bawat paglunok niya. Ang bawat pag-galaw ng kanyang adam's apple ay nagbigay sensasyon sa aking mga maliliit na mata. Nagulat ako ng pumihit siya sa direksyon ko't nagtama ang aming mga mata. Lumakas ang kabog ng aking dibdib habang inihahakbang ko ang aking mga paa sa direksyon patungo sa kanya.
Teka nga, may gusto ba ang mortal na katawan ni Luna sa lalaking ito?
Bakit ganon na lamang ang kalabog ng aking dibdib.
"Good morning, Ms. Merida. I heard you're discharge now. But you should atleast take some rest, although..." aniya at inilapit ang tasa ng kape sa kanyang mapupulang labi. "although, I really need you now. I mean the school needs you. The students, the class is put on hold."
"I know sir" biglang umakyat lahat ng mainit na likido saaking katawan patungo saaking ulo. Nakakapang init ang kanyang sinabi ha! Anong tingin niya kay Luna? Kalabaw?
Nginitian ko siya ng abot tenga. "di ko naman ginustong mag-kasakit at mahold ang klase ko Sir. You know, I'm professional and as much as possible I draw line between my personal and professional. But when it comes to my health, di ko na kontrolado iyon."
Nanlaki ang kanyang mata marahil nagulat sa tinuran ko o marahil ramdam niya ang pagdidiin ko sa bawat salitang aking binibitawan para tumagos sa kokote niya. Ngayon Luke Pascal hindi mo na mapapasunod si Luna. Alam kong Parang tuta si Luna sa bawat order mo sakanya, ni minsan di ka nakarinig ng reklamo. But not now Luke Pascal. Not now.
"Are you being stubborn Ms. Merida?" aniya.
"Am I? Hmmm" sarkastiko akong ngumiti at lumapit sa kany. hinawakan ko ang kanyang neck-tie at pinasikipan iyon. "I'm not. Ikaw ba Mr. President, kontrolado mo ang health mo?"
He stilled and that made me smile. Binitawan ko ang necktie at inayos ang collar ng kanyang office suit.
Agad naman siyang umatras habang hawak pa rin ang tasa ng kape.
I chuckled. "I'm sorry, medyo magulo ang necktie mo."
"Your dress Ms. Merida is inappropriate. And, Buti naman nakapasok ka na. Muntik na sana akong maghanap ng bagong instructor" he sipped his coffee again. He winked, teasingly!
Oh. Sinasagad ata ako sa inis ng damuhong to. Well, I will let you taste my revenge for Luna.
"Is that so?" I pouted my lips. "I'm a very flexible and knowledgeable employee. I excelled so much in this field. Mukhang di naman ako mahihirapan kung sakali. Kasi I'm pretty, with this face of mine I can establish good impression and hook people. I have high IQ to understand things at mataas din ang EQ ko, I have heart for people. Therefore, I can adjust instantly kung sakaling mag-iiba man ang Environment na aking gagalawan. "
Lumapit ang mukha ni Luke sa tenga ko, dahilan para makaramdam ng kung anong gyera sa tiyan ko.
If cupid shoot Luna for this man, I swear to the god of gods, Zeus, I will dissect him!
"That's why I waited for you. You have everything that I needed. Gladly it didn't tuned out into waste, my flexible employee is finally back. saka, as if you can run away from me? You signed a four-semester contract, di ka pa nangangalahati. If I sue you away, malaki ang babayaran mo" aniya na mapang-asar na nakatitig saakin.
I shouldn't let his word shake me. Well, well, I'm not the old Luna you used to know Mr.Pascal.
"About that contract? I can abolish that. I can pay for the damages, if ever. But I will choose not to! Why? Simply because I couldn't find a boss as handsome as you, and as hot as you." I winked at him that made his jaw drop.