Baby
Dona's POV
DAHAN-DAHAN akong pumasok sa loob ng mansyon. Ayokong makalikha ng anumang ingay lalo na't may kasama akong sanggol. Kalkulado ko ang aking bawat galaw na kahit mabilis ay walang ingay. Daig ko na nga ang isang spy sa pinaggagawa ko.
Palinga-linga ako baka may makakakita sa'kin at buti nalang wala kaya't mabilis akong umakyat sa itaas na palapag. Niyakap ko nang mahigpit si Nemesis dahil baka malaglag at 'di ko maatim na mangyari 'yun.
"Hey! What are you doing?"
Napatalon ako at muntik na kaming matumba ni Nemesis dahil nasa huling baitang na kami bago makarating sa itaas nang biglang sumulpot si Tangerine. Dali-daling hinawakan nito ang aking bewang at napasubsob ako sa dibdib nito. Napatitig ako dito at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Natigil lang ako sa pagtitig dito nang umiyak si Nemesis kaya't agad akong humiwalay dito at pinatahan ang bata.
"Hush, tahan na, baby.." pag-aalo ko at sumisigok-sigok pa ito habang karga ko.
"Saan galing 'yan? May anak ka na? Aw!" parang tangang wika nito kaya't kinotongan ko nga gamit ang kabilang kamay ko.
"Letse! Paano ako magkakaanak e wala pa kong boyfriend ano 'yun dinuraan lang ako? Nakakayamot ka naman, umalis ka na nga para makapagpahinga na si Nemesis.." sabi ko at napakunot naman ang noo nito pagkatapos ay natulala.
"Pagpasensyahan mo na 'yun, baby pampam lang 'yun." usal ko at umungot naman ito. Pumasok na kaming dalawa sa loob ng aking kwarto at hiniga ko ito sa kama. Kumawag-kawag pa ang kamay nito at dumadapa. Nakakatuwa naman si Nemesis kaso nga lang paano naman kapag nasa school na ko? Sino ang mag-aalaga? Napakamot naman ako sa'king ulo, namoblema tuloy ako.
"Kaloka naman ang mga parents mo, baby. Bakit ka naman nila iniwan dun? Ang cute-cute mo pa naman tapos pupu, ay! pupu nga."
Napasinghap ako dahil nangangamoy ang pang-ibaba nito at umungot naman ito. Kinuha ko ang bag nito at napataas ang aking kilay dahil kumpleto pa ang gamit ni Nemesis at customize. Halatang mamahalin pa, lah?
"Aba! Ganda ng mga gamit mo, Nemesis. Personalized pa talaga kaso iniwan ka naman."
Napailing nalang ako at kinuha ang baby wipes at diaper nito tyaka onesie. Aba! Ang cute naman nito. May nakalagay na, "I love, Mama!" tapos may disensyong posas.
Habang nililinisan ko ito ay titig na titig ito sa'kin at nagsasalita ng mga kakaibang tunog siguro nasa 7 o 8 months na itong si Nemesis.
"Maganda ba ako, baby?" tanong ko at humiyaw 'to sabay pakita ng maliit nitong ngipin. Nakakatuwa naman si Nemesis, kaya't hinalikan ko ang pisngi nito. Matapos kong malinisan ito at bihisan 'to ay tinimplahan ko na ang tsupon nito ng gatas.
Pagkakita palang nito ay agad kumawag-kawag ang mga kamay nito kaya't inabot ko na. Dali-daling dumedede ito at hinimas ko naman ang buhok nito hanggang sa makatulog. Napabuntong hininga naman ako at kailangan ko na munang maglinis ng katawan. Pinalibutan ko muna ng maraming unan si Nemesis baka kasi malaglag pero mabait naman ito kaya naman binilisan ko nalang maligo.
"Ay! Tae nakalimutan ko pa ang tuwalya ko sa kamamadali. Oh, well wala naman akong ibang kasama kundi si Nemesis tyaka wala namang muwang 'yun."
Lumabas ako mula sa banyo na hubu't-hubad at tumakbo sa cabinet ko pero agad din akong nanigas.
"f**k!" nahihirapang anas ni Tangerine habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kabuuan ko. 'Di ko malaman ang tatakpan ko. Letse!
"Bwiset! Lumabas ka sa kwarto ko!" hiyaw ko at halos magkanda-tumba na ito para makalabas. Impit akong napatili dahil nakita nito ang sexy kong katawan. Wala na! Nakita na ni Tangerine. Kainis!
Mabilis akong nagbihis at pulang-pula ang aking mukha dahil naman sa nangyari. Ugh! Kainis! Napakacareless ko! Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Tangerine na pulang-pula ang tainga.
"Oh?! Ano na naman?! Alam mo naman na kwarto ko 'yun tapos papasok-pasok ka nang walang pahintulot ko! Ano bang problema mo, ha?!" asik ko, ayoko naman na magsisigaw sa loob ng aking kwarto lalo na't tulog na tulog si Nemesis.
"I know him.." usal nito, napakunot naman ang noo ko. Sino si Nemesis? Ay! Anak ba nito 'yun? Nanlisik naman ang mga mata ko at sinampal ito.
"Anak mo ba si Nemesis? Tangina! Pakalat-kalat 'yang etits mo tapos 'di mo pinapanagutan ang ina ni Nemesis? Gago ka! Wala kang puso!" hiyaw ko at pinagsasampal ito at pulang-pula ang mukha nito. Hinihingal ako ngunit ni-hindi man lang ito lumalaban o 'di kaya'y pinigilan ako.
"Tapos ka na?" mahinahong sabi nito at nambabalasik naman ang tingin ko dito.
"Oo, anak ko siya pero--" di ko na tinuloy ang sasabihin nito nang sapakin ko ang mukha nito at dumugo ang ilong nito.
"Gago ka! Anak mo pinapabayaan mo?! May puso ka ba? Puro lang kadyot alam mo at pasarap sa kama pagkatapos kapag nabuntis na ang babaeng kaulayaw ay iiwan! Gago ka! Ni-hindi ka na naawa kay Nemesis! Wala kang puso!"
"Sandali nga, galit na galit ka sa'kin. Sabi ko anak ko siya, pangarap ko na ipapangalan ko sa anak ko sa babaeng mahal ko ang Nemesis at kamukhang-kamukha ko siya.."
Tila may tumusok na punyal sa dibdib. Lah? Bakit ko naman naramdaman 'yun? Affected ako e ni-hindi ko naman gusto ang Kurdapyo na 'to. Pake ko naman dito! Tirahin niya ang gusto niyang tirahin.
"Oh? Napakabaya niyo namang magulang. Bakit naman iniwan si Nemesis sa damuhan? Ginawang tae lang, ah. Tao 'yun tandaan mo 'di puro pasok ng etits lang! Nakakainis talaga ang mga walang hiyang taong katulad niyo."
Inis na inis ako dahil bakit naman nila ginanun si Nemesis. Walang muwang ang bata tapos parang laruan na iiwan kung saan. Naawa ako sa bata dahil mga walang hiya ang magulang lalo na itong babaero na 'to.
"Dona--" hahawakan sana ako nito sa kabilang kamay ngunit tinabig ko.
"Ang baboy niyo mas lalo ka na, wala kang bayag para gawin ang responsibilidad mo bilang isang ama." sabi ko at pumasok sa loob ng aking kwarto pagkatapos ay nilock. Napadausdos ako sa pinto hanggang sa makaupo sa lapag. Narinig kong umiyak si Nemesis at tumakbo ako papalapit dito pagkatapos ay niyakap ito.
"Hayaan mo, kung ayaw nila sayo ako nalang ang magmamahal sayo.." sabi ko at umusal naman ito ng isang salita habang nakatingin sa'kin at napatulala ako.
"Ma--- ma.."