Chapter 10

1058 Words
Deal Dona's POV NAGPAHID ako ng aking luha habang nakatingin kay Nemesis na nakayakap sa'kin. Naawa ako dito at talagang may kakaibang pagmamahal ang namumutawi sa dibdib ko. "Kung ayaw nila sayo, handa akong punan ang pagkukulang nila.." usal ko at napabuntong hining. Tinapik-tapik ko ang hita nito habang humihimig ako ng isang tunog hanggang sa dalawin ako ng antok. Napapikit nalang ako at unti-unting nilamon ng antok. "Nemesis! Baby!" hiyaw ni Tangerine at masayang tumili naman si Nemesis sabay alis sa kanlungan ng babaeng 'di ko mabanaag ang mukha habang gumagapang. Sino 'to? "I miss you, baby at syempre namiss ko din si Mama mo.." usal nito, napahagikhik naman ito at agad kinarga ni Tangerine ito. "I love you both.." "Ma! Ma! Pa! Pa!" hiyaw ni Nemesis at tumawa naman ito. "Narinig mo 'yun? Ang talino talaga ng anak natin! I bet his going to be a genius!" proud na proud na sabi nito at pinaghahalikan si Nemesis. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng putok ng baril at biglang bumulagta ang babaeng kasama nila Tangerine. Napabangon ako at pawis na pawis ako. Habol ko ang aking hininga, ano ang panaginip ko na 'yun? Napakunot ang aking noo dahil may nakadikit sa'king parang bilog na may ilaw sa kamay ko kaya't hinawakan ko ngunit biglang lumipad ito. "Ma-- ma.." wika ni Nemesis habang nakatingin sa'kin. Halatang naalimpungatan ito sa pagbangon ko. Napabuntong hininga naman ako lalo na't bakit ganun ang aking panaginip? Bakit napanaginipan ko sina Tangerine at Nemesis ang nandun at kasama ang ina nito? "Pasensya na, baby at nagising kita. Sleep ka nalang ulit.." Ngunit imbes na matulog ay unti-unting umiyak ito kaya't dali-daling kinarga ko ito. Nadudurog ang aking puso kapag ganun si Nemesis. Ewan ko ba, siguro kasi malapit sa puso ang mga bata. "Anong meron sa pagkatao mo, Nemesis? Sino ba ang tunay mo ina? Paano nangyaring nasa labas ka at ang ama mo si Tangerine?" gulung-gulo ang aking isip lalo na't kinumpira nito na anak si Nemesis. "Sino ba ang tunay mong Mama?" "Ma--ma.." usal nito at napakunot naman ang noo ko dahil nakatingin sa'kin ito. Napailing nalang ako, malayong mangyaring magkaanak kami ng Kurdapyo na 'yun oo nahalikan ako nito pero 'di ba dapat papasok sa'kin ang ano basta tapos mag-aanuhan bago magkaanak? Namula naman ang aking mukha, ano ba naman 'yan may karga akong bata tapos kahalayan pa ang naiisip ko. "Kiss lang 'yun, Nemesis 'di nakakabuo ng bata sa kiss lang dapat may kiskisan at pasukan sabayan mo ng duraan sa ibaba.." bulong ko sa isip ko, ngumuso naman ito at yumakap sa'kin. "Ma--ma.." Ano ba 'yan! Bakit Mama ang tawag nito sa'kin e ang ama nito ay si Tangerine. Naging instant motherlicious na ko. "Ang kulit mo, 'di nga ako ang Mama mo dahil 'di ka naman lumabas sa'kin utot lang baby ang meron pero walang Nemesis." Nanlaki naman ang aking mga mata dahil pumalahaw ito nang malakas na iyak at 'di ko mapatahan. "Uy! Tahan na.. Hala siya! Binibirit pa.." biro ko ngunit 'di pinapansin ni Nemesis at ayaw tumigil sa kakaiyak. Namumula na din ang mukha nito kaya't nag-alala naman ako. "Nemesis! Isa! Tumigil ka na sa pag-iyak joke lang 'yun!" Ngunit walang epekto, kinakabahan na din ako kaya't napatakbo ako papalabas sa'king kwarto para magtungo sa kwarto ni Tangerine. Ni-hindi ko naman kabisado ang pagkakalma sa anak nito 'no. "Tangerine! Buksan mo ang pinto, dali!" Pupungas-pungas na binuksan nito ang pinto at agad nanlaki ang mga mata dahil sa itsura naming dalawa ni Nemesis. Pulang-pula na ang mukha nito at dali-daling kinuha sa'kin ni Tangerine ang bata. Naiiyak na din ako dahil sa takot. "Hush, baby.. Bakit? Sino nag-away sayo?" malambing na tanong nito habang inaalo si Nemesis. "Ma--ma.. Ma--ma.." paulit-ulit na sabi ni Nemesis at napakagat naman ako sa'king labi dahil sinisisi ako nito sa pag-atungal. Lah? Kasalanan ko ba 'yun sinabi ko lang naman ang totoo na 'di ako pwedeng maging ina nito dahil 'di naman ako ang nagbuntis. "Mama? Oh.. Anong sabi sayo?" tanong ni Tangerine habang nakatingin sa'kin at humupa na ang iyak ni Nemesis. Panay ang sumbong nito. "Ma--ma.. Ma--ma.. Ma--ma.." Patango-tango naman si Kurdapyo na tila naiintindihan ang hinihimutok ng anak. Aba! Lakas ng amats nito, ah. Sabagay ama naman ito ni Nemesis kaya't magkakaintindihan naman talaga ang mga ito. "Love ka niya, 'di ba Mama?" tanong ni Tangerine habang nakatingin sa'kin at nakangusong naghihintay din ng sagot si Nemesis. Daig ko pa ang natatae lalo na't ang mag-ama ang naghihintay sa isasagot ko. Maling sagot lang ay alam kong iiyak na naman si Nemesis at baka mahuli kami ng mga tao dito. Napabuntong hininga naman ako at ngumiti. "Oo naman, baby. Halika na't yakapin mo ko. Napakamatampuhin mo naman. Joke lang 'yun pwede mo kong tawaging Mama. Gusto mo unli pa para ayos." Unti-unting sumilay ang magandang ngiti ni Nemesis at iminuwestra ang mga kamay para magkpakarga sa'kin kaya't lumapit ako sa kanila ni Tangerine. Tuwang-tuwa naman si Nemesis kaso nga lang nasanggi pa ng kabilang braso nito ang dibdib ko. "Ehem.." Kapal ng mukha, inikutan ko nalang ng mga mata lalo na't yakap na yakap sa'kin si Nemesis. Pasalamat talaga ito na nandito ang bata dahil bibigwasan ko na naman ito. "By the way, your so sexy.." usal nito at namula naman ang aking mukha. Gusto kong bulyawan ito kaso napatingin ako sa sarili ko dahil nakamanipis lang akong kamiseta at walang bra. Letse! "Let's have a deal, Dona since gusto ka ni Nemesis. Why don't you be his mother instead?" alok nito na akala mo'y candy lang ang sinasabi. Huh? Bakit ako? Nasaan na ang tinira este naanakan nito? Lah? Parehas lang pinaganda ko lang, eh. "Bakit ako? Nasaan na ba ang ano mo? Bakit 'di siya ang mag-alaga kay Nemesis?" Nakakahighblood naman ang nangyayari. Bakit ako? Nanahimik ako, ah. Pinagtitripan ba ako nito? "Ma--ma.." Napatingin naman ako kay Nemesis at ang pamoso nitong magic word. Napabuntong hininga naman ako, may choice pa ba ako? Nasaan na ba kasi ang ina ni Nemesis at daig pang nang-iwan ng tuta, ah. "Sige na payag na ko basta kay Nemesis lang at wala akong pakialam sayo." Ngumiti naman ito at nanlamig naman ang katawan ko sa sumunod na sinabi nito. "Titira tayo sa bahay natin. You, me and our baby.." Tama ba ang desisyon ko at sa papasukin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD