Chapter 11

1083 Words
New Home Dona's POV EWAN  KO BA, bakit parang ang bilis kong mapapayag ni Tangerine. Basta't si Nemesis lang naman ang dahilan nang lahat. "Sigurado ka bang walang makakahalata na titira tayo sa iisang bahay?" tanong ko at tumango naman ito na parang bata. Kasalukuyan kaming nakasakay sa sasakyan nito. Medyo umokay-okay na din ang kamay nito at buti naman kung ganun. "Don't worry, everything is settled. Trust me, okay?" Napatikom naman ako ng bibig. Trust me, big word pero sana hanggang dulo ay matandaan pa nito na nangako sa'kin. "Ma--ma.." wika ni Nemesis habang hinahatak ang damit ko at bumaling naman ang tingin ko dito. Napakacute nito pero naaawa din ako dito lalo na't pakiramdam ko'y itinatago ito ni Tangerine sa pamilya. Paano nalang kung lumaki na ito? Dadating din ang pagkakataon na magkakaroon kaming dalawa ng sariling pamilya. 'Di naman pwedeng nakabuntot lang ako sa mag-ama lalo na't 'di naman ako parte ng buhay nila. Maisip ko lang 'yun ay kumikirot ang dibdib ko. "Nemesis.." usal ko at ngumiti naman ito sabay yakap sa'kin. Kung siguro ang tunay na ina nito ay 'di ko hahayaang mapalayo sa'kin ang ganitong klaseng anak. Napakaswerte nito na biyayaan ng ganitong anak. "Matanong ko nga, bakit ngayon ko lang siya nakita? Hindi naman sa pakialamera ako pero itatanong ko na din tutal pinakialaman mo naman ang buhay ko para quits na din." Natawa naman si Tangerine na akala mo joke ang sinabi. Letse talaga kaya nagiging batang ama sa kakaganyan. Napakalandi at mahilig manuka. "Hmm.. sabihin nalang natin na mabilis ang mga pangyayari at biglang sumulpot si  Nemesis, maniniwala ka ba sa'kin?" tanong nito at napakunot naman ang noo ko. Mabilis talaga, paspas na paspas sa kapusukan. Inismiran ko ito dahil ang baboy nito. "Tsk! Matagal pa ba?" asik ko at tumawa na naman. Ano ba 'yan? Nasisiraan na ba ito ng bait dahil panay ang tawa e ni-hindi naman ako nagbibiro ganyan ba kapag nakakaano? "Atat na atat ka 'no? Sabagay kahit naman ako gusto ko nang mabilis kaysa sa mabagal para nandun na agad--" Naputol ang sasabihin nito nang batuhin ko ang ulo nito ng diaper ni Nemesis at humagikhik naman ang bata. "Oh? Bakit ka namamato, 'di ba dapat sweet tayo?" Naiinis na talaga ako at tinapik-tapik ni Nemesis ang aking pisngi at ngumiti nang pagkatamis-tamis. Tila nalusaw naman agad ang aking galit. Buti nalang talaga na 'di nagmana kay Tangerine si Nemesis kundi nganga na. "Di pa nga ko tapos e, namamato ka na. Napakabattered Papa ko naman kapag nagtagal. Dapat minamahal 'di sinasaktan kaya't dapat magmahal tayong dalawa." "Oh? Tapos ka na? Wala akong pake sayo basta si Nemesis lang ang priority ko, 'di ba baby?" usal ko at ngumiti naman sa'kin ito. "Aw! How about his Papa? Ayaw mo ba din sa'kin? May abs ako tapos bibigyan kita ng maraming kisses anytime at yayakapin din kita nang mahigpit. Kung gusto mo mag-momol tayo.." Napailing nalang ako, mali ata na pumayag akong tumira kasama sa bahay ito. Parang dinala ko ang aking sarili sa isang lugar na wala na kong tatakbuhan. -- NAMANGHA naman ako sa lugar kung saan kami dinala nito. Grabe! May ganito palang kagandang tahanan. Simple lamang ito pero syempre bakas ang bahid ng siyensya. May nakapaskil pang mga kung anu-anong abubot. Naghuhumiyaw na si Tangerine ang nagmamay-ari nito. Napabaling naman ako kay Nemesis na tumili. Natawa naman ako dahil bakas sa mukha nito ang kasiyahan. "Ma--ma!" Panay ganyan nalang ang sinasabi kaya't nagtataka ako kung bakit ni-hindi man lang nito banggitin si Tangerine kasi ito naman ang ama ni Nemesis. "Tara, pasok na tayo.." masayang sambit ni Tangerine at pinapasok na kami. Grabe kung maganda ang sa labas ay mas bongga sa loob. May robot pang naglilinis na tila isang vacuum na bilog na paikot-ikot. "Cuum, greet them.." utos ni Tangerine at namangha naman ako nang biglang huminto ito at nagsalita. "Hello, Welcome Rocero Family! Welcome Master Tangerine, Lady Dona and Young Master Nemesis!" bati nito at 'di ko mapigilan na mapasinghap naputol lang 'yun nang pumalakpak si Nemesis pero syempre mahinang tunog lang. "Paano niya ko nakilala? Ni-hindi naman kami close ng vacuum mo." nagtatakang turan nito at bahagyang namula pa ang tainga. Naputol naman ang pagtingin ko dito nang may lumabas na aso. "Shark, come here." utos ni Tangerine at mabilis na tumakbo ang kalaki-laking aso. Nakakatakot naman ito at baka makagat ako. Ayoko pa namang saksakan ng injection sa pwet. Teka, ano daw ang pangalan ng aso, shark daw? "Bakit naman 'yun ang ipinangalan mo diyan? Ginawa mo pang isda ang aso." "Oh? Well, ang ex girlfriend ko ang nagpangalan sa kanya nito. Actually, he's our anniversary gift pero ako na ang umako kay Shark." Aba! May paganun-ganun pang nalalaman. Ang baduy naman magpangalan 'nun. Ex? Baka naman 'yun ang ina ni Nemesis. Bakit 'di nalang 'Anaconda,' tutal mga malalandi naman na mahilig maglingkisin ang dalawa. Tsk! Bakit ba ako galit? Ayaw kasing sabihin ni Tangerine puro spoiler, eh. "Saan ba ang kwarto?" tanong ko at biglang ngumisi naman ito. Lah? Katakot naman ng ngiti daig pa ang manyak sa kalye. "It's too early for that, mamaya nalang kapag tulog na si Nemesis. Ouch!" 'Di ko na napigilan ang aking sarili na sinapain ang binti nito. Naiinis ako sa mga salita nito naghuhumiyaw ang pagkababaero. Nakakaawa naman si Nemesis 'di na ko magtataka kung dumami pa ang mga anak nito lalo na't walang tigil ang bunganga nito sa kalokohan at kabastusan. "Naku! Isa pa at lalayasan na kita dito. Seryoso akong nagtatanong tapos binibiro mo ang lahat. 'Wag mong daain lahat sa biro dahil 'di nakakatuwa. Umayos ka lalo na't may anak ka na ipakita mo na ama ka. Hindi 'yung akto mo ay mas bata pa kaysa kay Nemesis." sita ko at agad naman tumahimik ito na akala mo'y batang mabait. Napailing naman ako, tatanda ata ako ng sampung beses dito. "Ma--ma.." usal ni Nemesis habang nakangiti at napabuntong hininga naman ako tapos niyakap ito nang mahigpit. Kumakalma ako kapag ganun taliwas sa ama nitong Kurdapyo na kumukulo ang dugo ko. Sino ba naman ang 'di maiinis kapag ganyan ang kasama mo? Gusto ko na itong iutot. "Cuum, ituro mo nga sa'kin ang bedroom namin ni Nemesis.." utos ko at nagbakasakali na susunod ito dahil bangag ang nag-imbento. "Yes, Lady Dona. Just follow me.." sagot nito at napangiti naman ako, buti naman at may matino pa dito bukod sa'min ni Nemesis. Good luck nalang sa'kin if makakasurvive ako sa lungga ni Tangerine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD