Chapter 12

1043 Words
Hug Dona's POV "OH, Paano ang arrangement natin kapag nasa school na tayo? Sino ang magbabantay kay Nemesis?" tanong ko habang nakataas ang aking kilay. "Hmm.. si Moma.." sagot nito at napakunot naman ang noo ko. Huh? Sino 'yun? Mukhang nakita naman nito ang itsura ko. "Moma's a robot not a human kaya't 'wag kang magseselos.." Aba! Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to! Sino naman ang nagsabing nagseselos ako?! May sinabi ba ako? "Utot mo, selos ka dyan. Nangangarap ka ata ng gising, 'no? Kailanman 'di ako magkakagusto sayo itaga mo sa mga itlog mo." natatawang turan ko, napakunot naman ang noo nito at umasim ang itsura nito na kasing-asim ng pangalan nito. "Ma--ma.." usal ni Nemesis habang nakadapa sa kama naming dalawa. Ayoko ngang makatabi 'to mamaya' kung ano pang gawin nito sa'kin mahirap na 'no. "Bakit baby?" "Ma--ma.." sambit na naman nito at humagikhik. Napakacute talaga nito at sa sobrang tuwa ko'y pinaghahalikan ko ito. "Kahit galit ka sa'kin masaya na din ako dahil masaya si Nemesis.." singit ni Tangerine, napahinto naman ako sa paghalik kay Nemesis at bumaling dito. "Sino ba naman ang 'di mamahalin ang kagaya ni Nemesis na very charming, sweet and innocent taliwas sa amang loko-loko. Dati mo pa ako inaasar natural lang sa'kin na ganun ang reaksyon ko. Kabisado na kita pati ang amoy ng utot mo kaya't 'wag ako." Napabuntong hininga naman ito bago lumapit sa tabi ko at napasinghap ako nang hawakan nito ang aking balikat. Putek! Ang lapit na pala nito sa'kin kaya't nanlaki ang mga mata ko. "Sa puder ko, 'di tayo aso't pusa dahil tayo ang mga magulang ni Nemesis. Sana naman 'wag kang umangal lalo na't gusto ko lang lumigaya siya. Ayokong magsisisi sa huli o 'di man lang mabigyan ng kasiyahan siya. Sana makipagcooperate ka at isantabi muna ang iniisip mo sa'ting dalawa.." Punung-puno ng pagsusumamo ang itsura nito at talagang tumatagos sa puso ko ang bawat salitang lumabas sa bibig nito. Para kay Nemesis ay gusto nitong magkasundo kami. Pwede naman mangyari 'yun kaso nagdududa naman ako kung kaya ni Tangerine 'yun. "Sabihin mo din sa sarili mo 'yan, 'di lang sa'kin. Maging ama ka kay Nemesis at 'wag kang mag-alala tutulungan kita. Ayoko namang makita niya tayong nagbabangayan na parang aso't pusa." Unti-unting tumango naman ito at nanlaki ang mga mata ko nang patakan nito ng mabilis na halik ang aking labi at agad na niyakap ako. Natulala ako, ang bilis ng t***k ng aking puso. Anong ginagawa mo sa'kin, Tangerine? "Salamat, 'di ka magsisisi na tulungan ako. I promise you." Lutang ako, pakiramdam ko tumatakbo ako ng mabilis. Tanging rigidon ng aking puso ang naririnig ko sa'kin tainga habang yakap-yakap ako ni Tangerine. Ang init at may kakaiba akong naramdaman. Ano 'yun? Gusto kong malaman kung ano ba 'to? Biglang kumahol ang aso nitong si Shark at nanggagalaiting nakatingin sa'kin. Hmp! Dapat sinama na din ng ex nito ang aso may remembrance pang iniwan. 'Yun na din ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Pulang-pula ang mukha ko, nasisiguro ko 'yan kaya't lumingon naman ako sa kabilang parte ng bahay. "Uhm.." Ni-hindi na nga ito makapagsalita pati na din ako. Tila nawala ang utak ko at lumipad na parang ibon. "Ma--ma!" wika ni Nemesis ang nagpabasag sa'ming katahimikan at bakas ang kasiyahan sa mukha nito. Lalo naman akong nahiya lalo na't nakalimutan kong kasama pa din namin ito. Kaloka! Keri ko pa ba ang makasama si Tangerine kung lagi nitong tinutuka ang labi ko na siyang nagpapakaba sa'king dibdib. --- HINDI AKO MAKATULOG, namamahay ata ako o dahil sa kanina. Namula naman ang aking mukha at napahawak ako sa'king labi pakiramdam ko'y nakalapat pa din ang labi ni Tangerine sa'kin. "Dalawa.." 'Yan na ang bilang kung ilang beses akong ninakawan nito ng halik. Ang tanong dalawa nga ba? Napapikit naman ako, nakakabaliw naman oh! Bakit ko naman naisip na lalagpas pa. Naguguluhan ako sa'king sarili, bakit 'di man lang ako pumalag o ano. Nagkakagusto na ba ako kay Tangerine? Hindi maaari dahil si Kuya Citrus ang ideal man ko at 'di si Kurdapyo. Malayong-malayo ang ugali nito kaysa kay Kuya. Bakit naman ako magkakagusto sa'king kaaway? Wala naman sigurong magtatangkang gustuhin ang kaaway? Ano ba 'yan at kung anu-anong naiisip ko lalo na't pumayag lang naman ako sa kasunduan para kay Nemesis, 'yun lang period. Bakit naman masasama o makikiangkas sa puso ko pati ang Kurdapyong ama nito. Ang malaking katanungan, sino ba ang ina ni Nemesis. Syempre ang nakakaalam lang 'nun sina Tangerine at si Nemesis kaso nga lang ako ang tinatawag nitong Mama e alam ko namang malabong mangyari 'yun. Ang dami din ng mga nalilink kay Tangerine. Alanganin naman ipaswab test ko isa-isa 'yun 'di na uy! "Wala naman ipinapakilala si Kurdapyo na girlfriend, ah so ano 'yun? Tikim-tikim lang tapos nganga. Ano bang bunganga meron ako?! Nakakayamot naman, bakit ba ako nag-iisip pa nang 'di ko naman pake." Naiinis ako sa sarili ko, bakit ba ako nakikisali? Daig ko pa ang batang nakikipaglaro sa labas na dapat kasali ako lagi. Oo nga't competitive ako kaso 'di naman kompetisyon ang kinakaharap ko dahil 'di ko naman pinaglalaban 'to mas gusto ko lang makatulong. "Bahala nga siyang makipag-anuhan 'di ko naman siya gusto 'no." Pero deep inside maisip ko lang na may ibang babae na naman si Tangerine ay timutusok ng tooth pick ang puso ko. Lah? Bakit? May kirot akong nararamdaman sa'king puso maisip ko lang na may ibang kalampungan si Kurdapyo. "Maharot pa sa aso si Tangerine kaya bakit ba ako maano dun. Bahala siya, 'di naman siya supot para bantayan." Napatingin nalang ako kay Nemesis na mahimbing na natutulog. Napakaamo ng itsura nito at 'di makabasag pinggan. Buti nalang na mabait 'to kasi 'di ako makikipagtiyagaan sa kanilang mag-ama. Hinimas ko ang buhok ni Nemesis at umungot 'to sabay subo ng daliri. Napangiti ako, sobrang cute nito. "Nemesis, sana ikaw ang maging susi para magkasundo kami ni Tangerine. Sana talaga magbago na siya at 'di na maging babaero.." usal ko at umungot 'to na tila sumasagot pero nakapikit naman. Mahina akong natawa bago umayos ng aking higa. May pasok pa ko bukas kaya naman dapat 'di ako magmukhang aswang. "Good night, Nemesis.." bulong ko at unti-unting ipinikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD