Chapter 13

1274 Words
Burn (SPG) Dona's POV RAMDAM NA RAMDAM ko ang mainit na hininingang humahalik sa'king leeg habang nakapatong sa katawan ko. Napakagat ako sa'king labi lalo na't pakiramdam ko'y mahina ako at tila walang pagtututol namang nangyayari sa'king katawan. "Ako nalang ang ibigin mo, 'wag na ang kapatid ko. Masakit kung siya ang pipiliin mo. Ayokong maging kapatid kita gusto kong maging asawa kita..." Patuloy ito sa paghalik sa'king leeg hanggang sa unti-unting bumababa ang mga halik nito patungo sa'king dibdib. Napaungol ako nang masahiin nito ang aking didbib. Unti-unting nililihis nito ang damit ko at ramdam na ramdam ko ang lamig dahil naaalis ang terante ng damit ko mula sa itaas. Ano ba ang nangyayari at tila napapaso ako sa init na ginagawa nito? Bakit parang naging alipin ako at nawala ang pagiging tigresa ko? "Kung 'di mo pa din ako mapansin dadaanin ko nalang sa ibang paraan. Alam ko sa sarili ko na sa huli ay magiging tayo.." Aba! Ang kapal naman ng mukha nito. Alam na alam ang mangyayari sa future. Sino ba 'to? Lunod na lunod ako nang halikan ako nito sa labi. Pamilyar ang mga halik nito ngunit kakaiba ang aking pakiramdam na tila walang pagtututol ang aking katawan. Mainit ang labi nitong sumisibasib sa'king labi habang minamasahe ang aking dibdib at panaka-nakang nilalapirot ang aking mga dunggot na nagpapaungot sa'kin. Bumaba muli ang halik nito hanggang makarating sa dibdib ko. Napakagat ako sa'king labi nang ikulong ng bibig nito ang aking sensitibong dunggot at sinupsop ito. Anong klaseng panaginip ba 'to? 'Di ba dapat ikakasal muna kami ng ideal man ko pero bakit honeymoon agad? 'Di ko alam na paspasan pala ang aking destiny. Sana naman may warm up kahit sa panaginip man lang para ready ako. Napaarko ang likod lalo na't 'di magkandauto ito sa pagsupsop sa'king mga dunggot. Tila isang gutom na batang sabik na sabik sa gatas ng ina. "Ahhh..." Ni-hindi ko na napigilan na mapaungol lalo nang hinamasin nito ang ibabang parte ko. Ano bang nangyayari? Nagiging alipin ako ng lalaking 'to? "f*****g wet for me!" usal nito at napadaing pa. Napakagat ako ng aking labi nang magsimulang maglumikot ang mga daliri nito. Napasinghap ako nang mabilis nitong ipasok ang daliri at nilabas-masok habang sumusupsop sa'king dunggot. Darang na darang ako at ni-hindi ko malaman kung saan ko ibabaling ang aking atensyon kung sa itaas ba o sa ibaba dahil parehas masarap ang ipinapalasap sa'kin at nakakabaliw. "Ugh! Damn!" Mas lalong binilisan nito ang galaw ng mga daliri sa'king ibaba at talaga naman 'di ko mapigilan na makaramdam nang kakaibang kiliti kaya't naihi ako. Hinang-hina ako kahit wala naman akong ginawa. "I love you.." --- BANGAG-BANGAG ako kinabukasan. Naramdaman ko namang may sumusundot-sundot sa'kin tagiliran. "Lah? Ano 'yan daig mo ang puyat, ah. Ni-wala naman tayong pinagkakapuyatan na mga term papers. Grabe! Daig mo pa ang zombie, buddy!" eksaheradang sabi ni Yen habang nakangisi. Napayukyok nalang ako dahil inaantok pa ko. "Oy! Baka naman lumalovelife ka diyan, ah. 'Yan mga ganyan datingan daig pa ang kakatapos magmomol. Sabihin mo nga, may inililihim ka ba sa'kin?" Lah? Grabe talaga 'to bagay na bagay dito maging pulis dahil magaling mangilatis. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko at 'di inaalis ang pagkakayukyok. "Hmm.. kasi puyat ka at lutang. 'Di ka ganyan dati kahit na nag-aaway kayo ni Tangerine ay fresh ka pa din ngayon talaga kakaiba e, I smell something.." Nakakahalata na ba 'to na may sikreto ako at 'yun ang pagsasama namin sa iisang bubong ni Kurdapyo? "Hey! Anong topic?" nakangiting tanong ni Ryker na may dala-dalang pizza. Agad namang napatili si Yen dahil may pagkain. "Yun oh! The best ka talaga Ryker! Ikaw ang kasagutan nang pag-aalburoto ng tiyan ko. Teka, anyare bakit parang masaya ka?" tanong ni Yen habang binubuksan ang malaking box ng pizza. Nasa tambayan kami sa may garden dito sa loob ng University. "Wala lang, dapat ba akong malungkot? Masaya ako dahil kasama ko kayong dalawa ni Dona.." sagot nito at umismid naman si Yen. "Weh? Dalawa ba talaga o isa lang? Pabebe ka pa, Ryker mamaya at masulot pa. Bilisan mo na habang 'di pa nadadapuan ng bangaw ang tae." Huh? Tae? Bakit naman nasama ang tae? Gutom na talaga si Yen pati na din ako. Agad Kong inangat ang aking mukha mula sa pagkakayuko sabay hangin nang malakas kaya't nagulo ang buho ko. Napasinghap ito at dali-daling lumapit sa'kin sabay bulong sa tainga ko. "Gaga! May chikinini! Sino nanlapa sayo? Puta!" Nanlaki naman ang aking mga mata. Tinayo agad ako ni Yen at tinakpan ng buhok ang aking leeg. "C.r muna kami, wait lang babalik kami." paalam nito at tumango naman si Ryker kahit na parang naguguluhan. Lakad-takbo ang ginawa namin ni Yen habang hatak-hatak ako papunta sa c.r. Ano ba ang chikinini? Pagkarating namin ay agad na nilock nito ang pinto sabay pamaywang sa harap ko. "Saan mo nakuha 'yan? May lalaki ka ba? Bakit mo naman nililihim ang ganyan sa'kin? Akala ko ba buddy tayo, Dona." Napakunot naman ang noo ko, wala naman akong lalaki, eh. Oo nga't naglihim ako pero tungkol kay Nemesis 'di naman sa ganun. "Huh? Anong chikinini? Oo, naglihim ako pero ano 'yun?" Inilipit ako nito sa salamin at napasinghap ako. May pulang marka sa'king leeg 'di nahalata agad kanina dahil natatabingan ng aking buhok lalo na't nakalugay ako. Sus! Kagat lang naman ata 'to ng lamok pero bakit parang ang laki? Hmm.. baka naman upgraded ang lamok sa bahay ni Tangerine? "Nakatira ako kasama si Tangerine dahil sa bata.." Napasinghap naman ito sabay hampas sa braso ko. Galit na galit ito sa'kin, napakagat naman ako sa'king labi. "Gaga ka! Bakit kayo magkasama sa iisang lugar?! 'Di ba enemies kayo tapos sino namang bata? Don't tell me anak ni Tangerine 'yan tapos nagpapakatanga kang sumama sa mga 'yan! 'Wag kang maging wonderwoman dahil anak sa ibang babae ni Tangerine ang batang 'yun. What if magpakita ang tunay na ina nito? Saan ka na mapapadpad, sige nga?" Napaisip din ako, may point din si Yen kaso kaya ko bang mapalayo kay Nemesis? "Tyaka tignan mo, mamaya maging pampalipas libog ka lang ni Tangerine na daig pa ang nagpapalit ng brief sa pagpapalit ng babae. Lah? 'Di na kilala, Dona. Nasaan na ang fierce kong kaibigan?" Ni-hindi ako makasagot, si Tangerine ang may gawa sa leeg ko nito at masasabi kong 'di panaginip ang nangyari. Alanganin naman bigyan ako ng chikinini ni Nemesis 'no baka 'yung ama pwede pa. Gulung-gulo ang utak ko, ano ba talagang nangyayari sa'kin? Sa una pa lang, dapat pinigilan ko na pero bakit parang naging alipin pa nito ang katawan ko? "Ewan ko sayo, Dona. Kung ako sayo lumayo ka na sa kanila dahil wala kang puwang sa pamilya nila. Kaibigan mo ko, matutulungan naman kita at sana 'di ka nagpadalusdalos ng desisyon. Kilala mo ba ang ina ng bata?" Umiling naman ako at napabuntong hininga naman ito habang nakapamewang. "May iba pa bang nakakaalam na magkasama kayo sa iisang bahay?" "Wala sikreto lang naming dalawa 'yun.." "Kaloka! Ano bang pumasok sa isipan mo! Pinapaikot ka lang ni Tangerine at pati anak pinapaalaga sayo. Sasapakin ko ang gagong 'yan!" "Mamaya isasama kita sa bahay para makita mo ang bata. Ewan ko ba, may kakaiba akong nararamdaman kay Nemesis.." pagkasabi ko 'nun unti-unti akong napangiti nang mabanggit ko si Nemesis, ano kayang ginagawa nito ngayon? "Hmm.. Nemesis? Na-curious tuloy ako. Sige, papalampasin ko 'to pero sa susunod na maglihim ka magkakasapakan na tayo." Dinambahan ko ng yakap si Yen at napaiyak sa sobrang takot na baka mawala ang kaibigan ko. Ayoko mangyari 'yun kaya't natutuwa ako na 'di makitid ang pag-iisip nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD