Chapter 14

1112 Words
Yen Dona's POV "HELLO, BABY! ANG CUTE MO NAMAN!" papuri ni Yen nang dalhin ko sa bahay ni Tangerine. Bahala na kung magalit 'to basta't 'di ako naglilihim sa kaibigan ko. Matapos naming kumain ng pizza ni Ryker ay agad na kaming dumiretso sa bahay. "Grabe! Anak ba 'to ni Tangerine? Ang super amo ng mukha!"  Natawa naman ako habang si Nemesis naman ay nakangusong karga-karga ni Yen. "Kahit naman ako 'di makapaniwala noong una, eh lalo na't nakita ko lang siya sa damuhan sa labas ng subdivision." Napamaang naman ito at tinignan si Nemesis na umuungot-ungot na bumabaling sa'kin. "Ma-ma.." tawag nito at napasinghap naman ito. Kinuha ko kay Yen ito at kinarga. "Lah? Mama? Putek! Unbelievable!"  "Ewan ko din kung bakit niya ko tinatawag ng ganun lalo na't 'di naman kami nagpipikpak-boom ni Tangerine."  "Di kaya kamukha mo ang totoong ina ni Nemesis?" tanong nito at napakunot naman ang noo ko. Huh? Sino ba ang may ganitong pagmumukha? "Oy! Nag-iisa lang ang ganitong kagandahan at walang copy cat. Imposible naman na si Nanay ang ina ni Nemesis e menopause na 'yun."  "Gaga ka talaga! Hahaha! Marinig ka ni Tita paniguradong makukurot ka 'nun." natatawang sabi nito at napakagat naman ako sa'king labi. Paano nalang kung malaman nito ang pinaggagawa ko? Paniguradong 'di lang kurot ang matatanggap ko. "Hmm.. nakapagtataka naman kasi na mangyari 'yun lalo na't aso't pusa kayo tapos magkakaanak. Lah? No offense, ang sexy ng mga nalilink kay Tangerine. Malay mo sa ex pala niya anak si Nemesis." "Ex? Sino naman dun? Dami-daming mga babae ng Kurdapyo na 'yun. Alanganin naman isa-isahin ko ang mga higad. Lah! 'Di na uy!" Natawa naman si Yen at naupo sa kama namin ni Nemesis. Ngumuso ito  at kitang-kita tuloy ang gandang haponesa nito. Nakakainggit ang kaputian nito at singkit na mata. "Ang best na mangyari ay investigation. Sige, tutulungan kitang hanapin ang ina ni Nemesis. Oohh.. so exciting! Ang lakas makadetective ang eksena!" tuwang-tuwa litanya nito at napabuntong hininga naman ako. "Lady Dona, heto na po ang pagkain niyo." biglang sabi ni Moma habang tulak-tulak ang isang push cart na may mga pagkain. "Sige, salamat. Makakaalis ka na, Moma." sabi ko at lumabas na ito ng kwarto. "Wow! Ang astig naman talaga ng mga imbensyon ni Tangerine. Kung 'di nga lang gago 'yan baka maging type ko 'yan, eh kaso gago." Napapailing nalang ako, hinawakan ni Nemesis ang aking dibdib at napalingon naman ako dito. Nakangiting nakatingin sa'kin ito at napangiti din ako. Malaking palaisipan pa din ang pagkatao ni Nemesis. Sino ba ang tunay mong ina? Ni-hindi naman sinasabi ni Tangerine kung sino. Nakakainis talaga 'yun! "First of all, kailangan kolektahin ang mga profiles ng mga naging ex or babae ni Nemesis. Syempre gusto ko din naman na lumaya ka sa 'di mo naman responsibilidad. Kaloka! 'di ko sasayangin ang buhay ko para mapadikit sa 'di naman akin." Tinamaan ako dun, 'di naman sila sa'kin lalo na't may nakatadhanang makakasama ang mga ito at 'yun ang ina ni Nemesis. "Sige, gagawin natin 'yan. Ayoko naman na lumaki si Nemesis na walang gabay ng ina. Mahirap na at maging replika pa 'to ni Tangerine. Sayang kung nagkataon at 'di ako makakapayag na mangyari 'yun." "True! Kahit din naman ako kaya't planado na ang lahat. Leave it to me, magaling ako sa mga ganito. Hohoho!" Napangiwi naman ako lalo na't 'di ko alam kung kabalbalan ba ang mangyayari o ano. "Basta't magmasid ka dito sa bahay ni Tangerine. Syempre may clues naman 'yan tapos ako naman sa school. Sikretong malupit lang 'to at bawal malaman ng iba at baka mabulilyaso." Tumango-tango naman ako, tama isang malaking lihim ito na 'di pwedeng malaman ng iba at lalo ni Tangerine. "Siya nga pala, nakakabadtrip 'yung aso ni Tangerine parang gusto akong sagpangin kanina. Ni-hindi ko naman inaano, high blood sa ganda ko. Saan ba napulot 'yun ni Tangerine? Kaloka!" himutok nito at natawa naman ako. Kanina kasi ay galit na galit si Shark sa pagdating namin ni Yen. Buti nalang ay niligtas kami ni Moma kundi sinaksakan na kaming dalawa sa pwet ni Yen. "Ah, actually regalo 'yun ng ex ni Tangerine." Napapitik naman ito ng daliri at umismid na tila nakatuklas ng isang kaalaman. "Bwiset! Kaya naman pala! Magkalahi yata ang amo at ang aso. Grabe! Kulang nalang mag-away na kami. Aba! 'Di ko siya uurungan. Magkakagatan kami ng wala sa oras. Shark-shark pang nalalaman dapat pangalan 'nun Pepot kasi mainitin ang ulo." Napailing nalang ako sa pinagsasabi nito at napabaling ako kay Nemesis na nakangiti sa'kin. Hay! Buti pa 'to, walang muwang at walang pinoproblema sa buhay. -- "THE DEAL? Nah! Ayokong madumihan ang kamay ko, Save." Nagtago naman ako sa pader habang nakikichismis sa pag-uusap ni Tangerine sa cellphone nito. Sinong Save? "Oh! f**k! 'Wag mo kong takutin, Buenvenido. Mas matulis ka pa sa'kin kaya't napapahamak ka sa kabal-balan mo. Oras na malaman 'yan ni Tita CJ paniguradong makakatikim ka ng tsinelas. Bigla ko tuloy namiss ang Isla Tiwi. Soon, magbabakasyon kami dyan." "Hay! Sige na, baka ipabaril mo pa ko sa kapatid mong sundalo. Oo na! Nagbanta ka pang gago ka." "Best friend mo pwet ko. Geh, bye see you soon at pakikamusta mo nalang ako kina Tita at Tito." Aba! Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa best friend ni Tangerine. Tatandaan ko ang pangalan na 'yun baka naman makatulong 'to o alam nito kung sino ang naanakan ni Kurdapyo. Natural naman sa magkaibigan ang nagsasabi ng mga sikreto. Lilingon na sa gawi ko sana si Kurdapyo nang tumunog na naman ang cellphone nito na sinagot naman. "What's the matter, Vivz?" Huh? Vivz? Sino naman 'to? Teka! Baka naman si Vivecka Tuarez ang kausap nito na super clingy na babae kay Kurdapyo. Nawala ako mula sa pag-iisip ko nang humalakhak ito. Ngayon ko lang narinig na tumawa nang ganun ito. Tila may kung anong kirot sa'king dibdib ang naramdaman ko. Nagkubli nalang ako at napabuntong hininga. Malaking posibilidad na mangyari 'yun. "Oo na bukas pupunta ako sa condo mo. Hay! Napakakulit mo talaga kahit kailan. 'Di naman ako makakahindi sayo 'no." Napakagat ako sa'king labi at tumakbo papasok sa kwarto namin ni Nemesis. Unti-unti akong napadausdos pababa. Sa lalo't madaling panahon gusto ko nang makawala dito at desidido na kong mahanap ang tunay na ina ni Nemesis. Napapikit naman ako, 'di ko ito pinangarap at iba ang gusto ko. Ayoko din magkubli sa kasinungalingan. Mahirap na at madamay pa ko sa kagaguhan ni Tangerine. Sana naman magpakita na ang ina nito. Give me a clue, please. "Kainis, wala naman ako sa variety show at napakahirap naman ng larong ito. Huhulaan ko kung sinong pinutukan ni Kurdapyo. Kainis naman, oh!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD