Late
Dona's POV
"LAH? TAE!? SURE KA? Sabagay sino ba ang 'di makakahalata sa tandem na Tangerine at Vivecka. Alam ko naging ex niya 'yan, eh tapos nagkakabalikan daw. 'Di naman ako chismosa pero nadinig ko ang blind item na 'yun. Alam mo naman na 'di ako papahuli sa mga blind item sa school lalo na't lakas makadetective ang ganung ganap." sabi ni Yen at napabuntong hininga naman ako. Nakatanaw ako sa labas ng bintana, ang pwesto ko kasi ay nasa tabi ng bintana kaya't kitang-kita ko ang ganap sa labas.
"Dinig na dinig ko 'di naman ako bingi, buddy. Si Vivecka ang kausap ni Tangerine sa cellphone at alam mo bang mukhang masayang- masaya pa."
"Hmm.. aba! Hanep! Isang matulis na lalaki 'tong si Tangerine. Lakas sabihin na idol. Tapos ano pa ba ang narinig mo?" mapang-uyam na turan nito at napabuntong hininga naman ako.
"Lah? Inantok na ko kaya't 'di ko na narinig ang ibang usapan nila."
"Weh? Bakit parang tunog ewan ang boses mo daig pa ang nagseselos. Don't tell me, tinamaan ka na ng lintik?"
Natigilan naman ako, huh? Ako tatamaan kay Tangerine? Napaisip naman ako at tinapik-tapik naman nito ang balikat ko.
"Hmm.. deep trouble 'yan kapag nagkataon."
"Anong pinag-uusapan niyong dalawa? Pwede ko din bang malaman?" singit ni Ryker at napatalon naman si Yen sa gulat sabay hampas ng malakas sa braso ni Ryker.
"Aray! Ang lakas 'nun, ah!"
"Eh gago ka nanggugulat ka buti nga 'di kita sinapak, eh." bulyaw ni Yen at napakamot naman ito sa ulo.
"Sorry naman, busy kasi kayong dalawa kaya't 'di niyo ko napansin."
"Pasensya na, Ryker 'di ka namin napansin.." hinging paumanhin ko at umiling naman ito.
"Ahm.. wala 'yun 'di mo na kailangan humingi ng tawad."
"Sus! Siya nga pala anong balak niyo sa Christmas break?" tanong ni Yen at napaisip ako.
"Dating gawi siguro na baka magspend kami ng family out of town.." sagot ni Ryker, napaismid naman si Yen.
"Yabang, porket madatung lang 'no wala namang jowa."
"Bakit ikaw din naman, ah? Lakas mong mang-asar wala ka namang boyfriend."
"Lah?! Dami ko kayang suitors kasalanan ko bang maganda ako at makilatis? Ikaw nga torpe daig pa ang maliit ang bayag. Eew!"
Napailing naman ako sa asaran ng dalawa. Naalala ko tuloy sina Tangerine at Nemesis. Kapag nagkataon ay makakasama ko silang magpapasko kaso kung 'di kami mahuhuli lalo na't uuwi din sina Nanay pati na din sina Tita. Napakagat naman ako sa'king labi, malaking problema ito kapag nagkataon kaya't kailangan makaeskapo agad ako sa gusot ni Kurdapyo.
----
"MOMA, anong oras uuwi si Tangerine?" tanong ko at umilaw naman ang mga mata nito bago sumagot.
"No idea, Lady Dona."
Karga ko ngayon si Nemesis, pinapatulog ko. Pasayaw-sayaw pa ko habang hinehele ito. Samantalang si Shark naman ay mabalasik ang tingin sa'kin konting mali ko lang na galaw ay sasakmalin nito ang paa ko. Kailan kaya kami magiging close nito?
"Rrrrrrr..."
"Oy! Grabe ka, ah kapag ako nabanas sayo isasako kita at ibabalik kita sa amo mo." pagmamaldita ko at umismid pa ang magaling na aso.
"Nemesis, anong oras kaya uuwi ang magaling mong ama?" tanong ko at umungot naman ito pero nakapikit na. Napabuntong hininga naman ako, pakialam ko naman kung gabihin ang Kurdapyo na 'yun. Napatingin ako sa orasan at mag-aalas onse na. Sumagi bigla sa isipan ko sina Tangerine at Vivecka na magkasama ng ganitong oras sa condo. Napailing naman ako, bakit ko ba poproblemahin 'yun?
"Matulog na nga lang tayo, baby.." bulong ko at umakyat na sa itaas.
Wala namang saysay na hintayin pa namin ang malanding 'yun. Ni-hindi man lang iniisip si Nemesis. Ang kapal talaga, sobrang katin siguro kaya't nagpakamot.
"Argh! Puta ka! Tsupi ka sa isip ko!"
Nakakainis naman dapat 'di ko iniisip 'yun at mas pinoproblema ko ang aking sarili.
"Utot, si Nemesis naman talaga ang iniisip ko din 'yun. Walang kwentang ama naman 'nun kung mambabae pa."
Nagtulukbong nalang ako habang katabi ko si Nemesis sa kama na mahimbing na ang tulog. Makatulog na nga lang at bakit naman ako magpupuyat para sa Kurdapyo na 'yun?
Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong yumayapos sa'king likuran at 'wag ka nilalamas pa ang dibdib ko.
"Hmm.." di ko napigilang mapaungol nang bumababa ang kamay nito sa ibaba ko. Panaginip ba 'to? Napadilat ako at nakita kong napakalapit ng mukha ni Tangerine sa'kin habang naglalakbay ang mga kamay. Namula naman ang aking mukha ngunit wala akong ginagawa. Tila naging alipin na naman nito ang aking kamay kaya't napapikit nalang ako.
"I love you forever.." bulong nito at nilihis ang aking suot na damit sabay halik dun. Napahawak nalang ako sa kobre kama.
Bakit ganun? Ni-hindi ako tumututol sa ginagawa nitong kapangahasan? Matagal na bang ginagawa nito sa'king katawan ang ganito?
"Tangerine, alis.." mahinang anas ko at natigilan ito sabay tingin sa'kin. Gahibla ang layo ng aming mga mukha sa isa't-isa.
"Dona.."
"Umalis ka at dun ka sa babae mo mang-istorbo at 'di sa'kin."
Napamaang naman ito, bakit? Totoo naman, ah. Iniistorbo ako e kakagaling lang sa babae. Napakagago naman nang galawan, oh!
"Huh? Babae? Anong sinasabi mo?" nagtatakang turan nito at umismid ako. Puta! Sinungaling pa.
"Tsk! Sino ba ang umaamin sa kabalbalan. Umalis ka nga sa kwarto namin ni Nemesis. Nakakaistorbo ka at masasapak kita sa ginagawa mo sa'kin."
Napasinghap ako nang lalong lumapit ito at 'di lang 'yun dahil dinaganan pa ko. Nagririgidon na ang aking puso at ramdam na ramdam ko na ang hininga nito sa sobrang lapit.
"Nagseselos ka ba?"
"Huh? Ulol! Gwapo mo naman, 'di kita type 'no."
Napasinghap ako nang dakmain nito ang aking dibdib at mas lalo akong nabaliw sa sumunod na sinabi nito. Ewan ko ba kung bakit.
"Wala akong ibang gustong babae dahil nasa harapan ko na mismo at 'di lang 'yun nakadagan pa ko. Gusto mo bang ipakita ko sayo na dapat ako ang maging type mo at sisiguraduhin kong magugustuhan mo ko." sabi nito sabay sibasib ng aking labi at tila naging alipin na naman ako ng kapangyarihan nito. Gusto ako ni Tangerine? Parang may kakaibang saya at galak na namutawi sa'king dibdib maisip ko lang 'yun. Naglulumikot na din ang mga kamay nito habang hinahalikan ako.
"Teka, si Nemesis.." bulong ko at huminto naman ito. Habol-habol nito ang hininga at tila naging gwapo sa'king paningin ito.
"Nandun siya kay Moma dahil susuyuin ko ang Mama niyang matampuhin.." usal nito at namula naman ang aking mukha sabay halik sa'kin nang maalab. Nag-iinit na din ang aking katawan lalo na't magkadikit dahil nakapatong ito sa'kin at tanging manipis na pantulog lang ang suot ko.