Chapter 17

1061 Words
Bitch Dona's POV "OY! BLOOMING KA, NADILIGAN KA BA?" bungad ni Yen at napakislot naman ako na tila isang nahuling bata ng kanyang ina. "Pinagsasabi mo dyan, 'wag ka ngang maingay mamaya ay makarinig na iba bukod sa'tin at machismis pa tayo." sita ko at umismid naman ito sabay kain ng empanada. "Sus! Don't tell me at si Tangerine ang may gawa niyan. Lah? Ikaw ba talaga ang buddy ko? Parang nag-ibang tao ka, ah." Napailing naman ako, oo ako naman si Dona at walang nagbago pisikal ngunit sa puso ko alam kong may nabago. "So, no effect na if magparamdam bigla ang crush mo?" Natulala ako, may magbabago ba kapag si Kuya Citrus ay biglang umeksena? Ewan ko, naguguluhan ako sa pwedeng mangyari lalo na't 'di naman nito alam ang feelings ko. "Hmm.. oh.." biglang turan nito at napatingin naman ako dito ngunit sa likod ko naman nakabaling ang atensyon nito kaya't lumingon naman ako. Nakita ko si Vivecka Tuarez, ang babaeng umaaligid kay Tangerine. Ni-hindi ko alam kung ex ba nito o ano, basta't mapanghamon ang tingin nito. "Who's Donacelyn Gutierrez here?" tanong nito at napakunot naman ang noo ko. Full name ko pa talaga at nagtaas ako ng kamay kaya't napabaling ito sa'kin. Tinignan nito ako at lumapit sabay lahad ng kamay sa harap ko. "I'm Vivecka Tuarez, kilala mo naman siguro ako 'no? Soon, ang Tuarez ay mapapalitan ng Rocero." sabi nito sabay ngiti sa'kin pero alam ko na may b***h na nagtatago dun. "Oh? Gaano mo naman kasigurado na magiging Rocero ang apelyido mo?" tanong ni Yen at inikot-ikot naman nito ang buhok na sobrang ganda at halatang pangmayamang produkto ang inilalagay dun. "Because I said so, who do you think you are? Bakit mo naman kinukwestiyon ang mga dapat mangyari?" "Ha! Ako ang huhuli sayo kapag nilabas mo na ang tunay mong kulay. Ano bang problema mo at nagmamayabang ka?" "Oh, I don't talk to low class so just shut your mouth. Dona, right? Matuto kang lumugar at alam kong magiging asungot ka sa'min ni Tangerine. Humanap ka ng kakapitan mo lalo na't your just a cheap lady na nagfefeeling mayaman." Napayukom ako ng aking kamao at tumayo. Aba! Sino ba 'to para insultuhin ako? "So, ikaw naman tatanungin ko. Nasaan ang pake ko sa pinagsasabi mo? Kung puro putak ka lang na akala mo nakakain ka ng pwet ng manok kausapin mo ang pader. Kung cheap ako mas cheap ka dahil nanakot ka pa. Takutin mo sila at 'di ako matatakot sayo." Sinamaan ako nang tingin nito, taliwas sa maamo nitong mukha ang punyeta nitong ugali. Tsk! Ako pa ang tatakutin. "Di mo alam ang kaya kong gawin, Donacelyn. Mag-ingat ka at magpakalayo-layo dahil iba ang bagsik ko.." pananakot nito at tumaas naman ang kilay ko. "Saan banda? Manakot ka hanggang kailan mo gusto pero sisiguraduhin ko sayong masusupalpal ka lang." Ngumisi ito at umalis, napabuntong hininga naman ako. Lumapit sa'kin si Yen at hinawakan ang aking balikat. "Iba ang nararamdaman ko sa babaeng 'yan, buddy kaya't mag-iingat ka.." Sino ka ba Vivecka Tuarez? Bakit ka nanakot sa'kin? Napayukom ako ng aking kamao lalo na't alam ko sa sarili ko na may makakasagupa ako. --- "ARRRRGGGG!!" hiyaw ni Shark habang nakatingin sa'kin at kumunot naman ang aking noo. "Oy! G na G ka sa'kin, 'di naman kita inaano dyan." sita ko at mabalasik pa din ang tingin nito sa'kin. "Kaloka ka! Paano kaya kita mapapaamo napakahighblood mo, eh. Alam ko na, gusto mo ba ng chix bibigyan kita anong gusto mong color?" asar ko at tinalikuran lang ako kaya't 'di ko napigilan na mapahagikhik. Bagay silang dalawa ni Vivecka. Nakita ko si Nemesis na nanonood ng Pinkfong Songs sa malaking flat screen TV na akala mo'y nasa sinehan. Nilapitan ko ito at pinaghahalikan sa pisngi kaya't napabaling ito sa'kin. "Ma--ma!" tuwang-tuwang wika nito at kinarga ko naman ito. "Namiss kita, baby. Kamusta ka? Nag-behave ka lang ba kay Moma?" tanong ko at humagikhik naman ito. Napaisip ako bigla what if si Vivecka ang makasama ni Nemesis? "Nemesis, gusto mo ba para kay Papa mo si Vivecka?" tanong ko at tila nawala ang saya sa mukha nito. Unti-unting umiyak ito at sobrang lakas kaya't nataranta ako. Pulang-pula ang mukha nito at nabahala ako. "Nemesis, anong nangyayari sayo?!" "Yaw! Yaw!" hiyaw ito nang hiyaw at namamalo na. Ngayon ko lang nakita na ganito si Nemesis. Dali-daling tumakbo si Tangerine nang makita kami at kinuha mula sa'kin si Nemesis na naghihisterikal. "Hush, Papa's here.." pag-aalo nito habang umiiyak si Tangerine. Napatingin naman sa'kin ito na tila nagtatanong. "What happened?" "Sinabi ko lang if gusto niya si Vivecka para sayo ganyan na ang naging reaksyon niya. I'm sorry.." malungkot kong wika, napamura naman ito. "Damn! It's okay, ako na ang bahala kay Nemesis. Magpahinga ka muna at mamaya nalang tayo mag-uusap.." pagkasabi nito ay dali-daling umakyat ito at naiwan ako sa sala. Napaupo ako sa sofa at napasabunot ng buhok. Napakagat ako sa'king labi at nagsisi ako na sinabi ko 'yun. 'Di ko napigilan na mapaluha ayokong umiiyak si Nemesis. Kasalanan ko 'to, bakit ko naman kasi sinabi-sabi pa ang ganun? "Ang tanga-tanga ko naman." Napasinghap ako at napakunot ang aking noo nang may basang lumapag sa'king paahan at nakita ko si Shark na may nilapag na buto. "Oh? Bakit? Galit ka din ba sa'kin?" tanong ko ngunit taliwas ang naging reaksyon nito. Dumapa ito at kumawag-kawag ang buntot nito na akala mo'y maamong aso na taliwas sa mabalasik nitong itsura. Natawa naman ako at pumatak ang luha sa'king mga mata. "Di ko naman sinasadya, eh. Kung alam ko lang na dadating sa ganito ay 'di nalang ako nagtanong pa kay Nemesis.." Sobrang lungkot ko at gusto kong mayakap si Nemesis dahil 'di ako sanay na ganito kaming dalawa. "Lady Dona, ayos lang po 'yan lalo na't very sensitive po sa pangalan na 'yun si Young Master Nemesis.." singit ni Moma at napakunot naman ang aking noo. Anong sinasabi nito? May alam ba ito na 'di ko alam? "Paano mo nasabi, Moma? Anong meron at ganun nalang ang reaksyon ni Nemesis nang mabanggit ko ang pangalan ni Vivecka?" "Si Ms. Vivecka po ang pu--" "Moma, go to Nemesis." utos ni Tangerine mula sa speaker na nakakabit kay Moma at dali-daling sumunod naman ito. Napakunot ang aking noo, sino ba si Vivecka Tuarez? Gusto kong malaman ang tungkol dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD