Crush
Dona's POV
BITBIT KO ang mga laruan na nakita ko sa may bagong bukas na tiyangge malapit sa Unibersidad. Nagbabakasakali akong magustuhan ito ni Nemesis kumbaga peace offering lalo na't umiyak ito. Napabuntong hininga naman ako, first time kong 'di katabi ito at talagang sobrang lungkot ko.
"Dona?"
Napakunot ang aking noo at unti-unting lumingon na talagang ikinatanga ko. Si Kuya Citrus na poging-pogi sa suot nitong kulay berdeng polo.
"Kuya Citrus?"
Ngumiti naman ito sa'kin at 'di ako mapakali lalo na't 'di ako makapaniwala na magkikita kami.
"Long time no see, Dona. Kamusta? Ang hirap paniwalaan na wala ka sa bahay. Nanibago ako sa sarili naming tahanan." tanong nito at napakapit ako nang wala sa oras sa supot na hawak ko. Namula naman ang aking mukha, ano ba 'yan mamaya matumba ako sa pinagsasabi nito.
"Okay naman po, Kuya.."
Ang alam kasi nito ay nagdodorm ako kasama si Yen pero ang totoo ay nasa puder ako ni Tangerine.
"Good to hear. Gusto mo bang kumain muna sandali para na din makapagkamustahan tayo?" alok nito at ngumiti sa'kin, nawala ang mga mata nito. Napalunok naman ako ng aking laway. Makakahindi ba ako kapag may ganitong klaseng lalaki ang nag-alok?
"Sige po.."
Tumabi ito sa'kin at amoy na amoy ko ang mahalimuyak nitong pabango na 'di matapang sa ilong ngunit naghahatid ng ibayong kiliti. Namula naman ang aking mukha at pati pabango ay pinagtitripan ko.
Tumingin ako sa gawi nito, si Kuya Citrus ang ideal man ko pero bakit ganun nag-iiba ang aking pananaw sa lalaki. Malaki ang pagkakaiba nilang dalawa ngunit bakit ganun may pinapaboran ang aking puso?
"Ayos ka lang ba, Dona? Hmmm.. mukhang stressed ka ata sa school." usal nito at napatikhim naman ako sabay baling sa daan. Nahuli ba ako nitong nakatameme?
"Ah, opo lalo na po't graduating.."
Palusot dot com pa, Dona. Galingan mo at baka makatapak ka ng tae at matrap ka.
"Sabagay, parehas kayo ni Tangerine. Kamusta na kaya ang imbesyon nitong Time Whorl? I know him, 'di 'yun titigil hangga't 'di nagiging maayos ang inimbento.."
Natigilan naman ako, 'di ko naman napapansin na ginagawa nito 'yun sa bahay lalo na't palaging nakadikit sa'min ni Nemesis ito kapag nasa bahay.
"Malayo ang mararating ni Tangerine at alam kong pipilitin nitong matupad ang mga nais niyang gawin."
Napabuntong hininga naman ako, malayo talaga ang mararating nito lalo na't mayaman ito samantalang ako nama'y papasok sa pagiging pulis. Gusto kong maging pulis para makatulong ako sa pagsuplong ng mga kriminal at mabawasan ang masasamang tao sa mundo.
"Wow! Barbeque! Come on, dito nalang tayo. I missed eating this delicacy.." tuwang-tuwa sabi nito at parang batang hinatak ang aking braso. Napatingin naman ako dun at napakagat sa'king labi.
"Good afternoon po, paorder po nitong barbeque, isaw at gulaman."
"Sureness pogi! Waitshuu mo lang." kinikilig na turan ng beking nagtitinda at napabuntong hininga ako. Dati-rati ay parang inaasinan ang pwet ko kapag magkadikit kami pero bakit ganun?
"I hope you don't mind eating here. Talagang nag-crave ako sa ganitong pagkain."
"Okay lang po, Kuya. 'Di naman po ko mapili sa pagkain.."
"Napakaswerte talaga ng magiging nobyo mo, Dona."
Natulala ako dahil magkalapit na pala ang aming mga mukha. Ang gwapo nito pero bakit ganun nakikita ko si Tangerine dito? Kaloka! Gutom lang 'to, tama! Si Kuya Citrus ang kasama ko at 'di ito kaya dapat mag-enjoy ako lalo na't kasama ko ang aking ultimate crush.
---
"SAAN KA GALING?"
Napatalon naman ako nang marinig ko ang boses na 'yun pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng bahay. Paglingon ko ay bumungad sa'kin si Tangerine na sambakol ang pagmumukha.
"Kumain ng street foods."
"Huh? Grabe namang pagkain 'yan, ano ka ba bungi at inabot ka ng gabi?"
Napataas naman ang kilay ko, bakit ba ito galit? Lakas ng topak nito, ah. Anong pakulo na naman ito ni Kurdapyo?
"Kumain ka na ba? Ang init ng ulo mo, ah. Nakasinghot ka na naman siguro ng utot at tinotopak ka."
"Paano ako makakakain kung hinihintay ko ang pag-uwi mo? Dapat kanina ka pa nandito sa bahay natin, mas nauna pa kong nakauwi sayo."
"Hep! Hep! Pwede akong umuwi hanggang kailan ko gusto. 'Wag mo nga akong ituring bata dahil kaya ko na ang sarili ko, Tangerine. Please lang 'wag ka munang magsimula at gusto kong pumunta kay Nemesis."
Lalagpasan ko na sana ito ngunit hinawakan nito ang aking braso. Nanlaki naman ang mata ko dahil parang kinuryente ako o ano pero mas lalong ikinagulat ko ay niyakap ako nito.
"Sorry at naging overacting ang aking pagsasalita. Nag-aalala kasi ako sayo dahil inabot ka ng gabi.."
Tila gustong lumabas ng aking puso mula sa'king dibdib. Ang init at talaga namang kakaiba ang aking nararamdaman habang magkadikit kami nito taliwas kanina.
"Nag-aalala ka sakin?"
"Oo naman, bakit 'di ako mag-alala sayo? Akin ka na at ayokong may ibang umaaligid sa mga nakapangalan na sa'kin."
"Alam kong kasama mo si Kuya, amoy na amoy ko. 'Di naman sa nagtataksil ka pero umuwi ka naman sa'kin kaya't medyo kalmado pa ako. Tandaan mo, akin ka na at ayokong may kahating iba.."
Oxygen please, ramdam na ramdam ko ang higpit ng yakap nito at ang mainit na hininga nitong tumatama sa'king leeg. Napakagat ako sa'king labi lalo na't inaangkin na ko nito tila may kung anong saya akong naramdaman.
"Sabi ko nga matapos kong markahan ang katawan mo ay akin ka na. Sisiguraduhin kong maalis sa isipan mo ang kung sinong lalaki at ako ang tatatak sa puso't isipan mo."
"Tangerine.."
Humiwalay ito sa'kin at hinawakan ang aking mga pisingi. Pinagdikit nito ang aming mga noo at ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nito.
"Ikaw, ako at si Nemesis ang magkasama habambuhay.."
Ni-hindi pa nga ako nakakapagsalita nang halikan nito ang aking labi. Mainit at mapusok, dalawang salitang nagsusumigaw sa'king isipan. Napapikit ako at ninamnam ang bawat halik nito. Iba talaga ang epekto ngayon kaysa noon. Alam ko sa sarili ko na nahulog na ko sa bitag ngunit takot akong aminin dito ang aking nararamdaman. Masaya ako na sinasabi nito at ipinapakita nito ang pagkagusto sa'kin ngunit ikukubli ko na muna ang akin. Natatakot ako sa mangyayari sa susunod.