Bonding
Dona's POV
"BABY, BATI NA TAYO.." paglalambing ko kay Nemesis na nagkandatulis na ang nguso. Napakacute talaga nito kaya't lumapit ako at kinabig ito ng yakap. Natawa naman si Tangerine pero sinamaan ko nang tingin kaya't tumikhim ito at nagkunwaring walang narinig.
"Ang baby ko, oh miss na miss na ni Mama. Tignan mo may binili pa kong toy para sayo.."
Ipinakita ko ang binili kong cute na stuff toy na shark. Napangiti naman ito sa'kin at napangiti din ako.
"Ma--ma.."
"Baby.."
'Di ko napigilan na yakapin ito nang mahigpit at umiyak pa 'to. Pinipigilan ko nga lang umiyak kanina pa, eh. Miss na miss ko na agad si Nemesis kahit na saglit lang kaming 'di magkatabi.
"Sorry, 'di na maulit 'yun, baby.."
"Wy..wy.."
Natawa naman ako, kahit bata pa lang ito ay marunong na makaintindi. 'Di na din ako magtataka kung mataba ang utak nito at lumaking matalino lalo na't matalino naman kahit papaano si Tangerine.
"What if lumabas tayo ngayon? Wala naman tayong pasok, right?" singit ni Tangerine at agad akong sumang-ayon. Gusto ko din makabawi kay Nemesis.
"Baby, saan mo gusto pumunta? Mamamasyal tayo, excited ka na ba?" magiliw na tanong ko at humagikhik naman ito.
"Ma--ma!" tili nito at 'di ko napigilan na pugpugin ito ng halik sa magkabilang pisngi nito na sobrang tambok. Nakakagigil talaga kapag may ganito ka-cute na baby.
"Let's go the new opened park. May alam ako kung saan."
"Sige, magliligo muna kaming dalawa ni Nemesis at magpapalit ng damit."
"Di ba din ako pwedeng sumama?"
Sinamaan ko naman nang tingin ang Kurdapyo na 'to. Kapal ng mukha ang laki-laki na gusto pang magpaligo.
"Utot mo, gusto mo magpaligo ka kay Shark."
"Arf! Arf!"
Aba! Sumasang-ayon din si Shark, buti nga umamo sa'kin kahit papaano. Masaya na ko na 'di na ko pinapakitaan ng killer look. Natawa naman ako kasi nakabusangot ito na akala mo'y batang kinawawa. Asa naman ito na isasama ko sa pagligo edi makikita ko pa ang ano nito. Biglang namula ang aking mukha natural nakahubad kapag maliligo.
"Ma--ma!"
"Huh? Bakit, baby?" tanong ko at ngumuso naman si Nemesis sa'kin at hinawakan ang dibdib ko at dumila sa ama. Napasinghap naman ang isa at natawa naman ako dahil inaasar ni Nemesis ito. First time kong makitang may ganitong side ang mag-ama.
"Aba! Dinidilaan mo na ako Nemesis Tangent. Dapat 'di nalang kayo bati, eh para makatabi ko si Mama sa pagtulog."
"Ma--ma!" tili nito at halatang pamaktol na kaya't kinuha ko ang tsinelas ko dahil ayaw tumigil ni Tangerine sa pang-aasar. Ayoko naman maging bad mood ito lalo na't dapat happy mood lang kami ngayon.
"Aray!"
Natamaan ito sa ulo, napahagikhik naman si Nemesis dahil nasaktan ang ama.
"Tumahimik ka na nga, Tangerine para kang bata! Inaasar mo pa si Nemesis alam mo naman na baby pa 'to."
"Hmp! Makaligo na nga. Tara na, Shark hiludan mo likod ko." pagmamaktol nito at sumunod naman si Shark. Napailing nalang ako dito at natawa na din dahil tinototoo ni Shark ang sinabi kong ligo session nila ni Tangerine. Nakayakap naman sa'kin si Nemesis na akala mo'y ayaw akong pakawalan. Like father like son Ang maasar ay talo. Loko-loko talaga
"Tara na, maligo na tayo.."
Humagikhik ito habang patungo kami sa kwarto namin para makapag-ayos na.
---
"WOW!" bulaslas ko, nakakamangha naman ang pinuntahan namin.
"Did you like it?" tanong ni Tangerine at tumango naman ako. First time kong makapunta sa ganito. Ni-hindi naman ako nakakasama sa mga field trip dahil pinansabong ni Tatay ang pera. Napabuntong hininga ako, childhood days.
"Hey, ayaw mo ba dito? Why are you sad?" tanong nito at hinawakan ang aking pisngi. Namula naman ang aking mukha dahil sa simpleng paghawak lang nito ay may kakaibang kiliti akong naramdamanan.
"Ah, 'di 'no! Ang ganda kaya dito tyaka first time ko. 'Wag mo kong aasarin, ah."
"Oh. It's okay.."
"Ma-ma!" tawag pansin sa'kin ni Nemesis at napabaling naman ako dito. Nakaturo ang maliit nitong daliri sa carousel. Napangiti naman ako, babaling na sana ako kay Tangerine ngunit mali pala dahil naglapat ang aming mga labi. Nanlaki ang aking mga mata pero ito nama'y nakapikit. Bumilis ang t***k ng aking puso dahil dun. Mabilis itong humiwalay habang nakangiti na akala mo'y nagwagi.
"Come on, let's go to the carousel.." sabi nito at pinagsiklop ang aming mga kamay. Paniguradong pulang-pula ang aking mukha dahil dun. Para kaming isang buong pamilya na nagbobonding.
Grabe! Gusto ko ng oxygen dahil sa ginagawa ni Tangerine. Parang kami pero hindi. Letse ang gulo! Kasing gulo ng utak ko.
Hanggang sa makarating kami sa carousel ay inalalayan kong makaupo si Nemesis sa isang kulay puting kabayo na may gintong palamuti pagkatapos ay sumakay ako sa likod nito samantalang si Tangerine naman ay nasa tabi namin at nakaalalay. Napangiti ako dahil napakamaalaga nito at talagang 'di sumakay sa kabayo para mabantayan kami baka daw malaglag si Nemesis. Napasinghap ako nang hawakan nito ang aking hita. Napabaling naman sa'kin ito at napakunot naman ang noo na ipinaparating dito na bakit nandun ang kamay nito sa'king hita.
"Baka malaglag ka.."
Huh? Malalaglag? Kaloka. Unti-unting umandar na ang carousel at panay ang tili ni Nemesis kaya't naaliw din ako. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito at natatawa ang mga taong nakapaligid sa carousel.
Ang sarap sa tainga ng mga halakhak nito at sigaw na halatang tuwang-tuwa sa ride. Kahit kakaumpisa pa lang namin ay masaya na agad ito. What more if maraming rides ang masakyan namin? Maisip ko lang din 'yun ay nasasabik ako sa mga susunod na mangyari.
Pagkatapos namin sa carousel ay sumakay pa kami sa kiddy friendly rides. Ayaw naman namin i-risk na mapahamak si Nemesis para lumigaya kami mas okay na ito nalang ang mga gusto nito ang sundin namin tutal nag-eenjoy din naman kami.
"Hello po, pwede ko po ba kayong makuhaan ng picture? Nakakaattract po kasi ang family bonding niyo lalo na't super saya ni baby." tanong sa'min ng isang staff sa amusement park.
"Ganun ba? Sure, pwedeng-pwede pero sana magkaroon din ako ng kopya para may souvenir." sagot ni Tangerine at masayang tumango naman ito.
Pumwesto kami sa isang malaking time machine na pinalamutian ng mga fairy lights. Karga-karga ko si Nemesis na todo yakap din sa'kin. Napasinghap ako ngunit 'di ko pinahalata dahil ipinaikot ni Tangerine ang isang braso sa'king bewang. Napakagat naman ako sa'king labi dahil dun.
"Okay! 1, 2, 3! Cheese!"
Pagkakislap ng flash ng camera ay narinig kong humikbi si Nemesis kaya't nag-aalalang inalo ko ito.
"Ahm.. Tara, kumain na muna tayo.." biglang turan ni Tangerine at sumang-ayon naman ako.
"Sige.." pangsang-ayon ko at 'di ko na narinig ang sinasabi ng staff dahil hinatak na ko nito.