Jealous Dona's POV "OY! Para kang bulateng 'di matae. 'Di ko magtataka kung maging Ninang ako after 9 months. Ang landi naman, oh." singit ni Yen at napakagat naman ako sa'king labi dahil talaga naman akong kinikilig. Ganito ba kapag nagmamahal? "Porket wala akong love life ay ginaganyan mo na ko. Walang kwenta ang mga nanliligaw sa'kin kaya't binasted ko puro karat lang ang alam. Anong akala nila sa'kin pornstar? Lah? Alam kong nakakaakit ako pero 'di nalang uy!" Napailing nalang ako, maraming manliligaw si Yen kaysa sa'kin. Sino naman ang 'di makakapukaw sa angking gandang haponesa nito. "Advance ka mag-isip, ni-hindi pa nga kami e. Love life? Naku, makakahanap ka 'wag kang mag-alala." "Sus! Pampalubag loob, teka nga kailan pala ang birthday ni Nemesis?" Natigilan naman ako,

