Tahimik lamang ako sa loob ng sasakyan habang ang mga kasama ko sa loob ay walang patda sa paglalandian. Sa may bandang bintana ako at sa tabi ko ay si Gabe. Sa unanahan namin ay si Hendrix, Sabrina atsaka si Daddy. Wala din akong nagawa kundi sumama patungo sa party dahil isa nga pala ako sa pag-aari ni Del Fierro. Simula kanina ng mailabasan ko ang lahat ng saloobin ko kay Gabe hindi na ako nagsalita o kumibo man lang. Ginawa ko na lamang ang utos sa akin ni Gabe tutal sa pamamahay na iyon ay wala akong karapatan magreklamo. "Sa palagay mo ba babe mas maganda ang kasal natin kaysa dito sa kasal na pupuntahan natin? Gusto ko talaga ng beach wedding. Kung maaari pwede bang ganapin natin sa may bali?" Dinig ko na sabi ni Sabrina kay Hendrix. "If that's what you want babe." Walang gana na

