Nakatayo ako ngayon sa harapan ng malaking salamin ng silid kung saan ako dinala ng babaeng si bride. Nagpakilala siya sa akin at ang pangalan niya ay Missy isang sikat na lawyer sa pilipinas. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ngayon dahil ngayon ko lamang nakita ang napakagandang dilag na ito. Pakiramdam ko ay nag-ibang tao ako lalo na sa gown ko na suot na talaga namang kahit sino ay hindi nangingimi na titigan ako. Ang kulay nitong kulay pula na nagdepina sa napaka-puti kong kutis. Ang mga malulusog kong dibdib na litaw na litaw sa harapan at ang likuran ko na parang hinulma ng puno ng pag-iingat. Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa itsura ko. "Ang ganda mo bakla! Bakit hindi ka kaya maging modelo? Sayang ang ganda at kasexy-han mo." "Korek ka dyan bakla! Gusto na nga kitang kunin

