Bumuhos ang mga luha ko ng tuluyan ng makalabas ng venue ng kasal. Ang sakit-sakit na talaga na aabot na sa puntong ayoko na. Hindi ko na kailanman nanaisin na maranasan ang sakit na ito. I did it, nagawa kong maging matapang. Nagawa kong maging matapang at tumayo sa mga paa at karapatan ko. Noon ko pa sana ginawa ang bagay na ito kundi lamang nanaig ang nararamdaman ko. "You're hurting as hell, Savannah..." "I am." "Pero humahanga ako sayo dahil nagawa mong talikuran si Hendrix at nagawa mong maging matalino ngayon. Tama lamang ang ginawa mo dahil hindi ka niya pag-aari. Mawawala din ang sakit basta ang kailangan mo lang gawin ay isipin ang nararapat sayo." Ani ni Lucio na nahila ko rin pala hanggang dito sa labas. "Pasensya ka na at idinamay pa kita," "It's okay dahil gusto ko

