Gabe's Point of View Mabilis kami nakarating sa pinakamalapit na hospital upang dalhin dito si Savannah. Nawalan ito ng malay sa hindi malaman na dahilan. Sinubukan kong alamin ang lagay niya pero hindi ako pinayagan ni Hendrix. Ang animal na lalaking puro selos ang inuuna. Siya din ang nagbuhat sa babae hanggang sa makapasok sa loob hospital. Nakatingin lamang sila sa amin. "Ano pa ang tinatanga-tanga niyo diyan? Wala bang lalapit sa akin dito para gamutin ang babae ko huh!" Dumagundong ang boses ni Hendrix sa apat na sulok ng lobby ng hospital. Nawalan kasi ng malay si Savannah kanina at aligaga siya ngayon dito sa loob ng hospital. Nandito rin si Lucio na tahimik lamang ngunit hindi umalis sa tabi ni Savannah. Ano nga ba ang dapat kong isipin? Malamang na ang dalawang ito ang una

