Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko sa paligid. Mga boses na pamilyar sa akin, gusto ko pang ituloy ang panaginip ko. Gusto ko pang makita ang batang babae sa panaginip ko na hindi ko makita ang mukha dahil malabo ito. Pero sobrang linaw ng pagmumukha ni Hendrix na miski sa panaginip ko ay nandoon siya. Sa pagkayamot hindi ko na talaga napigilan pa na magbukas ng mga mata. Bumungad sa akin ang mukha no Lucio na titig na titig sa akin habang si Gabe ay nakaupo sa mahabang sofa at si Hendrix naman ay nakaupo sa sofa na katuwid ni Gabe. Basta ganoon, habang nakalingkis sa kanya si Sabrina na masama naman ang tingin sa akin. "Anong meron? Bakit kayo na sa kwarto ko? Anong pagtitipon ang meron at kumpleto kayo?" Hindi ko na itinago ang pagkayamot ko sa kanila dahil ang iinga

