"Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka pa ba?" Walang gana kong tanong sa kanya. "How are you? Wala bang masakit sayo?" May lambing ng boses niya na kinatuod ko. Dito na rin sumiklab ang galit ko kaya naman puno ng lamig ang mga tingin ipinukol ko sa kanya. Ang kapal ng mukha niya na maging ganito matapos ng lahat-lahat ng ginawa niya? "Hindi ka ba kinonsensya ngayon? Bakit hindi mo na lang gawin na tumawa ng malakas? Hindi ba, Hendrix?" "I'm just asking you, Sav." "Pwes, ayokong tanungin mo pa. Pwede bang bumalik ka na sa fiance mo para naman hindi niya ako inaaway? Sana alam mo din na iba ang utak ng kapatid ko. Kaya sana iwasan mo na ang pagbibigay ng ibang kahulugan sa akin." "Hindi ako nagbibigay ng ibang kahulugan sayo, Savannah." "Oh talaga? So ano ang ginagawa mo ngay

