Na-discharge na ako sa hospital simula pa kanina. At kanina parin hindi humiwalay sa akin si Hendrix. Nagmistula siyang koala dahil sa tindi ng pagkakayapos sa akin hanggang sa makapasok kami ng sasakyan. Bigla na naman namula ang pisngi ko dahil sa napag-usapan namin kanina. Oo, naamin mo na sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Ganoon din siya pero kailangan muna namin lusutan ang lahat ng gulo. Inamin niya sa akin na magulo ang buhay niya at ayaw niya aking idamay. Sabihan niyo na akong tanga pero naniwala ako sa sinabi niya. "I miss you so much," aniya. "Pwede bang lumayo ka muna sa akin ng konti lang? Kanina ka pa kasi nakadikit atsaka baka makita tayo ni Sabrina." "I don't care." "Wow, kaya pala aligaga ka pag siya ang umiiyak? Huwag mo ulihin ang inis ko, Hendrix. Sinasabi

