Tunog ng kumukulong tubig ang nagbalik sa isip ko sa kasalukuyan. 'Di ko namamalayan na nagbalik-tanaw na pala ako sa nakaraan. My past is a bittersweet experience for me, and keeping Primo is the best decision I've ever made.
Noong nanganak ako ay wala ni isang tao galing sa pamilya ko ang nakakaalam. Pati ang mga kapatid ko ay 'di rin nagpakita sa akin. It's been five years, ang alam ko may kan'ya-kan'ya na rin silang pamilya. Samantha was there for me through thick and thin, and it was enough for me. My best friend supported me in everything. Kahit no'ng mga panahon na hirap na hirap akong mag-alaga kay Primo. Nandiyan sya sa tabi ko para alalayan ako.
Napapangiti nalang ako kapag naiisip ko 'yung mga pinagdaanan namin ni Samantha habang inaalagaan si Primo. We're both clueless pero we managed to survive hanggang ngayon.
I remember noong grumaduate kami ni Sam. Iyak ako nang iyak kasi 'di ako makapaniwala na nakapagtapos pa rin ako ng kolehiyo kahit na napakahirap ng pinagdaanan ko. Samantha is crying also habang magkayakap kami. Parents ni Samantha ang nagkabit ng mga medalya ko and they were very happy for the both of us.
Napakabuting tao ng mga magulang ng bestfriend ko. Dinala rin nila si Primo na noon ay nasa dalawang buwang gulang pa lamang. Sabay kaming nag-take ng board exam ni Sam at sa awa ng Diyos ay sabay rin kaming pumasa. I topped the board exam for nursing at naging daan ito para makakuha ako ng iba't-ibang job offer sa mga kilalang hospital dito sa bansa.
While si Sam ay mas piniling maging business woman. Nakapagpatayo na rin sya ng sarili niyang jewelry shop at masasabi kong successful ang negosyo niya. Kaya ayon kahit saan na lang din napapadpad. 'Di pa rin nagbabago ang pagiging lakwatsera niya.
Naging maganda naman ang naging takbo ng buhay ko. Nakapasok ako sa Montercorp. General Hospital, isa sa mga pinakasikat na ospital sa bansa. Pagmamay-ari ito ng mga Montecorpuz. Ang mga Montecorpuz ay kinikilalang business tycoon at may iba't-ibang negosyo hindi lang sa bansa pati na rin sa ibang bansa.
They owned various of businesses including hospitals, restaurants, hotels at marami pang iba. Sabi nga nila 'di ka basta-bastang makakapasok ng trabaho sa kanila kung wala kang magandang educational background at credentials. At thankful ako dahil isa ako sa mga na-offeran ng trabaho bilang isang nurse sa ospital na pagmamay-ari nila.
Topping the board exam got me the advantage. Tatlong taon na rin akong nagtatrabaho sa mga Montecorpuz pero kahit ni isang pagkakataon ay 'di ko pa nakikita sila sa personal. Wala ring masyadong balita sa kanila sa internet. Ang mga litrato na nakalagay sa social media ay nabibilang mo lamang.
Nagtanong din ako sa mga kasamahan ko at gano'n din sila. Kahit 'yong matagal na nagtatrabaho sa ospital ay 'di rin daw nila nakikita pa ang pamilyang Montecorpuz. Ang alam ko ay may limang anak ang mga mag-asawang Montecorpuz. Limang lalaki, pero kahit isa sa kanila ay 'di ko pa nakikita maski sa litrato.
Pasayaw-sayaw pa ako habang naghahanda ako ng agahan at baon ko na rin. Mas makakatipid kasi ako kapag nagbabaon. Ang mahal-mahal ng bilihin sa pantry, kung gagastos pa ako baka kulangin na ako sa budget.
"Mama, good mowning." Napalingon ako kay Primo na kalalabas lang galing sa kwarto habang suot-suot niya ang kaniyang doraemon na pajama.
Inaantok pa siyang naglakad papunta sa akin habang kinukusot naman niya ang kaniyang mga mata. Primo is now four years old at mag-fa-five na siya ngayong darating na February 2. Hindi pa rin tuwid magsalita ang anak ko kaya ang cute-cute niyang magsalita kahit na nauutal.
Tinitigan ko naman ang asulang mga mata nito. His eyes is the remembrance of that guy who took my innocence five years ago. Lumapit naman ako sa kan'ya at kinarga siya.
"Baby? Mommy is going to work later. Iiwan na muna kita kay Tita Ninang mo ha? Just for two days. Be good baby at 'wag kang magpapasaway, understand?" pagbibilin ko naman sa anak ko.
"Primo is gonna be owkay, mag-bebewave din po ako, I wuv you," tugon ng anak ko.
He's the sweetest. And I'm very proud to be his mom. 'Di lang mabait ang anak ko, napaka-talino rin niya. "I love you rin anak," sagot ko sa kan'ya.
Sabay kaming nag-agahan dalawa at nang matapos kami ay pinaliguan ko na siya. Hinanda ko na rin ang mga gamit ni Primo. 'Di p'wedeng hindi kumpleto kasi di talaga tumitigil si Primo sa pag-iyak kapag may naiwan kahit ni isang laruan lang niya. Kumuha na rin ako ng gatas. Kahit na mag-fa-five na siya ay malakas pa rin siyang dumede ng gatas na nasa baby bottle.
Three times a day siyang umiinom kaya dapat talaga naka-ready at hindi kulang ang ipapadala ko kay Sam. Matapos ko siyang bihisan ay ay nagbihis na rin ako ng uniporme para sa trabaho. Dala-dala ko rin ang mga gamit ko na pang-two days. Nasa taxi pa lang kami ay marami na akong ibinilin sa anak ko.
Tango lang nang tango si Primo habang nakatutok ang mga mata sa tablet niya. Nanunuod kasi siya ng mga videos.
"Manong para po." Inabot ko na ang pamasahe namin at inakay naman si Primo pababa ng taxi. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Samantha. Samantha is waving her hand at us, nakatayo siya sa gilid ng pinto ng sarili nitong shop.
"Good mowning, Tita Ninang," bati naman ng anak ko sabay halik sa pisngi ni Sam.
"Good morning little Primo." Niyakap naman ni Sam si Primo at hinalikan sa pisngi. Dumiretso naman si Primo sa may couch at doon ipinagpatuloy ang panonood.
"Sorry talaga Sam, need lang talagang mag OT kasi ang dami kong dapat bayaran. Wala rin akong mapag-iwanan kay Primo."
"Ano ka ba bes, alam mo naman na welcome na welcome ang inaanak ko rito atsaka na-mi-miss na rin nila mommy at daddy si Primo. For sure, matutuwa sila mamaya."
Simula nang manganak ako ay naging kaagapay ko rin ang mga magulang ni Samantha sa pag-aalaga kay Primo. Kung minsan nga ay roon kami sa kanila natutulog ni Primo dahil na-mi-miss nila ang anak ko at gusto nilang makasama.
Sila na ang tumayong lolo at lola ni Primo. Thankful ako dahil kahit papaano ay may kinikilalang lolo at lola ang anak ko.
Sandali lang kami nag-usap ni Sam at agad din akong umalis. Nagmamadali naman akong sumakay ulit ng taxi at nagpahatid na sa hospital na pinagtatrabahuhan ko. Napapaisip ako sa mga gastusin at 'di na sapat ang sinasahod ko sa pagiging nurse. Lumalaki na si Primo at next year ay mag-ki-kinder na siya. Kailangan ko ng trabaho na malaki ang sahod dahil kung hindi mahihirapan akong itaguyod ang pag-aaral niya lalo pa at nais ko siyang i-enroll sa isang private school. Alam ko namang hindi biro ang gastusin kapag sa private school nag-aaral.
Nang makarating ako sa hospital ay 'di pa nag-uumpisa ang shift ko. Napaaga lang ako ng kaunti. Nilagay ko naman sa locker ang mga gamit. Paglabas ko ng locker room ay nakasalubong ko si Dr.Vallente na kagagaling lang mag rounds sa mga pasyente.
"Good morning, Doc," bati ko naman sa kan'ya. As usual, Dr. Vallente is looking fresh and handsome. 'Yong tipong kahit puyat at pagod ang lalaki hindi man lang na-ha-haggard ang hitsura.
"Good morning, Nurse Abi. Is it okay for you kung anyayahan kitang mag-coffee? 'Di pa naman nagsisimula ang shift mo, 'di ba?"
Doctor Vallente is a close friend of mine. Halos magkasabay lang kaming pumasok dito sa General Montecorpuz Hospital. He also topped the board exam for medicine and nakatanggap din ng offer para magtrabaho. Nauna lang siya sa akin ng halos isang linggo. At dahil nga pareho kaming baguhan ay madali rin kaming nagkasundo.
Nasa pedia ako na-assigned at si Dr.Vallente naman ay isang Pediatrician kaya lagi kaming nagkikita tuwing rounds niya.
"Its okay, Doc. Actually papunta rin kasi ako sa pantry, bibili rin sana ako ng kape," sagot ko naman.
His face lit up and he smiled brightly, "Tara, libre ko."
Natuwa naman ako sa narinig ko.Tamang-tama at nagtitipid talaga ako ngayon. Sabay kaming naglakad patungong pantry. Sinundan naman kami ng mga echoserang tingin ng mga kasamahan namin sa trabaho. Hindi naman bago 'yun sa akin dahil una palang palagi na kaming tinutukso. Wala namang malisya dahil magkaibigan lang talaga kaming dalawa. Although, napapansin kong paminsan-minsan ay nagpapahiwatig si Doc.Vallente sa akin pero hindi ko rin naman binibigyang malisya 'yon. Sweet nga kasi talaga siya atsaka ayoko mag-assume.
Nang makarating kami sa pantry ay siya na mismo ang pumila para sa akin. I insisted na ako na dahil nakakahiya naman kung libre na nga lang tas siya pa 'yong pipila para sa aming dalawa. But of course, dahi nga sal gentleman siya, nagkusa na siyang pumila para sa kape namin.
"Here's your coffee, Abi," wika ni Raze sabay abot sa akin ng kape.
"Thank you sa libre, Raze. Tamang-tama at nagtitipid ako!" ngingiti-ngiting sagot ko naman. Kapag ganitong nasa labas kami or nasa pantry lang ay tinatawag namin ang isat-isa sa kan'ya-kan'ya naming pangalan. Kapag nasa ospital kasi kami kailangan talagang may Doc ang pagtawag ko sa kan'ya. Its a proper etiquette sa trabaho.
"Nga pala, did Primo like the toy I gave to him?" excited nitong tanong sa akin. He is smiling from ear to ear na parang bata habang nagtatanong.
Alam ni Raze yung tungkol sa pagkakaroon ko ng anak. Na-ikuwento ko kasi noon sa kan'ya 'yung about kay Primo. Kinuha ko rin siyang ninong, kaya ayun, at spoiled na spoiled 'yong anak ko sa mga laruang laging ibinibigay niya.
"Alam mo Raze, ang dami-dami ng laruan ni Primo dahil sa'yo. Lagi niyong ini-spoiled ni Samantha. Baka lumaking spoiled brat ang anak ko dahil sa inyong dalawa," sagot ko sa kan'ya.
Nagkakilala na rin silang dalawa ni Samantha at kung minsan nga ay nagbabangayan pa silang dalawa sa kung anong ibibigay kay Primo. Somehow I can really sense tension between them. Kasi noong una ko pa lang pinakilala si Raze kay Sam ay medyo nagulat 'yong tao at para bang kilala niya si Raze. Hinala ko lang 'yon wala naman kasing na-ku-kuwento ang kaibigan ko sa akin.
"Anything for Primo. Atsaka hindi naman sa ini-spoiled Abi, I just like giving him something. Wala naman sigurong masama roon ninong niya naman ako," tumatawa pang tugon niya sa akin.
"Duh! Whatever Dr.Vallente," sagot ko.
"Uhm... Abi... you know I want to talk to you about something."
"What is it about Raze?" diretsong sagot ko. Bigla kasing sumeryoso ang usapan at bigla rin akong kinabahan.
"Can I court you?" pikit tanong niya sa akin.
Medyo nabigla ako at hindi agad ako nakasagot. This is hard for me. Hindi naman sa ayaw kong magpaligaw. Talagang naka-focus ako sa anak ko ngayon at wala pa sa isip ko ang pumasok sa relasyon. I'm going to answer him sana ng biglang nakarinig kami ng anunsyo.
"Calling for the attention of Doctor Vallente please proceed to the meeting room right now."