MBE4

1999 Words
That was closed. Nakahinga ako nang maluwag sa narinig kong anunsyo. Ang lakas ng t***k ng puso ko at nanginginig din ang mga kamay ko. Ito kasi ang unang beses na may tahasang nagtanong sa akin kung puwede bang manligaw. Kaya sobrang naninibago ako sa ganitong pakiramdam. "I'm sorry Abi. I'll talk to you next time, okay? Pinapatawag na ako sa meeting room," nanlulumong sabi niya sa akin sabay dali-daling naglakad papalayo. Habang ako naman ay nakahinga nang maluwag. I was staring at his back and felt bad. Hindi rin naman tama ang paasahin ko siya. Raze is a good friend of mine. Ayaw ko ring masira ang magandang friendship namin. Napabuntong-hininga nalang ako. I was spacing out ng hindi ko namalayan na late na pala ako. When I glanced at my wrist watch ay napasinghap ako. s**t! I'm already 15 minutes late sa shift ko. Nagmamadali kong itinapon ang plastic cup na hawak-hawak ko. Hindi naman ako tumitingin sa dinadaanan ko sa pagmamadali nang may mabunggo akong parang isang matigas na pader. "Watch where you are going." Isang baritono na boses ang narinig dahilan kung bakit parang bato akong na-estatwa mismo sa kinatatayuan ko. "I'm sorry sir. Late na kasi ako kaya nagmamadali ako. Pasensya na," panghihingi ko ng paumanhin habang nakayuko. "Tsk," tanging sagot naman ng lalaki. Aba! Parang uma-attitude pa. Nag-sorry na nga at nagmamadali lang 'yong tao. Unti-unti kong iniangat ang aking paningin gusto ko sanang makita ang pagmumukha ng antipatiko na lalaking 'to. Sakto namang pag-angat ng paningin ko ay siya rin namang pagtalikod ng lalaki. Ang tanging nakita ko na lamang ay ang kan'yang malapad na balikat. Nagkibit-balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ang kaninang dapat ay pagtatapon ko ng plastic cup. Pero nakaka-intriga pa rin ang boses nito atsaka hitsura pa lang ng likod nito ay masasabi ko ng guwapo 'yon. Matangkad ang lalaki at nakasuot ng puting polo atsaka pantalon. Doktor ba 'yon dito? Parang doktor kasi ang tindig nito. Napatakbo na lamang ako nang mabilis papunta sa loob ng pediatric ward. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nakaka-intrigang boses ng lalaki na 'yon. Paulit-ulit nag-pe-play ang boses nito sa isip ko na parang isang sirang plaka. TULOY-TULOY naman ang naging shift ko at 'di na rin kami nag-usap ulit ni Raze. Nakikita ko siya paminsan-minsan tuwing rounds niya. Tuwing nakasalubong naman namin ang isa't isa ay nagkakamustahan kami. Masiyado kaming busy para uklatin pa 'yong dapat pag-usapan namin doon sa pantry. Two days have passed at para akong adik sa laki ng eyebags ko. 'Di ko na mawari ang sarili kong pagmumukha para na akong nakipagsabunutan sa kanto. 'Di ko naman binigyan pa ng pansin ang ayos ko dahil uuwi na rin naman ako. My two days hell work is done at makakauwi na ako. Pagpasok ko pa lang sa locker room ay rinig na rinig ko na agad ang bulong-bulungan ng mga kasamahan ko sa trabaho. "Cindy, usap-usapan kanina sa labas 'yong about sa panganay na anak ng mga Montecorpuz. Nandito siya ngayon sa hospital. Sayang nga at di ko siya nakita," rinig kong pinag-uusapan nila. Ang alam ko ay 'di nagagawi sa hospital na 'to ang mga anak nila. Mag-li-limang taon na ako sa hospital na 'to at ngayon ko lamang narinig na dumalaw ang anak ng may-ari. Naintriga naman ako sa nalaman ko at nakisali na rin sa kanilang pinag-uusapan. "May nakakita ba sa inyo sa kan'ya?" kuryosong tanong ko naman sa kanila. "Sayang nga Abi at 'di ko siya naabutan. Pero ang sabi-sabi sa labas ang guwapo raw ng panganay nilang anak. May asulang mga mata ang lalaki atsaka matipuno," kinikilig nitong ani. Asulang mata... sumagi naman sa isip ko ang lalaking nakilala ko five years ago. That man also has a pair of tantalizing blue eyes. Napailing nalang ako at iwinaksi sa isipan ko ang lalaki. Hindi naman siguro siya 'yon 'di ba? Marami namang may pares na asulang mata sa Pilipinas. Napaka imposible kung siya iyon. Kinuha ko na lang ang mga gamit ko at gusto ko na talagang umuwi. Gusto ko ng matulog sa malambot kong kama. Alam naman ni Sam na ngayon ang uwi ko at nakapag-text na rin ako sa kan'ya. Sabado ngayon at day off ko bukas. Naipaalam din sa akin ni Sam si Primo bukas niya pa raw ihahatid 'yong anak ko at nasa Tagaytay sila ngayon kasama ang parents niya. May rest house kasi ang pamilya nila Sam sa Tagaytay at doon na namamalagi ang mga magulang niya. Ipinasyal niya raw sa Tagaytay si Primo dahil na-mi-miss na raw ng mga magulang niya. Alam ko naman na hindi pababayaan ni Sam ang inaanak niya. Makakapag-pahinga rin ako ng todo ngayon. Nilakad ko nalang ang eskinitang papasok sa apartment na tinutuluyan namin ng anak ko. Hindi naman delikado sa lugar na 'to, ang payapa nga kahit na ganitong medyo may pagka-iskwater. Noong una ay ayaw pa ni Sam na lumipat kami rito dahil baka raw maraming adik at mapahamak pa kami. But we've been here for almost five years at ni minsan ay 'di pa ako nakakita ng away rito. Nadaanan ko naman ang karenderya ni Aling Susan at naisipang bumili na lamang ng makakain at nagugutom na ako. Hindi na muna ako magluluto at wala talaga akong lakas mag-asikaso. "Aling Susan pabili nga ho ng isang order ng kanin atsaka isang order na rin ho ng monggo." Tumango lang ang matanda at kinuha ko na rin ang pitakang nasa tote bag ko at naglabas ng isang daan para pambayad. Hindi naman ako malakas kumain kaya nga hindi ako tumataba kahit na nagka-anak na ako. Siguro dahil na rin sa klase ng trabahong meron ako kaya't hindi man lang nadadagdagan ang timbang ko. Pagpasok ko naman sa apartment ay agad-agad akong nagbihis. Plano ko ring maligo at ang lagkit-lagkit na ng pakiramdam ko. Pagkatapos kong maligo ay inihain ko na ang nabili kong ulam at kanin sa labas. Habang kumakain ay laman ng isipan ko ang paghahanap pa ng isang trabaho. Hindi na talaga sapat ang kinikita ko para sa aming dalawa lalo na't papasok na si Primo sa susunod na taon. Hindi ko maiwasang mamroblema sapagkat 'di ko nais na maranasan ni Primo ang ganitong paghihirap at ngayon pa lamang ay naaawa na ako sa anak ko dahil 'di ko man lang maibigay ang mga pangangailangan nito. Naisip niya naman si Sam at baka may alam itong pwede niyang pagkakitaan. Baka may alam na raket ang babae. Wala naman akong pili sa trabaho basta sa legal lang na pamamaraan atsaka pasok pa rin sa schedule ko. NANG matapos akong kumain ay natulog na rin ako. Hindi ko namalayan kung ilang oras na akong nakakatulog. Ang siyang nagpagising na lamang sa akin ay ang tatlong magkasunod na katok galing sa pintuan. Napatingala naman ako at tiningnan ang malaking orasan na nakasabit sa dingding. Mag aalas-otso na ng gabi. Hindi ko alam kung sino ang kumakatok pero imposibleng si Sam naman ang nasa labas dahil nasa Tagaytay naman ang babae. Nagmamadali naman akong bumangon at baka iyong may-ari lamang ng tinutuluyan ko ang kumakatok. Pagkabukas ko naman ng pinto ay tumambad sa harapan ko ang pagmumukha ni Raze. "Raze? Anong ginagawa mo rito? Napadalaw ka ata? " gulat kong tanong sa lalaki. Mahigpit kong hinawakan ang suot na kulay puting roba. At agad akong nakaramdam ng hiya sa ayos ko. Pasimple ko ring kinapa ang mata ko at baka may muta pa pala ako. Nakakahiya 'yon! Nakalimutan kong magbihis kanina pagkatapos kong maligo. Dahil siguro sa pagod kaya humilata na lang ako ng diretso. "Naistorbo ba kita, Abi? Pasensya ka na ha? Hindi kasi kita naabutan kanina sa hospital. Kaya't nagpasya na lang akong bumisita," apologetic naman niyang sagot sa akin. Napadako naman ang tingin ko sa hawak-hawak nitong isang bigkis ng mapupulang rosas at isang supot na pagkain galing sa paborito kong fastfood restaurant. "Ah... ganoon ba? Sige pasok ka, Raze," paanyaya ko naman sa kaniya habang binubuksan ko nang maigi ang pinto. "Tulog na si Primo?" palinga-lingang tanong nito sa akin. Hinahanap siguro nito si Primo dahil nasanay na kasi si Raze na lagi-laging sumasalubong at nagpapakarga ang anak ko sa kan'ya. "Primo is not here, na kay Sam. Ipinasyal niya sa Tagaytay. Na-mi-miss na raw kasi nila tita kaya't ipinaalam sa akin," saad ko naman. "Sorry to disturb you Abi ha? I just want to see you," malambing nitong wika sabay kamot sa batok nito. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi nifo. Ang awkward! Bakit ba kasi bigla-bigla na lang bumabanat ng ganito si Raze? Nang sulyapan ko ang lalaki ay parang husto kong matawa sa kinikilos nito para kasi siyang batang kinakabahan at napapakamot pa sa kaniyang ulo habang nagsasalita. Si Raze yung tipo ng lalaki na alam mong mamahalin ka ng totoo, 'yung hindi ka mangangamba na magloloko kasi napaka-down to earth niya. Mapagmahal din. Nasa kan'ya 'yung katangian na hinahanap mo sa isang lalaki. Bonus na 'yong kagwapuhan na taglay niya. "Manliligaw ka right?" diretsong tanong ko. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagpula ng kan'yang teynga pagkatapos kong itanong iyon sa kan'ya. "Ah, oo sana Abi. Matagal na kasi kitang gusto. Ngayon lang talaga ako nagkalakas-loob na magtapat sa'yo." Bakit nga ba 'di ko man lang maramdaman 'yong sinasabi nilang kilig? Guwapo naman 'tong si Raze at sa nakikita ko wala talagang rason para hindi ako mahulog sa kaniya. Pero bakit ganoon? Hindi ko pa rin maramdaman 'yong naramdaman ko noon. Iisang lalaki lang ang nagparamdam sa akin ng init na sinasabi nila. "Hays, alam mo Raze you're a great man. At wala akong nakikitang mali sa iyo. You're handsome at successful ka na rin sa buhay. But the thing is... I don't feel the same way. Ayaw kong paasahin ka't bigyan ng malabong sagot. I don't want to risk our friendship," mahinahong pagpapaliwanag ko naman sa kan'ya. Unti-unti namang sumeryoso ang mukha niya. Mababakas mo 'yong pagpipigil niyang malungkot dahil sa sinabi ko. "I know Abi, kahit na alam ko na kung anong isasagot mo. I took a risk dahil umaasa pa rin 'yong puso ko na mabibigyan mo ako ng pagkakataon para mapatunayan itong nararamdaman ko sa iyo." Napangiti naman ako sa sinabi niya. He really is a good man. "I'm sorry Raze. I really don't want to hurt you and at the same time ayaw ko ring paasahin ka. You're my friend and ayaw kong masira 'yon. Alam kong may darating pa na mas hihigit pa sa akin. 'Yung karapat-dapat sa pagmamahal mo," I sighed. Alam kong disappointed siya ngayon. Pero anong magagawa ko? Magiging unfair lang pareho sa amin kung ipipilit namin 'yong mga sarili namin sa isa't-isa. "I expected this Abi and there's no need to be worried about. I just took my chance kaysa manahimik nalang ako at pagsisihan na hindi ko sinabi 'yong nararamdaman ko sa'yo. Pero sana Abi kahit ganito 'wag mo sana akong pigilan na ipakita 'yong nararamdaman ko. Tanggap ko na wala kang pagtingin sa akin. Pero hindi ko titikisin ang sarili kong kalimutan agad-agad itong nararamdaman ko. Hahayaan kong mapagod ang puso kong mahalin ka hanggang sa kusa na itong bumitaw," seryosong pahayag nito. Nakukuha ko ang pinupunto nito kaya napatango ako. Hindi ko inaasahang maririnig ko iyon sa kan'ya. I understand what he's trying to say and wala akong planong ipagpilitan na kalimutan niya ako agad-agad dahil napaka-imposible nga naman niyon. We're both went silent after that at ramdam ko talaga 'yung awkwardness sa pagitan namin. "It's okay Raze, I understand," I answered him simply. "Ang intense naman no'n, nagutom tuloy ako bigla. Kumain muna tayo please at nagutom ako sa confession ko at the same time sa rejection mo. Naubos energy ko," patawa-tawang sabi niya naman sa akin habang isa-isa nitong nilalabas 'yong mga pinamili niya. Kahit na ganito iyong mga nangyari sa pagitan namin ay hindi pa rin talaga matatabunan iyong pagiging magkaibigan namin at dahil doon kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD