MBE5

2060 Words
"Napaka-init nga naman ngayon sa Pinas!" narinig kong sabi ni Porsha habang 'di magkandaugaga sa pagpaypay sa sarili niya. Ang init nga naman talaga ng panahon ngayon. Pati ako tagaktak ang pawis kahit napapalibutan kami ng aircon sa loob. It's been a week since Raze confessed to me. Medyo naging awkward sa amin sandali pero naging okay rin naman kami at bumalik sa dati yung treatment namin sa isa't-isa. That night after naming kumain ay nagtagal pa si Raze ng mga isang oras at nag-kuwentuhan kami saglit. Kahit naman rejected siya, 'yung friendship namin ay magpapatuloy parin naman. "Pst! Can I ask you something? Napalingon ako sa kasama kong si Porsha. Dalawa lang kami ngayon na nasa locker room. Breaktime kasi kaya pumasok ako saglit para ayusin ang sarili ko. "Bakit?" tanong ko. Porsha Angeles, kilala bilang unica hija ni Mayor Louis. Maganda at matalino. Mayaman at kilala ang pamilya niya dahil na rin sa pagiging pulitiko ng mga Angeles. "Anong meron sa inyo ni Dr. Vallente? Lagi ko kayong nakikitang sabay pumapasok sa pantry eh. Chika ka naman diyan," bulong ni Porsha sa teynga ko. Lumapit pa talaga siya sa akin para lang makasagap ng tsismis. "We're good friends Porsha, at saka ninong siya ng anak ko. Kaya close kami," tugon ko habang nasa salamin ang mga paningin ko at inaayos ang buhok. "Walang something sa inyo?" pahabol niya namang tanong sa'kin. "Hay naku Porsha! Wala talaga, swear," giit ko naman. Nagtaas lang ng kilay si Porsha sa 'kin parang 'di pa siya naniniwalang magkaibigan lang talaga kami ni Raze. Halata naman kasi sa kinikilos ng babae na may gusto ito sa kaibigan niya. Sa pagkakaalam ko rin ay sa iisang school lang sila nanggaling. Nakauwi na rin galing Tagaytay si Sam atsaka si Primo. Gusto pa sanang makasama nila tito at tita si Primo pero dahil hinahanap na siya ng anak niya ay napagpasyahan na nilang umuwi. Pagkarating naman ni Sam sa bahay ay nag-kuwento na rin ako sa nangyari sa amin ni Raze 'yong about sa panliligaw niya. Tinawanan lang ako ng gaga at napaka-arte ko raw. 'Yung palay na raw ang kusang lumalapit ay umaayaw pa raw ako. Ito talagang bunganga ni Sam, wala talagang preno. Alam naman niya na hindi ko priority sa ngayon ang mga gan'yan dahil may Primo akong kailangang bantayan. Napilitan na nga rin akong kumuha ng magbabantay kay Primo dahil hindi na p'wedeng lagi ko na lang ihahabilin 'yong anak ko sa kaibigan ko. Alam ko naman na busy rin si Sam kaya ayaw ko namang maistorbo 'yong tao. Mabuti nalang talaga at 'yung anak ni Aling Susan na si Nena ay naghahanap ng side line kaya madali akong nakahanap agad. Dagdag gastos din sa part ko kaya kailangan ko na talagang maghanap ng isa pang puwedeng mapagkakakitaan. "Ang lalim naman ata ng iniisip natin, Abi?" Napatingin ako kay Raze na nasa harap ko. Napatulala na pala ako sa kawalan kaya hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Raze. "Ay! Wala ho 'to Doc," sagot ko naman. "May problema ba? Si Primo okay lang ba? Lately kasi napapansin ko 'yang mga malalim mo na buntong-hininga tapos you're spacing out lagi," worried naman niyang puna sa'kin. Talaga nga namang problemado ako. Nahihirapan na akong mag budget pa lalo na ngayon na kumuha ako ng taga-bantay kay Primo. Nagkibit-balikat na lamang ako at sinabing may iniisip lang at 'wag na siyang mag-alala sa 'kin at okay na okay ako. But that's a lie though. "I hope so na okay ka lang talaga ha? 'Wag ka kasing mahiyang lumapit sa 'kin kapag kailangan mo ng tulong. Alam mo naman na nandito lang ako 'di ba?" Napakabait nga naman ng kaibigan kong 'to. Kung sana siya na lang 'yung nakabuntis sa'kin noon. Siguro hindi ako namomroblema ng ganito ngayon. "Nga pala Abi, I hope you're free this coming Sunday. Kasi anyayahan sana kitang maging date ko sa party," pag-aanyaya naman sa akin ni Raze habang nakatingin sa mukha ko na para bang binabasa niya ang magiging sagot ko. "Anong party Raze?" tanong ko naman. "Remember noong pinatawag ako noong nasa pantry tayo? Nagkaroon kasi ng biglaang meeting. May biglaang party kasi tapos hindi ko alam kung bakit napasali ako. Required pumunta eh," mahabang pagpapaliwanag niya naman habang nakikinig lang ako sa lahat ng mga sinasabi niya. So, tama nga pala talaga iyong narinig ko sa may locker last week. Dumalaw nga talaga 'yong anak ng may-ari sa hospital na 'to? "So, bakit may pa-party?" nagtataka na tanong ko naman sa kan'ya. "Eh kasi may celebration. At isa ako sa invited. 'Di ko rin nga alam bakit napasali ako. Siguro kagagawan na naman 'to ng mga seniors at superiors ko. Ayaw ko namang dumalo ng mag-isa kaya niyaya kita." Wala namang problema sa 'kin at saktong linggo naman at rest day ko 'yon. Kaya umu-oo ako pambawi ko na lamang sa pag basted ko sa kanya last time. Napagpasiyahan ni Raze na sunduin ako ng mga 7pm sharp. Hindi naman problema ang damit dahil may bestfriend naman akong puwedeng mahirman. Si Sam pa, hindi 'yon nawawalan ng mga bonggang cocktail dresses. Nagpaalam na rin si Raze sa 'kin at may aasikasuhin pa raw siya. Pagkatapos ng shift ko ay dumiretso naman agad ako sa shop ni Sam. Mas mabuti na yung handa at nakahiram na nang maaga para save sa time. "Oh my precious best friend, napadalaw ka ata rito?" nakangiting tanong ni Samantha sa 'kin. "Saan ka na naman kaya napadpad? Nagpunta ka ng Bora mag-isa!? Mag-asawa ka na kaya?" panunukso na tugon ko sa kaibigan. Pero sa isip-isip ko talaga ninanais ko ng mag-asawa itong si Sam para mapirmi na. Nakatanggap kasi ako ng tawag na nag-bora ang gaga noong nakaraang araw. Isang gabi lang naman siya ro'n at hindi ko alam kung bakit biglang umawra ang gaga sa Bora. "That will never happened bestie, mamamatay akong single." Napahalakhak pa talaga siya habang sinasabi niya 'yon. Hindi naman talaga single si Sam. May long term ka echosan itong kaibigan ko. Naikuwento niya na rin ito sa'kin noon. Nasa ibang bansa raw ang fiancéé niya hindi ko rin alam kung anong nangyari sa kanila dahil hindi na siya nagkukuwento. Sa pagkakaalam ko ay pumunta siya ng States para sorpresahin 'yong lalaki. Ang paalam niya sa akin ay mamamalagi siya ng isang buwan doon pero wala pang isang linggo ay umuwi na siya sa Pilipinas. Sinubukan kong tawagan si Sam para kamustahin pero hindi ko siya makontak. No'ng nagkita naman kami at tinanong ko siya about doon. Tanging ngiti lang kanyang naisagot sa akin. Ayaw ko namang pilitin siyang magsalita gusto ko 'yung kusa na siyang mag-open up. Dahil mas iniisip ko 'yong emotional state niya. "Sam, pa-favor? Pwede makahiram ng red cocktail dress sa'yo?" Mabilis pa sa alas-kuwatrong napatili si Sam sabay yugyog sa balikat ko na parang nababaliw. Napatakip naman ako bigla sa teynga ko dahil sa lakas ng kaniyang pagtili. "Bestie? May date ka ba? Bakit hindi ka nagsasabi riyan? Ikaw ha? Nagdadalaga ka na. Naglilihim ka na ngayon sa bestfriend mo," paiyak-iyak niya pang ani. "Maghunos-dili ka Sam. Sasamahan ko lang si Raze sa party na dadaluhan niya. Kung maka react ka naman diyan. Dinaig mo pa si Nora Aunor sa acting mo," sagot ko naman sa kan'ya habang pinipigilan ang mga kamay nitong yugyugin pa ako ng todo. "Sorry naman, akala ko kasi rarampa ka na tapos i-a-awra mo na 'yang mala-Lucy Torres mong ganda sa mga kalalakihan," nakanguso niya pang sambit sa akin. Sinabihan ako ni Sam na pumunta bukas sa kanila at siya na lang daw mismo ang mag-aayos sa'kin. Nagpasalamat naman ako dahil makakalibre pa ako sa make up. Ang mahal mahal pa namang magpa- make up sa mga salon. Bukas na 'yung party at nagbilin na rin ako kay Nena ng mga dapat gawin kay Primo. Kasi alam ko naman na matatagalan ako sa pag-uwi bukas. Nagbilin lang ako na dapat patulugin si Primo ng mga 8pm dahil binabawalan ko talaga siyang magpuyat. "Baby? Aalis lang si mama sandali bukas ha? 'Wag kang magpapasaway kay Ate Nena mo, understand?" mahinang paalala ko naman sa anak. "Okay mama, behwave po si Primo. I wuv you," he replied at abay halik niya naman sa'kin. Pinisil ko naman ang mala-siopao niyang pisngi at nanggigigil talaga ako sa anak ko. Ang cute-cute niya kasi talaga masiyado. KINABUKASAN ay maaga akong nagpunta kila Sam. Alas-kuwatro pa lamang ng hapon ay nakarating na ako sa kanila. Malala pa naman ang traffic kaya inagahan ko nalang talaga. Ayaw ko namang ma-late at hassle pa 'yun para kay Raze. Pagkarating ko sa bahay nila Sam ay sinalubong ako ng mayordoma nila na si Manang Reming. May katandaan na rin ang mayordoma nila Sam. Ang kuwento sa 'kin ng bestfriend ko ay baby pa lang daw siya ay katulong na nila si Manang Reming. Siya rin 'yung laging kasama ni Sam noong bata pa siya kapag laging nasa ibang bansa ang parents niya kaya kapamilya na rin ang turing nila rito. "Magandang hapon po Manang, si Sam ho?" magalang kong tanong sa matanda. "Abi anak, ikaw pala 'yan. Pasok ka at nagsabi si Sam na umakyat ka na lang daw sa kuwarto niya. Dadalhan ko kayo ng meryenda," nakangiting sabi naman ng matanda at mas iginiya pa ako papasok sa loob ng bahay. "Salamat po Manang." Dahan-dahan naman akong umakyat sa hagdanan nila Sam. Kahit na ilang beses na akong nakapunta rito sa bahay nila ay 'di pa rin talaga ako sanay sa napakahaba na hagdan sa bahay na 'to. Hinihingal kong pinihit ang siradora sa kwarto ng kaibigan ko. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa aking paningin ang napakaraming pulang mga dresses na nakalatag sa higaan nito. "Bestieee! Halika pasok. Kanina pa ako naghahanap ng babagay sa'yo rito. Gusto ko kasi maging super pretty ka sa party. Malay mo 'di ba? At baka roon mo mahanap si Mr. Right mo chos!" kinikilig niyang sabi sa 'kin habang umikot-ikot pa siya na para bang nagsasayaw. "Alam mo Sam, I think ikaw yung kailangan maghanap ng Mr. Right mo. Gora na kasi bestie, lipad ka na again papuntang States," pang-aalaska ko naman sa kan'ya. Bumusangot naman ang kan'yang pagmumukha habang frustrated na nagbuga ng hangin sa kan'yang bangs. "Norway! Manigas siya. Hinding-hindi ako maghahabol, Abi." Ayan pikon agad siya. Kapag talaga si Mr. States ang pag-uusapan ay nawawala sa mood itong si Sam. Curious talaga ako kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Naging kaibigan ko lang kasi si Sam noong nagsimula akong mag-college. Magkaklase kaming dalawa at dahil sa inborn na ang pagiging madaldal niya ayon dinaldal ako ng todo hanggang sa naging mag-bestfriend kami. "Oo na po Samantha Rye Bernardo, hindi ka na maghahabol." Tinigilan ko nalang sa pang-aasar sa kan'ya dahil baka topakin na lang bigla itong si Sam. "Change topic na nga tayo. Halika nga dito Abi, magsusukat na tayo ng damit." Sabay kuha niya sa napakaraming dress sa higaan niya. Inisa-isa niyang ipinasukat lahat sa 'kin ang mga dresses. Tanggal, sukat, tanggal, sukat ang ginawa ko for the past ten minutes. Kahit na isa sa mga sinukat ko ay wala man lang siyang nagustuhan. "Nakakapagod na Sam, maganda naman 'yung last na sinukat ko. 'Yun nalang siguro," nanghihina kong wika. Grabe nakakapagod talaga kapag si Samantha ang kasama mo. Napaka-energetic ng kaibigan kong 'to. "Nope, ang pangit kaya no'n. Napaka basic at simple. Hindi nabibigyan ng justice 'yang curves mo Abi. Minsan ka na nga lang pumunta sa party eh." Suko na talaga ako sa kakulitan ng babaeng 'to. Hinayaan ko na lang siyang pumili ng isusuot ko. Wala akong nagawa ng hilahin na naman ako nito at ipasukat na naman sa akin ang isang dress na kakakuha pa lang nito sa closet. Sa tingin ko ay bagong-bago pa dahil nakakabit pa rin ang price tag nito. Halos malula ako nang matingnan ko ang presyo ng dress. Tumataginting na fifteen thousand lang naman. 15k for a dress?! Parang pang-one month ko na ring pang-grocery 'yon. Masiyadong revealing ang dress. 'Yong tipong malaswa na maganda pa rin tingnan. Hindi ko alam kung paano i-de-describe nang mabuti. One thing is for sure, mas na-de-define nito ang curves ko sa katawan nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin. "Abi! That's the one," sigaw ni Samantha nang makita ang huling isinukat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD