Chapter 01
Juniper's POV
Year 2020, March 04.
Mahigpit ang kapit ko sa manibela habang tahimik kong binabaybay ang mahabang daan ng Nuevo.
Ramdam ko rin ang tumatagaktak na pawis sa noo at leeg ko kahit na bukas naman ang aircon ng sasakyan na gamit ko. This is not mine actually, ilang buwan ko nang gamit ang sasakyan na 'to, nanghiram kasi ang kakilala ko at malaki-laking halaga rin iyon. Dahil medyo may kalayuan ang bahay ko sa trabaho ko sa syudad ay naisipan ko na hiramin 'to sa kanya kapalit ng pagpapahiram ko.
Ayaw rin naman kasi niya ibenta dahil may sentimental value raw 'tong sasakyan. Pumayav siya sa naisip ko dahil alam niyang aalagaan ko 'to, alam niya rin kasi na mahilig ako sa mga sasakyan.
The surrounding lights flickered around me, casting a soft glow against the midnight air, pero ang mata ko ay nakatutok lang sa sasakyan sa unahan ko.
A black luxury car.
Mabilis ang andar nito, parang lagpas na nga na sa speed limit na itinakda ng Nuevo. Tama lang naman ang takbo.
I wasn’t following him. Of course not. Napadpad lang ako rito after ng duty ko ngayong araw— eto rin naman kasi ang daan ko. Maraming nangyari ngayong araw— maraming pasyente sa hospital, marami akong narinig na iba't ibang kwento ng mga pasyente at pamilya.
Buti na lang nasa sa akin ang sasakyan na 'to, hindi naman 'to bago, halos isang dekada na ang tagal ng model na 'to. Sira pa nga ang plaka ko sa likod, buti na lang at hindi pa ako nasisita. Wala pa akong oras para ipaayos at kuhaan ng bago. Pag-uwi ko ng bahay ay hilata agad ako. Minsan, kapag pagod na pagod na ako, I just drove around aimlessly, because the city felt different at night. Tahimik. Malamig.
Along the way ang hospital ko sa hotel kung saan galing ang sasakyan na nasa harap ko ngayon. Napatigil pa nga ako kasi gandang-ganda ako. Pero nang makita kong lumabas mula sa isang mamahaling hotel at may sumakay dito ay napalunok ako. River Gunner— The Mayor.
Sinong hindi ang makakakilaka dito? He's a Mayor, he came from a well-known family. I had seen him in the news, in headlines, sa campaign posters na nagkalat sa buong siyudad. A man who carried power like it was stitched into his very skin. Laging may press, laging may cameras. Pero ngayon? Wala ni isa. Mag-isa siya.
Something about it felt... unusual.
Dapat lumiko na ako.
Pero hindi ko ginawa.
Instead, I kept driving. Steady. Distant. Watching.
Siguro, dahil na rin mahilig ako sa mga kotse. Hindi ko matandaan kung kailan nagsimula, pero malamang ay dahil sa mga kaibigan kong laging nanonood ng F1 races at mga luxury car vlogs sa TV. Napapasabay na lang ako sa kanila hanggang sa unti-unti, natutunan kong ma-appreciate ang makina, ang bilis, ang ganda ng bawat disenyo no'n.
And tonight, I was staring at a car that was worth more than I’d ever make in my lifetime. A sleek, black Aston Martin DB11—elegant but powerful. Pero kahit gaano ito kaganda, ramdam kong may mali.
Masyadong mabilis, maganda ang takbo nito. Akala mo ba ay nasa isa siyang karera. Mahina akong napamura nung walang sabi na saglit itong huminto at ramdam ko ang impact no'n kahit na malayo na ako dito.
Then— it happened.
It happened so fast.
A blur of silver. A sudden swerve. A loud, gut-wrenching screech of tires.
Then— the impact.
Glass shattered. Metal twisted. The black car spun before it slammed into a concrete barrier with a sickening crash. Smoke curled from the hood, the echoes of destruction ringing in the empty street.
Shit.
I slammed my brakes, my heartbeat roaring in my ears. Napatingin ako sa paligid at nasa tahimik sa daan kahabaan kami ng Nuevo, wala anumang kabahayan or establishments sa kahabaan.
For two to three minutes, I just sat inside the car, gripping the steering wheel, breathing heavily. Hindi ko alam kung bakit nagtagal pa ako ng ilang minuto. Muli akong napamura sa iniisip.
Then, instinct took over.
I removed my seat belt. I jumped out of my car and ran as fast as I could.
"S-Sir? Can you hear me?" I yanked at the crumpled car door. Hindi man lang siy gumagalaw. s**t. His head was slumped forward against the steering wheel, blood trailing down his forehead.
Basag na ang salamin sa pinto ng driver seat, hinawakan ko 'yon saka ang door handle at mahinang napadaing na maramdaman ang bubog sa palad, pero ininda ko 'yon. I pulled harder.
"H-Hey! Gising!" sigaw ko na para bang tropa ko lang siya.
Still no response from him.
With one final tug, the door gave way with a screech. Smoke stung my eyes, but I pushed through, reaching inside.
My fingers brushed against his neck, to feel his pulse. Una ko ring napansin ang puti niyang tuxedo na nababalot na ng dugo.
His eyes flickered open.
For a moment, he just stared at me, disoriented. Then, barely above a whisper, he muttered, "Who… are you?"
Wala akong sagot.
Then I heard it—the low, crackling sound.
Napalunok ako. Pumikit na ang mata niya kaya muli akong napamura. My eyes darted toward the front of the car. Flames licked at the crushed hood, smoke getting darker. The engine was about to explode.
Shit. s**t. s**t.
"Come on!" My voice shook as I grabbed his arm, sinubukang itayo sa pwesto niya. Pero nang bumigat ang katawan niya, napatingin ako sa ibaba.
His legs—trapped.
I cursed under my breath. The front of the car had crumpled inward, sandwiching his legs between the dashboard and the crushed metal. Hindi siya makagalaw.
"Sir, you need to help me!" I yanked at him, but he groaned in pain.
"I—can’t move," he rasped.
Napalingon ako sa makina. The fire was growing, creeping closer. I can feel that any second now, sasabog na ito.
No. No. Hindi ko siya pwedeng iwan.
"Kaya mo ‘to, okay?" My voice was firm. Kahit ako, hindi ko alam kung para sa kanya o para sa sarili ko ang sinabi kong ‘yon.
I am a nurse and he needed help.
Since I am familiar with his car, agad kong hinanap ang seatbelt niya at ginalaw iyon para maalis sa katawan niya. Nasugutan muli ang palad ko dahil sa mga nagkalat na bubog. Nang maalis ay agad kong idinikit ang katawan ko sa kanya para sa pwersa na kailangan ko sa pag-alis sa kanya.
"One more," I whispered, gripping under his arms. Ipit ang sigaw ko habang hinihila siya. Wala na akong pake kung maputulan man siya ng binti basta maialis ko siya.
"On three, okay?" bulong ko. Hindi na siya muling nagsalita, ramdam ko ang hina niya.
"One… two—three!"
I pulled with everything I had.
He groaned in agony as I wrenched him free, halos mapaigtad ako sa bigat niya. Mabilis akong umatras, hinila siya palayo, paalis sa kotse niyang pipi na at umaapoy na.
Napasigaw ako nung sumabog ito.
The explosion sent a wave of heat against my back as I shielded him with my body. My ears rang, my hands shaking as I gasped for breath.
Pero buhay pa siya. Buhay pa kami. Buhay pa ako.
Mas hinila ko siya palayo hanggang sa maramdaman kong ligtas na ang distansya namin mula sa sasakyan niyang natutusta na He slumped against me, unconscious, but breathing.
Then, I noticed something.
His phone.
Nakita ko kanina sa peripheral vision ko na tumalsik ito habang hinihila ko siya. I rushed toward it, fumbling with the cracked screen. Swerte pa rin, gumagana. Agad kong tinawagan ang emergency hotline.
Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang nagsasalita, pilit ko rin kasi na iniiba ang boses ko.
"Miss, sino po ang biktima?"
Tumingin ako sa lalaking walang malay at duguan. Hindi ako sumagot. Nanginginig ang kamay ko akya muntik ko oang mabitawan ang phone.
"Miss, kailangan po namin ng impormasyon—"
Bago pa nilamatuloy ang sasabihin, binaba ko ang tawag at nilapag ang phone malapit sa kanya. Nabanggit ko naman ang lokasyon, tama na siguro iyon. Pinilit kong tumayo nang maayos at lumayo sa lalaking nakahandusay. Sana lang ay walang nakakita sa akin. Nailigtas ko naman siya... 'yon ay kung buhay pa talaga siya.
Any second or minute now, help would come. Police. Press. Cameras. Investigators.
I couldn’t be here when that happened.
I'm sorry.
So I did the only thing I could.
I stepped back and ran. And before anyone could see— I disappeared.