Juniper’s POV
“Aba’y anak ka ng— ouch!” Sielo, my friend, shouted as I tapped the cotton ball with alcohol in his wound. Yes, alcohol, hindi man lang betadine for cleaning his wound.
“f*****g— holy—!” Mas diniinan ko ang pagkakadampi nito sa sugat niya at napatakip siya sa unan sa ginawa ko. Napangisi ako sa ginawa at pakiramdam ko ay nakaganti ako rito sa mga pang-aasar niya sa akin sa mga nagdaan na araw.
Napansin kong napatingin sa amin ang katabing bed at bakas ang pagtataka sa mukha niya, pero nginitian ko lang ito. Sinadya ko talaga na alcohol agad para maramdaman niya ang ganti ng api— chos lang!
“Sir, nililinis ko lang ang sugat mo. Kumalma po kayo para gumaling agad,” pang-aasar ko rito at feel na feel ang pagdampi ng cotton sa sugat niya. Pasimple ko pang hinila yung curtain sa tabi ko para matakpan kami at hindi na maistorbo kahit papaano yung kabilang bed.
Agad niyang tinanggal ang unan sa mukha at umupo. Napatingala ako kasi kahit na nakatayo na ako ay nalagpasan pa rin niya ang tangkad ko. Hmp! Giant!
“What the hell, Juni? Nananadya ka ba?” mahina niyang sambit at halata na ang inis. Nailing-iling pa siya pero mahina lang akong natawa.
“Ako pa talaga ang tinanong mo?” pagsusungit ko, tinaasan ko siya ng kilay. “Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Dito ka pa talaga nagpunta!” saka pinitik ko ang noo niya.
“You have a gunshot wound!” saka itinuro yung mga galos sa braso niya na nililinis ko, “and this!”
Sielo’s my closest friend and I know what he’s been into since then! He’s a part of a private security and investigation team, he’s been with the company for a decade. He’s only 30, matangkad, gwapo, mapera at matinik sa mga babae. Yes, bata pa siya nung pinasok siya sa ganitong nature ng trabaho. Hindi naman labag sa loob niya, sa kung tutuusin ay gusto pa nga niya. He already built a strong foundation for this kind of work.
“You know that we have a deal, right?”
Nailing lang ito at humiga ulit na para bang problemado. We have a deal na kapag nagkaroon siya ng problema sa work, or need niya ng tulong ko, huwag lang niya ako pupuntahan sa hospital kung saan ako nagtatrabaho.
“I don’t have a choice, okay? Eto ang malapit and I don’t have my keys with me,” aniya.
Ilang taon na akong tagalinis ng sugat niya. Taga-kuha ng bala na bumabaon sa katawan niya. Hindi ko na rin mabilang sa daliri kung ilang beses ko na ba siya nakitang may sugat. Buti na lang masamang d**o ito kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin siya.
Huminga ako ng malalim at nginitian siya. Wala rin akong choice. Sielo needs me with this. Ako lang ang makakatulong sa kanya. No, marami naman, pero ako ang mas malapit. Nung nakita ko siya ay ako agad ang nagpresinta na umasikaso sa kanya. Buti na lang busy ang paligid kaya panigurado na walang magtataka kung bakit.
“Ano na naman ba kasing nangyari sayo?” tanong ko.
Mahina siyang natawa, halatang natuwa sa inasta ko. Naramdaman niya ata na wala na rin kaming choice parehas.
“Nakita ko na kung saan pumwesto yung gunman ng isang Senador na nabaril nung nakaraang linggo. Unfortunately, there was a watcher. Ayun, nakita ako kaya naging si flash na naman ako. I don’t have anything with me, just myself.”
“Malas mo naman today, ha!” at pinagpatuloy ko na linisin ang iba niyang sugat. “And for sure wala kang dala na wallet?”
Napakamot siya sa ulo at nailing. Nahampas ko ang sugat niya na ikinasigaw niya ng malakas. Napasok tuloy kami ng isang roaming na nurse at tinanong kung ayos lang ba kami. Mabuti na lang magaling um-acting si Sielo. Sa huli, ako ang nagbayad ng bills niya. Marami naman pera ang damuho na ‘to kaya sisingilin ko na lang ng doble. Minata pa ako ng tsismosang cashier kung bakit ako ang magbabayad, sinabi ko na lang na naawa ako dahil nawalan ng pera ang pasyente. Subukan niyang i-tsismis ako at papaabangan ko siya sa labas. Haha, joke lang!
Pati iba kong kakila na mga jurse ay nabighani ata sa damuho na ‘yon. Edi sana sila na lang pala nagbayad ng bill no’n!
Hindi pa nakuntento ang damuho at binook ko pa siya ng ride hailing app para lang makabalik sa office nila. Wala talaga siyang dala na kahit ano. Halos umusok ang ilong ko sa siraulo na ‘to, pero buti na lang din na ganun para makaalis na siya sa hospital.
Hangga’t maaari ayokong may kakilala na napapadpad dito sa hospital kung saan ako nagtatrabaho. Alam ng lahat kung gaano ko sini-set aside ang personal life sa work life ko. They never knew anything about me except my birthday and work anniversary ko. Kapag work, work lang. Hindi ako introvert. Sociable pa naman ako sa kanila. Sumasama sa mga lakad and all. I just need to set boundaries with them and nirerespeto naman nila, kahit na minsan hindi maiiwasan na may mga marites sa tabi-tabi. Imagine, sobrang busy na namin pero may nagagawa pa ring makipagtsismisan.
“Have you heard what happened to Mayor Gunner?”
Halos matumba ako sa kinatatayuan ng marinig ang apelyido na ‘yon. Humigpit ang hawak ko sa coffee cup habang hinihintay na mapuno iyon. Nasa isang convenience store kasi kami ngayon dahil napagpasyahan namin na mag-coffee break.
Suhanna, my workmate, conveyed sorrow with her reaction na akala mo ba ay close na close sila ni Gunner. May pahawak pa ito sa dibdib. “Grabe, until now wala pa rin silang lead sa pagligtas sa kanya. It’s been what? 6 weeks? Nasa hospital pa rin nga si Mayor!”
Tumaas ang kilay ko. “Still bed rest?”
Napatango naman si Rami sa akin. “Tumpak! Mukhang matindi nga nangyari sa kanya, but stable naman na raw.”
“Okay,” mahina kong sambit.
I stirred my coffee slowly, masking the sudden rush of emotions building up inside me. Gunner. The name alone was enough to stir memories that day that I’ve tried so hard to bury. My hands trembled faintly, so I pressed the cup harder to steady them.
They had no idea. None of them knew.
I was there.
No traces, no witnesses, no familiar faces. It had to be that way. For his sake. For mine.
“Juni, okay ka lang?” tanong ni Suhanna, pansin ang biglaang pananahimik ko.
“Yeah,” I forced a smile, sipping my coffee. “Just tired.”
If only they knew the truth. If only Gunner knew.
But some secrets were meant to stay hidden—
even if it meant erasing myself from the story I once saved.
Ang tanga mo, Juni. Ewan ko na lang kung saan ka pupulutin kapag nagkataon.