Juniper’s POV
“After nearly two months of bed rest, Mayor River Gunner is finally in stable condition, recovering from the car—”
“Juniper—”
“Mayor— ay depu— Sielo!!!”
Halos tumalsik ang puso sa kaba at napatakip pa ng bibig sa naging pagsigaw ko. Sumama ang tingin ko sa lalaking nasa harapan habang nakakunot ang noo sa naging reaksyon ko. Binatawan ko ang microfiber towel na hawak at napameywang sa harap ni Sielo.
Ginaya niya rin ang posisyon ko at hindi namin alintala ang abala na nagawa ko sa pagsigaw. Nasa restobar ako na pagmamay-ari ni Papa kung saan tumutulong tulong ako kapag gusto ko. Napatingin ako sa paligid at nginitian ang iilan na nasa table nila at abala rin naman sa kinakain.
“Anong Mayor ang sinasabi—”
“Anong ginagawa mo rito—”
Halos sabay naming sambit habang nakapameywang, pero di ako napatinag dahil ganun pa rin ang pwesto ko. Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya at umupo na sa high chair ng bar table.
Napatingin ako sa TV at napansin na iba na ang binabalita roon. Sa loob loob ko ay laki ang pasasalamat dahil naiba na rin ang balita. Pero mukhang hindi naman ako nakaligtas sa narinig ni Sielo sa bibig ko. Patay na talaga.
“Seriously, Juni? Nagawa mo pa talagang magpunta rito, eh, halos hindi ka na magkandaugaga sa hospital?” Taas kilay niyang tanong.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa na pagpupunas ng mga shot glass at umiwas ng tingin kay Sielo. Yes, it’s been a while since I haven't been here in Velvet & Vine, this is a resto bar owned by my father. Lagpas dekada na rin itong nag ooperate sa isang executive village. May mga iba’t ibang branches pero mostly ng mga ‘yon ay franchise na. This is the main and original branch.
Mostly ng mga nagpupunta rito ay residente lang din ng executive village na ito, may iba na kahit wala na sila rito ay eto pa rin ang paborito nilang resto bar.
Upon entering The Velvet Vine, you're immediately welcomed by a warm, cozy ambiance. Dim, yet perfectly lit, the space is a tasteful blend of modern and classic luxury. Halatang pinag-isipan at talagang babagay sa executive village kung saan ito nakapwesto. Shelves of exquisite wines line the walls, and a shimmering aquarium with expensive fish adds a touch of tranquil elegance. Karamihan sa mga ito ay ako ang pumili. May mga painting din ng mamahaling sasakyan, since I also love cars.
The floor is dotted with intimate round tables, while four exclusive VIP areas, each with its own divider, offer a secluded retreat. At the heart of it all is the bustling center bar, where expert bartenders craft drinks, and a separate counter handles all takeout and to-go orders. It's more than just a restobar—it's a refined experience.
Bihira lang din talaga ako makapunta rito pero kung gusto ko ng tahimik na ambiance ay dito talaga ako napupunta lalo na kapag off sa trabaho at walang emergency.
Pero ngayon, tamang tama etong Velvet & Vine sa akin, lalong lalo na nagtatago ako ngayon. Mahina akong natawa at nailing sa naisip. Idiot, Juniper.
“And you’re laughing… now?”
Bumalik ako sa realidad dahil sa boses na naman ni Sielo. Nginitian ko lang siya at hinayaan.
“Aaah, ignoring me, huh? Siguro… iniisip mo si Mayor.”
Doon na ako napatingin sa kanya kaya napangisi siya. Ako naman ang umirap sa kanya at nailing. Nagiisip ng palusot sa damuho na ‘to. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababanggit sa kanya, pero hindi rin ako sigurado kung mag alam na ba siya, knowing Sielo hindi ako makakaligtas dito. Pasalamat na lang kung talagang makatakas ako.
“Nah, just glad that…. he’s safe,” bulong ko.
Napangisi ito. “ At kailan ka pa nagkaroon ng pake ng isang pulitiko at sa isang… Mayor pa?” bakas ang pagtataka ngunit may pang-aasar sa boses ni Sielo.
“Why? Masama ba?” tinatanong ko yan habang abala sa ginagawa. Hindi ko siya tinitingnan sa mata dahil mahirap na at baka kung ano pa ang mapansin niya.
“No, and yes, dahil si Juniper ka na wala namang pake sa mundo at yes, dahil kailan pa?” natatawa niyang sambit, “unless… unless you’re…” hindi na niya naituloy ang sasabihin at doon na kami nagkatitigan.
Naoabuntong hininga na lang ako na para bang sumuko na kahit hindi ko pa talaga nababanggit sa kanya.
“I fvcking knew it, Juniper!” mariin ngunit pabulong niyang sambit. Buti na lang ay kami lang dalawa dito sa centre bar table. Abala pa ang iilang bartender kaya wala masyadong tao dito sa harap.
Dinuro-duro pa niya ako na para bang hindi makapaniwala at tumango-tango pa. Mas tumaas ang kilay ko ng umalis siya sa pagkakaupo at tumayo para ilang beses na maglakad pabalik-balik na nakapameywang pa.
“Sielo! Umupo ka nga!” sabi ko rito. At inikot pa ang mata sa paligid.
Nakinig naman siya at mas inilapit ang upper body sa table para mas maglapit kami. “You hate politicians, Juniper. You fvcking hate them. I can see it in your eyes every time one of them is on TV. I know your story, Juni. It's not just a dislike, it's a deep disgust. A burning kind of hatred. At tama ang hinala ko na may something ka kay Gunner!” Mahina pa siyang natawa na para bang nakajackpot ang gago.
“Something… my ass!” I hissed.
Minata niya na naman ako. “So… ikaw nga? Huwag ako, Juniper. I am like your Dad. The moment you asked my help to burn that car, I knew something was off. I also have ears everywhere, may rumors na babae raw ang nagligtas sa kanya since boses babae ang nasa record call.”
“They will never know that it was me, Sielo. It’s just a voice.”
“I know, may tiwala naman ako sayo. Ang kaso, Juni, malaking tao ang nadikitan mo,” he whispered, “and they also have connections, Juni. They’re just like us. Ang kaibahan lang ay wala tayo sa pwesto nila ngayon. Swerte mo kung hindi ka talaga mahuli.”
Nagkatitigan kami ni Sielo. “But knowing that man? He will—”
Pinutol ko na siya, “Shut up, Sielo. Wala akong pake kung anong gagawin nila. I don’t want their recognition and fame. Nagkataon lang.”
Tumango siya. “Alam ko naman,” mahina niyang sambit. Para bang pinipilit na lang niya na unawain ang sinasabi ko.
“I’ll help you,” aniya. “I’ll do my best to help you. I’ll ask help from Jett and Hart, they work closely with the Office of the Mayor. But if Gunner already pull the strings, wala na akong magagawa, Juniper.”
Tumango ako. Alam kong wala na siyang magagawa once mangyari na mahanap ako ni Gunner. Ang magagawa na lang niya ay tulungan ako na protektahan ang pagkatao ko. Sielo knew how much I want to protect my family, at kung gaano ako ka-private. Gunner’s life and ours have similarities, but we’re not working in the Government. We work for them. They are the ones needing our service, our help.
I’ve always been the one extending a hand to others, but if the day I’ve always feared ever comes, I hope it won’t be the day I find myself desperately reaching for one...
Aahhhh, nalintikan na talaga. Huhu!