Dahil sa kabang nararamdaman niya ngayun at sa hiya na rin. Mabilis siyang tumayo at umahon sa tubig.
Wala sa sarili siyang naglakad papalayo sa lugar na yun. Dahil hindi niya alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi ba dapat magalit siya sa lalaking yun or kaya sinampal niya na ito dahil ang pinakainiingatan niyang first kiss ay napunta dito.
Haysssss...pag minamalas ka naman talaga.!! Bahagya niyang napukpok ang ulo niya para matauhan at makalimutan ang malambot nitong labi.
Tumigil siya sa paglalakad ng maramdaman ang basang damit niya.Saka niya narealize na bakat mula sa puting long sleeve niya ang kaniyang balat, wala pa naman siyang dalang jacket. Hindi siya puweding bumalik sa mansyon na ganito ang ayos niya. Sa gitna ng pag aalala niya,someone put a jacket on her back. Nilingon niya kung sino ang naglagay ng jacket then she saw that man, that causes all her troubles all day. Pero bago pa siya makapag salita laban dito. Nauna na itong umalis ng walang sinasabi. She sighed at muling naglakad pabalik mansyun ,wala din naman siyang magagawa kungdi ang gamitin muna ang jacket nito.
Pagdating niya sa mansiyon natanaw niyang nag uusap sina Raven at si Nicolai ngunit mukhang seryuso ang mga ito. Iiwasan niya nalang sana sila ng mapansin siya ni Raven. Napakunot ang noo nito ng tumingin ito sa gawi niya at napatingin ito sa jacket na suot niya. Muli tumingin si Raven kay Nicolai ngunit humakbang na ang huli papasok sa loob. Mabilis namang lumapit sa kaniya si Raven at halatang nag aalala.
" What happened..I've been looking for you?" Tanung nito. Mas lalo niya pang itinakip ang jacket sa katawan niya bago nakangiting tumingin dito.
"Sinamahan ko lang mag ikot si Sir Nicolai!" Sagot niya.
"Then.. bakit ganyan ang ayus mo...did he bully you?" Seryusong tanung nito
Pakiramdam niya nakakapagpagaan ng kaniyang loob ang pag aalala nito pero bahagya din siyang nailang dahil pakiramdam niya she was cheating on him dahil nakuha na ng iba ang first kiss na tanging dito niya lamang inilalaan sana.
"I-I'am fine...Nadulas lang ako sa ilog... Tama... Nadulas ako sa ilog." Pilit ang ngiting sabi niya.
Mataman naman nito siya nitonh tinignan, ngunit mayamaya napabuntunghininga nalang din ito at umaliwaslas na ulit ang mukha.
"Akala ko kung napano ka na, let's go.. you need to change your clothes at baka sipunin ka and look at your wounds..nabasa nadin." Sabi nito at umakbay ito sa balikat niya habang naglalakad sila pabalik ng mansiyon..
Samantala nakatingin lang si Nicolai sa dalawa habang papasok ang mga ito sa loob ng bahay. He was standing beside the window of his room. He was directly looking at that woman beside his cousin..m The truth is sa buong buhay niya ngayun lamang siya nakaramdam ng pag kainggit. Not because of material things but because of the life that his cousin had before dito sa hacienda. Base sa mga naririnig niya, Raven had the happiest childhood here. Samantalang siya... simula ng makapag aral siya. Lahat ginagawa niya just to please his father at ipakita dito na karapat dapat din siyang ipagmalaki nito. His father always talked about business kahit nasa hapag kainan sila...but he never talked about his parents or about sa buhay nito noon.He was just too curious kung anung meron dito sa hacienda at gusto niyang malaman kung bakit lumayo ang kaniyang ama sa lugar na'to. Pero hindi lang naman yun ang ipinunta niya dito.Meron pang ibang dahilan na siys lamang ang nakakaalam.
He can't understand his self either. He never cared for a woman before, kahit na maglumuhod pa ang mga ito sa harap niya para magmakaawang wag niyang iwanan .After he uses them they will never taste him again.
But something hit him today.That woman, she wasn't afraid of him and that's make him wanting her more...kaya sinabihan niya itong lumayo sa kaniya at baka hindi niya mapigilan ang sarili and she will ended up on his bed too. Pero isang bagay ang gumugulo sa isip niya ngyaun, the way his cousin act towards her... Does Raven like that girl?
*********
Nang sumunod na araw, abala ang lahat sa mansiyon ng mga Del Rios dahil sa gaganaping party.
Maagang nagising si Annika at nakita niya sa paanan ng kaniyang higaan ang isang box.
Kinuha niya ang box at dahan dahan niyang tinanggal ang takip nito. Ang laman ng box ay isang light blue na gown. It was a simple gown pero mukhang mamahalin.
Tinanggal niya mula sa box ang gown at dinala sa harap ng salamin. Hindi talaga siya mahilig magsuot ng ganito pero this gown looks like her type. Mukhang may pagka conservative din ang pumili nito dahil natatakpan nito ang balikat hangang paa niya. Maging ang braso niya ay nakatago din dahil sa mahabang manggas. Hapit nga lang sa katawan.
"Pwede na to. " Nakangiting sabi niya.
Dala niya ang gown, papunta sa mansyun. May bahay silang sarili dahil binigyan sila ng mag asawang Del Rios ng lupang, pagtatayuan ng kanilang bahay. Kaya subrang laki ng utang na loob ng pamilya niya sa mag asawang Del Rios at sinusuklian naman nila ito ng pagtatrabaho ng maayos sa hacienda.
Ang mag asawa din ang ang nagsponsor ng pag aaral niya sa kolehiyo , ngayung nakapag tapus na siya, balak niyang dito sa hacienda ibuhos ang kaniyang natutunan.
Pagdating niya sa hacienda agad niyang nilagay si Snow si kuwadra pero paglabas niya sinalubong siya ni Martha isa sa mga kasambahay at sinabihan siya nito na hinihintay siya ni Seniora Carina sa garden kaya pinuntahan niya ito.
"Annika mabuti at nandito ka na...pwede mo ba akong samahan?" Tanung ni Senyora Carina habang nakaupo sa garden.
"Sige po...saan po ba tayo pupunta?" curious na tanung niya.
"May appointment lang ako sa bayan." Nakangiting sabi nito at tumayo. Kaya nilapitan niya ito at inalalayan habang naglalakad.
Sumakay sila sa kotse ng mga ito habang papunta sa bayan nasa higit tatlumpong minuto din ang byahe kahit may sarili ka pang sasakyan.
Isang magarang beauty salon ang kanilang napuntahan, meron din itong mga extra service tulad ng spa. Hindi pa siya nakakapasok sa ganitong lugar kaya parang nag aalangan siyang pumasok sa loob.
"Come here Iha!" Aya ni Seniora Carina ng mapansin nito na hindi siya kumikilos sa kaniyang kinatatayuan.
"D-dito nalang po siguro ako sa labas...maghihintay Senyora." alanganin niyang sabi.
"Don't worry Iha... Sasamahan mo lang akong mag paayus ng buhok ko sa loob." nakangiting sabi nito.
"Ah...s-sige po!" Sagot niya at sinamahan niya na itong pumasok sa loob.
Umupo siya sa waiting area samantalang may nag assist naman kay Senyora Carina at pinaupo ito sa harap ng malaking salamin.
Habang nag hihintay siya kay Senyora Carina ay nagbasa muna siya ng magazine ng may lumapit sa kaniya na mukhang staff din ng salon.
"Excuse me Miss, gusto ka sana naming kuning model kung papayag ka a total make over package and for free para sa'yo!" Nakangiting sabi ng staff
"Ako? Model?!!" Nagulat niyang tanong. At aayusan pa daw siya nito for free..
"Ahm ... Huwag nalang ako... Kasi ano hindi ako mahilig sa make up." Nahihiya niyang sabi. Ngunit narinig niyang nagsalita si Senyora Carina.
"Pumayag ka na Annika... Isa pa tamang tama yan at may party kang dadaluhan mamya, minsan lang to sila nag ooffer nang libre." Pang eenganyo nito.
Hindi siya nakapagsalita pero kinuha na ng babae ang kamay niya at inaya siya sa upuang katabi ni Senyora Carina.
"Make her beautiful." Sabi nito sa mga nag aassist sa kaniya.
"She's already beautiful Mam, kunting make over nalang po ang kailangan niya." sabi naman ng staff.
Parang ang bilis ng mga oras ng sandaling yun hindi nila namalayan na mag gagabi na pala . Halos lahat yata ng services ng salon at spa na ito ay ipinatry sa kaniya.
Nang sinabi niya sa senyora na may dala siyang gown.Ipinasuot nito iyon sa kaniya. Pumasok naman siya sa loob ng fitting room and to her surprise sukat na sukat sa kaniya ang gown. Mukhang hindi siya maiilang na suotin ito.
Nang lumabas siya mula sa fitting room. Makikita ang paghanga sa mata ng mga staff at isang ngiti ang binigay sa kaniya ni Senyora Carina.
"That gown..really fits you Annika." Sabi nito.
Inaya naman siya ng staff at iniharap sa salamin..kahit siya ay nagulat din sa kaniyang ayus... Is she this beautiful...? Ako ba talaga to...? Baka naman may cover pa itong salamin at hindi pa natatanggal..kaya tsineck niyang maigi ang salamin..pero gumagalaw din ang replika niya.. kaya malamang siya na talaga ito. Madalang lang siyang tumingin sa salamin lalo at pulbo lang at kunting suklay okay na sa kaniya.
Inayos ng mga staff ang buhok niya at naglagay nalang ng kaunting make up. Tinignan niya si Senyora Carina , nakasuot nadin ito ng gown nito at napaka elegante nitong tignan sa suot na damit.
Bilang model ng salon.. kumuha lang ng ilang pictures ang staff at ipinakita naman sa kaniya kung okay na ba ang picture niya..dahil ididikit nila ito sa bulletin ng kanilang salon. Parang nahihiya naman siyang lumabas ng salon dahil sa ayus niya ngayun.
"Let's go na iha...they're waiting for us.." Sabi ni Senyora Carina..
She have no choice kundi ang sumang ayun dito. Kahit ang driver ng pamilya ay pinuri din siya. Hindi marahil ito makapaniwala na may nakatagong ganda pala sa likod ng pagiging kilos lalaki niya.
Samantala nakatayo si Nicolai sa isang sulok ng harden habang naghihintay na magsimula ang party. He knows that this party is intended for Raven dahil sa muling bagbabalik nito sa hacienda.His grandparents must love his cousin that much kaya may pawelcome party pa para dito. But he doesn't care at all. Besides he wanted to leave this place as early as possible tomorrow dahil marami pang trabaho ang naghihintay sa kaniya sa Maynila.
Hindi nagtagal narinig niya ang mga bulungan ng mga tao sa paligid. He was holding his wine...when he turn around to see kung anu ang pinag uusapan ng mga tao.
His eyes fixed to someone habang naglalakad ito..kasama ng kaniyang Lola Carina.
That girl... she look so pleasant in his eyes. Kaya hindi niya magawang alisin ang paningin niya dito.
Pero ang paghangang yun ay agad napalitan ng panibugho ng makita niyang naglalakad papalapit sa mga ito si Raven. Malawak ang ngiti nito habang nakatingin kay Annika at bakas din sa mukha nito ang paghanga. Inubos niya ang kaniyang alak at lumayo sa karamihan.
Hindi naman maiwasan ni Annika na makaramdam ng tuwa sa kaniyang puso dahil sa paghangang nakikita niya sa mga mata ni Raven.
"Ahem.. Raven iho... Iiwan ko na muna sa'yo si Annika, lalapitan ko muna ang ibang mga bisita...you take good care of her." nakangiting paalam ni Senyora Carina sa kanila.
"You look so beautiful...mabuti naman at nagkasya sa'yo yang gown." sabi ni Raven. Nangunot ang noo niya ng marealize ang sinabi nito.
"This gown? You mean sa'yo galing to?" hindi makapaniwalang tanung niya.
"Yes...i know it will looks good on you.. at mukhang hindi ako nagkakamali." sabi nito at binigyan siya ng nahihiyang ngiti.
"T-thank you..! I like it." sabi niya dito habang ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib dahil sa ngiti nito.
"Annika... I- i have something to tell you." sabi ni Raven habang matamang nakatingin sa kaniya.
"A-ano yun?" She asked na mas lalong kinabahan.
Ito na ba yun... Magtatapat na ba siya..?
Bago pa makapagsalita si Raven ay dumating ang kaibigan nitong si Trishia.