Napansin ni Nicolai na sa mukha ni Annika ang kasiyahan ng makita ito nito si Raven at agad na lumapit sa pinsan niya para yumakap. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagka inis. Lalo pa ng mapansin ni Raven ang sugat ni Annika at agad nito iyong ginamot. Kakaiba naman ang mga ngiti ni Annika habang nakatingin sa pinsan niya and he doesn't know why he hated that sight. Kaya ng umalis ang mga ito papuntang kusina lumabas nadin siya ng bahay at nag ikot ikot hanggang makarating siya dito sa kuwadra.
Alam niyang walang pakialam ang daddy niya sa mamanahin nito bilang isang Del Rios...kahit din naman siya , dahil maliit na pursyento lamang ang makukuha niya dito kisa sa lawak ng negosyo nila ngayun. Naging matagumpay ang kaniyang ama noon sa negoso hanggang sa mas lalong lumawak pa ito at nagkaroon pa ng branch sa ibang bansa. Nakapagtayo din siya ng sarili niyang kumpanya ng makapagtapos siya ng pag aaral.
"Kayo po ba ang gumamot sa sugat ni Snow?" Tumigil siya sa kaniyang pagbabalik tanaw ng marinig ang nagsalitang yun. Nilingon niya ito at nakita niya ang isang may edad nang lalaki ,nakasuot ito ng kupasing maong na pantalon at kupas nading pulo shirt...naka sumbrero din ito ng tulad sa isang cowboy.
Tahimik siyang tumango dito at muling tumingin sa kabayo.
"Maraming salamat Ginoo ,marahil ay hindi napansin ni Annika na may sugat si Snow...kaya nagwala ito kanina."
Sabi ng matanda nagtaka naman siya dahil mukhang wala namang ibang tao ang nakakita sa kanila kanina ng mangyari ang aksidente.
"Paano niyong nalaman?" Tanung niya.
"Nabanggit ni Sir Raven ng magkita kami kanina." Sabi nito. Natahimik naman siya at hindi na nagsalita pa.
"Malapit na magkaibigan sina Sir Raven at Annika dahil halos sabay silang lumaki dito sa hacienda. At itong si Snow ay ang unang anak ni Heaven ang kabayo ni Sir Raven at iniregalo niya itong si Snow kay Annika kaya napakahalaga nitong kabayo sa kaniya." Nakangiti nitong sabi habang pinapakain ng dayami si Snow.Maya maya ay lumingon ito sa kaniya.
"Kayo po ba ang anak ni Senorito Arthur?" Seryusong tanung nito.
"Kilala niyo ang daddy ko?" Tanung niya dito. Mapait namang ngumit ang matanda.
"Magkasabay din kaming lumaki ni Senyorito Arthur noon at naging mag kaibigan. " kuwento nito.
Napukaw naman ang interes niya sa naging buhay ng daddy niya noon sa hacienda. Ngunit natigil ang kanilang pag uusap ng dumating si Annika.
"Tay..bakit po nandito kayo. Dapat nagpapahinga pa po kayo ngayun." nag aalalang tanung ni Annika sa matandang kausap niya.
Is he her father?
"Ah...sir...ito nga pala ang anak kong si Annika...at ako naman si Fred, ang katiwala ng iyong lolo at lola dito sa hacienda." Pagpapakilala ng matanda.
"Anak ,magpasalamat ka sa kaniya dahil ginamot niya ang sugat ni Snow..!" baling nito kay Annika.
Ang seryusong mukha ni Annika ay napalitan ng pagaalala at agad lumapit sa kabayo nito .
Napansin nito ang nilagay niyang bandage at bahagya nitong hinaplos ang sugat ng kabayo. Nang lumingon ito sa akin. Seryuso ulit ang mukha nito.
"Salamat." Tila napipilitan nitong sabi.
"Annika.. bakit hindi mo samahang mag ikot itong si Sir...-?"
"Nicolai." dugtong niya.
"Si Sir Nicolai, Para naman makita niya ang buong hacienda.. sa pagkakatanda ko maliit ka pa ng huling punta mo dito...malamang at wala ka pang gaanong natatandaan sa lugar na ito." sabi nito.
"Ako po?!!" Gulat namang tanung ni Annika.. habang nakaturo sa sarili.
"Sinu pa ba..higit kanino man ikaw lang ang kabisado itong hacienda. Sige na.!" Utos ng tatay nito kaya wala itong nagawa. Lihim siyang napangiti dahil sa reaksyun ng mukha nito na tila nakasimangot.
Mukhang hindi naman siya mababagot sa lugar na to. Nasabi niya sa sarili habang nakasunod kay Annika palabas ng kuwadra.
Habang naglalakad sila ni Nicolai papunta sa mangahan wala imik si Annika dahil wala siyang balak na kausapin ito. Ngunit ito na ang unang bumasag ng katahimikan.
"Aren't you going to say sorry?" tanung nito.
"Me? Should I?" Balik niyang tanung.
"You're not supposed to act ang talked like that in front of your employer." seryusong sabi ni Nicolai. Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap dito. (Anu daw employer..?)
"Employer?!! Excuse me mister. But I am not employed to you!!" Naiirita niyang sagot dito.
" Yes you are!!" Singit nito na lalong ikinasalubong ng mga kilay niya.
"Tell me... Who own this place?" Nakahalukipkip nitong tanung.
"Ei di syempre ang mga Del Rios...-." Mabilis niyang sagot. Pero mabilis din siyang napaisip ng maalala na isa din pala itong Del Rios.
"So... Anung ibig mung sabihin... Na porket Del Rios ka amo nadin kita?" Tanung niya na nakatikwas ang kilay.
"You said it and you should know how to act properly in front of me!!" Maawtoridad nitong sabi at unti- unting lumapit sa kaniya.. halos nakatingala na siyang nakatingin dito
"and always remember this.. distance yourself from me, i might bite you." he whispered at ngumisi bago tuluyang naglakad palayo sa kaniya at wala naman siyang balak sundan ito.
(Bahala siya sa buhay niya... Mayabang siya ei..matuklaw sana siya ng bulate..)
Pero ramdam niyang nanayo lahat ng balahibo niya sa katawan lalo na nung seryuso itong nagsalita kanina.He was so domineering at tila ba naging iba ang aura nito kanina parang nakakatakot.
Alam niyang matigas talaga ang ulo niya minsan! Ay hindi..madalas pala!! Lalo na kung sa simula palang ayaw niya na sa ugali ng isang tao. Parang ang hirap ng kumbinsihin ang sarili niyang magustuhan ito agad. Kung baga First Impression Last ang madalas na nangyayari sa kaniya pag may mga bago siyang kakilala. Hindi na naging maganda ang una nilang pagkikita ng lalaking yun at siya pa ang hinihingian nito ng sorry!! Kung hindi dahil sa lalaking yung hindi magwawala si now kanina.( Kaya sorry nalang ito wala siyang balak na magsorry dito) pero teka nga...san ba nakuha ni snow ang sugat niya.Naalala niyang may dinaanan sila kaninang umaga na mga lumang cyclone wire na tinanggal dahil nag aayus ng harang ang mga tauhan ng hacienda. Did snow get that wound from there kaya nagwala ito?? Ipinilig niya ang kaniyang ulo at nilingon ang lalaking yun.
Nagkamali nga ba siya ng nasisi?
Bigla siyang nakaramdam ng pag alala ng hindi na niya ito makita sa likuran niya, safe naman dito sa hacienda.. pero may mga lugar dito na hindi dapat pinupuntahan ng mga bisita. Baka maligaw ito at kung mapano pa ito masisi pa siya ng Tatay niya dahil sa kaniya ipinagkatiwala ang mahangin na yun. Kaya imbes na bumalik sa hacienda sinimulan niya na itong sundan at hanapin. Kanina pa siya naglalakad at paikot ikot sa mangahan ngunit hindi niya ito makita.
"Saan ba nagsuot ang lalaking yun..?"
Nasalubong niya ang isang tauhan sa hacienda at agad niyang tinanung.
"Mang Jaime may napansin po ba kayung bagong mukha dito..isang lalaking matangkad-....?"
"Ah yung matangkad na guwapo...?" mabilis na dugtong nito.
"Err Parang ganun na nga po..., Nakita niyo po ba kung saan siya papunta..?" Tanung niya.
"Doon ko siya nakita..Parang papunta siya sa gawi ng ilog..." Sabi nito.
"I-ilog po...s-sige po salamat?" Mas lalo siyang nag alala para dito, mabilis na siyang nagpaalam kay Mang Jaime at halos takbuhin niya na ang daan papuntang ilog. (Baka magambala nito doon ang mga piranha at pagpyestahan ang katawan niya..sayang naman..este kawawa naman...pero syempre joke lang yung piranha.. sirena kasi yung nandoon)
Iniiwasan nila na papuntahin ang mga bisita malapit sa ilog dahil malakas ang agos ng tubig ngayun at delikado lalo sa mga hindi pamilyar sa ilog na yun. Mabilis na tinahak niya ang makitid na daan papunta sa ilog.
Nang makarating siya sa Ilog. Agad niyang hinanap si Nicolai. Ngunit hindi niya ito makita..
San na ba yun nagpunta?
Naglakad siya malapit sa batuhan at napansin niya ang suot nitong jacket at tshirt kanina..pati sapatos nito..
she frowned at worried na napatingin sa ilog. (Hala.. baka nga kinuha na siya ng mga sirena..! San na ba kasi yun..?)
Ngunit ilang minuto pa hindi niya man lang nakikitang umaahon mula sa tubig si Nicolai. Agad siyang lumapit malapit sa ilog at sinubukang tawagin ito.
"Sir Nicolai....nasaan ka?!!!" Sigaw niya Ngunit wala man lang sagot galing dito.
Tinanggal niya na ang suot niyang sapatos..at tumapak sa tubig.Kung hindi pa ito lilitaw mapipilitan talaga siyang sisirin ang ilog na 'to..at bulabugin ang pugad ng mga sirena.
"Sir Nicolai Please....umahon ka na jan.!!" Worried na siya para dito.. apo padin naman ito ng mag asawang amo nila at ayaw niya din namang may mangyaring masama dito at baka mag alala pa ang dalawang matanda.
Balak niya nang lumusong sa tubig ng mula sa kung saan ay lumitaw ang ulo nito mula sa ilog at dahan dahang umahon. Nanlaki ang mga mata niya at tila nakadikit na ang mga paa niya sa kaniyang kinatatayuan dahil hindi siya makagalaw. Unti unting ba namang humantad sa mga mapagpalang mga mata niya ang mala adonis nitong katawan. A well toned body... Sabi nga nila. Maumbok ang dibdib nito at meron pang six packs abs.Ngunit muntikan nang tumulo ang laway niya ng tuluyan itong makaahon at nalaman niyang naka underware lang pala itong naligo. Mabuti nalang at hindi nito naakit ang mga sirena sa ilog.
Her mouth opened at that beautiful sight. Ngunit nasira ang moment na yun ng marinig niya itong magsalita.
"Are you done checking on my body?" Nanunudyo nitong tanung.
Bigla naman siyang natauhan at agad tumalikod dito. (Sh*t... Bakit naman ganun Lord... Loyal ako sa mahal ko pero pwede bang pagnasaan ang katawan ng iba..kahit ngayun lang.) Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Umayos ka Annika... Hindi mo pwedeng pagpantasyan ang katawan ng mayabang na lalaking to.)Muli siyang lumingon dito para muli lang mapatalikod dahil hindi padin ito nakabihis.
Sh*t what's wrong with this man?
Hindi ba ito marunong mahiya sa sarili nito at mukhang proud pang ibinabalandra ang katawan nito sa mukha niya. She can't stop cursing in her head...dahil sa bwesit na lalaking to.
"Hindi ka ba marunong mahiya... Can you please wear your clothes first?" Sabi niya na hindi nakatingin dito.
"Do you really want me to get my clothes?" Sabi nito na sadyang pina sexyhan pa ang boses. (Jusko lord... Hindi lang mayabang tong lalaking to masyado pang mapang akit... At ang salawahan niyang puso kumakabog naman dahil sa tumatakbo sa kaniyang isipan. Hindi kasi maalis sa isipan niya ang suot nito ngayun)
Nagsalubong naman ang kilay niya ng marealize ang sinabi nito at nahagip ng paningin niya ang mga damit nito na nasa ibabaw ng batuhan.Panu nga naman ito makakabihis kung nasa harapan niya ang damit nito. Wala nadin siyang ibang choice kungdi kunin ang damit nito kisa maglakad pa ito sa kaniyang harapan.
Ngunit sa kamalasan naman nadulas ang paa niya sa nakausling bato at dahil sa nawalan siya ng balanse muntikan na siyang bumagsak sa tubig , mabilis naman siyang nasalo ni Nicolai kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa tubig. His long arms holding her waist at napakapit naman siya sa balikat nito...then their eyes meet again ... She feels that her heart is starting to pound just like a crazy frog. At tila nawala na naman siya sa sarili niyang katinuan.
What's happening to me..?
Pagkatapos ay narinig niya na naman itong nagsalita.
"You're too heavy!!" reklamo nito .
"Then.. let me go!!" Mariing sabi niya dito.. pero binigyan lamang siya nito ng mapaglarong ngiti.
Biglang bumangon ang inis niya para dito at bahagya niya itong itinulak palayo sa katawan niya.. pero bigla nalang itong nawalan ng balanse at nahatak siya nito pabagsak sa tubig. Sa bilis ng pagbagsak niya papunta dito...hindi niya napigilan ang sarili niyang bumagsak ulit sa katawan nito at ang hindi niya inaasahan ay ang pagdampi ng labi niya sa labi nito. She was shocked...!! As she didn't expect that this would happen.