Isa lang naman ang alam niya..na hindi na ito single ngayun... Biglang pumasok sa isip niya ang nakasalubong na nitong mga kilay habang kaya natauhan siya.
" Ah..si-sige... Mauuna na ako ha." Paalam niya sa dalawa. Dahil baka biglang tupakin ang lalaking kausap niya at iwanan nga talaga siya.
"Hatid ka na namin..." Sabi ni Mardy.
"Hindi na.. okay lang ako...cge bye..!!" Nagmamadali siyang nagpaalam sa dalawa at mabilis na naglakad paalis.
Pagkababa niya sa ground floor hinanap niya agad ang supermarket. Nang matanaw na niya ito naglakad siya papunta doon.. ngunit hindi niya matanaw si Nicolai...palingon lingon siya ngunit hindi niya ito makita..
Umalis na kaya ang lalaking yun..?
Nagring ang kanyang cellphone, nang tignan niya ito si Nicolai ang tumatawag.
"Asan ka na..?!!" Tanung niya dito.
"You have the list...go inside and buy it..." Sabi nito at agad pinutol ang tawag. Haisst ... Pinakasalan ba ako ng lalaking yun para maging tagabantay ng bahay niya at taga grocery...nakakainis talaga..
Nakasimangot tuloy siyang pumasok sa loob ng supermarket. Nakita niyang kumuha ng push cart ang ibang namimili kaya naisipan din niyang kumuha ng isa..Tinignan niya ang listahan ng mga bibilhin bago umikot sa loob ng supermarket.. hindi naman siya nahirapang maghanap dahil may mga section naman ng mga pagkain na nakalagay sa bawat hanay ng mga display.
Naisipan nalang din niyang bumili ng mga personal na kailangan niya dahil wala naman siyang nadalang kahit ano gawa ng nagmamadali lang siyang nag empake ng mga damit niya.
Nang mapadaan siya sa fruit section.. agad pumasok sa isip niya ang hacienda ng makita kung gaano ka mahal yung mga prutas na naka display doon samantalang doon sa hacienda ay pwede siyang mamitas lang kung gusto niyang kumain. She sighed.. ng biglang may magsalita sa tabi niya.
"Is it that hard to choose a fruit at napapabuntunghininga ka jan.."
Napalingon siya bigla sa lalaking tumabi sa kaniya... It was Nicolai.
"Syempre ang hirap pumili.. ang mamahal naman kasi ng mga prutas dito.." himutok niya.
"Kung nahihirapan kang mamili...you can buy all of that...." balewalang Sabi nito.
Napaubo siyang bigla dahil sa sinabi nito.
" Nagpapatawa ka ba..? Pano naman naman natin mauubos kainin ang ganito kadaming prutas..!!"
"It's up to you kung makakaya mung ubusin yan..." Tila walang pakialam nitong sabi.
Tinaasan niya ito ng kilay, Hindi ba nito nakikita kung gaano kamahal ang isang mansanas...hayss kaluka talaga tong lalaking to.
Inirapan nalang niya ito at pumili nalang siya ng makakain nilang prutas bago naglakad papuntang counter.
Napapalingon naman ang ibang mga bumibili sa kanila lalo at kaagaw agaw naman talaga ng pansin ang lalaking kasama niya.
Nang magpila na sila sa counter, halos ang mga katabing mga cashier ay nadidistract sa presensya nito. Ang bagal tuloy umusad ng pila dahil maging ang mga nakapilang customers na babae ay kinikilig habang nakatingin dito.
Bahagya niya hinila ang coat na suot nito kaya salubong ang mga kilay nitong napalingon ito sa kaniya..
"What...?" He asked.
"Puwede bang doon ka nalang sa labas ng cashier maghintay... Nakaka abala ka sa mga tao dito ei...tignan mo ni hindi makapag concentrate yung mga cashier sa ginagawa nila..nakakailang mali na ng punch..." Bahagya pa niya itong itinulak para hindi na makipila sa kaniya sa counter.
Walang imik naman itong umalis at dumaan sa exit...ni hindi man lang tinapunan ng tingin ang mga taong nagpapantasya dito.
Kinuha niya ang binigay nitong card...ng siya na ang magbabayad sa cashier.. nang tinignan ng cashier ang card, tumingin ito muna sa kaniya bago muling tumingin sa card...
"Ma'am... Magtatanung lang po ako, for security purposes lang po..Sino po ang may ari nitong card..? " Tanung ng cashier.
"Siya..." Turo niya kay Nicolai na nakatayo hindi kalayuan sa kanila.
"Ma'am kaano ano niyo po yung may ari..?" Tanung ulit nito. Nangunot naman ang noo niya sa dami ng tanung nito.
"Sorry mam kailangan lang po naman ng verification lalo na kung hindi po kayo yung card holder..marami na po kasing nareport na stolen cards at ginagamit pa ng mga magnanakaw."paliwanag naman ng cashier.
Naiintindihan naman niya ang sitwasyon kaya sinenyasan niya ang cashier na lumapit ng kaunti sa kaniya din binulungan niya ito.
"I'm his wife.." bulong niya dito..at bahagya namang nanlaki ang mga mata ng babaeng cashier...at mukhang nagulat sa sinabi niya.
"S-sorry po Ma'am..." Bahagyang nataranta ito at agad niswipe ang card at muling ibinalik sa kaniya.
"Thank you.." sabi niya.
"T-thank you din po Ma'am, pasensiya na po sa abala..." Halatang kinakabahan nitong sabi. Ngumiti nalang siya dito at hinintay na mabalot ang kanilang pinamili at agad lumapit ang isang staff at tinulungan siyang itulak ang pushcart.
Lumapit naman siya kay Nicolai ng matapos siya sa cashier.. may itatanung sana siya dito ngunit agad nakuha ang pansin niya sa lalaking papalapit sa kanila.. napansin naman ni Nicolai na natigilan siya kaya napalingon din ito sa kaniyang tinitignan.
Lalo siyang nagulat ng tumigil ito mismo sa tapat nila. Mestisuhin ito at halos kasing tangkad din ni Nicolai.. he was wearing a shirt and a coat at naka shades pa... Artista ba to...?
"Chairman....!!" Narinig niyang sabi ni Nicolai.
*********
"Chairman...!!" Bahagyang nagtaka pa si Nicolai sa lalaking dumating. Of all people and of all places dito pa talaga ito pumunta.
Tinapunan niya ng tingin si Annika na parang natutulala pading nakatingin sa Chairman nila. Hindi ganito ang reaksyun nito ng una silang magkatagpo..kaya bahagya siyang nairita.
This Man is no other than the Chairman of The Lions Club Adriel Joaquin Sy kung saan isa siya sa mga miyembro. Ang club na ito ay para lamang sa mga qualified na mga Businessmen... Na mayroong malawak na connection at malaking empire ng negosyo. Bawat isa sa kanila ay may iba't ibang uri ng negosyo... Para maiwasan ang kumpetisyun sa iba pang mga myembro.
He heard na mabilis na nakakarating ang mga balita dito lalo na kung tungkol sa kanilang mga myembro ng club, wala itong pinapalagpas, at mukhang totoo nga ang mga naririnig niya dahil bigla nalang itong sumusulpot sa kung saan at ngayun nga nandito ito sa harap niya.
"What brought you here...I heard you were so busy right now..?" tanung niya dito.
Tinanggal naman nito ang shades nito at kapansin pansin ang singkit nitong mata dahil half Chinese half Filipino ito.
"I am wondering also why my feet brought me here..." Nakangiti nitong sabi at tumingin sa gawi ni Annika.
"Would you mind introducing me to your....-" bahagya pa nitong binitin ang sinasabi habang nakatingin sa asawa niya.
Napatikhim naman siya ng mapansin na nakangiti padin si Annika sa Chairman nila. Bahagya niya itong siniko kaya natauhan naman ito at matamis na ngumiti kay Adriel... Kaya mas lalo siyang naiinis... ganito ba talaga tong babaeng to pag makakita ng mga lalaki.
"Mr. Sy... This is Annika Ferrer Del Rios...my wife.." sabi niya dito. Kahit naman halos pantay pantay lang sila sa Lions Club... but their respect for each other ay laging nanduon at ang Chairman nila ang pinaka nirerespeto nila sa Club.
"I see ...so one of my Cub already married and i wasn't even invited.." sabi nito at nilagay ang mga kamay sa bulsa nito.
"It was like unexpected Sir... Biglaan lang nangyari....even my self still cannot believe that i married this guy here.. and meeting you Sir ay mas lalong nakakapanghinayang na nag asawa ako agad..."para pang nagpapacute na sabi ni Annika dito.
Napatawa naman si Adriel sa sinabi nito. Na tila na amuse na nakatingin kay Annika.
Lumapit siya sa gawi ni Annika at naiiritang binulungan ito.
"What are you saying....? I thought you are madly in love with my cousin, ngayung nakakita ka lang ng ibang lalaki nag iba na ang ihip ng hangin..?" Naaasar niyang sabi dito.
"I was just... Amazed i never thought na may iba pang lalaki na mas guwapo pa kay Rave..." Nakaingos nitong sabi kaya mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa sinabi nito.
What with this woman...? At anu ang palagay nito sa akin...di hamak naman na mas guwapo pa ako sa pinsan kung yun....!!
" Excuse her for her manners... She grew up sa gitna ng gubat kaya so it amazes her when a good looking guy appears in front of her .." Sabi niya kay Adriel.
Napatawa ulit ng bahagya si Adriel dahil sa reaksyun ni Annika. Adriel known to be a jolly person at madali lang matuwa..lalo na sa mga simpleng bagay... But don't try to make him angry...cause he was also the scariest Lion in the Club.
"Unexpected huh..! Well...i hope to see you both at the Club...! Nicolai.. bring her there..." Sabi nito.
"Mr. Chairman.. i do hope you will zip your mouth about this matter for now.." seryusong sabi niya dito.
"Then I will asked you...Do you trust me..?" seryuso ang mukhang tanung nito.
"NO..!" agad niyang sagot dito kaya lalo itong tumawa.
"Good answer...that's why i like you the most..." nakangising sabi nito.
"Mr. Chairman..If i am not mistaken... you also told that to Mr. Fontanilla and also to the others." sagot ko din.
"Of course you are all under my wings so i should shower you with love and care.." nakangising sabi nito at tinapik ang balikat ko.
Napapailing nalang ako sa mga sinasabi nito. Then biglang may narinig kaming nagsalita sa likuran namin.
" I heard someone causes commotion here...!!" Napalingon kaming tatlo sa taong biglang nagsalita. I was also surprise to see this Man here.
It was Nazriell Brillantes ..the owner of this Mall..and also a member of the LC. May mga kasama itong mga body guards na palaging nakasunod dito nakasunod dito.
Samantala hindi paman nakaka move on si Annika sa kaguwapuhan ng lalaking tinawag ni Nicolai na Chairman ay may dumating na namang isang guwapong nilalang ,hindi siya mahilig manood ng mga drama sa tv or kaya manood ng mga pelikula kaya hindi siya naging tagahanga ng kahit sinung artista.. lalo pa at tanging si Raven lamang ang nakakuha ng atensyun niya sa hacienda..pero ngayun nakakatulala talaga ang mga lalaking nasa harapan niya are they even real..i am not hallucinating right..?
"I thought it was from the showbusiness, but Lions did.." sabi ng lalaking dumating.