Chapter 8- A King Of Business Industry

1828 Words
Maganda nga talaga dito sa Maynila dahil maraming mga magagandang puntahan... Pero mas gusto niya parin ang tahimik na buhay sa hacienda kasama si Snow at ang mga magulang niya.. Kamusta na kaya sila doon..? Napalingon siya sa gawi ni Nicolai ng may inabot ito... Cellphone..? "Why are you giving me this..?" Takang tanung niya dito. "Save your number kung ayaw mung maghintay sa labas ng subdivision mamaya.." sabi nito na nakatutok padin ang mga mata sa kalsada. Tsaka niya naalala ang sinabi nito kaninang almusal na walang nakakapasok na public vehicle sa loob ng subdivison nito, hindi pumasok sa isip niya ito kanina kung paano siya mamaya makakauwi. So she decided to save her phone number sa cellphone nito at muli niya itong ibinalik dito. He then dial her number kaya tumunog ang cellphone niya. "Save it...and don't let other people know that number.." Sabi pa nito. Hindi nalang siya sumagot at tumingin nalang siya sa mga matataas na building na nadadaanan nila. He stopped malapit sa Entrance ng malaking mall.. "We're here .." sabi nito. Agad naman niyang tinanggal ang kaniyang seatbelt. "Salamat.." sabi niya dito at bubuksan na niya ang pinto. "Wait..." Sabi nito.. kaya napalingon siya dito. "Total nandito ka na... Take this..." Sabi nito at inabot sa kaniya ang isang card. It was a Black card at may nakalagay na pangalan ni Nicolai sa ibabang bahagi nito. "What's this for...?" Nagtatakang tanung niya dito. "Buy a more descent clothes.. and here...buy this for me..." Sabi nito at inabot sa kaniya ang isang papel na may mga nakasulat na mga items. "What do you mean..? Hindi ba mukhang desente ang mga damit ko?" nakairap na tanung niya dito. "Just do what i said!" Seryuso padin ang mukha nito ..at mukhang wala siyang makukuhang matinong sagot mula dito..kaya mabilis na siyang lumabas ng sasakyan at baka masira na naman ang araw niya dahil dito. Nang makalabas si Annika ng sasakyan.. may tinawagan naman si Nicolai. "Something came up and I would like to change the place of our meeting.." he said. "No problem Mr. Del Rios...just let me know where and I'll be there.." sabi ng kausap nito. "Meet me at Fairland Mall...I'll be waiting..." Sabi niya sa kausap at ibinaba ang cellpone niya. Naglalakad na papasok ng mall si Annika ng makatanggap siya ng tawag mula kay Mardy. "Where are you..?" Tanung nito. "Nandito na ako malapit sa entrance ng mall.." "Akyat ka dito sa third floor, right side hanapin mo yung El Paradise Restaurant sa tapat nun ang FoodHub dito ako sa loob naghihintay. " Sabi nito. "Okay...paakyat na ako." Nakaakyat na si Annika sa third floor at agad niyang hinanap ang El Paradise na restaurant... Hindi naman ito mahirap hagilapin dahil malaki ang restaurant na ito at mukhang mamahalin,Iilan lang ang mga tao sa loob at halos naka business attire. Tumingin siya sa kabilang side at nakita niya ang FoodHub...agad siyang pumasok sa loob. "Annika..!!" Narinig niyang may tuamawag sa kaniya kaniya kaya inikot niya ang paningin sa paligid at nakita niya si Mardy na nakaupo sa bandang likuran ng kainan at kumakaway sa kaniya. Nakangiti naman siyang lumapit dito at agad siya nitong sinalubong ng yakap. Sabay nadin silang umupo. "Kamusta ka na....? Nung graduation pa natin tayo huling nagkita...at mukhang gumaganda ka ah.." sabi nito. " Hindi naman...mabuti at nagkausap tayo nabobored na kasi talaga ako sa bahay ei.."sabi niya dito. "Saan ba address mo at pupuntahan kita para hindi ka mabored.." sabi nito . Napaisip naman siya sa sinabi nito..Ngayun niya lang narealize na hindi pala niya alam ang address ng bahay ni Nicolai. "Ano kasi..may pagka strikto ang kasama ko sa bahay... Ayaw ng bisita kaya hindi muna ako nagdadala ng bisita doon.." dahilan niya sa kaibigan. "Ganun ba, sayang naman...saan ka nga pala nagwowork.. pupuntahan nalang kita doon.." tanung ulit nito. "Ah ei.. wala pa..actually gusto ko ngang maghanap ng trabaho dito., Pero mukhang mahirap naman makapasok dito sa siyudad kung puro halaman lang ang alam ko." Sabi niya. "Ano ka bah... Kahit saan pwede kang pumasok... Marami dito sa Maynila ang may mga halaman sa loob ng buildings..kaya kailngan nila ng mga graduate ng Agriculture., Tignan mo ako... Sa isang malaking kumpanya ako nakapasok, nag susupply kami ng mga halaman sa iba't ibang buildings dito." Sabi nito. "Talaga...!! Mukhang maganda nga yan.. sana makahanap nadin agad ako ng trabaho..." "Hayaan mo at mag tatanung tanung ako kung saan merong bakante..ere-refer kita.." nakangiting sabi ni Mardy. Nakangiti din siyang tumango dito. "Hindi pa ba tayo mag oorder..?" Tanung niya. "May hinihintay lang tayo.." sabi nito at tumingin sa pintuan ng restaurant. "Nandito na pala siya ei.." nakangiting sabi nito. Lumingon naman siya sa tinitignan nito at nakita niyang papalapit ang isang lalaki na sa tantiya niya ay hindi sila nagakakalayo ng edad... The guys is also good looking in his formal attire at nakangiti itong lumapit sa kanila. "Hello Ladies... Sorry for making you wait.." sabi nito. Tumayo naman silang dalawa ni Mardy para batiin ito. "It's okay.. halos kakarating lang din namin..by the way Annika this is Timothy my Colleague, Tim this is my friend Annika." Pagpapakilala ni Mardy sa amin. "Nice to meet you Annika...Your friend here talks a lot about you, hope we can get along too" Sabi nito at nakipagkamay sa kaniya, nahihiya man ay inabot din niya ang kamay dito para makipag hand shake din. "So..pwede na ba tayong umupo at ng makapag order.." sabi ni Mardy, umupo naman si Timothy sa tabi nito at parehas na nakaharap sa kaniya. Samantala, pumasok si Nicolai sa katapat na restaurant. It was the famous El Paradise Restaurant that was owned by a popular Chef Xander Ruiz. Most of their customers are businessmen and rich people because this well known restaurant also known for its pricy products. Nandoon nadin ang kaniyang mga kameeting ng pumasok siya. He was sitting facing the resturant accross El Paradise.. kaya nakikita niya ang kaniyang asawa sa katapat na restaurant.. nakaupo din kasi ang mga ito malapit sa glass wall ng restaurant kaya nakikita niyang masayang nag uusap ang mga ito. Napaangat lalo siya sa kinauupuan ng may dumating na lalaki at mukhang ipinakilala ito sa kaniyang asawa at nakangiti pa si Annika na nakipag kamay dito. He was so distracted at the moment kaya halos hindi din niya naririnig ang kaniyang mga kausap. "So what do you think Mr. Del Rios...?" Tanung ng isang kameeting niya. Bumalik lamang ang pansin niya sa mga kausap ng marahang pinukpok ng kaniyang kameeting ang lamesa gamit ang ballpen nito. "My apologies .. gentlemen.. i was thinking something important...so where are we...?" Seryuso niyang tanung sa mga ito...at tinapunan niyang muli ng tingin ang katapat na restaurant. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaking kameeting niya..dahil ngayun lamang nila na experience na nadistract siya sa kanilang usapan.. he was always attentive sa kaniyang mga kausap at hindi niya pinapalagpas ang kahit na maliit na detalye but now.. halos wala siyang narinig sa kanilang pinag usapan kaya no choice naman ang dalawa kundi ulitin sa simula ang mga napag usapan na nila. Nakapag order nadin ng pagkain sina Annika at nagsimula na silang kumain ng makatanggap siya ng message. Nicolai: Whose with you..? Nangunot ang kaniyang noo ng mabasa ang message na yun. Annika: My friend. Nicolai: Is that guy also your friend..? Napaangat siya ng upo ng mabasa ang sunod nitong mensahe... Inikot niya ang paningin sa loob ng restaurant na yun at baka nandoon din si Nicolai. Kaya lalo siyang nagtaka kung bakit alam nito na may kasama silang lalaki kahit hindi naman niya ito makita. Kaya nireplyan nalang niya ito. Annika: CCTV ba yang mga mata mo at nakikita mo ang ginagawa ko kahit nasa malayo ka. Nakataas na ang kilay niya habang nag rereply dito. Nicolai: I'm watching you. Muntikan na niyang mabitawan ang kaniyang cellphone ng mabasa niya ang message nito. Inikot niyang muli ang kaniyang paningin ng mapadako ang paningin niya sa kabilang restaurant.. nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng makita doon si Nicolai..at mukhang may kausap din na dalawang lalaki. He was really looking at her. Sa lahat ng lugar dito pa talaga ito may kameeting..nanadya ba talaga tong lalaking to... "Are you okay Annika..?" Tanung ni Tim na mapansing distracted siya. "Ah..yes... I'm fine.. nadulas lang sa kamay ko yung phone.." sabi niya dito. Maya-maya tumunog na naman ang cellphone niya. Nicolai: You better hurry.. I'll give you 10 minutes...I'll be waiting near the supermarket entrance downstairs.. kapag nalate ka.. uuwi kang mag isa. Biglang tumaas na naman ang dugo niya ng mabasa yun...At muling sinulyapan ang katapat.. ng mapansin niyang tumayo na ito ganun din ang mga kasama nito. Bwesit talaga..!!nakakasira talaga ng moment tong lalaking to...!! Gusto pa sana niyang makasama ang kaibigan ngunit mukhang hindi nag bibiro ang lalaking yun na iiwanan siya , hindi pa naman niya kabisado ang lugar baka pag hindi siya sumabay dito sa kalsada siya matutulog.. Hayss... "Mardy, Tim...ahm...mauuna na muna ako ha...-" "Ha...!bakit naman.. hindi pa nga tayo nakakapag bonding ng matagal ei.." reklamo ni Mardy "Anu kasi... Yung kasama ko sa bahay sabi dadaanan ako dito..., Alam mo naman na hindi ko pa kabisado tong lugar kaya baka mahirapan akong umuwi pag hindi ako sumabay " paliwanag niya dito. "Pwede naman kitang ihatid if you like...just tell me your address.." sabi naman ni Tim. "No..no.. its okay... Babawi nalang ako next time..pasensya na talaga..." Paumanhin niya sa kaibigan. "Okay cge... Sasamahan ka nalang namin pababa.." sabi ni Mardy. Saktong papalabas na sila ng Restaurant ng dumaan sa gawi nila ang grupo nina Nicolai. Tinapunan siya nito ng tingin bago tuluyang naglakad kasama ng dalawang lalaki. "Oh my God.. is it really Nicolai Del Rios?!!" Nanlalaki ang mga mata ni Mardy habang nakasunod ang tingin sa mga lalaking dumaan. Nagulat naman si Annika ng malamang kilala ni Mardy ang asawa niya. "Kilala mo siya..?" Tanung niya dito. "Of Course! anu ka ba? He is one of the Kings in the business industry... and as far as i know isa ang kumpaniya niya sa sinusupplyan ng kumpanya namin ng mga pang decorations na halaman." Sabi ni Mardy. "He's the current CEO of the Royalty Shipping Lines.." sabi naman ni Timothy. "Ship-Shipping Lines...?!!" Maang niyang tanung. "Yup...at alam ko he is still single..So he is really a big...big catch, guwapo, single, mayaman... kaya nga kung pag bibigyan lang ni Lord ang dasal ko...ipagdadasal ko talaga sa kaniyang ...Lord pahingi naman ng isang Nicolai Del Rios..." Tila nangangarap na sabi ni Mardy. Lalo siyang natulala sa sinabi nito.. Siya lang ba ang hindi pa nakakakilala ng lubusan sa lalaking pinakasalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD