Mabilis na isinagawa ang kasal nina Annika at Nicolai nung araw din na yun. Inimbitahan ni Senior Mauricio ang kilalang judge sa kanilang lugar para ikasal ang dalawa. Hindi na nakadalo si Raven at mga kaibigan nito dahil maaga pa silang umalis at sa kadahilanang hindi kayang makita ni Raven na ikakasal sa iba ang kababata.
Pagkatapos ng kasal kasama na ni Nicolai si Annika pabalik sa Maynila nang araw din nayun. Dahil sa unang beses pa lamang niyang makatapak sa Maynila namangha si Annika sa mga nakikita niya sa paligid.. Matataas nga ang mga gusali tulad nag naririnig at napapanood niya ...kaya napaisip siya kung napupuno ba ng mga empleyado ang ganun katataas na mga building.
Napansin niyang tumigil sila sa isang entrance, makikita sa b****a nito ang pangalang El Grandee Subdivision, makikitang lumapit ang dalawang guwardya sa kanilang sasakyan, binuksan naman ni Nicolai ang bintana para makita ng guwardya ang laman ng sasakyan. Mabilis naman kumilos ang mga ito ng makilala si Nicolai at agad na pinapasok sa loob ng subdivision. Halos ang mga nadadaanan nilang mga bahay ay sadyang malalaki ngunit malalayo ang agwat sa isat isa.
Hindi naman makapaniwala si Annika na sa isang malaking bahay nakatira si Nicolai.. mataas ang gate na pinasukan nila at may sarili pang guard. Agad nirong binuksan ang mataas na gate ng mapansin ang sasakyan ni Nicolai.
Huminto naman sila sa tapat ng isang napakagarang bahay... Mas malawak tignan ang mansyun kisa dito pero kung para sa iisang tao lang... Subrang laki na nitong bahay.
"Is this your home..?" Hindi niya napigilang magtanung sa lalaking kasama na ngayo' y asawa na niya.
"What do you think...?" Balik na tanung nito bago siya tinalikuran at naunang pumasok sa loob ng bahay.
Walang modo parin talaga... Iwanan ba naman ako... Niinis na napatingin siya sa dala niyang malaking maleta.. no choice naman siya kungdi hilahin ang mga dala at sumunod sa loob. Walang gaanong appliances na makikita sa living room.. mas marami ang paintings na nakakabit sa dingding at mga figurines na nakadisplay.
Nakita niyang nakatayo si Nicolai sa gitna nang sala at mukhang hinihintay siya.
"Starting today... We will be living in the same roof but we will be sleeping in different rooms...Even Though you are my wife now.. you are still a stranger to me and i don't give my trust to anyone easily..!" He said.
"That's fine with me...besides i don't want to sleep with you either...!" Sabi niya dito. Natuwa naman siya sa naging desisyon nito.
"You're room is on the right side upstairs...wala akong katulong at week end lang din kung pumunta ang naglilinis nitong bahay ,so you should cook for your self kung gusto mung kumain, late nadin ako umuuwi kung gabi at madalas akong nasa out of town.. so you shouldn't wait for me..,kung wala ka nang itatanung, I need to do some work..."seryusong sabi nito.
" That's better... So i can leave peacefully here.." nakangiti niyang sabi at umakyat sa taas. Napapailing nalang si Nicolai na nakatingin sa kaniya habang papaakyat siya.
Pumasok siya sa isang silid ,mayroon pang pintuan sa dulo ng pasilyo na nasa kaliwang bahagi.. at ang kuwarto naman niya ay nasa kanan..napahanga siya sa guest room na yun dahil di hamak na mas malaki at magara ito kisa sa kuwarto niya sa bahay nila. Wala nga lang masyadong decoration sa loob. Maliban sa kulay crema nitong dingding at black and white na kurtina..sa nag iisang bintana nito. Mayroon din itong malaking cabinet at side table..may sarili din itong banyo. Umupo siya sa queen size na kama at napaisip.
Sa loob lamang ng isang araw nag bago ang takbo ng buhay niya... Hindi padin siya makapaniwalang kasal na siya at may asawa na... Sa isang lalaki pang hindi niya gaanong kilala. Kinuha niya ang dala niyang Maleta at mula sa bulsa nito kinuha niya ang dinala niyang picture frames.. ang isang larawan ay picture niya na nakatayo sa tabi ni Snow..ang isa naman ay picture niya kasama ng kaniyang mga magulang at ang isa ay picture nila ni Raven noong High School sila. Matagal niyang tinitigan. Ang picture na yun at marahang hinaplos. Muling bumalik sa isip niya ang sinabi ni Raven bago ito umalis kahapon.
"Annika... Nagkakamali ka ng akala... Mahal kita Annika... Noon pa man...mahal na kita..."
Bigla siyang nakaramdam ng bigat sa kaniyang dibdib.. kung kilan pa natupad ang kaniyang hiling na mahalin din siya ng lalaking mahal niya ay tuluyan din pala itong ilalayo sa kaniya ng kapalaran. Namalayan nalang niya ang unti unting pag agos ng kaniyang mga luha sa pisngi . Mabilis niyang pinahiran ang mga luhang yun... At maayus na nilagay sa side table ang pictures na dinala niya.
Nang sumunod na mga araw..halos hindi na sila nagkikita ni Nicolai dahil tulad sa sinabi nito late na ito lagi umuuwi.
Noong una ay okay lang sa kaniya dahil hindi niya ito kailangang pakisamahan, ngunit mag iisang linggo ng ganito ang sitwasyun kaya nakaramdam nadin siya ng pagkabagot. Isang gabi habang hindi siya mkatulog..naisipan niyang buksan ang kaniyang social media account... Ginawa niya ito noong nag aaral pa siya sa college pero nung makagraduate siya naging abala nadin siya sa hacienda. Agad nagsipasukan ang mga messages sa kaniyang inbox ng maopen niya na ang application na yun at halos galing sa mga naging kaklase niya noong high school at college. Agad pumasok ang isang message galing sa isang kaibigang naging malapit din sa kaniya noon.. napangiti siya ng mabasa ang message nito.
Mardy: Hoy babae...saang planeta ka nanggaling at ngayun ka lamang nakapag online ulit....!!
Annika: Naging busy lang sa Hacienda.
Mardy: Nagtatampo na ko sa'yo...hindi ka man lang nagpakita ulit...Nasa San Andres ka padin ba ngayon..?
Annika: Hindi... Dito ako ngayun sa Maynila.
Mardy: Talaga....!! Nandito din ako... Magkita naman tayo...saang lugar ka ba at pupuntahan kita.
Lalo siyang napangiti ng malaman nasa Maynila din pala ito. Pero paano siya aalis gayong hindi niya alam ang pasikot sikot sa lugar na ito.
Annika: Kakarating ko lang dito kaya hindi ko pa kabisado ang lugar.
Mardy: Ganito nalang... Magkita tayo sa Fairland Mall, sumakay ka lang ng taxi at siguradong ihahatid ka niyan doon. Hihintayin kita bukas ha....Bye ..
Hindi na siya nakapag reply sa huling message nito... Hayss... Bahala na bukas..
Maaga siyang nagising ng sumunod na araw.. nagluto muna siya ng pang almusal niya. Saktong maghahain na siya ng magulat siya sa nalingunan niya.
It was Nicolai, nakasandal ito sa entrance ng kusina habang nakatingin sa kaniya.
"You're here?" Tanung niya dito habang naglalagay ng plato sa lamesa.
"I have a lunch meeting later." sagot nito at lumapit sa kitchen counter ,kumuha ito ng tasa at naglagay ng kape. Then he sit habang binubuklat ang dalang dyaryo.
Biglang nagkaroon ng ideya sa isip niya sa sinabi nito.. umupo siya sa katabing upuan nito..
"Pwede ba akong sumabay...?" Pilit ang ngiti niya dito.
Kumunot naman ang noo nito at bumaling sa side niya bago ulit tumingin sa binabasa.
Nagdadalawang isip tuloy siya kung magpapaalm dito or hindi. Pero nabobored na talaga siya dito sa bahay.
"You see.. hindi ko pa kabisado tong place..isa pa mukhang wala naman akong masakyang taxi jan sa labas.." nag aalangan niyang sabi dito.
" Walang public vehicle na nakakapasok sa lugar na ito...they are not allowed to enter.." cold na sabi nito.
"Yun nga...kaya makikisabay sana ako.." sabi niya.
"Where are you going..?" Tanung nito na hindi man lang siya sinusulyapan.
"I'm going to meet my college friend..in Fairland Mall.. kahit ihatid mo lang ako sa sakayan ng taxi.." pakiusap niya dito dahil ayaw naman niyang makaabala sa lakad nito.
Wala siyang nakuhang sagot dito kaya, parang nawalan siya ng pag asang makakaalis..
Anung balak nitong lalaking to sakin..? Gawin akong preso dito sa bahay niya...?
Nagsimula na siyang kumain..ng mapansin niyang nakatingin sa kaniya sa Nicolai... Inirapan nalang niya ito sa inis niya dito.
"Aren't you going to offer me that..?" Salubong ang kilay nitong nakatingin sa kaniya.
"Sabi mo nga wala kang katulong dito di ba.. so you should serve your self nalang..." Sabi niya dito at patuloy na kumain.
"Aren't you my wife....? You should do that for me...?" tanung nito.
"So I am your wife now huh..? Ni ayaw mo nga akong isabay...!"
"Did i say No to you..?!!" Bakas nadin ang pagkairita sa boses nito.
Natigilan naman siya sa sinabi ni Nicolai... At mataman itong tinitigan kung nagbibiro ba ito...
"Do it now... Before i change my mind..." Sabi nito.
Agad naman siyang tumayo dahil sa tuwa at nilagyan ng fried rice ang plate nito pati ham at fried egg. Kumuha din siya ng slice fruits at itinabi dito.
"eat now...." Sabi niya at nakangiting tumingin dito.
"You better hurry, I'll be leaving in an hour..." Sabi nito at nagsimula na itong kumain.
In an hour...?!!! Diyos ko maliligo pa siya at maghahanap ng isusuot niya.. agad niyang tinapos ang pagkain at mabilis na tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Agad siyang naligo at naghanap ng maisusuot.. ng tumunog ang kaniyang cellpone.
Mardy: Wear something formal okay... May ipapakilala ako sa'yo.
Nangunot naman ang noo nito ng mabasa ang sinabi ni Mardy.
Formal...?!!
Tinignan niya ang mga nakahanger niyang damit halos jeans at long sleeve niya lang ang mga nandoon.. then she spot a skirt.. it was a white skirt and above the knee.. ito nalang ang ipapartner niya sa longsleeve niya..
Although hindi siya masyadong nagsusuot ng skirt... Hindi naman siya gaanong naiilang pag ganito ang suot niya nakasanayan niya din magsuot ng ganito dahil ganito din kahaba ang suot niyang uniform noong college siya. Wag lang talaga yung gown na halos makita yung buong katawan niya.
Tinignan niya ang sarili sa salamin at hinayaang nakalugay ang mahaba niyang buhok. She also put a light lipstick at nag spray ng pabango. Bago tuluyang lumabas.
Wala na si Nicolai sa kusina ng silipin niya ito doon.. Naghintay nalang muna siya sa living room. Di nagtagal bumaba nadin si Nicolai at nagsalubong ang makakapal na kilay nito ng tumingin sa gawi niya. Pero hindi ito nakabawas ng karisma nito...lalo pa at nakasuot ito ng business suit at nakaka intimidate ang dating nito.
Ganito ba lagi ang suot nito tuwing papasok sa trabaho..?Now she wonders kung ano ang trabaho ng kaniyang napangasawa..
"Are you going to meet your friend... Or are you going on a date..?" Tanung nito.
"Why...? Didn't i look good..? My friend told me I should wear something formal.." sabi niya dito.
"Go change.. or iiwanan kita.." cold na sabi nito..
"Mr. Del Rios.. you told me you're in a hurry right... And besides wala na akong ibang formal na damit bukod dito nuh..!! so let's go..." Nakaingos niyang sabi dito at nauna nang lumabas ng bahay.
Sumunod naman ito sa kaniya ngunit halata parin ang pagkadisgusto sa mukha nito.