CHAPTER 13

1511 Words
ISANG malakas na sampal ang natanggap ni Romuel sa kanang pisngi niya. Kasalukuyan niya ngayon kaharap ang kaniyang ina na si Mrs Carmela Galit na galit ang mga Mata nito habang naka tingin kay Romuel “Hindi ko alam kung saan ako nag kulang sa pag papalaki sa'yo Romuel, hindi kita pinalaking ganyan. Bakit mag mula ng mawala si Brenda parang nawala narin ang puso mo! Anong ginagawa mo sa sarili mo? Please Romuel alisin mona ang galit d'yan sa puso mo. Asawa mona si Bianca, hindi mo dapat siya ginagawang katulong at mas lalong hindi mo dapat hinahayaang malipasan siya ng gutom” puno ng pakikiusap na sabi ng Donya habang may luha na sa mga mata nito. Kaya naman naka ramdam ng guilty at takot si Romuel para sa kaniyang ina na may sakit. “but Mom, I don't love her...I Loved Brenda so much at hindi iyun mawawala at mapapantayan ni Bianca— “Patay na si Brenda, bakit hindi mo 'yun matanggap sa sarili mo. Si Bianca ang nand'yan si Bianca na ngayon ay asawa mo. Sa susunod na maulit pa ang pangyayareng ito malalagot ka talaga saakin Romuel.. Sinasabi ko sa'yo malalagot ka” ani ni Mrs Carmela habang naka turo ang hintuturo nito kay Romuel. Ang Donya lamang ang may kayang gawin iyon sa isang Billionariyong Businessman na si Romuel Kimson. Hindi iyon nagagawa ng ibang tao sa kaniya dahil walang awa niyang sinasaktan o pinuputulan ng daliri ang mga taong dumuduro sa kaniya. Kahit gaano pa kalaking tao iyon Walang nasabi o nasagot si Romuel sa kaniyang ina. Hanggang sa maka alis na ito sa kaniyang harapan, lihim na naman siyang naiinis kay Bianca dahil palagi na lamang itong kinakampihan at pinag tatanggol ng kaniyang ina. Samantala mabigat parin ang pakiramdam ni Bianca nang magising siya, pag mulat niya ng kaniyang mga mata ay ang unang nakita niya ay ang maamong mukha ng kaniyang biyanan ang namataan niya. Malungkot ang mga mata nito na animoy nang hihingi ng pang unawa at kitang-kita rin sa mga Mata nito kung paano siya kaawaan ng Donya “iha, kamusta ang pakiramdam mo?” malumanay na sabi ni Mrs Carmela habang hinahagod ng kanang kamay nito ang nuo pababa sa ulo ni Bianca “a–ano pong nangyare? Na–nasa'n po ako? ” nauutal at mahinang sabi ni Bianca, nang mapansin niyang nasa ibang silid siya. Hindi iyon ang kulay at itsura ng kuwarto niya kaya napa kunot-nuo siya habang pinapaikot ang kaniyang paningin sa loob ng silid na iyon. Kulay itim na pinag halong dark gray ang kulay ng silid na iyon. Kahit ganuon ang kulay ay napaka aliwalas sa mata. Maayos ang pag kakaayos ng lahat nang mga naka lagay ruon na animoy minu minutong laging may nag aayos at nag lilinis. “nandito ka sa kuwarto niyo ng asawa mo iha, kamusta ang pakiramdam mo?” “nauuhaw po ako at–at nagugutom po ako” nahihiyang tugon ni Bianca lalo na't tumunog ang kaniyang tiyan “alam ko iha, kaya ipinahanda kona lahat ng mga pagkain mo at fresh Fruit and Juice para mabawi mo ang lakas mo” ani ni Mrs Carmela tsaka ginagap ang kamay ni Bianca “alam ko lahat ng nangyayare dito iha, kaya hindi mona kailangan pag takpan ang anak ko iha. Inuunahan na kita. kasi alam kong pag tatakpan mo si Romuel at hindi mo sasabihin mga ginagawa niya sa'yo. “ayus lang ho mommy, naiintindihan kopo kung bakit siya ganiyan saakin— “No iha, huwag mo siyang hayaang ginaganyan ka ni Romuel. Hindi kaniya Maid at mas lalong hindi ka niya dapat hinahayaang magutom dahil asawa kaniya. God, I'm sorry iha sana habaan mopa ang pasensya mo. Huwag mong sukuan ang asawa mo iha” puno nang pag suyong saad ni Mrs Carmela Tipid na ngumiti si Bianca tsaka dahan-dahang tumango bago ginagap ang kamay ng butihing biyanan. “Opo Mommy, huwag ho kayong mag-alala hindi ko ho susukuan ang asawa ko. Pinapangako kopo iyan” malumanay na tugon ni Bianca tsaka pinisil ang kamay ng byanan bago ngumiti ng matamis. Dahilan upang lumuwang ang nararamdaman nito Samantala napa sabunot naman ng sariling buhok si Romuel, hindi niya alam kung bakit nakaka ramdam siya ng konsensya dahil sa nangyare kay Bianca. Alam niyang siya lang ang puwedeng sisihin kung bakit nag kaganuon ang kaniyang asawa. Kagagawan niyang pagurin at gutumin ang kaniyang asawa kaya dapat lamang sa kaniya ang sampal na ginawa nang kaniyang ina “Manang nasa'n si Mommy?” tanong niya nang makita niyang patungo ang Mayordoma sa gawi niya dahil ililigpit na nito ang mga boteng at mga pagkain na naiwan ng mga kasama niya sa Pool area Kasalukuyan siyang naroon at mag-isa na lamang siya. Dahil nagsi-uwian na ang mga kaibigan niya kasama ang mga partners ng mga ito. Kaya naman tanging nag kalat lamang na mga beer cans at balat ng mga pagkain ang natira lamang duon. Naka tayo lamang siya Sa tabi ng hugis bilog na swimming pool, habang may hawak na beer can ang kabilang kamay niya, habang ang isa naman ay naka sabunot. Pagka tapos niyang pag sawaan ang kaniyang buhok at ulo ay nag sindi naman siya ng sigarilyo tsaka muling ibinalik sa labi niya ang inumin na alak. “naka alis na Senyorito. Kasama sina Sir Paulo at Senyorita Joy” tugon nito habang may hawak na plastic bag na siyang lalagyan niya sa mga basurang ikinalat ng mga kaibigan niya. “ah okey…ang–ang senyorita Bianca mo, kumain naba? Kamusta na siya?” nahihiyang tanong niya sa Mayordoma habang hindi siya maka tingin dito. “tapos na iho, katatapos kulang iligpit kanina ang mga pinag kainan niya” “ganun ba…kamusta ang pakiramdam niya?” muling tanong niya “maayos-ayos na iho. Gutom at pagod lang daw kaya sabi nang Mommy mo. Hayaan nalang ang Senyorita na mag pahinga para mabawi niya ang kaniyang lakas” tugon ng mayordoma na may halong panunudyo sa ngiti nito. Na kaagad namang naunawaan ni Romuel. Kaya naman napa tikhim siya at inayos niya ang kaniyang tayo at pina pormal ang itsura na hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon. Matapos ang saglit na pakiki pag usap kay Manang ay napag disiyunan ni Romuel na mag tungo sa kaniyang silid upang makita ang babaeng kanina pa nag papasakit sa kaniyang ulo at matagal nang nag papakulo sa kaniyang dugo. Samantala pagka tapos kumain ni Bianca at saglit na pakikipag kuwentuhan kay Mrs Carmella ay umalis narin ito. Kaya naman naiwang mag-isa si Bianca sa loob ng silid na hindi niya inaakalang iyon pala ang kuwarto ni Romuel. Nalinis na niya ang buong bahay na iyon maliban na lamang sa nag-iisang kuwarto na iyon. Na mahigpit na pinag babawal ni Romuel na bawal pumasok ang kahit na sino doon. Maliban na lamang kay Manang Jossa na siyang tagalinis roon. Kanina ay hindi niya natapos pag masdan ang loob ng kuwarto na iyon. Dahil naroon kanina ang kaniyang biyanan. Kaya naman ngayon ay muli niyang ipina ikot ang kaniyang tingin sa loob ng silid na iyon “ayy!” mahinang tili niya dahil kamuntikan na siyang mabuwal sa sahig. Dahil hindi niya akalain na isa palang waterbed ang higaan ng kaniyang asawa. Nang maka tayo siya ng maayos ay duon niya lamang napansin ang kaniyang suot na isang malaking T-shirt na umabot hanggang sa gitna ng hita niya.. “anak ng tokwang! Bakit ganito ang suot ko? …Anong–kanino 'tong suot ko. Sh*t sinong nag palit saakin?” gulat na sabi niya habang napa hawak siya sa dulong tela ng damit. “hindi kaya…hindi kaya siya ang nag palit saakin? Wa–wala akong suot na bra…sh*t siya rin kaya ang nag tanggal ng bra ko? Ahhh! Jusko…nakita na niya kaya ang mga cocomelon ko?…no no no!, huwag kang Oa Bianca. Hindi siya ang nag palit sa'yo. Galit nga yun sa'yo diba? Kaya huwag kang feeling. …pero paano kung siya nga?” parang baliw na sabi niya. Habang kinakausap niya ang kaniyang sarili. Hindi alam ni Bianca na lahat ng bawat sulok ng bahay na iyon. Ay may nilagay na cctv at video record ang Donya na si Mrs Carmella kaya nalalaman nito at naririnig nito lahat ng nangyayari sa loob ng bahay na iyon. Lihin iyon ipina lagay ni Mrs Carmella upang makita at marinig niya lahat ng pinag gagawa ng kaniyang anak. Aalisin niya lamang iyon kapag nakita na niyang nag bago na ang kaniyang anak. At dumating 'yung araw na muling bumalik ang pag mamahal at tingin ni Romuel kay Bianca. Gustong maka sigurado ni Mrs Carmella na hindi masasaktan si Bianca kaya lagi nitong mino-monitor ang cctv at vr device na naka tago sa loob ng bahay bahay na iyon. Maging si Romuel ay hindi rin nito alam lahat ng kagagawan ng kaniyang ina. Wala siyang ka alam-alam na napapanuod siya nito at naririnig. Kaya naman napapangiti si Mrs Carmella, habang pinapanuod nito si Bianca sa loob ng kuwarto ni Romuel. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD