
CHAPTER 1
“Oh my god! Stop it Romuel, tama na 'yan anak!” nahihintakutang saad ni Carmela nang makita nitong pinag susuntok ng panganay nitong anak ang kawawang sementadong pader.
Lasing na lasing ito at habang nag papakawala ng malalakas na suntok ay kasabay ng pag tatangis nito at sinisigaw ang pangalan nang namayapa nitong kasintahan.
Mahigit isang taon na ang nakaka lipas mag mula nang mangyare ang nakaka salimuot na pangyayare sa buhay nang kasintahan nitong si Brenda.
ilang araw na lamang ay ikakasal na sina Romuel at Brenda. Sobrang mahal na mahal ni Romuel ang kaniyang kasintahan at ang labis na nag papasabik sa kaniya ay sa wakas ay magiging ama na siya. Mahigit dalawang buwan nang buntis si Brenda kaya naman minamadali ni Romuel ang kanilang kasal. Dahil sabik na sabik na siyang makasama ang kaniyang mag-ina. Si Brenda ang pangalawang kasintahan ni Romuel. Hindi man si Brenda ang unang babaeng dumaan sa puso niya, subalit nakaka sigurado siyang si Brenda lamang ang huling babaeng mamahalin niya.
Subalit ang masayang pag hahanda sa pangarap na gustong buhoin ay sa isang iglap ay nawala na lamang. Dahil sumabog ang sinasakyang Van ni Brenda kasama ang Ama nitong Senator sa Davao pag labas pa lamang nang mga ito sa Airport. At sa pag pasok pa lamang ng mga ito sa Van na sumundo sa mga ito ay bigla na lamang iyon sumabog.
Kaya naman mahigit isang taon na iyon nakaka lipas, subalit hindi parin natatahimik si Romuel dahil hindi pa niya tuluyang napapatay ang isa pang leader ng may pakana sa pang yayareng iyon.
Ang dating palangiti, masiyahin, pala kibo, Gentleman, matulungin at may pusong si Romuel ay ngayon ay napalitan ng mala demonyong ugali.
Si Romuel Kimson ay isa sa magaling na businessman at bukod paruon ay isa rin siyang miyemlbro ng grupong labis na kinakatakutan at ginagalang ng matataas na pangkat ng mga tao sa bansa. Ang OTSO APOLLO, ang Otso Apollo ay binubuo nang walong mag kakaibigan na may kaniya-kaniyang kakayanan at lakas na kayacyng kunin, galawin at sirain o puksain sa isang salita o pitik lamang ng mga ito. At isa si Romuel sa grupo na iyon. Ngunit dahil sa pagkawala ng kaniyang minamahal na babae, kasama na ang anghel na sana ay magiging unang anak na nila. Siya ngayon ay natuturingan nang walang puso sa mata ng kaniyang mga kaibigan gayun rin sa mga taong nag tatrabaho sa mga palad niya. Mga taong naka paligid sa kaniya
“Kuya ano ba! Gusto mobang atakihin na naman si Mommy, tumigil kana…kung gusto mong mag wala, huwag dito. 'Wag dito sa nakikita namin!” sigaw ni Joy ang nag-iisang kapatid na babae ni Romuel. Panay ang awat nito sa braso ng kapatid. Maging ito Ay awang-awa narin dahil sa nangyayari sa nakaka tandang kapatid mag mula ng mawala ang Mag-ina nito
“Pap*tayin ko silang lahat! Hindi ako titigil hanggat may natitira pa, kahit isa sa kanila wala akong ititira. Mag babayad silang lahat…mag babayad silang lahat. Mag babayad sila!” nangi-nginig at nag tatagis ang bagang ni Romuel habang duguan naman ang kanang kamao nito.
“Mah!” gulat na sabi ni Joy nang makita nitong napa hawak sa puso ang ina nito habang napa ngiwi naman ang mukha, kasabay ng biglang pagka himatay nito. Mabuti na lamang ay maagap itong nasalo ng mga braso ni Joy
“Kuya! Si Mommy…Maa!” nahihintakutang saad ni Joy at nanlalaki ang mga mata nitong bumaling sa kapatid.
Para namang binuhusan nang malamig na tubig si Romuel ang kaninang mabangis nitong awra ay napalitan ng takot. Takot na baka mapaano ang nag-iisa nitong ina.
“Paulo! Help! ikaw na ang mag maneho!” pasigaw na sabi ni Romuel ng makita nito ang kaibigan na kakarating lamang.
Nagulat man ay mabilis naman itong natauhan. Dali-dali nitong pinag bukas ng pinto si Romuel na ngayon ay buhat-buhat na ang walang malay na ina at sa unahan naman naka upo si Joy.
Mabilis pina harurot ni Paulo ang sasakyan at mabuti na lamang ay walang traffic kaya kaagad nilang narating ang Sandoval Hospital. Ang pag mamay-ari ng isa sa mga kaibigan nila na si Sebastian Sandoval.
Samantala sa kabilang dako naman ay kakauwi palamang ni Bianca mula sa pinag tatrabahuan niya. Kasalukuyan siyang nasa Middle east upang mag trabaho bilang taga linis ng bahay ng mga arabo sa bansang Saudi Arabia. Pagod na pagod siya lalo na't anim na oras siyang nag trabaho. Pinili nalamang niyang mag stay out at nag hihintay na lamang ng tawag kung kailan kukunin ang serbisyo niya. Ayaw niyang mag stay-in lalo na't natatakot parin siya sa bansang banyaga dahil sa maraming napapabalitang minumoletsya at pinapahirapan ng masasamang amo ang ibang kasambahay. Kaya pinili niyang mag arkela na lamang ng unit at mag hintay na lamang ng tawag nang agency para sa kaniyang serbisyo.
"Haaayst buhay…thanks god, oras na naman ng pahinga” pagod na sabi ni Bianca at hinubad na lamang niya ang kaniyang uniform tsaka ibinagsak ang kaniyang pagod na katawan sa malambot na kama.
ramdam na ramdam niya ang kaniyang pagod satwing siya ay naka higa na. Madalas ay nakaka limutan na niyan

