“HELLO” inaantok pang wika ni Bianca nang sagutin niya ang kanina pang nag iingay na cellphone niya.
Sarap na sarap siya sa kaniyang panaginip dahil hindi lamang iyon basta panaginip dahil nanumbalik na naman ang dating naka raan niya sa lalaking unang minahal niya at hanggang ngayon ay minamahal parin niya.
“Hello, ito ba si Bianca?” ani ng magandang boses ng babae sa kabilang linya.
Hindi niya maiwasang mapa kunot nuo at mag taka kung bakit may tumatawag sa kaniya sa ganuong oras. E oras palamang ng pahinga niya dahil gabing-gabi na sa middle East. Sa kaniyang pag tataka ay bahagyan niyang inilayo ang aparato upang tignan kung sino ang tumatawag sa kaniya
Mas lalong lumalim ang pagkaka kunot nuo niya nang makitang Philippine number ang tumatawag sa kaniya. Nag tataka rin siya dahil hindi iyon ang numero ng kaniyang mga magulang at kahit kailan mag mula ng mapunta siya sa lugar na iyon ay hindi Pa siya tinatawagan ng mga pamilya niya. Dahil siya ang tumatawag sa mga ito.
“Yes, sino ho sila?” magalang niyang tugon sa kausap
“I'm Meira Joy Kimson, pasensya kana kung naabala kita sa mga oras na ito. Nakuha korin ang number mo kay Petra. We'll hindi na ako mag padalos dalos pa. Gusto kang maka usap ni Mommy” striktang ani ng babae sa kabilang linya.
Hindi paman siya nakaka sagot ay narinig na niya ang isang napaka familiar na boses ng ginang, kaya naman ay naka ramdam ng kaba si Bianca. At lihim niyang dasal na sana ay mali ang hinala niyang si Mrs Carmela ang nasa linya.
Kasama si Mrs Carmela sa taong gusto niyang maka limutan. Masyadong mabait sa kaniya at sa buong pamilya niya ang mga Kimson lalo na ang ginang na si Mrs Carmela. subalit kailangan niya itong kalimutan upang hindi na niya ma alala pa si Romuel ang panganay na anak nito. Ang lalaking unang minahal niya at hanggang sa mga oras na iyon ay minamahal parin niya.
“ Hello Bianca iha…Bianca” ang mahinang boses ng ginang ang nag pabilis sa t***k ng puso ni Bianca. Napa bangon siya ng higa tsaka naihilamos niya ang kaliwang palad niya sa kaniyang mukha.
“ Do–Donya Carmela” nauutal niyang saad. Subalit napa hinto rin siya ng mag salita ang nasa kabilang linya.
“Mommy, iha how many times kopa bang kailangan sabihin sa‘yo. Tita or mommy, pero mas masaya ako kung mommy ang itatawag mo saakin iha” malambing ngunit mahinang saad ng Donya. Hindi maitatagong may dinaramdam ito
“si–sige po ma–mommy…
“thankyou iha, ha…how are you?”
“I'm good ma–mommy, ikaw po kamusta ka po?” tugon niya at naiilang parin siyang tawagin ito. Lalo na't matagal na silang tapos sa anak nito.
“ I need you here iha, please I need you here” ani ng nasa linya at halatang naluluha na ito dahil sa basag nitong boses.
“ba–bakit po?”
“dito ko nalang sasabihin sa'yo iha, please mapag bibigyan moba ako?”
Kahit nag tataka man ay namalayan na lamang ni Bianca ang kaniyang sarili at narinig ang katagang “Opo Ma–mommy”
“oh my god, thankyou so much iha… ngayon din mismo papupuntahin ko d'yan ang private airplane ni Romuel para sunduin ka.” wika ng nasa kabilang linya at halata sa boses nito ang labis na kagalakan.
“mag pahinga ka muna iha, dahil ilang oras pa bago maka rating dyan ang mag susundo sa'yo. Thank you so much iha” saad pa nito.
Ilang oras na pamamahinga at natapos narin mag ayus at mag ligpit si Bianca sa kaniyang mga gamit. Nang maka rinig siya ng pag doorbell sa kaniyang unit. Napa kunot nuo siya at nag taka dahil wala siyang inaasahang pupunta ruon. Maliban lamang sa mga tauhan ng Kimson na mag susundo sa kaniya.
Tinungo niya ang Pinto upang mapag sino ang nasa labas. At ganoon lamang ang pag tataka niya nang makita niya si Loren. Ang babaeng kasama niyang pilipina at naging kaibigan narin niya dahil nasa iisang agency lamang sila.
“Oh Loren, anong meron? Wala kang work?” aniya at niluwangan ang siwang ng pinto.
“Gagi ka Girl, wala ka man lang pasabi saakin na ititigil mona pala ang kontrata mo at uuwi kana pala nang pinas” naka ngusong saad ng kaibigan na animoy parang batang pinalo pa ang kaniyang braso.
“papaanong—
“Luh…narinig ko no. May tumawag kasi kay Mrs Glo binayaran daw lahat lahat para lang pauwiin kana. Nagka taong tumawag rin si Madam Rania para kunin ang serbisyo mo. Pero sagot ni Mrs Glo, hindi naraw p'wede dahil tapos na ang work mo dito sa Saudi.” pag papatuloy ng kaibigan.
“haaays Marites ka talaga, hmm oo actually hinihintay kolang ang mag susundo saakin” tugon niya.
“hala, ano ba 'yan, akala ko panaman sabay tayong uuwi nang pinas” ani ng kaibigan at nag halukipkip pa ito na animoy nag tatampo.
Samantala sa kabilang dako naman ay naka upo sa pang isahang upuan si Romuel habang naka titig siya sa natutulog na ina. Naka dama siya ng pagka habag, matapos sabihin ng doctor na bawal ma stress ang kaniyang ina lalo na't bago lamang ito gumaling mula sa mahabang depression at trauma ito. At malakas ang posibilidad na ma aaring bumalik iyon o kaya'y maparalisado.
Nagi-guilty siya sa kaniyang sarili lalo na't naka ratay ngayon ang kaniyang ina dahil sa kaniyang pinag gagagawa.
“Kuya, nasa labas sina Fego...sige ako na ang bahala kay Mommy” wika ni Joy na kakapasok lamang. May dala-dala itong isang besket na nag lalaman ng maraming prutas.
“hmm okey”hindi naka tinging tugon ni Romuel, bago tumayo ay hinagkan muna nito ang nuo ng natutulog na ina.
“Brad” matamlay niyang sabi nang maka labas na siya at nakita sa labas ng Pinto ang dalawa niyang kaibigan na sina Fego at Jego.
“sa White house na namin dinala 'yung tatlong natitirang buhay na tauhan ni Abel. Ikaw na ang bahala sa gusto mong gawin sa kanila. Ayaw naming pangunahan ang disisyon mo lalo na't sa'yo may kasalanan ang mga iyon” ani ni Jego
“pinuntahan ka namin dahil hindi ka makontak at hindi mo suot ang relo mo. By the way kamusta si Tita?” saad ni Fego
“hindi parin siya nagigising mag mula ng dumating ako” matamlay na tugon ni Romuel ngunit nag tatagis parin ang batang nito. Habang naka kuyom na ngayon ang kaniyang mga kamao. Lalo na't may tatlong buhay na naman siyang kikitilin.
//Continue