CHAPTER 3

1342 Words
HUMINGA nang malalim si Bianca ng maka rating na ang eroplanong kan'yang sinasakyan. Napa pikit siya ng mariin, at bago iminulat ang Mata ay kasabay ng pag pakawala ng malalim na buntong hininga. “Nasa Pilipinas kana talaga self, kaya mo'yan” aniya at saglit na sinuklay nang kaniyang mga daliri ang kulay brown niyang buhok. Pagka tapos ay ngumiti ng matamis upang ikalma ang kaniyang damdamin na kanina pa bumibilis ang t***k dahil sa sobrang kaba. “Ms let's go, are you ready?” ani nang lalaki na nag pakilalang Butler umano ng Donya. Tinanguan niya lamang ito pagka tapos ay tumayo na. Nagulat Pa siya ng makitang may dalawang sasakyan nang nag hihintay sa kaniya. At puro naka yunipormeng itim ang mga lalaking naka tayo na animoy isa siyang reyna o napaka halagang tao. Upang masiguradong ligtas at protektado siya. 'Luh para naman akong anak ng presidente nito' saad ng isipan niya at yumuko na lamang upang itago ang pagka ilang at pumasok na kaagad sa isang kulay itim na limousine Samantala sa kabilang dako naman ay nagising na si Carmela, tahimik itong nakiki usap sa anak na babae na sumang ayon na lamang sa gusto nitong mangyari para sa nakaka tanda nitong anak na si Romuel. Sa una ay nahirapang ipa intindi ni Carmela ang gusto niyang mangyari. Ngunit nakaka unawa narin namang sumang ayon ito, alang-alang sa inang may karamdaman at sa kapatid na halos mawala na sa katinuan. “Mommy, hindi ko alam kung tama ba itong gusto mong mangyari kay kuya. Pero kung iyan ang mag papalubag sa karamdaman mo ay sumasang ayon ako” wika ni Joy sa naguguluhang expression ng mukha. “ hindi ito para saakin iha, para ito sa kuya mo. Hindi moba nakikita? Sinisira na niya ang buhay niya, pati ang mga negosyo natin nadadamay na. Minsan ka ng nawala saakin Joy. Kaya ayaw ko nang maramdaman pa 'yun ulit, kapag ang kuya mo ang nawala” mahinang saad ni Carmela sa anak, habang may namumuong luha na sa mga mata nito. Natigil lamang ang seryosong pag-uusap ng mag-ina nang mag bukas ang Pinto at niluwa niyon ang matapat na Butler ng donya. “Mrs Carmela, nandito na ho siya” magalang nitong saad. Tumango ng isang beses ang donya bago nag salita “papasukin mo at huwag kayong mag pa papasok ng kahit na sino” “what about Senyorito Romuel?— “kahit siya pa, huwag niyong papasukin hanggat hindi ko sinasabi” seryosong saad ng Donya “Copy Medam” tugon nito sabay yuko Nagka tinginan muna ang mag-ina at lihim na nanalangin na sumang si Bianca sa gusto nila lalo na sa Plano ni Mrs Carmela “Bianca, iha.. Come in, oh Bianca I miss you iha…kung hindi pa kita tinawagan hindi mona maiisipang kausapin ako o mag pakita pa.” saad ni Mrs Carmela habang bahagyang naka nguso na animoy isang batang nag tatampo. At idinipa nito ang dalawang braso upang yakapin ang Dalaga Nahihiya namang lumapit si Bianca subalit pinilit parin niya ang kaniyang mga paa at sarili upang lapitan at yakapin ang butihing Donya. “Pasensya na ho kayo, sobrang naging abala lang ho ako sa trabaho. Kamusta na ho ka'yo?” saad ni Bianca at bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang mapa tingin ito sa swerong naka dikit sa likod ng palad nang Donya. “I'm finally okay iha, lalo na't nandito kana. S'ya nga pala…na aalala mo 'yung bunso kung anak na si Joy?” ani ng Donya ng mapatingin ito sa anak na babae na nanatiling tahimik lamang. Mahina namang tumango si Bianca bilang tugon at sinundan ang Mata ng ginang “naka balik na siya iha, siya ang Joy ko. Pero mas sanay siyang tawaging Anne. Sweetheart siya si Bianca ang madalas kong e kuwento sa'yo” naka ngiting saad ng ginang. Naunang mag lahad ng kamay ang morenang babae subalit hindi maipag kakailang isa itong Kimson. dahil talagang nakaka hanga rin ang angkin ganda nito at kahit sino ay maiilang lalo na't kung tumitig ito. Parang kaya nitong basahin lahat ng nasa isip niya. “Kung ganon makiki Ate narin ako sa'yo? Tutal si Kuya ang ka age mo diba?” ani ng babae sa masiyahing tono. Nagulat tuloy si Bianca dahil sa malambing na tono ng babe. Hindi niya akalain na kapareho ito nang donya na Malumanay at malambing mag salita. Ang akala niya ay Strikto ito mag salita o kaya'y makampang yarihan ang tono nitong mag salita. Dahi kung titignan ay mukha itong tomboy lalo na't boyish itong manamit. Kulay puting malaking T-shirt na umabot hanggang legs nito at maluwang na pantalon na may hati pa sa gitnang tuhod. na animoy sinad'yang punitin. Naka tali ng mataas ang hanggang balikat nitong buhok at walang kahit na anong kulay sa mukha nito. Maliban lamang sa normal na kulay nang labi nito na animoy isang rosas gayun rin ang pisngi nito “hmm okey lang din Joy hmmm Anne? Ano bang itatawag ko sa'yo? ” naiilang na sabi ni Bianca “kung saan ka komportableng tawagin ako. Pangalan korin naman lahat iyan eh” naka ngiting tugon nito. “Bianca come here iha, dito ka sa tabi ko” agaw pansin ng ginang at tinapik ang upuan na katabi nito. Nahihiyang ngumiti muna si Bianca sa Seniyorita ng mga Kimson bago binalingan ang Donya. Lumapit siya at naupo sa upuan na katabi ng higaan nito at nanating tahimik upang hintayin ang gustong sabihin ng Donya. “Bianca iha, hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. Alam Kong nasaktan ka nang anak kong si Romuel at humihingi parin ako ng tawad dahil sa ginawa niya sa'yo. Naniniwala ako sa'yo iha. Mula nuon at hanggang ngayon naniniwala ako sa'yo iha “hmm hindi simpleng pabor ang gusto ko iha. Kaya kita pinauwi at gustong maka usap ng harapan dahil talagang kailangan ko ng tulong mo para Kay Romuel” ani ng Donya at nag sisimula na namang mamasa ang mga Mata nito ng luha. “ah ano ho ang ibig niyong sabihin, hindi kopo kayo maintindihan?— “nakikita ko sa mga Mata mong mahal mo parin ang anak ko iha” ani ng donya na nag patigil sa dalaga. Kaagad siyang napa yuko dahil sa sinabi ng Donya. At dahil sa ginawa niya ay lihim na natuwa si Donya Carmela. “sabi konanga ba mahal mo parin ang anak ko, dahil d'yan tutulungan mo ako diba?” naka ngiti nang sabi ng donya. Ang kaninang hiya at pagka ilang sa mukha ni Bianca ay napalitan ng pag tataka. Halos mag salubong na ang dalawang kilay nito at halata ang pagka lito sa mga Mata nito “deretsahin niyo nalang po ako, kanina pa ho ako nalilito” aniya at nag simula na siyang kabahan. “Gusto kong mapang asawa ka ni Romuel, gusto kong tulungan mo kaming ibalik siya sa dati. Mag mula ng mamatay ang mag-ina niya ay para narin siyang namatay. Wala na siyang puso ngayon iha, ibang iba na siya ngayon kumpara nuon. Hindi kona ngayon kilala ang Anak ko. Kaya kailangan ko ng tulong mo. Mahal mo ang anak ko at kilala kita iha, kaya tiwala akong makakaya mong ibalik ang dating Romuel na anak ko” ani ng Donya na ngayon ay napa iyak na. “Ho! Pero… “please iha, ikaw nalang ang pag-asa ko para bumalik siya sa dati. Alam kong makakaya mo, masiyahin, mahaba ang pasensya mo at nuon paman ay napapa tiklop mona ang anak ko. Kaya nakiki usap ako iha. Kung nakikita molang kung gaano ka misirable si Romuel mag mula ng mamatay si Brenda.… namimiss kona ang anak ko iha, ako na ang bahala sa pamilya mo, pati pag-aaral ng mga kapatid mo ako ng bahala. Pati ang operation ng Lola mo. Lahat lahat ng problema mo ako na ang bahala. Basta ibalik molang ang dating Romuel iha. Nuon paman gustong gusto na kita para sa anak ko. Please matutulungan moba ako?” buong pag suyong saad ni Donya Carmela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD