CHAPTER 4

1063 Words
NATIGIL sa pag uusap ang dalawa nang may kumatok ulit sa pinto. Ngunit hindi parin naagaw ang pansin ni Bianca dahil tulala parin siya sa mga sinabi ni Mrs Carmela lalo na sa gusto nitong mangyare. Hindi niya alam kung sasang-ayon ba siya o tatanggi. Gayung napaka laki ng utang na loob niya dito at ang sinabi pa nitong gustong gawin para sa pamilya niya ay talagang nakaka lula ang napaka laking tulong na iyon sa buong pamilya niya. Subalit ang isipin ang gustong gawin ng donya ay talagang mas lalong nakaka wala sa katinuan lalo na't planado na pala lahat ng Donya. Kung paano niya mapapang asawa si Romuel. “Kuya, nand'yan kana pala. Kasama moba si Paulo” wika ni Joy, ngunit nanatiling lutang parin ang isip ni Bianca. Kaya naman hindi na niya napapansin ang dalawang lalaki na kakapasok lamang ng Pinto kasunod ang Butler ng ginang na ngayon ay nahihiyang naka yuko lamang. "pardon Medam, sinabihan kona ang senyorito na bawal munang mag papasok— “get out!” ani ng baritonong boses ng lalaki ang nag pagulat kay Bianca. Sa sobrang gulat niya ay hindi na niya naingatan ang isang matigas na bisig mula sa kaniyang likuran. “Ay Itlog mo!” gulat na sabi niya. Sa pag aakalang matutumba siya ay napa pikit na lamang siya. Subalit ang matigas na bisig na iyon ang kaagad na naka hawak sa kaniya. Napaka bango niyon, kaya naman mas lalo siyang napa pikit na animoy ayaw na niyang umalis pa sa napaka bangong lugar na iyon. Ang mainit na nadarama niya mula sa matipunong bisig na iyon ay mas lalong nag papatangay sakaniyang katinuan. “Tsss stupid!” mahinang saad ng lalaki at balewala siya nitong binitawan. Kaya naman kamuntikan na naman siyang mawalan ng balanse sa pag tayo. Mabuti na lamang ay maagap nahawakan ni Paulo ang kaliwang braso niya “Hey! Brad” ani ni Paulo kay Romuel tsaka matalim na tingin ang ibinaling nito. “Are you okey Ate Bianca? ” nag aalalang saad naman ni Joy. “ha…ah O-oo ,Oo ayus lang ako” tugon ni Bianca na animoy isa siyang sirang manika na pilit binubuhay ng may -ari lalo na't wala parin siya sa sarili. Nag halong kahihiyan ang nadama niya at pananabik sa dating kasintahan na ngayon ay seryoso nang naka tingin sa kaniya. Tama nga si Donya Carmela. Napaka laki ng ibinago ni Romuel. Maging siya ay halos hindi na niya ito nakikilala pa Pumayat ito na animoy mahihintulad ang panga-ngatawan nito sa actor na si Tom Rodriguez na dati ay mala Greekgod o Greekmodel. Humahaba narin ang balbas into sa panga, maging ang buhok nito na umaabot na hanggang balikat. Lumalim narin ang mapupungay nitong mga mata na binagayan naman ng mahaba at maalon nitong pilik mata. Ngunit kahit ganuon paman ay hindi parin nababawasan ang kaguwapuhan at kakisigan nito. kahit sinong babae ay talagang mapapa tulala o mpapa hanga nito. 'Kahit napaka mabalbon mona, napaka hot mo parin sa mga mata ko Rom' buong pag hanga ng isip ni Bianca “are you sure? Pinag papawisan ka” ani ni Joy at hinawakan pa siya nito sa nuo. Sunod-sunod naman ang pag iling niya. Pagka tapos ay sunod sunod rin naman ang pag tango niya. Kaya mas lalong napa kumot nuo si Romuel. Gayun rin si Paulo na katabi nito “Bianca anong nangyayare sa'yo?” ani ni Mrs Carmela nang hindi na ito naka pag pigil. “oo nga naman Bianca, pinag papawisan kapa at para kang naengkanto d'yan” saad naman ni Paulo. Magka kilala na sila ng kaibigan ni Romuel, halos lahat ng kaibigan ng binata ay nakilala na niya at naka sundo. Maliban lamang sa dalawa nitong kaibigan na sina Fego At Sebastian na minsan lamang mag pupunta sa Tagaytay o sa Farm ng mga Kimson.. “ ha? Hmmm ayus lang po ako, sa sandali…excuse me ma-mag ba banyo muna ako” wala sa sariling tugon niya. At dali-daling lumabas ng silid habang naiwan naman ang tatlo. Na puno ng pag tataka maliban lamang kay Romuel na nanating walang buhay ang mga mata nito at laging seryoso lamang. Samantala napa upo naman sa toilet bowl si Bianca habang naihilamos niya ang kaniyang dalawang palad dahil sa labis na kahihiyan. Gusto mona niyang e relax at e kulong ang kaniyang sarili sa loob ng banyo. Gusto mona niyang mapag-isa kahit saglit lang. Lalo na't palagay niya ay maloloka na siya, dahil hindi niya akalain na makikita niya kaagad si Romuel. Gayung hindi panga siyang nakaka recover mag-isip sa pabor ng Donya at heto pang naka tabi at naka harap na niya ang lalaking lihim parin niyang iniibig. ilang minuto siyang nag kulong sa loob ng banyo at nang makontento at ma proseso niya lahat sa kaniyang isipan ay nag pasya na siyang lumabas. Subalit pag bukas palamang niya ng Pinto ay ang walang emotion at seryosong mukha ni Romuel ang unang nakita niya. Lihim siyang napa singhap kasabay ng napaka bilis ng t***k nang puso niya na animoy hinahabol ng napaka raming kabayo. Mas lalo siyang kinabahan nang mag tama ang kanilang mga mata at hindi niya alam kung paano ibababa ang kaniyang tingin upang iwasan ito. Subalit lihim siyang nag pasalamat nang makitang si Romuel ang unang umiwas ng tingin. Ngunit para naman gusto niyang pag initan ng dalawang pisngi dahil sa nakaka pasong tingin ni Romuel sa kaniyang sarili. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at bumalik naman ang tingin nito sa kaniyang mukha at huminto iyon sa kaniyang labi. Dahil sa ginawa ng binata ay wala sa sariling napa lunok siya ng sariling laway. Kaya naman ay kitang kita niya kung paano napa tiim bagang si Romuel. “Are you trying to seduce me?” mahinang saad nito. Na mas lalong nag painit sa pisngi ni Bianca “hi–hindi, excuse dadaan ako” aniya, na ngayon ay naka yuko na upang itago ang pamumula ng kaniyang pisngi. Hindi siya maka daan dahil naka harang sa Pinto ang binata. Ngunit parang wala itong narinig bagkus ay mas isinarado panito ang Pinto at ini lock ang pinto. Kaya naman ay napa tingin si Bianca sa mukha ng binata. “Anong ginagawa mo? Pa–Pa daanin mo ako” ani ni Bianca at hindi naitago ang pag utal niya dahil sa sobrang kaba. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD