CHAPTER 1
“Oh my god! Stop it Romuel, tama na 'yan anak!” nahihintakutang saad ni Carmela nang makita nitong pinag susuntok ng panganay nitong anak ang kawawang sementadong pader.
Lasing na lasing ito at habang nag papakawala ng malalakas na suntok ay kasabay ng pag tatangis nito at sinisigaw ang pangalan nang namayapa nitong kasintahan.
Mahigit isang taon na ang nakaka lipas mag mula nang mangyare ang nakaka salimuot na pangyayare sa buhay nang kasintahan nitong si Brenda.
ilang araw na lamang ay ikakasal na sina Romuel at Brenda. Sobrang mahal na mahal ni Romuel ang kaniyang kasintahan at ang labis na nag papasabik sa kaniya ay sa wakas ay magiging ama na siya. Mahigit dalawang buwan nang buntis si Brenda kaya naman minamadali ni Romuel ang kanilang kasal. Dahil sabik na sabik na siyang makasama ang kaniyang mag-ina. Si Brenda ang pangalawang kasintahan ni Romuel. Hindi man si Brenda ang unang babaeng dumaan sa puso niya, subalit nakaka sigurado siyang si Brenda lamang ang huling babaeng mamahalin niya.
Subalit ang masayang pag hahanda sa pangarap na gustong buhoin ay sa isang iglap ay nawala na lamang. Dahil sumabog ang sinasakyang Van ni Brenda kasama ang Ama nitong Senator sa Davao pag labas pa lamang nang mga ito sa Airport. At sa pag pasok pa lamang ng mga ito sa Van na sumundo sa mga ito ay bigla na lamang iyon sumabog.
Kaya naman mahigit isang taon na iyon nakaka lipas, subalit hindi parin natatahimik si Romuel dahil hindi pa niya tuluyang napapatay ang isa pang leader ng may pakana sa pang yayareng iyon.
Ang dating palangiti, masiyahin, pala kibo, Gentleman, matulungin at may pusong si Romuel ay ngayon ay napalitan ng mala demonyong ugali.
Si Romuel Kimson ay isa sa magaling na businessman at bukod paruon ay isa rin siyang miyemlbro ng grupong labis na kinakatakutan at ginagalang ng matataas na pangkat ng mga tao sa bansa. Ang OTSO APOLLO, ang Otso Apollo ay binubuo nang walong mag kakaibigan na may kaniya-kaniyang kakayanan at lakas na kayacyng kunin, galawin at sirain o puksain sa isang salita o pitik lamang ng mga ito. At isa si Romuel sa grupo na iyon. Ngunit dahil sa pagkawala ng kaniyang minamahal na babae, kasama na ang anghel na sana ay magiging unang anak na nila. Siya ngayon ay natuturingan nang walang puso sa mata ng kaniyang mga kaibigan gayun rin sa mga taong nag tatrabaho sa mga palad niya. Mga taong naka paligid sa kaniya
“Kuya ano ba! Gusto mobang atakihin na naman si Mommy, tumigil kana…kung gusto mong mag wala, huwag dito. 'Wag dito sa nakikita namin!” sigaw ni Joy ang nag-iisang kapatid na babae ni Romuel. Panay ang awat nito sa braso ng kapatid. Maging ito Ay awang-awa narin dahil sa nangyayari sa nakaka tandang kapatid mag mula ng mawala ang Mag-ina nito
“Pap*tayin ko silang lahat! Hindi ako titigil hanggat may natitira pa, kahit isa sa kanila wala akong ititira. Mag babayad silang lahat…mag babayad silang lahat. Mag babayad sila!” nangi-nginig at nag tatagis ang bagang ni Romuel habang duguan naman ang kanang kamao nito.
“Mah!” gulat na sabi ni Joy nang makita nitong napa hawak sa puso ang ina nito habang napa ngiwi naman ang mukha, kasabay ng biglang pagka himatay nito. Mabuti na lamang ay maagap itong nasalo ng mga braso ni Joy
“Kuya! Si Mommy…Maa!” nahihintakutang saad ni Joy at nanlalaki ang mga mata nitong bumaling sa kapatid.
Para namang binuhusan nang malamig na tubig si Romuel ang kaninang mabangis nitong awra ay napalitan ng takot. Takot na baka mapaano ang nag-iisa nitong ina.
“Paulo! Help! ikaw na ang mag maneho!” pasigaw na sabi ni Romuel ng makita nito ang kaibigan na kakarating lamang.
Nagulat man ay mabilis naman itong natauhan. Dali-dali nitong pinag bukas ng pinto si Romuel na ngayon ay buhat-buhat na ang walang malay na ina at sa unahan naman naka upo si Joy.
Mabilis pina harurot ni Paulo ang sasakyan at mabuti na lamang ay walang traffic kaya kaagad nilang narating ang Sandoval Hospital. Ang pag mamay-ari ng isa sa mga kaibigan nila na si Sebastian Sandoval.
Samantala sa kabilang dako naman ay kakauwi palamang ni Bianca mula sa pinag tatrabahuan niya. Kasalukuyan siyang nasa Middle east upang mag trabaho bilang taga linis ng bahay ng mga arabo sa bansang Saudi Arabia. Pagod na pagod siya lalo na't anim na oras siyang nag trabaho. Pinili nalamang niyang mag stay out at nag hihintay na lamang ng tawag kung kailan kukunin ang serbisyo niya. Ayaw niyang mag stay-in lalo na't natatakot parin siya sa bansang banyaga dahil sa maraming napapabalitang minumoletsya at pinapahirapan ng masasamang amo ang ibang kasambahay. Kaya pinili niyang mag arkela na lamang ng unit at mag hintay na lamang ng tawag nang agency para sa kaniyang serbisyo.
"Haaayst buhay…thanks god, oras na naman ng pahinga” pagod na sabi ni Bianca at hinubad na lamang niya ang kaniyang uniform tsaka ibinagsak ang kaniyang pagod na katawan sa malambot na kama.
ramdam na ramdam niya ang kaniyang pagod satwing siya ay naka higa na. Madalas ay nakaka limutan na niyang mag palit ng suot o kumain dahil sa pagod niyang katawan ay kaagad na siyang nakaka tulog.
Siya si Bianca Edmundo ang breadwinner ng kanilang pamilya, siya ang panganay sa tatlong mag kakapatid. Masipag, masiyahin, maganda at mabait. Siya rin ang nag papaaral sa dalawa niyang mga kapatid na parehong nasa highschool pa lamang. Bata pa lamang ay talagang nakaka tulong na siya sa kaniyang mga magulang dahil pinag sasabay niya ang kaniyang pag-aaral at ang kaniyang pag tatrabaho bilang pa extra-extra lamang kung kailan may bakanteng trabaho na kailangan ang serbisyo niya.
Sumasali rin siya minsan sa mga patimpalak sa bayan nila sa Tagaytay. Dahil sa maamong mala anghel na kaniyang ganda at pang beauty queen na panga-ngatawan ay madalas siyang nakukuhang reyna Elena ng bayan nila at madalas siyang napapasali sa mga kapwa niyang babaeng rumarampa sa entablado.
Lahat ng nasasalihan niyang patimpalak ay umuuwi siyang naka ngiti sa bahay nila. Dahil madalas siyang nanalo. Kaya naman ay maraming babaeng naiinggit sa kaniya at marami ring mga kalalakihang nag papalipad hangin sa kaniya.
Sa kanilang bayan ay siya ang maiituring na pinaka maganda ruon. Napaka raming lalaking nanliligaw sa kaniya subalit wala siyang ni isang matipuhan. Hindi rin siya masungit sa lahat ng mga lalaking nag papahayag ng pagka gusto at pag tatangi sa kaniya. Bagkus ay kinakausap niya ng mabuti ang mga ito at sinasabing ayaw muna niya o kaya naman ay bilang kaibigan lamang. Marunong siyang maki ramdam kaya hindi niya sinasabihan ng masasakit lahat ng manliligaw niya.
Sa napaka raming lalaking nanga-ngarap na makuha ang matamis niyang Oo at pinapangarap siyang maka relasyon o mapang asawa ay walang ni isang naka sungkit niyon sa kanilang bayan. Dahil may isang lalaki lamang siyang pinapangarap at duon niya lamang gustong sabihin ang mga salitang pinapangarap ng ibang kalalakihan duon.
Fourteen years old palamang siya ay may nag-iisang lalaki nang nag papatibok ng puso niya. Unang kita palamang ni Bianca sa lalaki na iyon ay sinabi na niya sa kaniyang sarili na mapapasakaniya ito. At ang lalaki na iyon ang pinapangarap niyang mapang asawa.
Mag mula ng makita niya ang lalaking binatilyong kaniyang lihim na iniibig ay nakilala niya ito sa pamamagitan ng iilan niyang mga kaibigan ruon. Lagi-lagi na siyang sumasama sa ama niyang hardenero ng mga Kimson. Ang ama ni Bianca ang pinag kakatiwalaan ng pamilya Kimson sa napaka lawak nitong mga pananim na mga bulaklak at mga prutas. Nag tatrabaho ang mga magulang ni Bianca sa napaka yaman na pamilya sa lugar naiyon bilang taga mapahala sa ibang mag sasaka ng mga pananim ruon.
Nalaman ni Bianca na madalas mag tungo ang binatilyong anak ng may-ari ng napaka lawak na pananiman na kanilang pinag tatrabahuan. Sa sunflowers garden madalas nag tutungo ang binatilyo kaya naman sinadya ni Bianca na mag tungo ruon upang makita o masilip lamang ito.
Guwapong guwapo siya sa binatilyo at humahanga rin siya sa napaka gandang panga-ngatawan nito. Matangkad ang lalaki at palagay niyang hanggang balikat lamang siya nito. Sa labis na pagka libang ni Bianca at pagka hanga sa binata ay hindi na niya napansin ang bahay ng mga langgam na kaniyang natapakan kaya naman ang kaninang tahimik na pag subaybay sa binata ay bigla na lamang niya itong nabulabog.
“aray! Aray! aray…aray tulong ahh…” aligagang sabi ni Bianca habang napapa Talon na ito at panay ang pag asiwas ng kamay niya sa kaniyang binti.
“sh*t! What the he'll are you doing here! At Sino ka?” ani ng baritonong boses ng binata. Sa narinig ay natigilan sa pag tatalon at papadyak si Bianca. Hiyang hiya siya lalo na't mukhang nahuli pa siya ng binata sa ganun pang kahiya-hiyang pangyayari.
“araay! Ah—a…ano kasi... Ahh please pakitulungan naman muna ako dito. Pleaee ang sakit kasi” naka ngiwing saad ni Bianca habang hindi parin mawala wala ang pamumula ng kaniyang pisngi dahil sa labis na pagka pahiya.
Napansin niyang naka titig sa kaniya ang binata kaya naman ay mas lalong hindi mapalagay ang nag wawalang mga paro-paro sa kaniyang sikmura at mas lalong nag iinit ang kaniyang pisngi. Dahil sa paraan ng pag titig ng binata sa kaniya.
Ang kaninang nag wawalang damdamin at hindi mapalagay na sistema ni Bianca ay mas lalong tumindi ng mapansing palapit sa kaniya ang binata. At sa kaniyang pagka gulat kasabay ng pag singhap niya at pag laki ng mga mata niya ay biglang tumigil ang mundo ni Bianca maging ang kaniyang pag hinga ay palagay niyang natigil narin. Dahil sa biglaang pag buhat sa kaniya ng lalaki na parang bagong kasal.
“don't move, ibabagsak kita” seryosong saad ng lalaki kaya naman ay mas lalong humigpit ang pag kapit niya sa leeg ng lalaki at pigil parin ang kaniyang pag hinga habang naka tulala na sa lalaking kina huhumalingan niya na ngayon ay buhat buhat na siya.
“Oh iho, anong nangyari?” wika ni Mrs Kimson ang ina ng binatilyong bumuhat kay Bianca
“naki pag bonding po siya sa mga langgam mommy, masyado po kasing tanga 'yung mga langgam sila na ang nag adjust. Kung bakit kasi duon pa sila gumawa ng bahay sa ilalim ng pinag taguan ng magandang Mis na ito.” sarkastikong saad ng binata.
Mas lalo namang namula si Bianca at palagay niyang mala kamatis na ang kaniyang mukha dahil sa labis na pagka pahiya.
Naka ramdam ng pag iingat si Bianca nang dahan-dahan siyang ibinaba ng binata sa malambot na sofa.
Mas lalo pang tumindi ang kilig at gustong mag titili mg kalooban niya ng masamyo niya ang napaka bangong amoy ng lalaki.
“Petra, paki tulungan nga ako dito… sige na iho, kami na ang bahala dito. Nasa kabila ang mga kaibigan mo kararating lamang nila.” ani ni Mrs Kimson.
Saglit lamang siyang tinapunan ng tingin ng binata nang maka tayo ito ng maayos. Pagka tapos ay tumango rin ito
“Yes mommy, thank-you” saad ng binata tsaka humalik ito sa pisngi ng ina.
Nang maka alis na ang binata ay mas lalong naka ramdam ng hiya si Bianca dahil first-time niyang maka harap ng malapitan ang Donya ng Hacienda na kanilang pinag tatrabahuan. Madalas kasing sa malayo lamang niya ito nakikita lalo na't paralisado ito at naka upo lamang sa hi-tech na wheelchair nito.
Hindi maipag kakailang ito nga ang ina ng lalaking lihim niyang iniibig dahil napaka guwapo ng binata at napaka ganda naman ni Mrs Carmela.
Lihim na napa nguso si Bianca dahil matagal na siyang nag mamatyag sa lalaking crush niya subalit ni pangalan nito ay hindi paniya alam. Senyorito lamang ang tawag ng mga kapwa niyang mang gagawa ruon sa Hacienda.
“Ikaw si Bianca diba? Tama nga si Petra, napaka ganda mo” malambing na sabi ni Mrs Carmela habang pinapahiran nito ng mabangong likido ang kaniyang binti na kung saan kinagat ng langgam
Nagtataka at nagulat man kung paano siya nakilala ng Donya gayung iyon palamang ang unang pag kikita nila at pag uusap. Ay tumango na lamang siya bilang sagot.
“nasa kuwintas mo ang pangalan mo iha, at ang iyong ama ang pinaka pinag kakatiwalaan ko sa Hacienda kaya minsan ay naiikwento kaniya saakin. Gayun rin si Petra kung paano ka nanalo sa Ms Mutya ng barangay natin..”
“pasensya kana pala iha sa ugali ng anak Kong iyon. Mabait naman iyon kaso hindi lang palakaibigan sa mga babae. Ilan taon kana ba iha?”
“hmmm Fourteen palang po, next month Pa po ako mag fifteen Ma'am” nahihiyang sagot niya.
Sa edad niyang iyon ay hindi iisipin ng iba na napaka bata palamang niya dahil hubog na hubog na ang kaniyang katawan lalo pa't five-six ang kaniyang tangkad.
“napaka bata mopa pala, matanda lang ng tatlong taon ang Romuel ko sa iho iha” ani ng Donya at halatang gulat na gulat pa ito sa kaniyang edad
“sino pong Romuel?”
“ 'yung anak ko iha, Romuel ang pangalan niya” tugon nito at hindi naka takas sa paningin ni Bianca ang mapag larong ngiti ng Donya.
Kring! Kring! Kring!
“aaargh b*wisit” inis na sabi ni Bianca nang magising siya mula sa malalim na pagkaka tulog. Inis siyang bumangon pagka tapos ay bigla siyang napa kunot nuo dahil kung bakit napapanaginipan niya ang naka raan.
//Continue