MAHIGPIT na nayakap ni Bianca ang dati niyang kaibigan na si Petra. Ang inaanak ng mga Kimson. pagka tapos niyang maka harap si Romuel sa labas ng banyo ay nagka taon namang kakalabas lang ni Petra mula sa silid ng Donya.
“Bianca…
“Petra, ang sakit sakit parin pala…a-akala ko kaya kona siyang harapin na walang ang sakit” saad niya habang lumuluha.
“Halika, sa garden tayo mag-usap” ani ng babae sa kaniya kaya naman nag pahila na siya dito.
Nang maka rating ay naupo sila sa bakal na upuan na pang dalawaan lamang. Pagka tapos ay pina inom siya nito ng tubig. kaya kahit papaano ay gumaan pansamantala ang kaniyang kalooban.
Huminga siya ng malalim pagka tapos ay ikinuwento niya sa kaibigan ang lahat ng gustong mangyare ni Mrs Carmela.
Halata ang gulat sa mukha ng kaibigan, ngunit nanatili parin itong tahimik upang pakinggan siya.
“Pero ang tanong, kaya mo ba? Bia hindi na katulad nuon dati si Kuya Romuel. Napaka laki na ng pinag bago niya, nakita mona man siguro diba” nag aalalang saad ng kaibigan.
Saglit siyang napa isip pagka tapos ay dahan-dahan siyang tumango “Oo kaya ko. Ipapakita korin sa kaniya na hindi na ako ang dating Bianca. Ipapakita ko sa kaniya na mali lahat ng iniisip niya at malinis parin akong babae” seryosong saad niya.
“Pero Bianca, nag aalala ako sa'yo paano kung mas lalong magalit sayo si Kuya Romuel. Mahal na mahal panun si Ate Brenda kaya mahihirapan kang pasukin ulit ang buhay niya o makuha siya”
“kakayanin ko Petra. Kilala mo ako, wala akong sinusukuan hanggat kaya kopa. Hanggang masasakit na salita lang naman si Romuel eh” saad niya, kahit ang totoo ay kinakabahan rin siya sa puwedeng mangyare kapag nagawa na niya ang balak ng Donya.
Kinagabihan. Kararating lamang ng pamilya Kimson sa Resthouse ng mga ito sa Cavite. Upang duon muna saglit mamahinga. Dahil malamng kung sa Tagaytay sila umuwi ay maraming Tao ang pupunta ruon at hindi makaka pag pahinga ng mabuti ang Donya.
Pinapunta rin ni Mrs Carmela ang buong kaibigan ni Romuel upang hindi ito ma bored o mainip sa lugar na iyon. Kaya sa pag dating palamang nila ay naruon na ang mag kakaibigang Apollo kasama ang kasintahan at asawa ng mga ito.
“mga Brad, nandito pala kayo” kunot-nuong saad ni Romuel ng makaharap niya ang mga kaibigan.
“Yup, gusto naming makita at makumusta si Tita” ani ni Josef
“ Kaya nga tsaka para naman maipasal ko si Alena dito” ani naman ni Kiel.
“nag padala ng Seafoods si Vanessa para kay Tita. We'll buntis si Misis kaya hindi ko siya kasama” ani naman ni Sebastian ang pinaka matanda o naka edad na sa kanilang Walo
“itong sina Kiel, Fego at Josef, at Paulo lang naman ang hindi mawalan ng Partner kapag sa ganitong oras ng reunion ulit natin” saad naman ni Jego.
“tsssk, naiinggit kalang kasi Hindi mo parin nasusuyo si Jessa. Ayan kasi nag pahuli kapa sa kaniya. Mabuti nga hindi niya pina putukan ng shotgun si Manoy mo eh” mapang asar na sabi ni Mike.
“G*go, hindi ko naman alam pupunta duon ang dating bebot ko. Natakot nga ako, akala ko katapusan na ni Junior ko. Grabe ang bangis talaga ni Jessa mag selos” naiiling na sabi ni Jego sa mga ito kaya naman nagka tawanan ang mag kakaibigan maliban lamang kay Romuel. Na sa ibang dereksyon naka tutok ang kaniyang mata.
Napa tiim bagang si Romuel ng matanaw niya si Bianca na ngayon ay tumutulong sa pag ihaw ng malalaking isda kasama nito si Petra. Ngunit ang nag papatiim bagang sa kaniya at nag papakulo ng dugo niya ay ang ayos ng dalaga. Naka suot lamang ito ng maikling short na maong habang naka oversized T-shirt naman na kulay puti. At kahit malaki na ang damit nito ay bakat na bakat parin ang malulusog nitong dibdib. Kaya naman animoy pinag papawisan na si Romuel at natutuyuan na siya ng lalamunan dahil sa napaka sexyng babae na kaniyang tinititigan mula sa malayo.
“a-ha! Kaya naman pala hindi nakikinig saatin itong si Romuel dahil may nakikita pala itong isang magandang binibini—araay! Magandang bibingka pala este ah–ano babe naman matatanggal na tenga ko niyan” naka ngiwing saad ni Fego ng biglang hilain ni Kesha ang tenga nito.
Hindi naman pinansin ni Romuel ang mga asaran at pag iingay ng mga kaibigan. Bagkus ay nag lakad siya patungo sa babaeng labis na nag papakulo ng dugo niya.
Pahablot niyang hinila ang kamay ng babae at malalaki ang hakbang na nag lakad siya habang hila hila ang kamay ng babae na ngayon ay gulat na gulat at naka ngiwi na dahil nasasaktan na ito sa higpit na pagkaka hawak ni Romuel sa kamay nito.
“Aray! Ano ba nasasaktan ako!” saad ni Bianca dahil hindi naniya kayang tiisin ang napaka higpit na pagkaka hawak ng lalaki sa kaniyang kamay
“talagang masasaktan ka! Hindi kaba nahihiya halos naka hubad nayang suot mo.” ani ng lalaki at patiim bagang nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa si Bianca at huminto na naman iyon sa dalawang hinaharap ng dalaga.
Sa ginawa at sinabi ng lalaki ay hindi maiwasang tumaas ang kaliwang kilay ni Bianca tsaka lihim na napapa ngisi na mala demonyo.
“tsssk so? Ano bang pakealam mo? Kahit mag hubad pa ako dito. Wala kang pakealam! Tsss baka naman Mr Kimson na se-Sexyhan ka saakin” mapang asar na sagot ni Bianca
“d*mn you woman talagang ginagalit mo talaga ako. Bumalik ka sa loob at mag palit ka”
“bakit naman ako mag papalit? Sino kaba para utusan ako? Boyfriend ba kita o kuya? Hindi naman diba, kaya huwag mong pakelaman ang suot ko at for your information Romuel Kimson. Hindi moba nakikitang napaka laki ng T-shirt ko. Kaya huwag mong sabihin na naka hubad ako”
“Bianca! Mag papalit ka o huhubaran kita. Tutal halos naka hubad karin naman eh” nag titimping saad ng binata.
“eh kung ayaw ko! Hanggang salita kalang naman—hmmm
Hindi na naituloy ni Bianca ang kaniyang sasabihin ng biglang sakupin ng lalaki ang kaniyang mga labi. Sa kaniyang pagka gulat ay nanlaki na lamang ang kaniyang mata at nabitin sa ere ang kaniyang sasabihin. Kaya ang mga labi at dila ng lalaki ay malayang hinalughog ang kaniyang bibig.
//Continue