1. FLORESCA ACADEMY
THE OPPOSITE OF HATE
"Floresca Academy"
My name is Kira Lei Keenei o mas kilala sa tawag na Kei, 20 years old at nag-aaral sa Floresca College Academy, nanggaling ako sa isang maliit at simpleng pamilya kung saan meron si Nanay at si Tatay, at ang aking nakababatang kapatid na lalaki. Normal lang ang aking buhay until...
Tumunog na ang aking alarm at noong I-off ko na sana ito.
"7:30! Mag-start na yung klase ko ng 8:00! akala ko 6:30 yung napindot ko!".
Dali-dali akong pumunta sa sala at kumain lang ng tinapay sabay halik sa pisngi nina Mama at Papa, at sumakay na agad ako ng jeep.
"Hays, first of school late agad." sabi ko sa aking isip.
Nandito na ako sa academy at dali-dali akong pumunta sa aming classroom, at nung pagbukas ko ng pinto
"Kei! nandito kana pala, buti hindi ka late". sabay tumawa.
Bati ni Ford, ang matalik kung kaibigan noong elementary pa lamang, sabay kaming nakapasa at nag enroll sa academy.
Nag-start na ang klase at nagpakilala kami isa-isa, binigyan rin kami ng tour sa academy.
"At ito naman ang cafeteria, ngayon ipakilala ko sa inyo ang isa sa mga taong dapat natin i respeto dito".
Sabi ng aming professor habang isa-isang binanggit ang mga pangalan nito. Sa ilang oras na paglilibot ay natapos na yung tour at saktong alas dose na.
Nasa cafeteria na kami ngayon dahil lunchtime, sabay kaming kumain ni Ford dahil simula palang, kami na talaga ang kumakain palagi ng sabay-sabay.
Nagline na kami upang kunin ang pagkain na ibibigay sa staff, kinuha ko na ang aking pagkain habang si Ford ay nasa aking likuran, at unexpected na nadulas ako sa isang pagkain na nasa sahig at yung pagkain ko na nasa tray ay nahagis at napunta sa damit ng isang tao.
"Kei! okay ka lang ba?". sabi ni Ford sa akin habang tinutulungan akong tumayo.
"Okay lang, pero yung pagkain ko". nakita ko itong natapon sa isang damit ng lalaki.
Dali-dali kung pinunta ito at magso- sorry na sana ngunit....