HINDI muna umuwi si Christine para ibalita sa kapatid niya ang pagbabalik ng nawalang alaala niya. Nanatili muna siya sa Port Vell para mag-isip at planuhin ang susunod niyang hakbang.
Ang mga mata niya ay nakatutok sa mga yateng nasa pantalan subalit ang isip niya ay abala pa rin sa pag-iisip. Ipinagpatuloy niya ang pag-alala sa iba pang nangyari noon sa Paris. Wala siyang pinagsisisihan sa nangyari sa kanila ni Alexander dahil doon din niya na-realize na higit pa sa paghanga ang nararamdaman niya para dito. She was in love with him. Patunay roon ang sobra-sobrang pag-aalala niya sa binata nang malaman niya na may nagtatangka nang masama rito. Puwede naman talaga niyang sabihin na lang dito ang narinig niya at bahala na ito kung maniniwala ito pero mas ginusto niyang siguruhin na hindi ito mapapahamak.
Hinintay muna niyang makatulog noon si Alexander bago siya patalilis na umalis sa suite nito. She packed her things, and checked out from the hotel. Lumipat siya ng ibang hotel dahil natatakot siyang magkrus uli agad ang mga landas nila. In spite of her realization of her feelings for him, she wasn’t ready yet to face him. Pagkatapos ng appointment niya sa fashion designer, umuwi na siya ng Pilipinas.
Natatandaan din niya na hindi pa niya alam na buntis siya noong mangyari ang aksidente niya. Naalala niyang nahilo siya kaya ginusto niyang itabi muna ang kotse niya. Malamang na sign na iyon ng pagdadalang-tao niya.
Anak ni Alexander si Daphne. Iyon ang dahilan kung bakit napakagaan ng loob ng modelo sa anak niya. Lukso ng dugo marahil ang tawag doon.
Napangiti siya. Ah! Kung maglaro nga naman ang tadhana, akalain ba niya na magtatagpo uli ang mga landas nila ng modelo? Pero paano niya sasabihin dito ang katotohanan? Hindi kaya ito malito dahil obviously ay hindi nito natatandaan ang nangyari sa kanila. Naalala rin niya ang dahilan kung bakit nagbabakasyon siya ngayon sa Barcelona. Bigla siyang nalungkot. Ah, kung sana nga ay alam niya kung saan siya lulugar sa puso ng binata.
Ano kaya ang naging reaksiyon ni Alexander nang malaman nitong lumabas siya ng bansa kasama si Daphne? Hindi siya nag-roaming ng cell phone kaya hindi niya alam kung tumatawag ba ito o hindi. Hindi rin niya tinatangkang tumawag sa mommy niya dahil iniiwasan niyang mag-usisa ito. Ang kuya naman niya ay inirerespeto ang pananahimik niya.
Ilang saglit pa at pumihit na siya para umuwi. Ah, gusto niyang yakapin nang mahigpit ang kanyang anak, ang anak nila ni Alexander.
Inaayos na niya ang pagkakasukbit ng kanyang shoulder bag nang biglang lumakas ang tugtog na nagmumula sa pinakamalaking electronic billboard na naroon. Lahat ng tao ay napatingin sa billboard kaya nakiusyoso na rin siya.
Nahigit niya ang kanyang hininga nang makita roon ang isang catwalk. Pakiramdam niya ay biglang tumalon ang puso niya mula sa kinalalagyan. Dahil sa catwalk na iyon kaya bigla niyang naalala si Alexander. A soft melody was played. Hanggang sa mapaawang ang mga labi niya sa pagkabigla nang makita si Alexander na rumarampa sa catwalk. Tila nagmomodelo ito, at sa pagkabigla niya ay pulos damit ng Christine Collection ang suot nito.
“Alexander Mondragon!”
“What brand is he wearing?”
“Oh, my God, that’s Alexander Mondragon!”
Ilan lang ang mga iyon sa mga naririnig niyang bulalas ng mga nakatingala sa billboard. Ilang beses pang nagpabalik-balik sa catwalk si Alexander. Sa muling paglabas nito ay nakasuot na ito ng isang puting three-piece suit. He looked so regal. The way he walked was really mesmerizing. Pero bakit tila may hawak itong placard?
Nasagot ang tanong niya nang iharap ni Alexander ang placard.
Christine Vinluan, mahal kita! Will you marry me? Iyon ang malinaw na nakasulat sa placard na dala nito. Nagbulungan ang mga tao sa paligid niya.
“Who was Christine?”
“What is mah-hal ki-tha?”
“Lucky girl! Alexander wanted to marry her!”
Wala ang atensiyon niya sa mga sinasabi ng mga turista sa paligid niya dahil nanlalabo na ang mga mata niya sa mga luhang namuo roon. Gusto niyang magsalita pero hindi niya mahanap ang tinig. Hindi niya alam kung paano magre-react sa sitwasyong iyon. Alexander was declaring his love for her. But where is he? Sinundan ba siya ng binata sa Barcelona?
Ang sumunod na eksena na nakita niya at ng mga nanonood sa billboard ay ang kabuuan ng lugar. The camera was roaming as if it was looking for something. Hanggang sa tumigil sa paggalaw ang camera. Nakita na lang niya ang sarili na nasa billboard na.
“Was she Christine?” tanong ng isa sa mga babae roon.
Naitakip niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha dahil sa nararamdaman niyang pagkapahiya. Bahagya rin siyang yumuko. God! Alexander was putting her on the spotlight!
She was too shy to look up. Namangha na lang siya nang wala na siyang marinig na kahit ano mula sa paligid niya na parang tumigil ang mundo sa pag-ikot at pigil ang hininga ng bawat isa. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga palad niya sa kanyang mukha.
“Alexander!” bulalas niya nang makita niya ang binata na nakaluhod sa harap niya. May hawak itong nakabukas na kahita na may lamang singsing. Napatingin siya sa kapaligiran. Nakapaligid na ang mga tao sa kanila ng binata. There was a dreamy look in their eyes while they are witnessing a romantic proposal. Karamihan sa mga ito ay may hawak na camera at cell phone para idokumento ang sandaling iyon.
“Christine, mahal kita. Patawarin mo ako kung hindi ko man agad nasabi sa iyo iyon. Mahal kita hindi lang dahil ikaw ang ina ng anak ko kundi mahal kita bilang ikaw, bilang babaeng nagmamay-ari ng puso ko. Honey, alam ko nang anak ko si Daphne. Anak natin si Daphne.”
“A-alam mo nang anak mo si Daphne? P-paano?” garalgal ang boses na tanong niya. She wanted to cry and shout for joy. Napakaraming rebelasyon na nangyari ngayong araw na ito. Una ay ang pagbabalik ng alaala niya. Pangalawa ay ang pagsasabi ng binata na mahal siya nito. Pangatlo ay ang pagsasabi nito na alam na nitong anak nito si Daphne.
“Malabo pa sa akin ang kompletong detalye pero malinaw sa akin na ako ang ama ni Daphne. I love you. Mahal kita, Christine. Now, will you marry me?”
“Say ‘Yes’!”
Pareho silang natawa ni Alexander dahil ang mga tao sa paligid nila ang nagsalita.
“Love is the closest bond two people could ever have. A feeling so strong that when it shared, it changes everything around it…” Tumikhim ang binata. “In front of these people, I open my heart to you. Will you give me the honor to be your husband and marry me?”
Tuluyan na siyang napaiyak. “Of course yes! Alexander, it’s a ‘yes’! I love you, too!” Hindi na niya kailangang itago ang nararamdaman niya. Mahal niya ito at may katugon pala ang pagmamahal na iyon.
Nagpalakpakan ang mga tao. May mga nagsipulan at halatang mga kinikilig. Tumayo si Alexander at isinuot ang singsing sa daliri niya. Namamasa rin ang mga mata nito na masuyong pinahid ang mga luha niya. Kasunod niyon ay walang pakialam sa mga nanonood na hinagkan nito ang mga mata niya, ang ilong, at sa huli ay ang mga labi niya. Ikinawit niya ang mga braso sa batok nito para tugunin ang halik nito. Hinapit siya ng binata palapit. Nang maghiwalay ang mga labi nila, hinapit siya nito sa baywang ay iniangat sa ere at tuwang-tuwang iniikot siya nito sa kabila ng pagpoprotesta niya. Nang ibaba siya nito ay muli nitong inangkin ang mga labi niya. Kung hindi pa sa mga palakpakan at hiyawan na nagmumula sa kinikilig na mga manonood ay hindi yata matatapos ang sandaling iyon. When Alexander smiled at her, her world lighten.
“PAANO mo nalaman na nasa Port Vell ako?” tanong ni Christine kay Alexander habang magkahawak-kamay silang naglalakad pabalik sa bahay ng kapatid niya.
“Sa kuya mo.”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Hmm, bakit pakiramdam ko, pinagkaisahan n’yo ako? Umamin ka, alam ni Kuya na magpo-propose ka, ano? Maging si Mommy?”
Ngumiti ito. “Yes, my love. Alam nilang lahat. Actually, kahapon pa ako rito sa Barcelona, kaya lang itong si Patrice, nakaisip ng gimik para maging memorable daw ang pagpo-propose ko. So `ayun, we did the filming of the catwalk. I pulled some strings. May mga kaibigan ako rito na more than willing na tumulong sa sorpresa ko sa iyo. Ang Kuya Neil mo naman ang nag-asikaso ng electronic billboard. You have no idea kung gaano sila ka-supportive sa munting handog ko sa iyo.”
“Oh!” tanging nasabi niya.
Ikinulong ni Alexander ang mukha niya sa mga palad nito pagkatapos ay matamang pinakatitigan siya. Muli ay gusto niyang maiyak sa emosyong nababasa niya sa mga mata nito.
“Kasama sa pagmamahal ang spark. Kapag daw hindi mo naramdaman ang spark na iyon kapag nagsasalo kayo ng minamahal mo sa isang halik, then, it’s not really love. Everytime I kiss you, I feel thousands of sparks. Para akong binubuhay ng boltaheng nananalaytay sa mga ugat ko tuwing hahalikan kita. Kaya sigurado ako na mahal na mahal na mahal kita. Christine, I love you...”
“I love you, too. I love you so much. Mahal na kita noon pa mang iligtas kita mula sa gustong gawan ka nang masama.”
“Iligtas? Honey, pasensiya ka na pero malabo pa talaga sa akin ang lahat. Noon bang mag… ahm, ano… when we made love, lasing ba ako noon?” nagkakamot ng batok na tanong nito.
“Yes.”
Bumuga ito ng hangin. “Damn! Kaya pala wala akong matandaan. Christine, listen, ganoon kasi ako. Kapag lasing ako, kinabukasan, wala akong matandaan sa ginawa ko nang gabing nalasing ako.”
Napangiti siya bago hinawakan ang magkabilang kamay nito. “Ipikit mo ang mga mata mo, Xander.” Sumunod ito. “Now, balikan mo sa isip mo ang nangyari noong nasa Paris ka during European Catwalk Invasion tour n’yo. Sa Paris Marriott Hotel Champs Elysees, January twelve, around seven PM.”
“W-wala akong maalala.”
Nagtangka itong dumilat pero sinaway niya ito. Gusto niyang maalala nito ang mga nangyari noon. Tutulungan niya itong makaalala.
“Mag-concentrate ka. Nasa bar ka noon ng hotel kasama ang dalawa pang modelo, one is named Hugo. Naaalala mo?”
Saglit itong nag-isip. “Oo yata. They were drinking hard liquor habang ako ay umiinom ng fruit punch.”
“Fruit punch na hinaluan ng vodka, fruit brandy, even a lemon sherbet. `Tapos, pinilit ka pa nila na tumagay ng iniinom nilang alak. Ang katwiran nila, nasa itaas lang ang suite mo kahit malasing ka.”
“What?” gulat na tanong ng binata.
“Hindi ka mahilig uminom `kamo? Kaya nasisiguro ko na iyon ang nakahalo sa fruit punch mo. When it blended well sa punch, mahirap nang ma-detect kung gaano karami ang alcohol content ng fruit punch. Alam ko dahil gawain namin `yan noong college days. Okay, you got drunk. You went to your room… now, what happened next?”
Saglit siyang naghintay.
“H-hindi ko maalala.”
“Concentrate, Alexander! Pumasok ka ng silid mo, and then…?”
Nahigit ni Alexander ang hininga nito. “A-an angel… babae. M-may babae sa silid ko.”
Napangiti siya.
Dinala niya ang isang palad nito sa kanyang dibdib kung saan mararamdaman nito ang t***k ng kanyang puso. Humigpit ang hawak ni Alexander sa palad niya.
“Ano pa ang nangyari, Alexander? Nakita mo ang babae sa silid mo, and then?”
Marahas itong huminga. “She’s so lovely I wanted to make love to her. I seduced her. Ayaw niya dahil hindi raw tama. P-pagkatapos…” Tila balisang umiling-iling ito. “I—p-pinilit ko siyang may mangyari sa amin at—”
Inilapat niya ang dalawang daliri sa mga labi nito para patigilin ito sa pagsasalita. “Hindi mo siya pinilit, Alexander. Ginusto rin niya ang nangyari. May pagkakataon siya noon para itulak ka at tumakbo pero hindi niya ginawa. Sa halip ay pinili niyang manatili sa tabi mo.”
“A—and we made love.” Marahang nagmulat ito ng mga mata. “Christine, ibig sabihin… ikaw ang babaeng iyon?” nanlalaki ang mga matang tanong nito bagaman naroon ang kasiyahan.
“A-ako nga iyon, Xander.”
“God! Didn’t I tell you to remind me? Alam ko na makakalimutan ko ang pangyayaring iyon kaya sinabi ko sa iyo na i-remind mo ako. Paggising ko, inakala ko na panaginip lang ang lahat. Nanghinayang pa nga ako kasi umasa ako na hindi iyon isang panaginip lang. It was so beautiful I do wish it was real.”
Namasa ang mga mata niya. Kahit paano, may naramdaman naman pala si Alexander sa kanya noon.
“Iyon siguro ang dahilan kung bakit isang kita ko pa lang sa inyo ni Daphne sa eroplano ay iba na ang naramdaman ko. Oh, honey! Pero teka, bakit nasa suite kita? At ano uli iyong sinabi mo? Iniligtas mo `kamo ako?”
Huminga muna siya nang malalim bago ikinuwento rito ang mga narinig niya sa dalawang lalaki at ang ginawa niya sa babaeng may AIDS.
Hindi agad ito nakapagsalita pagkatapos niyang magkuwento.
“Alexander, okay ka lang?”
“Nakakalungkot, dahil sa inggit ay nagawa nila akong pagplanuhan nang masama. Itinuring ko pa naman silang mga kaibigan. Hindi ko naman basta nakuha ang kung anumang tinatamasa ko ngayon, Christine. I worked hard for it. Inani ko lang ang bunga ng tiyaga, sipag, at dedikasyon ko sa napili kong career. Alam mo bang nasa isang drug rehabilitation ngayon sina Hugo at Renald? God forgive them…”
“That’s water under the bridge now, Xander. Mabuti kang tao kaya hindi ka hinayaan ni Lord na mapahamak.”
“At ikaw ang ginamit Niya, Chris. Thank God!” wika ng binata bago siya niyakap nang mahigpit. “All right, it’s my turn now to speak. Alam mo bang kamukha ni Geraldine si Daphne?”
“G-Geraldine?” aniyang napakagat-labi nang maalala ang tungkol sa pangalan ng babaeng sinambit ni Alexander nang natutulog ito.
“Kapatid namin ni Kuya Vlad na namatay kasama nina Nanay at Tatay sa isang aksidente. We fondly called her ‘Hera.’”
Nakaramdam siya ng guilt. Kapatid pala ni Alexander ang pinagselosan niya. Ang alam kasi niyang pangalan ng kapatid nito na namatay ay “Hera.” Nickname lang pala ng kapatid nito iyon.
“Unang beses na nakita ni Kuya si Daphne, inisip agad niya na anak ko ang bata. Hindi siya matahimik kaya ipina-DNA test niya kami ni Daphne nang hindi ko alam. And the result was positive, anak ko si Daphne. Kaya naisip kong dalhin kayo ng anak natin sa isla para malaman ko ang katotoha—oh, please, honey, huwag kang magalit, pakinggan mo muna ako,” agad na wika nito nang kumunot ang noo niya. Alam na pala nito na anak nito si Daphne bago pa man sila nito dalhin sa isla. Hinagkan ni Alexander ang nakakunot niyang noo kaya napangiti na rin siya.
“So `ayun nga, dinala ko kayo sa isla. To make the long story short, wala pa rin akong nakuhang sagot sa mga tanong ko. Na-in love lang ako lalo sa iyo.”
Lihim siyang kinilig sa sinabi nito. “Nagkaroon ako ng retrograde amnesia. Pero magaling na ako,” aniya.
“That I discovered later on—teka, kailan bumalik ang alaala mo?”
Napangiti siya. “Kanina lang. Habang papunta ako rito sa Port Vell, may nakita akong aksidente. Iyon ang nag-trigger sa pagbabalik ng nawalang alaala ko. At alam mo ba? Hindi ko alam na buntis na pala ako noon.”
“God!” bulalas ng binata. Kinabig uli siya nito at maingat na ipinaloob sa mga bisig nito. “Destiny has his way to make us end up to each other. Sigurado ako na ang pag-ibig natin ay nakasulat sa mga bituin sa langit. It’s meant to be. A unique tale of love that we’ll both cherish forever. I love you, Christine…”
“I love you, too. A unique tale of love indeed,” pagsang-ayon niya.
Ilang saglit na tila nag-usap ang magkahinang nilang mga mata. Alam nilang magiging matibay ang pundasyon ng pagmamahal na mayroon sila para sa isa’t isa. Nang gumalaw ang ulo ni Alexander para hagkan siya, tumiyad siya at sinalubong ang mga labi nito. With that kiss she knew it would be forever.
Wakas