Chapter 12

2501 Words
Barcelona, Spain MALUNGKOT na ngumiti si Christine habang naglalakad patungo sa Port Vell, isa sa mga tourist attraction sa Barcelona. Malapit lang iyon sa bahay ng kanyang Kuya Neil. Tuwing dadalawin niya ang kapatid sa Barcelona, hindi puwedeng hindi siya mamasyal sa Port Vell. Gusto sana niyang isama si Daphne pero hindi pumayag ang kapatid niya dahil na-miss daw nito nang husto si Daphne. Ilang araw na sila sa Barcelona pero parang sabik na sabik pa rin ang kapatid niya sa pamangkin nito. Nang dumating sila roon days ago ay hindi ito nagtanong kung bakit bigla-bigla silang napasugod doon na mag-ina. Duda niya ay natawagan na ito ng mommy niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Nalilito pa rin siya at hindi pa rin mahanapan ng sagot ang mga katanungan na bumabagabag sa kanyang isip. Hindi naman— Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makarinig siya ng tila mga sagitsit ng gulong. Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya at hindi niya alam kung bakit. Ang daan na binabaybay niya ay isang covered pathwalk. Sa kabilang panig ay naroon ang maluwang na kalsada para sa mga sasakyan. Hanggang sa makarinig siya ng malakas na impact ng tila banggaan kasabay ang tilian. Napatingin siya sa kalsada. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nagbanggaan ang dalawang sasakyan. Nanlamig ang buong katawan niya. Pakiramdam niya ay na-drain ang lahat ng dugo niya sa katawan. It felt like déjà vu. Napapikit siya nang biglang sumakit ang kanyang ulo. Nasapo niya ang ulo niya dahil parang binibiyak iyon. Kasunod niyon ay may nakita siyang flashes ng images sa kanyang isip.    “Miss, are you okay?” Dumilat siya at nilinga ang nagsalita. Isang middle-aged na babae ang nakatunghay sa kanya na tila puno ng pag-aalala ang mukha. Base sa hitsura nito, Spanish ito. Inisip marahil nito na baka hindi siya nakakaintindi ng Spanish kaya nag-English ito. Noon lang niya napansin na nakasabunot na pala siya sa buhok niya at basa na ang mga pisngi niya sa luha. “Y-yes…” sagot niya sa babae. “Okay. That accident, usually happen on that road. It was a belief that the road was cursed…” sabi pa nito. Halatang sinisikap lang nitong magsalita ng English. Gusto sana niyang sabihin na nakakaintindi siya ng Spanish pero samut-sari ang isipin niya kaya hinayaan na lang niya ito sa akala nito. Kung ano-ano pa ang sinabi nito pero hindi na iyon nag-sink in sa isip niya. Mayamaya ay nagpaalam na ito pagkatapos niyang i-assure ito na okay lang siya. Nagpasalamat siya rito. Hustong nakalayo na ito nang muling sumakit ang ulo niya. And this time, mas malinaw na ang flashes ng eksena sa isip niya.               “Oh, my God! Si Xander ang ama ni Daphne!” nanlalaki ang mga matang sambit niya nang tuluyan nang bumalik ang mga nawawalang alaala niya. Natutop niya ang bibig sa pagkamangha. Pagkatapos ay napangiti siya sa tuwang nararamdaman. Hindi lang sa pagbabalik ng alaala niya kundi sa kaalaman na nagkatotoo ang hiling niya noon na sana ay si Alexander na lang ang ama ni Daphne. Binalikan niya sa isip ang mga nangyari magdadalawang taon na ang nakalilipas… Napangiti si Christine habang naglalakad sa hallway ng Paris Marriott Hotel Champs Elysees, isa sa kilalang five-star hotel sa Paris, France. Matagal na niyang gustong mag-stay sa hotel na iyon kapag pumupunta siya sa Paris kaya kahit mahal ang bayad kahit sa isang de luxe room lang ay doon siya nag-check in. Hindi naman siya magtatagal doon. Naroon lang siya sa bansa para kumuha ng mga karagdagang idea para sa balak niyang buksang fashion boutique na tatawagin niyang “Christine Collection.”                    Tumingin siya sa suot na relo. It was seven in the evening. May meeting siya sa isang Filipino fashion designer na naka-base sa Paris nang alas-siyete y media. Lumiko siya sa hallway at binilisan ang paglalakad. Nasa lobby na siya ng hotel nang madaanan niya ang dalawang matangkad na lalaki na nakaupo sa isa sa mga upuan doon. Nang magpang-abot sila ay hindi sinasadyang nahagip ng pandinig niya ang pinag-usapan ng dalawa.                       “Ito na ang simula ng pagbagsak ng suwapang na model na si Alexander.” Natigilan si Christine sa narinig. Filipino ang lengguwaheng ginamit. Ibig sabihin ay Pilipino ang dalawa bagaman hindi gaanong halata dahil mestizo pareho ang mga ito. Ang Alexander ba na pinag-uusapan ng mga ito ay si Alexander Mondragon na kanyang ultimate crush? Curiosity got the better of her. Huminto siya sa paglalakad at naupo sa isa sa mga chairs na malapit sa dalawa. Kinuha niya ang kanyang cell phone at nagkunwaring nagkukutingting doon. “Ano ang plano mo kay Mondragon, Hugo?” tanong ng isa na ikinahigit ng kanyang hininga. Kung ganoon ay si Alexander nga ang pinag-uusapan ng dalawa. Naalala niya na sa Paris magsisimula ang European Catwalk Invasion ng Tally House and Creations kung saan isa si Alexander sa mga modelo. Dito ba sa Marriott naka-check in ang buong entourage ng Tally? Parang gusto niyang mapasipol. Hindi biro ang halaga ng pagtse-check in sa hotel na ito. “Lalasingin natin si Xander. Pagkatapos n’on, ihahatid natin siya sa suite niya at pasusunurin doon ang prostitute,” sagot ng lalaki. So, puwedeng si Alexander lang ang naka-check in sa Marriott. Nakinig pa siya. “Lasingin? Tanga ka ba? Alam nating pareho na hindi pulos fruit punch ang iniinom niya kahit nasa bar o social gatherings. At paano niya ikababagsak ang isang bayarang babae? Don’t tell me you’ll tape him?” “Kaya lang naman ayaw niyang malasing ay kapag magda-drive pa siya pabalik sa suite niya. Pero kung dito sa bar ng Marriott natin siya yayayain, hindi iyon tatanggi. Kung hindi talaga siya iinom ng hard drinks, may plan B ako. May dala akong gamot na ilalagay sa punch niya. Tingnan ko lang kung hindi niya sunggaban agad `yong babae kapag umepekto na ang gamot na iyon. At kapag nagawa ng babaeng iyon na may mangyari sa kanila ni Xander, tapos na ang kasuwapangan niya.” “Ano naman kung makipag-s*x siya sa babaeng iyon?” “May AIDS ang babaeng binayaran ko. Hahawahan niya ng sakit niya si Xander. Iyon ang usapan namin. Kapag nangyari iyon, hindi magtatagal, mapupunta na sa atin ang big projects niya.” “Hindi ba sobrang sama naman noon?” “Dapat lang sa kanya iyon. Suwapang kasi siya. Lahat na lang ng magagandang projects, nasa kanya.” Napasinghap siya sa mga narinig. Tuluyan na niyang nakalimutan ang pakikipagkita sa fashion designer. Obviously ay naiinggit ang mga ito kay Alexander. Napailing siya. Pilipino pa naman ang mga ito pero ganoon mag-isip ang mga ito laban sa kapwa Pilipino. At bakit tila napakalakas ng loob ng dalawang ito na mag-usap ng ganoong paksa sa isang lugar tulad ng hotel? Marahil ay iniisip ng mga ito na Tagalog ang gamit ng mga ito kaya walang makakaintindi sa usapan ng mga ito. Mayamaya ay nakita niyang tumayo ang mga ito at tinumbok ang papuntang elevator. Pasimpleng sinundan niya ang dalawa. Nakasakay siya sa elevator na nilulalanan ng mga ito. Ngumiti sa kanya ang tinawag na “Hugo” pero nagkunwari siya na hindi iyon napansin. Anim silang lahat sa elevator, kasama ang tatlong Pranses. Nang bumaba sa ground floor ang dalawa ay palihim na sinundan niya ang mga ito. Pumasok ang dalawa sa bar. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita si Alexander na sinalubong ang dalawang lalaki. Nagpalipas muna siya nang ilang minute bago pumasok sa loob.    What to do now, Christine? Pupuntahan ba niya si Alexander at sasabihin dito ang mga narinig niya? Ano ang tsansa na paniniwalaan siya nito gayong sa nakikita niya ay tila malalapit na magkakaibigan ang mga ito? Iisa lang ang sigurado niya, hindi niya puwedeng hayaang mapahamak ang modelo. She looked at her watch. 7:18 PM. Bigla niyang naalala ang appointment niya. She sighed. Kinuha niya ang cell phone niya sa bag at tinawagan ang dapat ay ka-meeting niya. Nagdahilan siya na masakit ang ulo niya kaya hindi siya makakapunta. Nakaunawa naman ito at napagkasunduan nilang kinabukasan na lang sila magkita. Umupo siya sa isa sa mga mesa na malapit sa kinaroroonan ng tatlo. Um-order siya ng fruit punch. Hindi siya mapalagay lalo na at mukhang nahikayat na ng dalawa na uminom ng hard drinks si Alexander. Kung alam lang sana niya kung ano ang hotel suite ni Alexander. Pupuntahan na lang niya ang suite at palalayasin ang babae kapag pumunta na ito roon. Parang ang bagal ng paglipas ng mga minuto. Napaigtad siya nang mayamaya ay makitang tumatayo na si Alexander sa upuan nito.  Tiningnan niya ang suot na relo. Thirty minutes na pala siyang nakaupo roon. Medyo tipsy na rin siya sa ininom na fruit punch at wine na in-order niya. Pero si Alexander ay bahagya nang mabuway ang mga hakbang nang maglakad ito. Nang tumayo na rin ang dalawang lalaki para alalayan si Alexander, mabilis na nag-iwan na lang siya ng ilang euros sa table at mabilis na sinundan ang tatlo.                 God help me! tanging nausal niya habang sinusundan ang mga ito. Napapalatak siya nang makita na ilang room lang ang pagitan ng room ng binata sa kanyang hotel suite.   Nang makaalis na ang dalawa na hindi na nag-abalang pumasok sa suite for obvious reasons, nagpalipas muna siya nang ilang minute bago naglakad palapit doon. Gaya ng inaasahan niya, iniwan ng dalawa na nakaawang ang pinto. Wala sa kama nito si Alexander. Baka nasa CR ito. Hindi naglipat-sandali, nakita niyang umawang ang pinto at pumasok doon ang isang blonde na babae na naka-fur coat. Hindi na siya magtataka kung wala itong suot sa ilalim niyon. Nagulat ito nang makita siya. “Who are you?” mataray na tanong niya sa mahinang tinig bago pa ito makapagsalita. “Ah…” Halatang hindi nito alam ang sasabihin. Alam niyang hindi nito inaasahan na may madaratnang babae roon. “I’m Xander’s girlfriend. I know who you are and what are you up to. Now, I want you to leave this suite or I’ll call the police to arrest you,” mataray na sabi niya rito. “No, no, please. I’m going out,” anito at nagkakandarapang lumabas uli ito ng pinto. Nakahinga siya nang maluwag. Napaupo siya sa kama. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. Ganoon pala ang pakiramdam na nakasalalay sa iyo ang kaligtasan ng isang tao. Nakakakaba at sobrang relief ang mararamdaman mo kapag nagtagumpay ka. Nang maging normal na ang t***k ng puso niya, tumayo na siya para lumabas ng suite. Pero natigilan siya nang may magsalita. “Who are you?” Napaigtad siya sabay lingon dito. Susuray-suray na lumapit ito sa kanya. Tila natulos na siya sa kinatatayuan. Nanlaki ang mga mata nito. “I know I’m drunk bhut I’m shuure I’m not dead. Sho why the hell am I sheeing an angel?” anito sa lasing na boses. Kumunot ang noo niya. Wala sa loob na niyuko niya ang suot. Naka-white flowing dress siya, oo, pero wala naman siguro siyang pakpak para mapagkamalan nitong anghel. “I’m going out. I just saved you from a b***h,” aniya rito. “You just shaved mhe from a witch? Isha kha ngang anghel,” anito na namali pa ng dinig sa “bitch.” Akmang lalabas na siya nang bigla siyang pigilan nito sa braso. Kahit lasing ito ay malakas ito kaya nahila siya nito.          Bumagsak ito sa kama kasunod siya. Bago pa siya makapagprotesta, napihit na siya nito paharap dito. He gently caressed her face that gave her goose bumps all over. Biglang pumasok sa isip niya ang mga sandali na pinagpapantasyahan niya kung ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan nito. “What a lovely angel…” anito habang titig na titig sa kanya. Christine, get out of that room now before it’s too late! Tila iyon ang nagpabalik sa tila nahipnotismo nitong huwisyo niya. Tinangka niyang bumangon pero hindi siya hinayaan nito. Hinapit pa nito nang mahigpit ang baywang niya palapit dito. At bago pa siya makapagprotesta uli, nakabig na nito ang batok niya at sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. Pakiramdam niya ay libo-libong boltahe ng kuryente ang sumigid sa kaibuturan niya sa ginawa nito. Then his hand went to her breast and massage it gently. Her n*****s reacted. She shivered. “Don’t leave, angel. I want to make love to you,” anas nito nang saglit na pakawalan ang mga labi niya. “N—no, Alexand—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang pagpalitin nito ang posisyon nila. Siya na ang nasa ilalim nito. And before she could utter another protest, his lips went down to her lips again, teasingly exploring it, demanding her to respond. Nang iwan nito ang mga labi niya, akmang magsasalita siya pero nauwi iyon sa singhap nang ang leeg naman niya ang paulanan nito ng halik. Nanlalambot na ang mga tuhod niya sa mga sensasyong ginigising nito sa katawan niya. Hindi niya inakala kailanman na may ganito katinding epekto ito sa kanya. Ekspertong pumaloob ang kamay nito sa laylayan ng dress niya. It traveled at the apex of her thigh and sensually touch her there she almost lose her sanity. “Alexander…” she uttered. “You’re so sweet, baby. Remind me everything tomorrow, okay?” he murmured against her neck. “B-but this is not right,” habol ang hininga na sabi niya. Pilit pinananaig ang katinuan ng isip. “Don’t fight it, baby… I wanted you so much. Feel it,” anito, saka tila nanunuksong idiniin sa katawan niya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang ebidensiya ng matinding pangangailangan nito. “P-pero—Oh, God!” sambit niya nang ikulong nito sa bibig nito ang isang dunggot ng dibdib niya. Hindi na niya namalayan na nakalas na pala nito sa pagkakabutones ang dress niya at naalis ang bra niya. She writhed in pleasure when he suckled her breasts alternately like a hungry baby. He was an expert lover. Tila alam na alam nito kung saan ang pleasure points niya na noon lang din niya natuklasan since ito lang ang nag-iisa at unang lalaki na hinayaan niyang maging ganoon ka-intimate sa kanya.   Idinidikta ng isip niya na hindi iyon tama at dapat na siyang umalis subalit hindi magawang sundin ng katawan niya na alipin ng halik at mga haplos nito.              Tuluyang nalagot ang katiting na lang na katinuan niya nang muling bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya. Kusa nang pumulupot ang braso niya sa batok nito at ginantihan ang maalab na halik nito. At nang tuluyan nitong hubarin ang mga saplot niya at paulanan ng halik ang buong katawan niya, buong puso na siyang nagpaubaya. Together they rock the world. She gave him her body, surrendered her soul, and submitted her heart…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD