BABALIK na si Christine at Daphne sa Maynila bukas. Iyon ang napag-usapan nila ni Alexander habang naghahapunan kanina. Nakaramdam si Christine ng lungkot. Isang linggo pa lang sila sa isla pero pakiramdam niya ay habang-buhay na siyang tumira doon dahil ang bigat-bigat ng dibdib niya nang sabihin sa kanya ng binata na aalis na sila. Sa isla kasing iyon ay puwede siyang magpantasya na isang pamilya sila. Doon din sila nagkaunawaan ni Xander. Kahit hindi pa nito sinasabi sa kanya na mahal siya nito, nararamdaman naman niya sa mga kilos nito. Alam niya na mahal siya nito at may respeto ito sa kanya. Alam nito ang limitasyon nito.
Sinulyapan niya ang kanyang anak na mahimbing na natutulog sa kama katabi niya. Si Daphne ang pinakamalaking patunay na mahal siya ni Alexander. Tanggap at mahal nito ang kanyang anak. Totoo at walang halong pagkukunwari. Naaalala pa niya na naiyak ang binata nang matutong maglakad si Daphne. At tuwing may bagong salita na natututuhan si Daphne, daig pa ni Alexander ang isang proud daddy.
Napaungol siya. Palagi na lang si Alexander ang laman ng isip niya. Hindi ito maalis sa kanyang sistema.
Nang hindi siya antukin sa kakaisip dito, nagpasya siyang lumabas ng silid. Pinatungan niya ng roba ang damit-pantulog at lumabas. Maingat na naglakad siya sa hallway patungong kusina para hindi malaman ni Alexander na lumabas siya ng silid niya. Baka kapag nakainom siya ng mainit na gatas ay dalawin na siya ng antok. The sea was calm kaya maalinsangan ang panahon nang mga oras na iyon.
Pero napanganga na lang siya nang pagpasok sa kusina ay naroon ang lalaking hindi mawagli sa kanyang isipan. He was drinking a glass of milk while staring at nowhere. Hindi rin siguro ito makatulog tulad niya pero wala roon ang atensiyon niya kundi sa hitsura ng binata.
Basa pa ang buhok nito at tanging isang puting tuwalya ang nakatapi rito. He was barefoot. Para itong isang Greek god sculpture na biglang nabuhay.
Tila naramdaman na nito ang presensiya niya. He turned slowly to look at her. “Chris…”
“H-hindi ko alam na narito ka. Kukuha lang sana ako ng gatas.”
Hinuli nito ang mailap na mga mata niya pagkatapos ay sinalubong siya ng tingin. His gazes were so fierce and powerful as if he was compelling her to obey what he wanted her to do.
“Come here,” anito. Bago pa niya mamalayan ay kusa nang naglalakad palapit dito ang mga paa niya. Tumigil siya isang hakbang ang layo rito.
Tumaas ang kamay nito at marahang hinaplos ang gilid ng mukha niya. “You’re so beautiful…” anito.
“Xander…”
Yumuko ito para angkinin ang mga labi niya. Kusang kumawit ang isang braso niya sa batok nito. Napaungol ito sabay hapit sa kanya palapit sa katawan nito upang lalo pang palalimin ang halik. While his lips were busy with her lips, his hands were also busy doing their own exploration. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang pagkahulog ng roba niya sa sahig na sinundan ng kanyang damit-pantulog. Her instinct was to cover her bare breasts in his eyes burning with so much desire. Pero hindi niya magawa dahil nakikita rin niya sa mismong mga matang iyon ang paghanga sa katawan niya.
“Look at me, Chris…” His voice was husky.
She looked at his eyes and she saw both passion and need. “Xander…”
“I want you forever and for eternity...” mababa ang boses na sabi nito, punong-puno ng emosyon.
She wasn’t hypocrite not to admit she wanted him as much as he wanted her. “S-show me how much…” she boldy replied. They were only heartbeats apart.
Marahang humaplos ang maiinit na palad nito sa kanyang leeg papunta sa kanyang balikat. Napapikit siya. Ramdam niya ang nanunuot na titig nito habang patuloy na naglalakbay ang mga palad nito hanggang sa makarating ang mga iyon sa ibabaw ng kanyang mga dibdib. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa pagragasa ng sensasyon sa buong sistema niya sa maiinit na haplos nito. When he teasingly played with her n*****s, groan escaped from her lips. Pero naputol ang ungol na iyon nang angkinin nito ang mga labi niya. He was gently teasing her lips at first, then it became passionate the next, coaxing her to respond.
Kinabig niya ang ulo nito para tugunin ang halik nito. Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam na maghangad ng higit pa sa kanyang natatanggap. Because at that moment, she couldn’t wait to have him inside her. Intense passion was already consuming her.
Lalo pang pinalalim ni Alexander ang halik, mas mapusok, at mas maalab. Dinama rin niya ang katawan nito, katulad ng pagdama nito sa kanyang katawan. Ang bawat haplos nito ay tila nag-iiwan ng marka sa kanyang pagkatao. At sa bawat dantay ng mga palad nito ay naroon ang nakalalasing na sensasyon. Noon din niya naramdaman ang pagbagsak ng tuwalya sa sahig.
“X-Xander, please!” pagmamakaawa niya kahit hindi niya alam kung para saan iyon. Pakiramdam niya ay may kung anong sasabog sa kaloob-looban niya anumang sandali.
Tila nahulaan nito kung para saan ang mga daing na iyon. Binuhat siya nito at dinala sa pinakamalapit na sofa bed. Paglapat ng likod niya roon ay muli nitong inangkin ang mga labi niya. She was drawn in a whirlpool of sensation as his lips insatiably explored her body. She could feel his desire as her own desire swirled hotly through her. She couldn’t do anything but to moan and arch her body in so much pleasure and need that was consuming her.
“Xander, oh, please!”
As a response, he gently thrust deep inside her. Napangiwi siya sa bahagyang sakit na naramdaman. Dagli itong tumigil nang makita ang discomfort niya. He hesitated to continue.
“Go on…” aniya rito.
Marahan nga itong gumalaw sa ibabaw niya. Tila tinantiya muna siya nito bago nito pinabilis ang paggalaw. And when they both reach the zenith, they both called each other’s name.
MADALING-ARAW na pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Christine. Mahimbing nang natutulog si Alexander sa kanyang tabi. His arms were possessively embracing her. Ang mainit at mabangong hininga nito ay tumatama sa kanyang mukha.
A tear of joy and contentment fell in her eyes. She had never felt so womanly before. She felt so desirable when he made love to her last night. Mula sa sofa bed ay pinangko siya nito patungo sa silid nito at muli nilang pinagsaluhan ang maiinit na sandali.
Sumiksik siya sa dibdib nito. Bahagya itong gumalaw at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
“G-Geraldine…”
Natigilan siya. Bahagyang iniangat niya ang kanyang ulo para makita ang mukha nito. Nakapikit pa rin ito pero nakakunot ang noo na tila hindi mapalagay.
“Geraldine…”
Katabi siya nito pero ibang pangalan ng babae ang sinasambit nito sa pagtulog? Parang may pumiga sa puso niya.
Relax, Christine. Nananaginip lang si Alexander. Hindi mo naman alam kung sino ang Geraldine na iyon. For all you know, kamag-anak niya iyon or something, pagpapakalma niya sa sarili.
“Huwag ka munang umalis, Geraldine. Please stay… I love you… You’ll always be here in my heart.”
Natigilan siya sa narinig. Kasunod niyon ay kusang pumatak ang mga luha niya. Nanikip din ang kanyang dibdib. Mabuti pa ang Geraldine na iyon, nasabihan ni Alexander ng “I love you” kahit sa panaginip lang samantalang ni minsan ay hindi nito sinabi sa kanya ang mga salitang iyon. At palagi raw itong nasa puso ni Alexander. Kung ganoon, ano pala ang ibig sabihin ng nangyari sa kanila? Wala lang? Tinutop niya ang bibig upang huwag kumawala ang hikbi mula sa lalamunan niya.
Maingat na bumaba ng kama si Christine. Isinuot niya ang roba at nagtungo sa veranda. From there she could see the sun slowly rising. Subalit hindi niya ma-appreciate ang kagandahang iyon dahil sugatan ang puso niya. Hindi niya alam kung sino si Geraldine dahil wala naman siyang natatandaang na-link dito na may ganoong pangalan.
Ang akala pa naman niya ay magiging masaya na siya sa kabila ng kakulangan ng alaala niya. Tinanggap niya ang pagmamahal ni Alexander kahit may amnesia siya dahil hindi niya nararamdaman sa puso niya na may pinagtataksilan siyang ibang lalaki. Besides, kung may nobyo siya at ito ang ama ni Daphne, bakit sa tinagal-tagal ay hindi ito nagpakita sa kanya? Kaya ang konklusyon niya ay hiwalay na sila bago pa man niya ipanganak si Daphne.
She sighed. Parang sasakit ang ulo niya sa samut-saring isipin. Ano ngayon ang gagawin mo, Christine?
Mariing pumikit siya bago bumalik ng silid. Kinuha niya ang kanyang cell phone bago muling nagtungo sa veranda. Tatawagan niya ang kanyang ina. Early riser ito kaya malamang na gising na ito nang mga oras na iyon.
“Mommy…” aniya nang sagutin nito ang tawag niya. Sumulyap siya sa kama. Tulog na tulog pa rin si Alexander.
“O, hija, good morning. Ngayon kayo babalik, `di ba? Iyon ang sabi sa akin ni Xander noong huling tumawag siya. How’s my apo? Nag-enjoy ba kayo?”
Napapikit siya. Hindi niya puwedeng sabihin dito ang nangyari. “Mommy, may pabor akong hihingin,” wika niya sa halip na sagutin ang mga tanong nito.
Natigilan ito. “Ano iyon, hija?”
“Gusto ko sanang magbakasyon kasama si Daphne. Paki-book po kami ng earliest flight to Barcelona sa makalawa. Okay pa naman ang visa ko, ilang months pa bago mag-expire. B-bigla ko kasing na-miss si Kuya.” Kailangan niyang lumayo pansamantala. Kailangan niyang mag-isip at planuhin ang susunod niyang hakbang.
“Chris, may problema ba?”
Bumuntong-hininga siya. Mukhang nakatunog pa rin ito kahit nagkaila na siya. “Saka na ako magpapaliwanag, Mommy. Bye.”
“NAMAMAWIS ang mga palad mo, Xander,” buska ni Vladimir sa kanya.
Alas-sais ng gabi. Nasa kotse sila ng kapatid at kasalukuyang ipinapasok ang sasakyan sa bakuran ng mga Vinluan. They were there to ask for Christine’s hand in marriage. Kahapon ng umaga niya inihatid ang mag-ina sa bahay ng mga ito.
“Shut up, Kuya Vlad,” angil niya sa kapatid. He was nervous and excited at the same time.
Bumaba sila ng kotse. Hindi pa sila nakakapag-doorbell ay bumukas na ang front door at mula roon ay nakita niya ang mommy ni Christine.
“Good evening po, Tita,” bati niya sa ginang. Binati rin ito ng kuya niya. Lihim siyang napangiti nang mapansin ang bahagyang pamumula ng mga pisngi ng ginang nang hagkan ito sa pisngi ng kapatid niya. Tagahanga nga talaga ito ni Vladimir. Inanyayahan sila ng ginang na pumasok ng bahay. Pinaupo sila ng ginang sa sofa.
“Tita, ang mag-i—I mean, nasaan po sina Christine at Daphne? Tahimik po yata ang bahay,” aniya. Nasanay na kasi siya na tuwing pupunta siya sa mansiyon ng mga Vinluan ay naririnig niya ang hagikhik ng bata.
“Wala sila rito, hijo.”
“Ano pong wala rito sina Christine at Daphne, Tita? Umalis po ba sila? Namasyal?” sunod-sunod na tanong niya.
“Nasa Barcelona ang mag-ina. Kaninang umaga lang umalis.”
Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. “What?”
“Pagkahatid mo sa kanila dito sa bahay kahapon, nagpahinga lang saglit si Christine at dumeretso na sa tatlong boutiques niya at nagbilin sa store managers niya sa mga iyon. Tumawag kasi siya sa akin noong nasa isla kayo. Gusto raw niyang magbakasyon sa kuya niya. Nagtaka nga ako dahil biglang-bigla naman. Ano ba ang nangyari sa isla?” tanong ng ginang.
Napatingin siya kay Vladimir. “Kuya…” aniya na nais humingi ng saklolo rito. He thought everything was okay at nagkakaintindihan sila ni Christine. All right, medyo matamlay nga si Christine noong ihatid niya ang mag-ina pero ang sabi nito nang tanungin niya ay masama lang daw ang pakiramdam nito. Hindi na niya ito gaanong inusisa dahil occupied din siya ng isipin kung paano niya sasabihin dito na siya ang ama ni Daphne. Noong nasa isla sila ay napanaginipan niya ang kapatid na si Geraldine, o mas kilala sa palayaw na “Hera.” Sa panaginip niya ay inakala niyang aalis ito pero pupuntahan lang pala nito si Daphne. Masaya itong nakipaglaro sa anak niya. Mukhang kambal ang mga ito. Gusto sana niyang ikuwento ang tungkol doon kay Christine pero paggising niya ay kumibo-dili na ito dahil masama nga raw ang pakiramdam nito.
Somehow ay nag-aalala siya na kapag nalaman ni Christine na siya ang ama ni Daphne, baka isipin nito na ang anak lang nila ang dahilan ng pakikipaglapit niya rito. Pareho niyang mahal ito at ang anak nila.
Nahigit niya ang kanyang hininga sa huling naisip. Oo, mahal niya si Christine kahit ni minsan ay hindi niya nasabi ang mga katagang iyon dito. Napaisip tuloy siya. Hindi kaya nasaktan ito dahil iniisip nitong hanggang attraction lang ang mayroon siya para dito? Nasabunutan niya ang ulo sa sobrang frustration. Nang tingnan niya ang mommy ni Christine, nakita niyang mataman ang pagkakatingin nito sa kanya.
“Tell me the truth, hijo. Ikaw ba ang ama ni Daphne?”
Napaunat siya ng upo dahil sa tanong ng ginang.
“Matagal ko nang napapansin ang similarities n’yo ni Daphne,” dagdag pa ng ginang.
Sumulyap siya sa kapatid.
Nakuha naman nito ang ibig niyang ipahiwatig. Tumango ito. “Go ahead, Xander, gawin mo ang gusto mong gawin. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Mrs. Vinluan ng mga nalalaman natin. Tawagan mo si Ezekiel. Maybe he could pull some strings para mabilis kang makalipad patungong Barcelona,” anang kuya niya.
Tumango siya bago binalingan ang ginang. “Tita, si Kuya na po ang bahalang magpaliwanag sa inyo ng lahat. Ang masasabi ko lang po, mahal ko ang anak at apo n’yo. Mahal ko ang mag-ina ko.”
Ngumiti ito na marahil ay nauunawaan ang nararamdaman niya. “I know. Sige na, sundan mo sila at mag-usap kayo. She was at her brother’s house in Barcelona.” Isinulat nito ang kompletong address at ibinigay sa kanya. Mabilis na nagpaalam siya at umalis na. Nagmamaneho na siya nang tawagan niya si Ezekiel.
“Xander, hi.” Si Patrice ang sumagot ng phone ni Ezekiel. “Nasa shower pa si Zeke. May kailangan ka ba?”
“Hi, Patrice, listen. Sisingilin ko na kayo sa utang n’yo ni Zeke sa akin. Ako ang dahilan kaya kayo nagkaayos ni Zeke, now, gusto kong tulungan n’yo ako para kami naman ni Christine ang magkaayos.”
Tumawa ito mula sa kabilang linya. “Anong tulong naman ang pinag-uusapan natin dito, Mister Model?”
“Kailangan kong lumipad patungong Barcelona ASAP. Expired na ang visa ko kaya aabutin pa ng ilang araw bago ako makalipad patungong Barcelona. Maybe Zeke could pull some strings para mapabilis ang processing ng papers.”
“Walang problema, Xander,” sagot ni Ezekiel mula sa background. Mukhang ini-loudspeaker ni Patrice ang phone nito. “Where are you? Dala mo ba ang mga travel documents mo? If so, dumeretso ka na sa Moreno Empire Building. Ang sekretarya ko na ang bahalang mag-ayos ng lahat.”
Nakahinga siya nang maluwag. “Sige.”
“Magpo-propose ka na ba, Xander?” tanong ni Patrice.
“Yes.”
“Great! May ideya akong naisip, gusto mong marinig?”
“Sure.”