PAGDATING nina Christine at Alexander sa bahay ay dumeretso agad si Christine sa silid na inookupa nila ni Daphne. “Akina si Daphne, Xander. Bibihisan ko muna siya bago pa siya makatulog.”
“Here.” Iniabot nito sa kanya ang anak niya. “Grabe, lalong lumulusog ang batang iyan kapag—” Natigilan ito gayon din siya. Nang ilipat kasi nito sa bisig niya ang kanyang anak, aksidenteng nasagi nito ang gilid ng dibdib niya. She felt a different kind of sensation with that accidental touch. Hindi nakahadlang ang damit na suot niya para hindi iyon manulay sa bawat himaymay ng kanyang laman.
Napatingin siya rito. Wala sa loob na naiawang niya ang mga labi niya. Umungol ito na tila nahihirapan. Taas-baba rin ang Adam’s apple nito dahil sunod-sunod itong lumunok.
“Oh, please, Christine! Don’t give me that kind of look as if you wanted me to kiss you. I might give it to you… and even more than that.”
Nag-init ang mga pisngi niya. Agad niyang itinikom ang bibig. Tinalikuran niya ito at nanginginig ang mga kamay na inasikaso si Daphne. Mayamaya ay narinig niya ang pagsara ng pinto. Nang lumingon siya ay wala na si Alexander. Nasapo niya ang dibdib na parang noon lang niya nagawang huminga. Ipinagpatuloy na niya ang pag-aasikaso kay Daphne. Namumungay na ang mga mata nito sa antok kaya pagkabihis dito ay pinatulog na niya ito. Kapagkuwan ay pumunta siya sa kusina para hugasan ang feeding bottle nito. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang eksena kanina. For a moment there, inakala niya na mauuwi iyon sa paghalik ni Alexander sa kanya.
Pumihit siya para bumalik na sa silid nang mabangga siya sa isang matigas na bagay. Nakaawang ang bibig na tiningala niya ang nabangga niya. Nasalubong ng mga mata niya ang mga mata ni Alexander na titig na titig sa kanya. Pakiramdam niya ay mabibingi na siya sa sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
“Chris…” sambit ni Alexander.
Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito dahil pakiramdam niya ay malulusaw siya pero mukhang hindi ito papayag na gawin niya iyon. Dumako ang mga daliri nito sa baba niya at masuyong iniangat ang mukha niya. His coffee brown eyes were compelling her to meet his intense gaze. Mula sa baba ay dumako sa batok niya ang kamay nito at pumaloob sa kanyang buhok habang ang isang kamay nito ay dumako sa baywang niya para hapitin siya palapit.
“X-Xander…” Hindi niya alam kung para saan ang ginawa niyangg pagsambit sa pangalan nito. Pakikiusap ba iyon na huwag nitong ituloy ang nais nitong gawin at umalis na, o pakikiusap na gawin na nito ang nais nitong gawin sa kanya at huwag na siyang patayin sa sobrang antisipasyon.
Tila ang pagsambit niya sa pangalan nito ang naging hudyat para gawin nito ang binabalak. Before she could utter another word, he already lowered his face to her and claimed her lips. Hesitant at first, as if he was just tasting its sweetness. Nanunukso, nagpapasabik, at tila nanghahalina. Napaungol siya sa pagpoprotesta. She wanted him to deepen the kiss. Lalo siyang nakaramdam ng protesta nang tumigil ito sa ginagawa at sa halip ay tinitigan ang kabuuan ng mukha niya na parang kinakabisa ang bawat anggulo niyon.
Nagpakawala siya ng ungol ng protesta. Kasunod niyon ay siya na ang kumabig sa batok nito para ituloy ang paghalik sa kanya. Naramdaman niya sa mga labi ang pagngiti nito, at saka siya muling hinapit para gantihan ang kanyang halik.
When he deepened the kiss, she saw in her mind different bright colors burst beautifully right in front of her. Pakiramdam niya, unti-unting binuo ng halik na iyon ang pagkatao niya. That was their first kiss but it felt so familiar to her. It felt like she had taste those wonderful lips before.
Lalo nitong pinalalim ang halik, naging mas mapusok, mas maalab, at mas mainit. Hindi na siya sigurado kung sino sa kanila ang umuungol, o pareho lang sila? He was kissing her so passionately and she was responding with the same intensity.
Mayamaya ay naging mas mapangahas ito. His hand slid inside her shirt and cupped the fullness of her breast with his hand.
“Xander…” daing niya. Hindi niya alam kung para saan ang daing na iyon. One thing is for sure, Alexander awakened something primitive inside her. Kayang-kaya siya nitong pasunurin sa kahit anong gustuhin nito dahil sa nakakawala sa sariling mga sensasyong ipinaparamdam nito sa kanya. Tumindi pa iyon nang maglakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan. His lips traveled down to her neck. She bit her lips when Alexander nudges one of his legs between her thighs. He was driving her crazy.
Patungo na sa dibdib niya ang nagbabagang mga labi nito nang bigla itong huminto.
“Narinig mo ba iyon?” tanong nito.
Pinakinggan niya kung ano ang tinutukoy nito. Narinig niya ang hagikgik ng bata. “M-mukhang gising na si Daphne,” aniya. Ngayong bumalik na siya sa huwisyo, nakaramdam siya ng matinding pagkahiya. Nag-init ang mga pisngi niya. Kung hindi pa nila narinig ang hagikgik ni Daphne, walang pag-aalinlangang ibibigay niya ang sarili sa binata!
Mukhang nahalata nito ang uneasiness niya. Kinabig siya nito para yakapin. Hindi na siya tumutol. Isinubsob na lang niya ang kanyang mukha sa dibdib nito.
“Don’t feel ashamed. Walang masama sa ginawa natin, Christine. Wala tayong sinagasaang tao. We’re both single. We can make it work… you know what I mean?”
Tumango na lang siya kahit ang totoo ay hindi niya alam kung ano eksakto ang ibig nitong sabihin. Isa lang ang malinaw sa kanya ngayon. Mahal niya ito.
“S-si Daphne…”
“Tanggap ko si Daphne. I love her.”
How about me, mahal mo rin ba ako o sexually attracted ka lang sa akin? Nais sana niyang itanong pero wala siyang lakas ng loob para isatinig iyon.
“Come on, puntahan na natin ang anak natin,” nakangiting sabi nito bago inilahad sa kanya ang kamay nito. Alam niya na kapag tinanggap niya ang kamay nito, mangangahulugan iyon tinatanggap na niya ang pagbabago sa relasyon nila ni Alexander. Naalala niya ang huling sinabi nito.
Anak natin. Napangiti si Christine. Masarap isipin na tanggap nga talaga nito si Daphne. Huminga siya nang malalim bago tinanggap ang kamay nito. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito bago nila pinuntahan sa silid ang bata.
Gising na nga si Daphne. At ang dahilan ng paghagikgik nito, ang mga ibong nakadapo sa bintana ng bahay. Kinuha ni Alexander si Daphne at ipinaghele ito. He was humming a song and she couldn’t help but smile. Kung sana lang ay magkahimala na magising siya isang araw at malaman niya na si Alexander pala ang tunay na ama ng anak niya. Pero alam niyang malabong mangyari iyon.
Siya lang naman ang may amnesia, si Alexander ay wala. Hindi naman siguro nito ikakaila sa kanya kung may nangyari sa kanila noon. Subalit halatang wala itong alam. Ah, sana ay bumalik na ang nawawala niyang alaala…
Pagkaalala sa sakit niya, nabahiran ng lungkot ang kaninang sayang nararamdaman niya.
“COME on, Daphne!” pang-eengganyo ni Alexander sa anak niya. Nakatayo ang bata habang hawak ni Christine ang dalawang kamay nito. Isang metro ang layo niya kay Daphne. Nakabuka ang mga kamay niya rito. Puno ng excitement at antisipasyon ang mukha nila ni Christine.
“Da-da, da-da!” masayang wika ni Daphne, saka humagikgik. Kumawag-kawag ito na tila nais kumawala mula sa pagkakahawak ni Christine para mapuntahan siya.
“Yes. Come to Daddy, baby.” Tumingin siya kay Christine. Nakangiti ito. Halo-halo ang mga emosyong nasa mga mata nito.
“Dada!” Inihakbang ni Daphne ang kanang paa nito. Nahigit niya ang kanyang hininga dahil sa matinding antisipasyon.
“Bitiwan mo na siya, Christine!” utos niya rito.
Dahan-dahang binitiwan nito ang mga kamay ng bata. Nanatiling nakatayo si Daphne na tila binabalanse ang sarili. Tila seryosong-seryoso ito sa pagsisikap na makatayo nang mag-isa dahil tumigil ito sa paghagikgik.
“Come on, baby. Come to Daddy!” masayang udyok niya.
“Dada…” Daphne moved forward her right foot. Kasabay ng paghakbang nito papunta sa kanya ay ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. At nang tuluyan itong makalapit sa kanya pagkatapos ng ilang beses na pagkabuwal at muling pagsubok na tumayo at humakbang, masuyong ipinaloob niya sa kanyang bisig ang kanyang munting anghel. Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya. It was an overwhelming feeling. It was priceless. Nasaksihan niya ang unang paglalakad ng kanyang anak. Yes, anak niya. Mula nang makita niya ang DNA test result, inangkin na niyang anak ang bata.
Sinulyapan niya si Christine. “Nagawa niya, Christine! Nagawa niya!” bulalas niya bago pinupog ng halik ang bata na muli na namang humagikgik na tila nakikisalo sa kasiyahang nararamdaman niya. Namamasa rin sa luha ang mga mata ni Christine nang lumapit sa kanila ni Daphne. Yumakap din ito sa kanya. He smiled contently. Ang kanyang mag-ina sa kanyang bisig, mas may hihigit na kasiyahan pa ba roon?
Tumingala sa kanya si Christine. Bahagyang nakabuka ang mga labi nito. Tiningnan niya ito sa mga mata. Naroon ang isang emosyon na tila isang imbitasyon na hagkan niya ito. And he was more than willing to oblige. Bahagya siyang yumuko at masuyong inangkin ang mga labi nito. He kissed the left corner of her mouth, sensually moving to her upper lip and nibbling it. Then he claimed the full curve of her lower lip. The kiss was more playful than provocative. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, naroon ang kasiyahan sa kanilang mga mata.
“ALEXANDER!” gulat na saway ni Christine sa binata nang bigla na lang siya nitong yakapin mula sa kanyang likuran. Nasa kusina siya at nagluluto.
“Ang lutong naman ng pagkakabigkas mo sa pangalan ko,” wika nito bago tila naglalambing na ikinalang nito ang baba sa balikat niya habang nananatiling hapit-hapit nito ang baywang niya.
“Bakit ka ba kasi nanggugulat? Paano kung nahampas kita ng sandok o kaya nabanlian ako ng mainit na—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang marahang dumampi ang mga labi nito sa gilid ng leeg niya. Agad nanulay ang mumunting kuryente sa kanyang katawan.
“Huwag ka nang magalit, gusto ko lang namang maglambing,” bulong nito. Napasinghap siya nang tila nanunuksong kinagat nito ang kanyang earlobe.
“N-naglalambing ka ba o nang-aakit?” nauutal ba tanong niya na ikinahalakhak nito. Kumawala siya sa bisig nito. Kinuha niya ang isang kamay nito at inilagay roon ang sandok. “Hayan, ikaw na ang magluto para hindi kung ano-ano ang pumapasok sa ulo mo.”
Sumimangot ito. Natawa siya. Ang cute talaga nito. Muntik na niyang panggigilan ang mga pisngi nito.
“Okay, magluluto ako, but…”
“But…?” nakataas ang isang kilay na tanong niya. Mukhang may iniisip na naman itong kapilyuhan.
“Kailangan ko ng inspirasyon. Hindi ba at nagiging masarap daw ang mga lutuin kapag masaya o inspirado ang nagluluto?” Iniumang nito ang isang pisngi sa kanya. “Kiss me to inspire me.”
Pinandilatan ito ni Christine. “Ano ka, sinusuwerte? Mang-iisa ka pa, ha,” aniya na nagpipigil ng ngiti.
“Please?” nagpapa-cute na pakiusap nito.
Umakto siyang nag-iisip. “Sige, hahalikan kita pero may kondisyon din ako.”
Parang bombilyang nagliwanag ang mukha nito. “Shoot! Ano iyon?”
Ngumiti siya nang malapad. “Kakanta ka uli mamaya.”
“Walang problema. So nasaan na ang kiss ko?” ungot nito.
Dumukwang siya para halikan ito nang pigilan siya nito. Nagtatanong ang mga mata na tiningnan niya ito.
“On the second thought, ayoko na pala sa pisngi…”
“Eh, saan mo na gusto?” tanong niya.
“Let me show you,” anito, bago siya kinabig at inangkin ang mga labi niya. Katulad ng palaging nangyayari kapag hinahalikan siya nito, para siyang yelong natutunaw…
NAPAPANGITI si Alexander habang pinagmamasdan sina Christine at Daphne na naglalaro sa sala na nilatagan nila ng makapal na kutson. Binubulaga ni Christine si Daphne na panay ang tili at hagikgik. Hindi niya inakala na magdudulot sa kanya ng sobrang kaligayahan ang simpleng pagmamasid lang sa dalawang napakaespesyal na tao sa buhay niya ngayon. At oo, hindi lang si Daphne ang mahal niya kundi maging si Christine. He loved everything about her. Sa eroplano pa lang ang nakaramdam na siya ng attraction dito. Kaya nga lihim siyang nanghinayang nang malaman niyang anak nito si Daphne dahil maaaring mangahulugan iyon na may asawa na ito. Kaya labis din siya natuwa nang malamang wala pa itong asawa.
He was so drawn to her like magnet. Hindi rin niya inakala na isang pag-ibig ang matatagpuan niya sa pag-uwi niya sa Pilipinas at isang napakagandang sorpresa sa katauhan ni Daphne.
Gayunman, nananatiling malaking palaisipan sa kanya kung paano niya naging anak si Daphne. Kung sana ay napakadali lang na itanong ang bagay na iyon kay Christine.
“Hi, Daddy…” ani Christine nang marahil ay mapansin nito na pinagmamasdan niya ito at si Daphne. Hinawakan pa nito ang pulsuhan ng anak at ikinaway-kaway sa kanya ang munting kamay nito. Daphne giggled. Nakangiting kinawayan din niya ang dalawa.
Tumunog ang cell phone na nasa bulsa ng cargo shorts niya. Kinuha niya iyon, Nakita niyang si Vladimir ang tumatawag. Bumaba siya mula sa kinauupuang pasamano at lumabas ng bahay.
“Kuya,” aniya nang sagutin ang cell phone.
“Kumusta ang bata, Xander?” tanong ni Vladimir.
Napangiti siya. “Mabuti naman siya…” Tumikhim siya nang magkabikig ang lalamunan niya. Warmth surged through his heart.
“O, bakit ganyan ang boses mo?” tanong ng kuya niya.
Tumikhim siya para pagluwagin ang dibdib bago sumagot. “Alam mo ba, Kuya Vlad, nasaksihan ko ang unang hakbang ni Daphne, ng anak ko? And you know what? Mas fulfilling at satisfying pa pala iyon kaysa kapag nagko-closing walk na ako sa isang fashion show. I cried in so much joy, can you believe that?”
He could imagine Vladimir smiling tenderly at the other line. “Masaya ako para sa iyo, Xander.”
“S-salamat, Kuya. May isa pa akong gustong sabihin.”
“Ano iyon?”
“I… I love her.”
“Her? Si Christine ba ang tinutukoy mo, Xander?”
“Sino pa ba? Of course, si Christine ang tinutukoy ko, I love her.”
“Sigurado ka ba sa nararamdaman mo? Hindi kaya nakakaramdam ka lang ng affection sa kanya dahil siya ang ina ni Daphne?”
Umiling siya kahit hindi nito nakikita. “I have never been this sure in my entire life, Kuya. Kahit noong hindi ko pa nalalamang anak ko si Daphne, iba na ang nararamdaman ko para sa kanya.”
“Okay, I believe you. Basta kung saan ka masaya, doon ka, Xander…”
“Thank you, Kuya.”
“Xander, `yong ‘assignment’ mo, kumusta?”
Napabuntong-hininga siya. Alam niya kung ano ang tinutukoy nitong assignment niya. Kaya niya dinala si Christine sa isla ay para alamin ang katotohanan mula rito pero hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin siyang makuhang sagot.
“Wala pa rin, Kuya. Para talagang walang alam si Christine na ako ang ama ni Daphne and it puzzled the hell out of me.”
“Dahil may sakit siya, Xander. May retrograde amnesia si Christine.”
Tila nanlaki ang ulo niya sa sinabi nito. “What? Did you say amnesia?”
“Hindi ba sinabi ko sa iyo na mag-iimbestiga ako? Well, I’ve got some information mula sa mommy ni Christine. Naaksidente pala si Christine mahigit isang taon na ang nakararaan. Ilang linggong comatose si Christine dahil sa head injury niya. Paggising niya, may retrograde amnesia na siya. Meaning, nagkaroon ng gap ang memory niya. Naaalala niya ang lahat maliban sa ilang buwan na nawala sa memorya niya bago ang aksidente.”
Nakaawang ang bibig na siya sa loob ng bahay. Abala pa rin sa paglalaro ang mag-ina.
“Xander, nandiyan ka pa ba?” untag sa kanya ng kuya niya.
“Y-yes, Kuya. Ano pa ang natuklasan mo?”
“Sa ospital lang nalaman ng mga Vinluan na buntis si Christine. Hindi rin nila alam kung sino ang ama ng bata. At the time, mahigit isang taon na raw na hiwalay si Christine sa huling boyfriend niya kaya imposibleng iyon ang ama. Wala rin silang nakuhang sagot kay Christine dahil may amnesia nga siya. Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang nawalang alaala sa kanya.”
“I… I don’t know what to say…”
“I understand. But we’re getting close, Xander. Napag-alaman ko rin na nasa Paris si Christine noong panahong mabuo si Daphne.”
“Nasa Paris siya noon?” paniniyak niya. Tila nabuhay ang lahat ng dugo niya sa katawan dahil sa narinig.
“Ganoon na nga. Pabalik-balik siya that time sa iba’t ibang bansa. Sa ngayon, tinatrabaho na ng tao ko ang pag-alam sa naging routine doon ni Christine. Tatawagan kita sa sandaling makakuha ako ng bagong impormasyon.”
Matagal siyang hindi nakaimik. Hindi pa niya napoproseso sa isip ang lahat ng nalaman niya kay Vladimir.
“Are you okay, Xander?” untag ni Vladimir sa kanya.
“Okay lang ako, Kuya. Thanks for the info.”
“Walang problema. Kiss Daphne for me.”