Chapter 9

2125 Words
BUMALIK si Christine sa silid at sinilip ang kanyang anak. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Daphne was sucking her thumb. Ipinasya niyang bumalik sa kusina. Tiningnan niya ang laman ng refrigerator. Puno iyon ng laman. Mukhang pinaghandaan ni Alexander ang lahat. Kaysa mainis uli, nagdesisyon siyang magluto ng agahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung pipilitin ba niya si Alexander na iuwi na silang mag-ina o ie-enjoy na lang niya ang malaparaisong lugar na iyon. Gayunman, nananatiling isang malaking palaisipan sa kanya kung bakit nito iyon ginawa. Hindi niya alam na capable itong gumawa ng ganoong bagay. Huminga siya nang malalim bago inilabas mula sa ref ang mga rekadong kakailanganin niya sa ilulutong ulam. Magluluto muna siya ng kanin sa rice cooker.             Naghuhugas na siya ng bigas nang muling pumasok sa kusina si Alexander. She hoped her eyes wouldn’t betray her hidden admiration for him. Nakaligo na ito. Naka-brush up ang buhok nito na mamasa-masa pa. Naka-walking shorts at T-shirt lang ito pero ang tikas-tikas pa rin nitong tingnan. Nanunuot ang aftershower na bango nito sa buong kusina. Matagal na niyang napansin na hindi gaanong tinutubuan ng stubbles ang pisngi at baba nito. Nang makita siya nito ay ngiting-ngiting lumapit ito sa kanya, nakatago ang isang kamay sa likuran nito. “I have something for you,” he said coyly. Inilabas nito ang kamay na nasa likuran na may hawak pala ng isang pumpon ng ligaw na mga bulaklak. Iniabot nito iyon sa kanya.    Sinupil niya ang kanyang ngiti. Ang cute kasi nitong tingnan.  “Ano `yan?” kunwa ay bale-walang tanong niya rito nang abutin niya ang mga bulaklak. Ngiting-ngiti ito kaya lalong naging kaakit-akit ito sa paningin niya. Tila bumata ito ng ilang taon kaysa sa tunay nitong edad. “Peace offering ko.” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Para saan? Sa pag-‘kidnap’ sa amin ng anak ko? Sa p-pangha-harass sa akin?” Pangha-harass ka diyan! Bakit hindi mo aminin na gusto mo rin kapag hinahalikan ka niya? tudyo sa kanya ng isip niya.     “Sa lahat ng kasalanan ko.” Hindi siya sumagot. Itinuloy niya ang pagsasalang ng sinaing. “Chris…” marahang tawag nito sa kanya. “What?” nandidilat na tanong niya rito. Nagkamot ito ng ulo. Muntik na siyang matawa sa hitsura nito. Nagmukha itong torpeng teenager. Pagkatapos ay panakaw na sinulyapan siya nito na parang nagpapa-cute. Exaggerated na ngumiti ito na parang bata na kukunan ng picture at sinabihang “smile!” Kung hindi lang niya napigilan ang sarili, baka napabunghalit na siya ng tawa. “Sorry na, please?” anito na pinagsalikop pa ang mga palad. “`Pag tinanggap ko ba `yang sorry mo, iuuwi mo na kami ni Daphne?”       Naging pilyo ang ngiti nito. Naupo muna ito sa kitchen counter bago siya sinagot. “Iuuwi ko kayo ni Daphne sa bahay ko? Sure!” “Xander!” sita niya rito kahit lihim siyang kinilig sa biro nito. Humalakhak ang binata. Grabeng pagpipigil din ang ginawa niya para hindi ito pagmasdan habang bigay-todong tumatawa. Goodness! Ano ba itong nararamdaman niya? Bakit tila musika sa kanyang pandinig ang tawa nito? “Masyado kang hot…” “Ano?!” naeeskandalong tanong niya. “Masyado kang hot! As in, masyadong mainitin ang ulo mo. Bakit, ano ba ang iniisip mong ibig kong sabihin na masyado kang hot?” nakangising tanong nito. “W-wala!” pagkakaila niya. Bumaba ito mula sa pagkakaupo sa kitchen counter. Kinuha nito ang mga ligaw na bulaklak na ipinatong niya sa counter at muling iniabot sa kanya. “Sorry na,” malambing na sabi nito bago iniabot sa kanya ang mga bulaklak. He wasn’t teasing anymore. Seryoso na rin ang hitsura nito. “I did drastic move by bringing you here. Maniwala ka sana na wala akong intensiyon na saktan ka o ang bata. Ginawa ko lang iyon para makasama kayong magbakasyon kasi baka hindi ka pumayag kung sinabi ko agad sa iyo ang totoo.” Kunsabagay, baka nga magdalawang-isip siya na sumama rito kung sinabi nito ang totoo. It’s not that she didn’t trust him. It’s because she was aware of the effect he had on her and it was dangerous to be that near to him.                 “Isa pa, ipinagpaalam naman kita at si Daphne sa mommy mo. Sinabi ko sa kanya ang totoo.” Napaangat ang tingin niya rito. Kaya pala sobra-sobra ang lamang infant formula, diapers, at iba pang gamit ng anak niya sa nappy bag. Malamang na i-anticipate ng mommy niya na maaaring magtagal sila sa isla. Ang mommy kasi niya ang nagprisinta na mag-ayos ng laman ng nappy bag habang inaasikaso niya si Daphne sa pagsama nila kay Alexander sa isla. Parang hindi na rin ito nabigla nang magpaalam siya rito na sasama sila ni Daphne kay Alexander dahil binyag ng anak ni Patrice. Why, her mother was a fan of Mondragon brothers. “Bakit mo ba ginagawa ito, Xander?” “Sinabi ko na, `di ba? Gusto ko kayong makasama.” “Bakit gusto mo kaming makasama?” muling tanong niya. “Ano sa tingin mo ang dahilan, Chris? Ano ang maaaring maging dahilan ng isang lalaki para lansihin ang isang babae nang sa gayon ay madala niya ito sa isang pribadong lugar nang sila lang?” Hindi siya sumagot. Umawang ang bibig niya dahil sa naisip na sagot sa tanong nito. “O, iba na naman `yang iniisip mo…” nangingiting sabi nito. “Dinala ko kayo rito para makasama ko kayong dalawa nang solo, magkakilala tayong mabuti, para…” Bumuntong-hininga ito. “Okay, I’ll get straight to the point. Sinabi ko naman nang attracted ako sa `yo, `di ba? And I knew the feeling is mutual. Hindi tayo committed sa iba so I figure, why don’t we give ourselves a chance?” “Masyado kang conceited, Mr. Model. Paano ka naman nakasiguro na attracted nga ako sa iyo?” she teased. Hindi na niya napigilan ang tuluyang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya. Nangislap ang mga mata nito. Hindi na nito kailangan ng karagdagan pang mga salita. Nagkaintindihan na sila sa simpleng ngiti niya. Hahayaan na nila ang sarili na kilalanin ang isa’t isa sa mas malalim na aspeto. Tinanggap na niya ang kanina pa nakalahad na mga bulaklak. “Would you like to dare me to prove to you I’m telling the truth?” Namimilyo na naman ang ngiti nito na parang may binabalak na kung anong kapilyuhan. Iningusan niya ito. “Dare you? Well, Mr. Model, ang masasabi ko lang, don’t you dare!” Sabay pa silang humalakhak. Tama lang siguro ang pasya niya na bigyan niya ito ng pagkakataon na patunayang nagsasabi ito ng totoo sa kanya.   NAGISING si Christine sa magaan na haplos sa kanyang mukha. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sofa pagkatapos niyang patulugin si Daphne sa crib na inilabas niya sa sala kanina. Malakas ang ulan kaya hindi niya maipasyal ang kanyang anak sa dalampasigan. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang humahaplos sa mukha niya dahil pamilyar na siya sa amoy nito at sa pamilyar na kabog ng dibdib niya tuwing nasa malapit ito. Dahan-dahang nagmulat siya ng mga mata. Inaasahan na niya na ang mabubungaran ay ang guwapong mukha nito subalit hindi pa rin niya napigilang lihim na mapasinghap nang tunghayan niya ang nakangiting mukha nito. “Xander…” Lalo yata siyang hindi napalagay nang mapagtanto niyang halos magkadikit na sila sa upuan. “Hi, ginising talaga kita. Nagluto kasi ako ng merienda at masarap iyong kainin kapag mainit pa lalo at umuulan sa labas.” Iminuwestra nito ang mesita. Nakapating doon ang isang mangkok ng umuusok pang sopas. Kaya pala bukod sa mabangong amoy ng binata ay nakakaamoy rin siya ng mabangong lutuin. Kinuha ng binata ang tray na kinalalagyan ng mangkok at ipinatong sa hita nito. “Si Kuya Vlad ang talagang magaling magluto sa aming dalawa kaya kinakabahan ako kung magugustuhan mo ito. Well, I hope, magustuhan mo nga…” Kumutsara ito doon, marahang hinipan, pagkatapos ay iniumang sa bibig niya ang kutsara. “Here, tikman mo nga…” Tinangka niyang kunin ang kutsara mula sa kamay nito. “A-ako na…” naiilang na wika niya. “Christine…” masuyong saway nito sa kanya. Hindi nito ibinigay sa kanya ang kutsara. “Sige na, tikman mo at husgahan ang luto ko. Binabalaan kita, huwag na  huwag mong pupulaan ito kung hindi…” Tinapunan siya nito ng nagbababalang tingin. Tumaas ang isang sulok ng mga labi niya dahil sa pinipigilang ngiti. “Bakit, ano’ng gagawin mo kung pangit ang maging komento ko, ha?” “Bakit ko sasabihin? Mas gusto ko na gagawin ko na lang…” anito sabay sulyap sa mga labi niya. Umabot yata hanggang anit ang pag-iinit ng mga pisngi niya nang maisip kung ano ang nais nitong ipahiwatig.      Natatawang inilapag nito ang tray sa mesita. “You’re blushing…” panunukso nito habang ang mga mata ay nangingislap sa pagkaaliw. Bahagya pa itong umisod palapit sa kanya kaya halos magdikit na ang kanilang mga katawan. “Alexander!” saway niya rito. “What?” pagmamaang-maangan nito. Damn it, Alexander! Itigil mo `yang kakangiti mo bago pa masira ang rib cage ko dahil sa nagwawala kong puso! “Ah, life! Hindi ko alam na posible palang maging ganito kasaya…” mahinang wika nito bago ito sumandal sa backrest ng sofa. Pumikit ito kaya malaya niya itong napagmasdan. Payapang-payapa ang hitsura nito at kahit nakapikit ay mababakas pa rin ang kakaibang kasiyahan sa mukha nito. Nagulat siya sa sunod na ginawa nito. Humiga ito sa sofa at umunan sa kandungan niya. Napaawang na lang ang mga labi niya nang kunin nito ang kamay niya, pagsalikupin ang mga daliri nila at ipatong sa dibdib nito.                 “I’ve been living with a shadow overhead; I’ve been sleeping with a cloud above my bed. I’ve been lonely for so long. Trapped in the past I just can’t seem to moved on…” pagkanta nito. Namamanghang tiningnan niya ito. Akalain ba niya na may itinatago pala itong magandang boses. Bakit parang hindi iyon alam ng publiko? Nagmulat ito ng mga mata. Sinalubong niya ang tingin nito. Hindi niya itinago ang kanyang ngiti. Ngumiti rin ito. “Come on, sing with me…” wika nito pagkatapos hagkan ang kamay niya. Sinabayan nga niya ito sa pagkanta. “I’ve been hiding all my hopes and dreams away just in case I ever need them again someday. I’ve been setting aside time to clear a little space in the corners of my mind…All I want to do is find a way back into love. I can’t make it through without a way back into love. Oh-oh-oh…”    MAGANDA ang panahon dahil hindi mainit at maaliwalas ang simoy ng hangin. Nasa dalampasigan si Christine kasama sina Alexander at Daphne. Low tide nang mga oras na iyon. Binabaybay nila ang bahaging walang tubig. Nakaupo si Daphne sa mga balikat ni Alexander habang siya ay bitbit ang mga tsinelas nila. Ang mga naiiwang bakas ng mga paa nila sa buhanginan ay maihahalintulad sa naiiwang bakas sa puso niya ng bawat oras na magkasama sila ni Alexander. Katulad na lang nang mga oras na iyon na para silang isang buong pamilya. Kung sana lang higit pa sa attraction ang nararamdaman nito para sa kanya. Dahil siya ay higit pa roon ang nararamdaman para dito. Hindi niya alam kung kailan siya nagsimulang mahalin ito pero importante pa ba iyon? Dati ay tulad lang siya ng mommy niya na humahanga sa magkapatid na Mondragon, pero mula nang makita at makilala niya ito nang mabuti, ginising nito ang natutulog niyang puso. Kumakabog ang dibdib niya tuwing nagkakalapit sila at palagi itong laman ng isip niya. “Christine?” untag nito sa kanya. “Ha?” Iyon ang nagpabalik ng diwa niya rito. “`Sabi ko, bumalik na tayo sa bahay. Mukhang inaantok na si Daphne.” Noon lang niya napansin na wala na sa mga balikat ng binata ang anak niya. Karga na ito ni Alexander sa harap. Nakayukyok na ang ulo ni Daphne sa balikat ng binata. “Sige.” Napapitlag siya nang akbayan siya nito. “Relax,” mahinang wika nito. He drew her closer to him. Lalo siyang natensiyon nang hagkan nito ang ulo niya. “Xander…” Hindi ito umimik. Sa huli ay hinayaan niya ang sarili na mag-relax katulad ng sinabi nito.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD