Chapter 2

637 Words
MAKISIG na rumarampa si Alexander sa catwalk habang sinusundan at tinututukan siya ng spotlight. Suot niya ang latest business suit creation ng tanyag na fashion designer na si Tally Lee ng Tally Lee House and Creations. Nasa Spain sila at last leg iyon ng European Catwalk Invasion nila. Gaya ng dati, nabigyan niya ng justice ang damit na kanyang iminomodelo. Mababakas ang paghanga sa bawat mukha ng mga nanonood sa fashion show habang pumapalakpak. He was Alexander Mondragon, one of the most sought-after international supermodel. Tubong-Naujan, Oriental Mindoro siya. His brother Captain Vladimir Mondragon is also a celebrity in his own right. Galing sila sa hirap at parehong magsasaka ang mga magulang nila. Teenager pa lang sila nang mamatay sa isang jeepney accident ang kanilang mga magulang at nag-iisang kapatid na babae. Sa tulong ng isang nongovernment organization—ang Valencia Foundation—naipagpatuloy nila ni Vladimir ang pag-aaral nila. Vladimir found his calling at the Philippine Army while he tried his luck at the modeling world. Nagsikap siya nang husto at pinatunayan ang galing niya para mapansin siya ng bigwigs sa larangan ng fashion at modeling. Patience and professionalism was the key to his success.Sa ngayon, tinatamasa na niya ang bunga ng paghihirap niya. He had created a name for himself. Kahanay na niya ang mga sikat na supermodels. At ngayon nga ay siya ang gumawa ng closing walk bago lumabas si Tally Lee. It was always an overwhelming feeling for him to do the closing walk. Pero nang mga sandaling iyon ay okupado ang isip niya ng pag-uwi niya sa Pilipinas. Home. Philippines. Pakiramdam ni Alexander, isa iyong magic word na kayang mag-alis ng ano mang nagpapabigat sa kanyang dibdib. He felt restless physically and mentally, a feeling he never knew existed. Nagsimula iyon nang ikasal ang nag-iisang kapatid niya kay Bainisah at ikasal naman ang kaibigan niyang si Patrice kay Ezekiel. Tila palaging mabigat ang dibdib niya. There was a certain emptiness that was creeping his heart. As if he was missing something important in his life. Kaya heto siya ngayon, hindi lang ito basta closing walk para sa kanya kundi ito na marahil ang huling pagrampa niya sa international runway. Tapos na ang kontrata niya sa sikat na modeling agency, ang Elite. Hindi iilang beses na kinausap siya ng big bosses ng Elite para i-renew niya ang kanyang kontrata. He was offered a sumptuous amount of money for another contract. Pero sa ngayon, hindi niya kailangan ang malaking talent fee o ang kasikatang kaakibat ng pagiging supermodel. All he wanted was to rest. He so wanted to go home. He wanted to go back to the Philippines where he knew his heart belongs. At hindi lang siya magbabakasyon sa Pilipinas, gusto na niyang manatili roon for good. Sobra-sobra ang perang kinita niya mula sa pagmomodelo para mabuhay siya nang marangya kahit hindi na siya magtrabaho. Pero hindi maipagkakaila na malaking parte ng buhay niya ang modeling world. At kahit paano, nakakaramdam siya ng lungkot sa nalalapit na maagang pagreretiro. Nagsitayuan ang audience nang lumabas na si Tally Lee. Tapos na ang palabas. Ngumiti siya nang matipid habang marahang pumapalakpak. Bahagyang nagyuko ng ulo si Alexander bilang pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng modeling world. He tried to control his emotion. Sinamantala niya ang pagyuko para pigilin ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Ilang beses siyang kumurap-kurap at huminga nang malalim para pagluwagin ang damdamin. Huli siyang umiyak nang maulila sila ni Vladimir. Salamat sa pagtanggap sa akin… No good-byes, only farewells… aniya sa kanyang isip. Tomorrow a new chapter of his life will unfold.  Iiwan na niya ang catwalk bagaman hindi siya sigurado kung pangmatagalan na iyon dahil sa ngayon, ang gusto lang muna niyang gawin ay umuwi ng Pilipinas nang hindi siya magbabakasyon lang at nakatali sa isang kontrata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD